เข้าสู่ระบบMuntik nang hindi mapigilan ni Mrs. Madrigal ang ngiti, kunwaring nagulat ito habang nakaawang ang bibig at tinitingnan ang asawa. "Anong gagawin natin..."Dumilim nang husto ang mukha ni Renato. Hindi na nito pinansin si Nova at direktang hinarap ang driver. "Ibig mong sabihin, hindi siya miyembro ng angkan ng mga Villegas? Kung gano'n, pakisabi kay Jeremy na... ang gusto kong pakasalan ang bunsong kapatid niya, ang tunay na Villegas.""Mr. Madrigal," sabi ng driver na pilit ang ngiti. "Huwag mo sanang iparinig kaniya." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito palabas. Pero pinigilan ito ni Renato. Hindi basta-basta papayag ang lalaki na malunod sa kahihiyan. Hindi nito pinansin ang mapangutyang tingin ng sariling pamilya."Pakiusap, pakisabi kay Jeremy, hindi ko pwedeng pakasalan si Nova!" Kapag pinakasalan nito si Nova, masisira siya.Walang matinong family background, masama ang ugali, walang utak. Isa lang itong pabigat, walang maitutulong!Muling humarap ang driver at malamig an
Histerikal na muling binalingan ni Nova ang driver pero hindi siya nito pinansin. Personal na tauhan ni Jeremy ang taong ito at kahit ano'ng ipapangako niya ay hindi niya ito mabibili. Tulad ni Jeremy, lahat ng mga tauhan nito ay may prinsipyo at hindi basta-basta bumibigay sa anumang pressure o nasisilaw sa yaman. Sa pagkakataong iyon ay nasaksihan ni Nova ang prinsipyong 'yon hanggang dulo.Mabagal na huminto sa gilid ng daan ang sasakyan at saka lamang napansin ng babae na may apat pang kotse na escort nila para tiyakin na hindi siya tatakas.Mariing kinagat ni Nova ang ibabang labi. Pinaghandaan ni Jeremy ang paghahatid sa kaniya sa tahanan ng mga Madrigal. Kahit magpatayan pa sila ng driver, hindi siya makatatakbo.Napansin ng driver ang takot sa mukha niya. "Ms. Cuntis, kung hindi ka makikipagtulungan, tatawagan ko na si Sir Jeremy o kaya si Mr. Renato Madrigal para personal kang sunduin dito. Kilala mo naman siguro si Mr. Madrigal, diba? Sa totoo lang, angat ka na kung mapapa
Abala at maingay ang superhighway. Napapagod ang mga mata ni Nova kaya pumikit muna siya at isinandal ang ulo sa headrest. Isang driver lang ang inayos ni Jeremy para ihatid siya. Ayos lang iyon, kahit mas gusto sana niyang samahan siya ng lalaki para makita ni Morgan na nasa ilalim talaga siya ng proteksiyon ng mga Villegas.Pero wala na siyang pakialam. Ang importante matuloy ang kasal niya kay Morgan. Bahagyang napangiti ang babae nang may matanto.Hindi naman talaga pinapahalagahan ng pamilya si Yelena, ang anak na matagal nang nawawala. Nitong mga nakaraang taon, grabe ang pang-aapi niya sa babae, pero wala man lang pakialam ang mga Villegas ngayon. Kung may ideya na ang mga ito, dapat pinaparusahan na siya.Humikab siya at dumilat. Sumulyap sa labas ng bintana ng kotse, bigla niyang napansin na ibang rota ang binabagtas ng sasakyan."Mali ba ang dinaanan mo? Kung hindi mo alam ang daan, gumamit ka ng navigation." Hindi niya tinnignan ng driver.Hindi ito nagsalita, basta nagman
Sa Capital King, naramdaman nina Martha at Jeremy na may mali pagkapasok pa lang nila ng lobby."Nasaan si Mommy?" tanong ni Jeremy sa kasambahay na nadatnan nilang nag-aayos ng mga silya sa may bulwagan."Nasa hospital po si Madam, Sir. Bigla po kasi siyang nahimatay kanina,"mabilis na sagot ng katulong."Anong ospital?" sabat ni Martha na nag-aalala."Ano'ng nangyari?" usisa ni Jeremy sa dalawa pang katulong. "Nag-away ba sina Mom at Dad?""Hindi naman po, hindi namin narinig na nagtalo sila."Pero hindi kumbinsido si Jeremy. Malaki na ang improvement ng kalusugan ni Nathasia nitong mga nakaraang linggo. Hindi na nga nito ginamit pa ang wheelchair dahil lumalakas na ang mga binti nito. Imposibleng basta na lang itong hihimatayin nang walang malalim na dahilan."Then what happen?" pakli ni Martha.Naisip din ng babae na baka si Vettyna ang dahilan. Noong isang gabi ay nagkasagutan sina Vic at Nathasia habang nasa hapag at kumakain. Siyempre ang paksa na naman ng mag-asawa ay si Vett
