Share

240 - dark secret

Author: 4stratcats
last update publish date: 2026-04-26 21:18:44

Hindi malaman ni Nova kung ano'ng palusot ang gagawin para lang hindi magawa ang DNA test. O, kung may panahon pa siya para gumawa ng dahilan para tumanggi.

"Nag-schedule na ako ng appointment para sa paternity test. It will be three days from now," pahayag ni Morgan at tumayo na.

"O-okay," wala siyang nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon na muna. Wala siyang mahingan ng tulong dahil siya lang naman ang nakakaalam na hindi anak ni Morgan ang bata.

Hindi rin pwedeng ipaalam niya kay Vettyna,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Marissa Ranola
mga gahaman pla mga asawa
goodnovel comment avatar
Rebecca Brown
My mga evidence na di pa makulong
goodnovel comment avatar
Rebecca Brown
Bat di pa makulong yang nova corie eleonor at dk?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   240 - dark secret

    Hindi malaman ni Nova kung ano'ng palusot ang gagawin para lang hindi magawa ang DNA test. O, kung may panahon pa siya para gumawa ng dahilan para tumanggi."Nag-schedule na ako ng appointment para sa paternity test. It will be three days from now," pahayag ni Morgan at tumayo na."O-okay," wala siyang nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon na muna. Wala siyang mahingan ng tulong dahil siya lang naman ang nakakaalam na hindi anak ni Morgan ang bata.Hindi rin pwedeng ipaalam niya kay Vettyna, lalo siyang malalagay sa alanganin dahil sa reputasyon ng lalaking nakabuntis sa kaniya.Pagkatapos kumain ay sumaglit siya sa kwarto ni Philip habang naglalaro ang bata sa playroom. Nakahilata siya sa kama at nag-iisip ng paraan. Nang bigla niyang maalala ang impormasyong nalaman niya noong huling may diskusyon doon sa Armadda Territory.Napangisi si Nova. Alam na niya kung paano lusutan ang DNA test. Masigla siyang bumangon at pinuntahan ang biyenan sa kwarto nito."Ano'ng kailangan mo?" pasik

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   239 - the scheme

    "A-ano'ng negative?" tarantang bulalas ni Nova at hinablot ang dokumentong hawak ni Vettyna. "Paano? Akala ko ba gumawa ka ng paraan?""Itago mo iyan, tatawagan ko ang kakilala ko sa clinic. Itatanong ko kung ano'ng nangyari." Kinapa ng dalaga ang cellphone. "Buti na lang hindi si Martha ang nakatanggap niyan kung hindi lagot tayo."Halos tupiin ni Nova ang dokumento para lang maitago. Sumunod siya kay Vettyna patungo sa loob ng drawing room. Kauupo lamang niya sa couch nang tumunog naman ang cellphone niya."Tumawag si Morgan!" kabado niyang sabi.Sumenyas lang si Vettyna na sagutin niya habang hinihintay nitong makapasok ang tawag nito sa clinic.Tumayo si Nova at nagtungo sa kabilang sulok. "Hello, Morgan?""Libre ka ba bukas? Gusto kang kausapin ni Grandma.""Sige, pupunta ako." Agap niya. Baka pag-uusapan ang tungkol sa kasal nila. Natunaw ang kaba at ligalig sa puso niya."See you then.""Okay." Napangiti siya at hinaplos ang tiyan. Lalambot din si Morgan at mamahalin siya nito

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   238 - negative

    Three days na siyang nakabalik sa bahay ng mga Villegas pero ramdam ni Nova na kakaiba pa rin ang trato sa kaniya ng buong mag-anak maliban lang kay Vettyna. Tuwing nakikita siya ng mga ito'y agad nag-iiba ang expression.Di bale na, bukas, darating na ang resulta ng DNA test. Kailangan niyang habaan ang pasensya."Pag-usapan natin ang tungkol sa pagbubuntis mo," komento ni Martha habang nasa hapagkainan sila at nag-aagahan.Hindi nakahuma si Nova. She haven't even had time to figure out how to settle the pregnancy with Morgan. Ayaw pa rin kasing tanggapin ng lalaki ang bata."If you are pregnant with your brother-in-law's child, kahihiyan iyan ng buong pamilya," pahayag ni Nathasia.Pakiramdam ni Nova ay sa panig na naman ni Yelena mapupunta ang advantage ng usapan. Gigil na sinulyapan niya ang babaeng patay-malisya na kumakain at tila walang naririnig."I was confused for a while, but now I know that I have done something wrong, from now on, I will definitely be a new person......"

