Share

TO ALL MY READERS AND SUPPORTERS!

Hello! iamblitzz here.

First of all, gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng ganitong talento. Kung hindi dahil sa Kanya, wala sana ako dito sa Goodnovel. Second, gusto kong magpasalamat kay Goodnovel dahil nabigyan ako ng opportunities na ipakita ang talento ko at kahit papaano ay kumita. Pangatlo, sa inyo pong mga readers ko at supporters. Kung hindi dahil sa inyo, kung hindi niyo tinatangkilik ang mga kwento ko lalo na itong HIS VILE CRAVING, wala ako rito ngayon.

Hindi po ganun kalaki ang kinikita naming mga non-exclusive writer kapag kami ay nagsusulat kaya bukod po sa pagsusulat ay nagtatrabaho rin po ako. Isa po akong ina na may responsibilidad kaya't sa mga nagbabasa po ng BEHIND THE BLINDFOLD, humihingi po ako ng mahabang pasensya kung hindi ako palaging nakakapag-update. Ginagawa ko naman po ang aking makakaya lalo na sa pagsusulat kapag ako ay may libreng oras. Sa mga working mom po na tulad ko, alam naman po natin na pag-uwi sa bahay mula trabaho ay hindi pa roon natatapos ang pagiging isang ina. Kaya sa lahat ng working mom at parents, saludo po ako sa inyo.

Maraming salamat po sa Gems, Comments, and ratings. Lubos po akong nagagalak. Ang hiling ko lang po ay sana suportahan niyo pa rin ang mga isusulat kong istorya pagdating ng panahon. Wag din po sana kayong magsasawa na tangkilikin ang Goodnovel dahil marami po itong natutulungan na kapwa ko writer. Sa Goodnovel lang po nabigyang-pansin ang kakayahan ko. Sila po ang unang tumanggap sa akin bilang paid writer kaya sobrang grateful ako.

Hanggang sa muli mahal kong mambabasa,

—IAMBLITZZ

Mga Comments (64)
goodnovel comment avatar
Arlet Casimiro
His vile craving po talagang masasabi qng maganda ang story po talagang pinag ipunan q ng points para mahaba ang mabasa q.. Kaya ganun din d2 s nagiipon din aq ng points para mahaba din ang mabasa q mas maganda n d2 aq mabz kysa iba salamat po Ms. Author
goodnovel comment avatar
Monatskii Xtra
pa update pls
goodnovel comment avatar
Joan Cabrera
update please po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status