Share

CHAPTER ELEVEN: CURSED

Alaris Pov

"tumawag daw sa'yo si Chris?" napalingon ako sa aking likod ng marinig ang boses ni Keith

"uh oo hehehe" sagot ko sabay kamot sa'king batok

"ano sinabi mo?" naka ningkit niyang tanong

"sinabi ko lang na napindot ko lang ang mga missed call ko sa kaniya nu'ng may ginagawa ako" sagot ko at pinagpatuloy ang pag lakad.

pumantay siya sa'kin at sinabayan akong mag lakad

"where are you going?" 

"Lord Valmont room" maikli kong sagot at lumiko papunta sa kwarto ni Lord Valmont

bigla naman siyang nawala kaya nag patuloy ako sa pag lakad.

pag pasok ka sa pintuan ng kwarto ni Lord Valmont agad naman bumungad sa'kin ang nakakasilaw na liwanag na gawa ni Lord Valem at ni Lord Falmund

"kamusta sila? nasa Pilipinas na sila?" bungad sa'kin ni Lord Gheto

"nasa Pilipinas na po sila." magalang kong sagot

"did you tell them?" malamig na tanong ni Lord Jacynth

umiling ako at tumingin sa kaniya ng diretso

"no my Lord" sagot ko at nag lakad patungo sa gilid ng kama ni Lord Valmont

"how's Lord Valmont? Lord Valem?" i ask

"he's coping up, he's fighting. ang magagawa ko lang mapa bagal ang pag laho niya, hindi pa rin namin alam kung paano i-undo ang soul spell na galing sa espada niya" naka yukong sagot ni Lord Valem

"all i can do is to make sure his soul is inside of his body" singit ni Lord Falmund matapos tanggalin ang kamay sa noo ni Lord Valmont na ngayon ay naka higa sa kaniyang pulang malabot na kama

"we can't save Valmont without the kids especially Razael and Dean we need them" dagdag ni Lord Jacynth

napatingin ako kay Lord Valem na ngayon ay nag iisip

"it's too dangerous if they stay here." sagot ni Lord Valem

"all we can do is to do what we can, the kids are not allowed here especially Vahagn presence is all around the area. we're trap" paliwanag ni Lord Falmund

tanging tango lang ang naging tugon nila kay Lord Falmund

"by the way my Lords, here" pag putol ko sa tensyon kasabay ng pag abot ko ng isang itim na envelope kay Lord Valem

tinanggap niya ang envelope na may halong kuryusidad na naka bakat sa kaniyang mukha.

lahat ng mata ay naka tuon kay Lord Valem habang binabasa ang nakapaloob sa liham.

"it's from Lycan's wolf, the Night walker pack." saad ni Lord Valem at tiniklop ang liham

"what's inside?" tanong ni Lord Falmund

tumingin sa'kin si Lord Valem tumango lang ako sa pag sang-ayon, tumalikod ako sa kanila at lumabas ng kwarto.

ano ang laman ng liham? bakit biglang nag hatid ng sulat ang mga Lycans? 

puno na naman ng kuryusidad ang aking utak, sa loob ng Infernal Universe wala namang masama kung ang bawat nilalang na nakatira sa mundo namin ay may relasyon pero this is unusual, ang mga lobo nakikipag negosyasyon sa mga bampira isang kalokohan. isa kami sa mga nilalang na ayaw ng mga lobo, kahit kailan hindi nag karoon ng matinong pagkaka-ibigan ang lobo at bampira.

sumandal ako sa likod ng pintuan at nag isip ng mga dahilan. bakit? bakit?

sisibol na naman ba ang bagong duguang gyera?

paano pag umabot ang gyera sa loob ng mundo ng mga tao? 

paano pag natalo kami sa laban na'to?

