LOGINSa ikatlong taon ng kanyang kasal kay Morgan Cuntis, natuklasan ni Yelena kung sino ang tunay na minamahal ng asawa niya. Ang hipag nito, asawa ng yumao nitong kapatid na si Morris. Habang nasa gitna ng pagluluksa ang pamilya ay sumiklab ang gulo at walang pakialam ang lalaki basta’t maipagtanggol lang si Nova, sukdulang siya ang mabastos at masaktan. Tanggap naman ni Yelena ang dahilan ng pagpapakasal sa kaniya ni Morgan. Walang pagmamahal na nagbibigkis sa kanila. Napilitan lang itong pakisamahan siya dahil sa lahat ng babaeng pinagpipilian ng pamilya nito, siya ang masasabing matalino at masunuring manugang. Sa pagtatapos ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, patutunayan niyang hindi siya ang luluhod at magmakaawa. Babangon siya at magtatagumpay dahil nasa likod niya ang lalaking batas ang bawat salita at buhay ang katumbas ng bawat pagkakamali. Si Argus Armadda. Top Boss ng LE CADRAN PH. Isang Business empire na nagko-kontrol sa economic movers ng bansa at may sapat na kapangyarihang dumurog ng kalaban sa isang kisap lang ng mata. Mabubuo ba ang matibay na pagmamahalan sa pagitan nila kung unang mahuhubog ang obsession ni Argus kay Yelena?
View MoreTatlong taon ng pagiging mag-asawa nila ay mistulang alikabok na hindi na mahagilap ni Yelena ang halaga. Kaya matapos mamatay ang panganay na kapatid ni Morgan, naglakas-loob siyang mag-file ng annulment. Gusto niyang lumaya, sa kabila ng mga pangamba sa posibleng epekto ng desisyon niya sa buong pamilya at sa mismong sarili niya, dahil aaminin man niya o hindi, minahal niya nang buong puso ang asawa.
"Ano ito?" Sumimangot si Morgan, nakarehistro sa mga mata ang gulat. "Dahil lamang hinarang ko ang sampal mo para kay Nova?" angil ng lalaking hindi makapaniwala.
Tuwing binabanggit nito ang pangalan ng hipag, naroon ang pagsuyo na hindi niya madama kapag pangalan niya ang sinasambit ng lalaki.
Hinamig ni Yelena ang sarili at malamig na sumagot, "Oo, dahil sa ilang beses mong pagtatanggol sa kaniya. Pinagmumukha mo akong kawawa, Morgan. Ako ang asawa mo at hipag mo lang si Nova. Pero nasaan ba ang simpatiya mo? Hindi ko na hihintaying sabihin mong umalis ako dahil mas importante sa iyo ang asawa ng kapatid mo.”
Iniwas ng lalaki ang mukha. Naiwan pa ang bakat ng palad niya sa pisngi nito. Parang dumi sa gwapo nitong mukha. He became a knight with losing armor. How cheap. Pumapayag na tamaan ng sampal niya para lang protektahan si Nova. Nagulat din naman ang pamilya nito, gaya niya. Pero nakakatawa. Kung hindi dahil sa bakat ng palad niya sa mukha nito, hindi siya magkakaroon ng sapat na tapang upang magpasya na palayain na ang sarili sa tanikala ng kanilang kasal, kahit ang kapalit niyon ay pagkadurog ng puso niya.
Masakit magmahal. Literal na itinuro iyon sa kaniya ni Morgan.
Three days ago...
Wedding anniversary nila ni Morgan. Naghanda si Yelena ng sorpresa para sa asawa. Naglakbay pa siya at pinuntahan ang negosyanteng kinomisyon niya para gumawa ng customized pocket watch. Hinatid niya iyon sa Baguio kung saan may business trip si Morgan. Pero sa halip na magiging memorable ang araw na iyon para sa kaniya'y inubos siya ng sakit at pagkawasak pagkatapos marinig ang pakikipag-usap nito sa mga kaibigan.
"Morgan, bakit ba tuwing wedding anniversary ninyo ni Yelena ay nagtatago ka? Ako na ang naaawa sa asawa mo. Tapat siya at mabuting babae, bigyan mo naman ng konsiderasyon ang kaniyang effort para mapasaya ka."
"Sa palagay mo ba gusto ko?" May bahid ng guilt sa tono ng lalaki. "Kung hindi ko ito gagawin, hindi siya maniniwala na hanggang ngayon ay hindi ko ginagalaw si Yelena. Na walang nangyari sa amin ng asawa ko."
Napalunok si Yelena habang tahimik na nakikinig mula sa kaniyang kinatatayuan. Hindi mapapansin kahit anino niya dahil malikot ang liwanag ng ilaw bagamat mahina at subtle lang ang musika.