Nang sumunod na mga araw ay nanatili muna sa bahay si Yelena para mabawi ang kaniyang lakas at paghandaan ang due date niya. Argus is also working at home. Sa bahay lang din nito ina-accommodate ang meetings at kung may outside commitment ay nagpapadala na lamang ito ng kinatawan.Nang umagang iyon, pagkatapos mag-almusal ay napag-usapan nila ang status ng kaso na isasampa laban kay George at Matthew. Pero hindi inasahan ni Yelena na naghahanda na rin ang legal team ni Argus para sa murder case na isasampa naman laban kay Eleanor."Para ba iyan sa foster parents ko?" tanong niya sa asawa.Tumango ang lalaki. "This is long overdue. Bukod sa akin, matindi ang ginawa niya sa foster parents mo." Dahan-dahang naglakad si Argus papunta sa bar at nagsalin ng maiinom. "The death of your parents was her revenge for George's sake. Naghiganti si Eleanor dahil sa pagkakukulong ni George noon. Ginamit niya ang kapangyarihang iniwan sa kaniya ni Lolo para mapabagsak ang mga taong hadlang sa plano n
Nawala na ang mga alalahanin ni Yelena. Narelax ang nanginginig niyang mga kalamnan at humupa ang nerbiyos. Mabilis siyang inantok.Tulog siya buong magdamag pagkalipat niya sa suite.Kinabukasan ay dumating si Lola Ale. Taranta at halata ang matinding pag-aalala sa mukha ng matanda. Halos hindi na nito mailapag ng maayos sa table ang dalang mga pagkain at prutas."Kumusta ka na, Yena?" Dinaluhong agad nito si Yelena na katatapos lamang uminom ng gatas."Okay lang po ako, Lola.""Ano'ng nangyari roon sa mga dumukot sa iyo? Nahuli ba?""Naroon po sina Mark at Jeremy, sila na ang mag-aasikaso sa mga taong iyon. Pasensya na po kung nag-alala kayo naging pabaya po ako at nagtiwala agad.""Wala kang kasalanan, ikaw ang biktima at hindi mali ang magtiwala lalo na kung ang tiwalang iyon ay para sa ikabubuti ng iyong kapwa. Mananagot ang mga taong nagsamantala at sumira sa kabutihan ng puso mo."Kasalukuyan pa silang nagkukwentuhan ni Lola Ale nang dumating si Yaale. Almost two weeks ding wal
Gumaan ang dibdib ni Yelena kahit pansamantala lamang na makukulong si Nova. Kahit papaano ay mananahimik ang babaeng iyon ng ilang araw. Payapa siyang sumama kina Argus at Lola Ale sa studio kung saan naka-kontrata ang portrait na gustong ipagawa ng lola. "Dito tayo, dali!" sabik na inakay siya n
Pagkatapos ng hapunan ay hinayaan nilang dalawa ni Yaale na ang apat na lalaki ang magligpit at maglinis ng kusina. Nagtungo sila sa sala at habang nakaupo roon ay dinig ang boses ni Argus na nagmamando sa tatlong mga kaibigan."Hindi naman siya tumulong, eh, panay lang ang utos," angal ni Yaale na
Sinubukan pang pigilan ni Morgan si Yelena na inakay ni Mark palabas ng villa pero pinigilan na ito ni Lito. Ang mga bantay ay hindi na rin nakialam matapos bigyan ng babala ng dalawang lalaki. Kung tutuusin ay parehas din namang kilala sa business arena ang pamilya nina Mark at Lito. Mas umangat ng
Morgan's tall and sturdy build was shaken, his throat rolled and he almost lost his voice. For a while, nakatitig lamang siya sa cellphone na nasa pavement, wondering kung nasa loob ba siya ng isang bangungot. "Sir Morgan," boses ni Brando na nagpabalik kay Morgan sa wesyo.Muli niyang dinampot ang


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