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   237 - turning the tables around

    Kagigising lamang ni Yelena at binulabog siya ng balitang nababasa sa newsfeed ng kaniyang account. Sabog din ang inbox niya sa message requests mula sa mga taong humihingi ng paumanhin.Ginimbal kasi ang social media at mg news outlets matapos pakawalan ng Le Cadran public information office ang mga katibayang nakalap tungkol sa epekto ng gamot na ginawa ni Yelena. Kasabay ng release statement ng laboratory ay pinost din ng law firm ni Yaale ang affidavit ng tatlong witness na lumapit sa abogada, bukod pa roon ay naglabas din ng saksi at medical records ang Cuntis Corporation sa limang empleyado ng kompanya na may mga sakit at kasalukuyang under medication ng cancer drug. Sa isang gabi lang ay bumaliktad na ang sitwasyon. Ang Armadda at DK Pharma ang nalagay sa sentro ng bashing at husga ng mga tao. Sinugod ng taga-media ang hospital kung saan naka-confine ang sinasabing mga pasyenteng napasok sa ICU, kasama ng alagad ng batas na may mga dokumento galing sa korte, inutos ng otoridad

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   236 - the trap

    Nakarating ng Pagoda si Argus. Dumaan siya ng police station at inabutan ang pagpapalaya kay Nova mula sa detention. Naroon sina Victor at Vettyna. Hindi na siya bumaba ng sasakyan at nakamasid lamang mula sa parking area."Boss, nasa mansion na raw si Doc Yena," sabi ni Rolly matapos basahin ang message ng look-out bodyguards ni Yelena. "Tumuloy na tayo roon," utos niya at isinuot na muli ang dark eyeglasses. "Rolly, i-notify mo mamaya si Dr. Robin, tell him to turn in the evidence later tonight and send instructions to PR department to coordinate with the mainstream media for preliminary news. Gusto kong makita bukas sa newspaper at sa live broadcast.""Areglado, Boss." -Positive ang result ng DNA!-Binasa ni Argus ang chat ng asawa. Sa emoticon pa lang na naka-attach sa message ay ramdam niya ang ligaya nito. Napangiti ang lalaki at nag-reply.-The Villegas must be very delighted to have found their youngest princess. Mukhang madadagdagan ang magiging kaagaw ko sa iyo, hindi na l

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   235 - emotional reunion

    Siguro, sa dami ng sakit at pang-aalipustang natanggap ni Yelena sa nakaraan kaya naging manhid siya at hindi na masyadong apektado sa mga nababasang pang-babash sa social media. Ayaw niyang mag-invest ng emosyon sa mga bagay na wala naman siyang mapapala. "Stop reading those comments, mai-stress ka lang," awat ni Jeremy. Lulan sila ng sasakyan nito patungong Pagoda Valley. Naisip lang naman niyang silipin ang mga komento ng netizens ukol sa palpak daw na cancer medicine na ginawa niya. "I'm fine, words can't kill me. I learned to play their game. By the way, pwede ko ba imbitahin si Yaale sa mansion?" Tumingin sa kaniya ang kapatid. "Of course, your friend is a family friend. Mas okay rin iyon para ma-settle ang problema nilang dalawa ni Mark. Si Vettyna yata ang gumawa ng kalokohan noon para magkahiwalay sila."Masiglang tumango si Yelena at magiliw na ngumiti. "Thank you, Jeremy."May usapan sila ni Yaale na sa susunod na araw ay ipo-post nito ang affidavit ng tatlong suppose wi

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   136 - compromise

    Pakiramdam ni Yelena ay bibigay na ang utak niya dahil sa pagod. Pero nang mahiga siya ay hindi naman siya makatulog. Kaya bumangon na lamang siya at lumabas ng kwarto. Si Argus ay nasa working station at may ginagawa. Malapit lang sa kusina ang area na iyon."Kukunin ko lang sa kabilang bahay ang l

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   130 - getting by

    "May trabaho ako sa hospital bukas, papagurin mo na naman ako." Itinulak ni Yelena si Argus at isinubo sa lalaki ang isang pirasong strawberry. "Mag-strawberry ka na lang muna ha?" Tumayo siya. Pero hinawakan siya ng lalaki sa siko at hinatak paupo sa kandungan nito."But I like your strawberry, mas

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   133 - rescued

    Morgan's tall and sturdy build was shaken, his throat rolled and he almost lost his voice. For a while, nakatitig lamang siya sa cellphone na nasa pavement, wondering kung nasa loob ba siya ng isang bangungot. "Sir Morgan," boses ni Brando na nagpabalik kay Morgan sa wesyo.Muli niyang dinampot ang

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   135 - limitations

    Pagdating ng bahay ay hinayaan ni Argus na makapagpahinga si Yelena at na-appreciate iyon ng doktora. Hindi kasi niya alam kung ano ang unang ikukuwento sa lalaki. Parang nagkabuhol-buhol ang ganap. Kailangan muna niyang himayin ang isip. Pagod na pagod siya.Pero nakaligtaan niya ang isang bagay. A

    last updateLast Updated : 2026-03-29
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status