"ALARIS!"

napa tayo ako ng tuwid ng may sumigaw sa tainga ko, lumingon ako at nakita ang naka simangot na Keith

"w-what?" nerbyos kong tanong

"kanina pa kita tinatawag, kailangan natin mag ikot" sagot niya at nag lakad

sumunod lang ako sa kaniya habang naka yuko

"huwag ka masyadong mag isip naka babawas ng ka-gwapuhan 'yan" pabiro nitong saad

ngumiti lang ako kahit alam kong hindi niya makikita dahil naka yuko ako

"anyway, kamusta ang mga Knights?" biglang tanong niya

"they're fine, hinahanda na sila if ever matuloy nga ang bloody war" naka yuko kong sagot

paano pag natuloy?

"don't think about it Alaris, we're going to win this" akbay sa'kin ni Keith

tumango lang ako at ngumiti sa kaniya

"salamat" tanging tugon ko, nginitian niya ako sabay laho  

napa- igting ang panga ko dahil sa kasanayan niya na bigla biglang mag lalaho.

nakarating ako sa labas ng mansyon at nakitang nakatayo si Vlad

"Vlad!" tawag ko, lumingon naman ito at binigyan ako ng ngiti

naka suot siya ng itim na t-shirt at slacks na itim kapares ng itim niyang sapatos.

"you're here too, mag iikot ka din?" tanong niya ng makalapit ako

"oo utos ni Keith e, kamusta ang mga KINGS?" tanong niya at tumingala

A/N:[ KINGS ang tawag ng mga bampira sa mga LORDS na nag titipon-tipon]

"they're doing their best para maligtas si Lord Valmont at mukhang hindi sapat ang kanilang ability dahil masyadong malakas ang soul spell na nasa espada ni Lord Valmont" sagot ko

"hind pa rin alam ng mga ACES?" 

A/N:[ ACES ang tawag sa mga bampira na anak ng KINGS na nag titipon-tipon o mag kasama :>]

"ayaw nila ipaalam, i want them to know kaso hindi ko magawa" sagot ko 

tumingin naman siya sa'kin ng seryoso

"they will put you to eternal sleep, you know that" seryoso niyang saad

"i know that, but it is for Lord Valmont life!" napa taas ang boses ko dala na rin ng damdamin

i don't want to lose Lord Valmont or anyone of my Lords

habang ninanamnam ang sariwang hangin na pumapagitan sa'min ni Vlad, biglang umiba ang presensiya ng paligid, bumikat ito at hindi ka aya-aya.

agad kaming naging alerto at tumingin sa paligid, nag babakasali na may makita kami, ngunit wala tanging malakas na hangin lang at isang mabigat na presensiya.

"do you hear that?" tanong ni Vlad

i open my whole ears para pakinggan ng maayos ang paligid

"someone's whispering" sagot ko

"maledicam huic loco meo magicae nigrae"

spell?

"maledicam huic loco meo magicae nigrae"

"it's in the air!" sigaw ko kay Vlad na nakatayo lang at walang ekspresyon

"VLAD!" yugyog ko sa kaniya

"maledicam huic loco meo magicae nigrae"

enemies? 

"VLAD! VLAD!" hindi siya kumikilos at walang reaksyon

d*mn it, what's happening

"KEITH!" sigaw ko at tinignan ang paligid

d*mn what's happening, binalikan ko ng tingin si Vlad wala pa rin siyang reaksyon

isang malakas lang na hangin ang nararamdaman ko, it's the wind? no?

"maledicam huic loco meo magicae nigrae"

d*mn those whisper

maledicam huic loco meo magicae nigrae?

dark spell? 