"Siya? Si Nova ba ang tinutukoy mo?" Halos violent ang naging reaction ng mga kaibigan ni Morgan, partikular na si Mark. Pati ang kumakanta sa song box ay natigil dahil sa narinig. "Seryoso ka? Si Nova ba ang tinutukoy mo? Bakit? Ano'ng problema niya kung gagalawin mo si Yelena, eh, asawa mo iyon? May sira ka na sa utak, Morgan. Nanganak na 'yong hipag mo, pero hindi mo pa rin siya mapakawalan? Naintindihan kong first love mo si Nova at mahirap siyang kalimutan, pero si Yelena ang pinili mong pakasalan. Bigyan mo naman ng kunting respeto ang asawa mo!" May bakas ng inis sa boses ni Mark. "Isa pa, masyado mo nang binu-bully si Yelena. Mamaya niyan babalikan ka ni Argus."
"He won't and he can't." Piniga ni Morgan ang mga kamay. "Wedding of the decade kung ituring ang kasal namin ni Yelena. Walang magtatangkang guluhin kami, kahit si Argus pa. Besides, matagal nang blocked sa lahat ng communication outlet ng socmed ang taong iyon. For three years, wala siyang update sa naging buhay namin ng asawa ko."
Umatras na palayo si Yelena. Sapat na ang kaniyang narinig. Alam naman niya noon pa na may girlfriend si Morgan nang ikasal sila. Pero walang nagsabi sa kaniya kung sino ang babae. May kutob siya pero hindi rin niya makompirma. Hindi lang niya inaasahan na si Nova pala. Kapatid pa man din ang turing niya sa babae. Sa loob ng tatlong taon hindi niya ito pinag-iisipan ng masama. Nahihiya siya para sa sarili niyang katangahan.
Mag-isa siyang bumiyahe pauwi ng Maharlika Valley. Sa bigat ng loob ay nagpaulan siya patungo sa mansion, inisip na gaya lang ng mantsa ang sugat sa puso niya. Kapag binanlawan ay maglalaho. Basang-basa siya hanggang sa nilagnat tuloy siya na nagtagal ng dalawang araw. Noon dumating ang balitang naaksidente si Morris, nakatatandang kapatid ni Morgan at asawa ni Nova.
Sa Maharlika Valley ginanap ang burol at funeral ng lalaki. Dalawa hanggang tatlong oras lamang ang pahinga ni Yelena habang nagsisilbi sa burol. Matapos ilibing si Morris, pakiramdam niya ay malapit na rin siyang sumunod dito sa hukay dahil bumibigay na ang kaniyang resistensiya.
"Mang Carlos, doon tayo sa bahay," aniya sa diver pagkapasok sa loob ng sasakyan.
"Hindi ka uuwi ng Espace Elegance?" tanong ni Mang Carlos.
"Hindi po."
Tapos na ang libing pero tingin niya ay hindi pa tapos gumawa ng gulo ang mga Cuntis. Si Morris ang panganay na anak at apo, lumaki itong hawak ang ningning ng buwan at mga bituin. Ang hindi inaasahang pagpanaw nito ay nag-ugat sa kakulitan ni Nova sa extreme sports. Pinilit nitong mag-skydive si Morris pero disgrasyang napigtas ang harness kaya nahulog ang lalaki na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Noong dinala naman ito sa hospital, hindi rin agad naasikaso. Ang galit ng pamilya kay Nova ay wala pa sa sukdulan. Ayaw niyang makitang ipagtatanggol na naman ng asawa niya ang babaeng iyon.
Umuusad na ang sasakyan nang bigla silang harangin ni Morgan, Binuksan nito ang pinto at pumasok. Pure blacksuit, ang suot ng lalaki. Matangkad ito at slender built, ang gwapong mukha ay kababakasan ng pagiging masungit. Pero noon lagi niyang hinahanap-hanap ang mukhang iyon.
"Ready to go home?" tanong nito.
Tumango lang siya at itinapon ang paningin sa labas ng bintana. Hindi na siya nag-abalang tingnan itong muli dahil nasa tabi na nito sina Nova at Philip, ang anak ni Morris na apat na taong gulang pa lamang.