"HAHAHAHAHAH" 

napalingon ako sa likod ko ng marinig ang tawa ngunit wala akong nakita

biglang huminto ang hangin kasabay ng pag laho ng bulong.

tinignan ko si Vlad ngunit gano'n pa rin

"D*MN IT'S A CURSE!" bulyaw ko at binuhat si Vlad sa balikat ko.

pumasok ako sa loob ng mansyon dala-dala si Vlad, inupo ko siya sa sala at tumakbo sa kwarto kung nasa'n ang mga panginoon.

paano pag na apektuhan sila? we're already defeated, masasakop na ni Vahagn ang Crimson Moon.

habang papalapit ako sa kwarto tumutulo ang aking pawis kasabay ng kaba sa aking madadatnan.

tumapat ako sa pintuan at hinawakan ang door knob, napa atras ako ng maramdaman ang kakaibang presensiya, binuksan ko ito at bumungad sa'kin ang malakas na hangin at nakakasilaw na liwanag.

nang mag laho ang liwanag at kumalma ang hangin sumalubong sa'kin ang apat na KINGS

"how are you Alaris? si Keith at Vlad how are they?!" tarantang tanong ni Lord Valem

"s-si Vlad my Lord, he's.. h-he's.. i- i don't know w-what happened t-to h-him.." kabado kong sagot

kumunot ang noo nilang apat at nag tinginan

"THIS IS BAD! WE NEED TO SEE HIM RIGHT AWAY!" sigaw ni Lord Valem 

"LET"S GO!" habol niya

na hihimbang ako, bigla akong nakaramdam ng pagka hilo at sakit sa ulo.

huh? ano'ng nangyayari? 

lahat sila lumabas at naiwan ako kasama ang natutulog na Lord Valmont

"ano'ng gagawin nila kay Vlad?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pintuan na nilabasan nila

"ano naman ang nangyayari ngayon?" tanong ko sa sarili ko habang nag iisip ng tamang kasagutan.

baket parang nawala ang kalahati ng memorya ko pag pasok ko sa kwarto na'to?

asan nga ba ako?

sino sila?

sino.. ako?

"hmm" napa tingin ako sa malaking bintana na naka bukas ngayon at tanging kurtina lang ang makikita.

napa atras ako ng makita si? V-Vlad? sino nga ulit siya? V-Vlad? 

"Alaris, don't tell me you forgot about me too?" tanong niya

umiling lang ako habang nakatingin sa kaniya

"Vlad" sagot niya kasabay ng pag porme ng ngisi sa labi niya

"h-huh?"

"HAHAHAAHAHAHAH" isang mala demonyong tawa ang bumalot sa buong silid kasabay ng pag tapat ng mukha niya sa mukha ko

"Vlad's body is light and useful." bulong niya sa'kin

"say your last words to your Lord" malamig niyang saad

napatindig ako ng tayo at hindi makagalaw

his voice is familiar, saan ko nga ba narinig?

"maybe you're wondering who i am" tumingin siya sa'kin ng nakakaloko

nakita ko kung paano umiba ang itsura ni Vlad sa isang nakakatakot na nilalang

"LEAVE HIS BODY!" sigaw ko na kinagulat niya

lumapit siya sa'kin ng pa unti-unti

"n..no pl..ease." bulong ko habang umaatras

"i swear i didn't know what i've said" pag mamakaawa ko

"of course, you will not remember your memories. because I'm the one who putted a curse in the air, your Lord Vahagn." malamig niyang saad bago lumapit sa'kin at tinagos ang kaniyang kamay sa katawan ko

"brrgrrrt" napa sigaw ako sa sakit ng iangat niya ako gamit ang kaniyang kamay na nakatagos sa aking katawan

"it's time to say your good bye, sweet dreams." ang huling salita niya bago pumikit ang aking mga mata

naramdaman ko na binaba niya ang aking katawan bago ako lamumin ng kadiliman.

sh*t, i failed

aqua

A/N: [i'll edit every chapter kase pag babasahin siya sa website gamit ang laptop makikita ang naka "slant" na mga words pero pag sa mismong app wala ang mga naka slant na words :) kaya i'll try to put some (') or ([ ]) para sa mga naka slant na words, mostly ang naka slant na words ay ang usapan ng characters sa isipan. hahaha, i'll try my best thank you enjoy reading~

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status