Histerikal na muling binalingan ni Nova ang driver pero hindi siya nito pinansin. Personal na tauhan ni Jeremy ang taong ito at kahit ano'ng ipapangako niya ay hindi niya ito mabibili. Tulad ni Jeremy, lahat ng mga tauhan nito ay may prinsipyo at hindi basta-basta bumibigay sa anumang pressure o nasisilaw sa yaman. Sa pagkakataong iyon ay nasaksihan ni Nova ang prinsipyong 'yon hanggang dulo.Mabagal na huminto sa gilid ng daan ang sasakyan at saka lamang napansin ng babae na may apat pang kotse na escort nila para tiyakin na hindi siya tatakas.Mariing kinagat ni Nova ang ibabang labi. Pinaghandaan ni Jeremy ang paghahatid sa kaniya sa tahanan ng mga Madrigal. Kahit magpatayan pa sila ng driver, hindi siya makatatakbo.Napansin ng driver ang takot sa mukha niya. "Ms. Cuntis, kung hindi ka makikipagtulungan, tatawagan ko na si Sir Jeremy o kaya si Mr. Renato Madrigal para personal kang sunduin dito. Kilala mo naman siguro si Mr. Madrigal, diba? Sa totoo lang, angat ka na kung mapapa
Abala at maingay ang superhighway. Napapagod ang mga mata ni Nova kaya pumikit muna siya at isinandal ang ulo sa headrest. Isang driver lang ang inayos ni Jeremy para ihatid siya. Ayos lang iyon, kahit mas gusto sana niyang samahan siya ng lalaki para makita ni Morgan na nasa ilalim talaga siya ng proteksiyon ng mga Villegas.Pero wala na siyang pakialam. Ang importante matuloy ang kasal niya kay Morgan. Bahagyang napangiti ang babae nang may matanto.Hindi naman talaga pinapahalagahan ng pamilya si Yelena, ang anak na matagal nang nawawala. Nitong mga nakaraang taon, grabe ang pang-aapi niya sa babae, pero wala man lang pakialam ang mga Villegas ngayon. Kung may ideya na ang mga ito, dapat pinaparusahan na siya.Humikab siya at dumilat. Sumulyap sa labas ng bintana ng kotse, bigla niyang napansin na ibang rota ang binabagtas ng sasakyan."Mali ba ang dinaanan mo? Kung hindi mo alam ang daan, gumamit ka ng navigation." Hindi niya tinnignan ng driver.Hindi ito nagsalita, basta nagman
Sa Capital King, naramdaman nina Martha at Jeremy na may mali pagkapasok pa lang nila ng lobby."Nasaan si Mommy?" tanong ni Jeremy sa kasambahay na nadatnan nilang nag-aayos ng mga silya sa may bulwagan."Nasa hospital po si Madam, Sir. Bigla po kasi siyang nahimatay kanina,"mabilis na sagot ng katulong."Anong ospital?" sabat ni Martha na nag-aalala."Ano'ng nangyari?" usisa ni Jeremy sa dalawa pang katulong. "Nag-away ba sina Mom at Dad?""Hindi naman po, hindi namin narinig na nagtalo sila."Pero hindi kumbinsido si Jeremy. Malaki na ang improvement ng kalusugan ni Nathasia nitong mga nakaraang linggo. Hindi na nga nito ginamit pa ang wheelchair dahil lumalakas na ang mga binti nito. Imposibleng basta na lang itong hihimatayin nang walang malalim na dahilan."Then what happen?" pakli ni Martha.Naisip din ng babae na baka si Vettyna ang dahilan. Noong isang gabi ay nagkasagutan sina Vic at Nathasia habang nasa hapag at kumakain. Siyempre ang paksa na naman ng mag-asawa ay si Vett
Nang sumunod na mga araw ay nanatili muna sa bahay si Yelena para mabawi ang kaniyang lakas at paghandaan ang due date niya. Argus is also working at home. Sa bahay lang din nito ina-accommodate ang meetings at kung may outside commitment ay nagpapadala na lamang ito ng kinatawan.Nang umagang iyon, pagkatapos mag-almusal ay napag-usapan nila ang status ng kaso na isasampa laban kay George at Matthew. Pero hindi inasahan ni Yelena na naghahanda na rin ang legal team ni Argus para sa murder case na isasampa naman laban kay Eleanor."Para ba iyan sa foster parents ko?" tanong niya sa asawa.Tumango ang lalaki. "This is long overdue. Bukod sa akin, matindi ang ginawa niya sa foster parents mo." Dahan-dahang naglakad si Argus papunta sa bar at nagsalin ng maiinom. "The death of your parents was her revenge for George's sake. Naghiganti si Eleanor dahil sa pagkakukulong ni George noon. Ginamit niya ang kapangyarihang iniwan sa kaniya ni Lolo para mapabagsak ang mga taong hadlang sa plano n
Gumaan ang dibdib ni Yelena kahit pansamantala lamang na makukulong si Nova. Kahit papaano ay mananahimik ang babaeng iyon ng ilang araw. Payapa siyang sumama kina Argus at Lola Ale sa studio kung saan naka-kontrata ang portrait na gustong ipagawa ng lola. "Dito tayo, dali!" sabik na inakay siya n
Pagkatapos ng hapunan ay hinayaan nilang dalawa ni Yaale na ang apat na lalaki ang magligpit at maglinis ng kusina. Nagtungo sila sa sala at habang nakaupo roon ay dinig ang boses ni Argus na nagmamando sa tatlong mga kaibigan."Hindi naman siya tumulong, eh, panay lang ang utos," angal ni Yaale na
Sinubukan pang pigilan ni Morgan si Yelena na inakay ni Mark palabas ng villa pero pinigilan na ito ni Lito. Ang mga bantay ay hindi na rin nakialam matapos bigyan ng babala ng dalawang lalaki. Kung tutuusin ay parehas din namang kilala sa business arena ang pamilya nina Mark at Lito. Mas umangat ng
Morgan's tall and sturdy build was shaken, his throat rolled and he almost lost his voice. For a while, nakatitig lamang siya sa cellphone na nasa pavement, wondering kung nasa loob ba siya ng isang bangungot. "Sir Morgan," boses ni Brando na nagpabalik kay Morgan sa wesyo.Muli niyang dinampot ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore