Share

CHAPTER ONE: VALHALLA REALM

Valhalla Realm na pinamumunuan ni Lord Valmont Valhalla pangalawa sa pinaka-malakas na bampira sa kanilang mundo na tinatawag na Crimson Moon dahil sa hilig nila sa dugo at pangalawa sa pinaka-malakas na nilalang sa Infernal Universe kung saan na ninirahan ang mga imortal, may mga kapangyarihan, ang Lycan Pack ang natitirang mga lobo sa Infernal Universe at iba pang nilalang na mas mataas pa sa normal na tao.

Ang Crimson Moon na nahahati sa  limang realm o taga-pag muno ng bawat lugar. Ang una at tinitingala ng mga bampira saang mang sulok ng Crimson Moon ay ang lugar ng Saurville kung saan ang Cadis Realm na pinamumunuan ni Lord Valem Cadis. Ang pangalawa at ginagalang ng lahat dahil sa angking lakas ng ability ay sa Vineville kung saan ang Valhalla Realm na pinamumunuan ni Lord Valmont Valhalla. Ang pangatlo na kinakatakutan dahil sa malamig na personalidad ng pamilya ay sa  Crimire kung saan ang Estrael Realm na pinamumunuan ni Lord Gheto Estrael. Ang pang-apat na kilala dahil sa taglay na liwanag ay sa Frostgate kung saan ang Wielder Realm na pinamumunuan ni Lord Jacynth Wielder. Ang huling lugar na kilala dahil sa angking talino at taglay na kakayahan ng pamilya ay sa Onyxthorn kung na saan ang Collins Realm na pinamumunuan ni Lord Falmund Collins.

May usap-usapan na ang Crimson Moon ay mayroong anim na Realm ngunit wala pang nakakakita ng Realm na ito sa mundo nila, may usap-usapan din na ang namumuno dito ay ang pinaka-malakas sa Infernal Universe dahil walang nakaka-alam ng ginagamit nitong ability. Ang Realm na iyon ang pinaka-matinding kalaban ng limang realm, may kwento kwento na nag karoon ng digmaang bago sumibol ang buwan na ngayon ay mundo na nila ang Crimson Moon, naging madugo ang digmaan at ilan sa mga bampira na naka-ligtas noon ay kinakatakutan na mangyari ulit 'yon pero dahil sa limang realm na nag-papatakbo ng mundo nila ay nagawa ng mga bampira na kalimutan ang naganap na madugong digmaan noon.

Makalipas ang ilang daang taon ay nag patuloy ang tahimik na buhay ng mga bampira sa kanilang mundo, dahil sa kwento na patay na ang namumuno sa ika-anim na realm. Wala na silang iniisip kundi uminom ng dugo ng tao at mabuhay ng tahimik na walang nawawalay na isang kasamahan sa kanilang pamilya.

Hanggang sa dumating ang araw kung saan nagka-roon ng anak ang limang namumuno. sa bawat mag asawang bampira ay isang anak lang ang maaari nilang iluwal, at pag dumating sila sa tamang edad kung saan sila na ang mamumuno sa Realm ay may kailangan silang gawin upang mapanatili ang katahimikan sa mundo nila.

-- present day --

"Ugh the f*ck what's his problem?" Nakakunot nitong bulong sa sarili ng makababa siya sa hagdan.

"WHAT THE F*CK ARE YOU DOING HERE?!" Bulyaw ni Chris sa pagka-gulat ng makita niya ang mga kaibigan.

"Yo~ Chris! how are you?" Masiglang tanong ni Jake

Pinag-masdan niya ang kaibigan habang nag lalaro sa kaniyang pulang ps4, napangiwi ang labi niya ng makita ang suot-suot ni Jake na pajamang pula at naka-hooding pula habang naka-indian sit sa sofa, ang tumitingkad na mahabang blonde hair ni Jake na hindi lalagpas sa ilalim ng tainga nakahati ito sa gitna at halatang walang suklay, ang masiglang luntiang mata habang nakatutok sa ps4, ang pulang labi nito na halatang kakatapos lang uminom ng dugo, ang nunal niya sa ilalim ng kanang mata, ang pangil na lumalabas pag siya ay humahalakhak, ang kaniyang makapal na kilay na laging nakataas dahil sa tuwa, ang ilong nitong matangos na laging lumalaki ang butas pag natatalo sa laro. Ang pigura ng katawan nito ay pag tinulak mo lang ng mahina agad itong matutumba, walang muscle, pero may apat naman na pandesal, siya ang pinaka-maliit sa mag kakaibigan 170 cm at kung kumilos ay parang bata.

nahumaling na naman sa mga games   saad ni Chris sa isipan habang naka-titig ng blangko sa

kaibigan

"hindi naman nag eenjoy lang ako pampalipas ng oras!" naka-ngusong sagot nito

what the? sht binasa niya isipan ko

"nope, hindi ko binasa isipan mo naririnig ko lang ng kusa" nakangiting sagot nito habang nag pipindot sa ps4

damn your ability is pain

yeah, telephathy kahit sekreto mo sa gabi alam ko    singit ni Jake sa isipan ni Chris

Tinignan niya sa mukha si Jake at nakita ang pag ngisi nito, bigla namang umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo at nag simulang mamula sa inis

"damn yooou!" akmang susugurin na niya si Jake ng biglang may humawak sa kaniyang balikat

"relax bro, alam mo naman 'yan si Jake mahilig mang-blackmail pero hindi niya ibubunyag 'yung sekreto mo tuwing gabi." saad nito at ngumisi

pinagmasdan niya ang kaibigan niya "what the h*ll are you doing here?" nakakunot na tanong nito sa kaibigang si Dean

Humalakhak naman ito at umupo sa sofa at tumabi kay Jake, nilagay niya ang dala-dala niyang stainless plate na may lamang sariwang karne

"oh i forgot something" saad nito at nag tungo sa kusina

what the h*ll they doing here?

pinag-masdan ni Chris ang likod ni Dean hindi pa din nagbago ang style  saad niya as isipan ng makita ang suot-suot nitong royal blue na polo at slacks na itim na plantyadong-plantyado, naka-pares ang black shoes at puting medyas

damn how manly  naka-nguso

nitong saad sa isipan

ayaw man niyang aminin alam niyang mas gwapo si Dean kesa sa kanya

ang itim na buhok na naka- clean cut at ang midnight black na mata nito, ang kaniyang matapang at makapakal na kilay, ang pilik-mata nito na pang-babae,  170 cm ang tangkad, hindi ganon ka-muscle pero may tinatago itong anim na pandesal sa ilalim ng kaniyang polo.

Nagising siya sa wisyo ng malanghap niya sa hangin ang sariwang dugo na dala-dala ni Dean galing sa kusina, hindi niya mapigilan ang sarili niya at agad na tumakbo patungo kay Dean.

Halata sa mukha ni Dean ang pagka-gulat ng makita niya ang uhaw na uhaw na pulang  mata ng kaibigan, itinaas niya ang kamay na hawak ang baso na may laman na dugo

Napa-atras siya ng tinignan siya masama ni Chris na akala mo ay papatay. Wala siyang nagawa kundi ibigay sa kaniya ang dugo na dapat ay sa kaniya.

Habang iniinom ni Chris pinag-masdan lang siya ng kaibigan na parang ilang daang taon siyang hindi naka-inom ng dugo.

"ugh man, kulang!" nakatingin nitong saad sa kaibigan

Napangiwi naman si Dean sa narinig at nag kibit-balikat na lang.

Nag lakad pabalik si Chris sa sala at umupo sa tabi ni Jake, sumunod naman si Dean at umupo sa gilid ni Chris

"what's with the face Chris, halatang malalim ang iniisip mo?" alalang tanong ni Dean habang naka-tingin sa kaibigan

Nag cross arm naman si Chris ng marinig ang tanong ni Dean

"yoho! level complete! yey yey yey!" sigaw ni Jake habang nakangiti sa kaniyang ps4

Napatakip ng tenga si Chris dahil sa lakas ng sigaw nito

"dad grounded me from drinking blood. the f*ck man, hindi ko alam kung baket kayo andito at baket ako na grounded." buntong hininga nitong saad

"andito kami kase sabi ni Dad we're going to stay here for the mean time" sagot ni Dean at sumubo ng sariwang karne

"same here" taas kamay na singit ni Jake at binulsa ang ps4

"i saw Hakeem too, galing siya sa office ni Tito baka may pinag-usapan sila." pahabol ni Dean

damn ano naman pinag-usapan nila?  kuryos na tanong nito sa isipan

"maybe you should ask Tito about that" seryosong sagot ni Jake ng mabasa niya ang isipan ni Chris

Napatingin naman si Chris kay Jake nang nakakunot ang noo, binigyan naman ni Jake ng isang nakakalokong ngisi.

"may sinabi sa'kin si Dad before i left." na agaw naman ni Dean ang atensyon ng dalawa. Tumingin sila at hinihintay ang susunod na lalabas sa labi ni Dean

Tinignan naman ni Dean ang dalawa ng napaka-seryoso

"it's about the war that happened 100 years ago" seryosong saad nito

Nabago ang awra na naka-palibot sa buong sala, na para bang may hinihintay silang sagot sa katananungan na kanina pang dumadaloy sa kanilang isipan

"war? 100 years ago? what's with that?" tanong ni Jake habang naka-tingin kay Dean

"i don't know, 'yon lang ang sinabi ni Dad" sagot niya at pinunasan ang gilid ng labi niya ng puting panyo matapos niyang maubos ang kinakain.

"you're making too noise, you should ask Lord Valmont about that"

napatingin sila sa pintuan ng marinig ang malamig na boses ni Hakeem

Nagsi-tayuan ang balahibo ng tatlo ng binigyan sila ng malamig na titig gamit abo niyang mata

"y-yo h-hakeem" nanginginig na bati ni Jake at binigyan ito ng pilit na ngiti

"ano pinag-usapan niyo ni Dad?" tumayo si Chris habang hinihintay ang sagot niya

"he ask me about my father, kung may sinabi ba si Dad sa'kin" malamig na sagot nito at nag-lakad paakyat ng hagdan

Naguluhan na tinignan ni Chris si Hakeem habang umaakyat sa hagdan

"hey wait, what are you doing here?" pigil ni Chris kay Hakeem

Huminto naman si Hakeem sa pag-akyat at tinignan niya si Chris, napa-atras naman si Chris ng makita nag bago ang kulay ng mata nito, ang dating abo ay ngayon nanglilisik na kulay pula.

nginitian ni Chris si Hakeem kahit nararamdaman niya na pati ang dalawa ay natatakot na

"You're dad told me to stay here and be with in a group of halfwit vampire." malamig na saad nito kasabay ng isang nakakakilabot na ngisi at inumpisahan ang pag-akyat.

Nang mawala na si Hakeem sa paningin ni Chris, napa-kuyom ang kamao ni Chris ng marinig iyon

halfwit?   inis nitong ulit sa isipan

"Chris calm down, he's not good at fighting." pakalma niyang sabi kay Chris

"yeah, because he's better" singit ni Jake sa usapan habang napakapamulsa sa padjama niya

Napatingin naman ang dalawa kay Jake sa narinig, sabay na kumunot ang kanilang kilay, kasabay noon ay pag lisik ng pulang mata

"i-im just j-joking" pag dadahilan ni Jake sabay kamot sa ulo

get him

damn you Jake!

Napalunok siya ng mabasa ang isipan ng dalawa, aatras na sana siya ng makita niya na handa ng tumakbo ang dalawa patungo sa kaniya

Alam niyang isang iglap lang at nasa harapan na niya ang dalawa, kaya inilibot niya ang paningin niya sa paligid ng makita niya ang plato at baso na ginamit ni Dean kanina sa lamesa agad niya itong kinontrol ng kaniyang isipan, saktong patakbo ang dalawa sa papunta sa kaniya ng biglang tumama ang baso sa mukha ni Dean at ang plato sa mukha ni Chris, napahinto ang dalawa at hindi naka-galaw

damn that! another ability!   inis na bulyaw ni Chris sa isipan

i will make you pay Jake  sabi ni Dean sa isipan nang naging dahilan ng pagka-ripas ng takbo ni Jake palabas

Bago pa maka-layo si Jake narinig niyang bumagsak na pinggan at baso sa sahig, kaya lalo niya pang binilisan ang takbo niya dahil alam niya na ilang segundo lang ay nasa likod na niya ito.

Huminto siya sa Garden sa likod ng mansyon nila Chris at umupo sa likod ng fountain, dinukot niya ang ps4 niya sa bulsa ngunit laking gulat nito ng makapa niya na wala ito sa bulsa niya

"w-wala? nasaan 'yon?" hinanap niya ito sa kaniyang paligid at sa kaniyang dinaanan

"hah! babalik 'yon dito" mayabang na ani ni Dean kay Chris

Tinignan naman ni Chris si Dean ng pag tataka

Napahalakhak si Chris ng makita niyang pinapaikot ni Dean ang ps4 sa kaniyang kamay

Napahagikgik naman si Dean "mamaya umiyak 'yon HAHAHAHA" napahawak si Chris sa kaniyang tiyan dahil sa walang tigil niyang tawa

"nasan na kase 'yon?" mangiyakngiyak na saad ni Jake sa sarili habang naka-upo sa damuhan at iniisip ang kaniyang ps4

"WHAT THE ARRRRRGGGHHH!" napa-sigaw siya ng nagkaroon ng ideya kung nasaan ang kaniyang ps4

"sa tingin mo babalik 'yon?" kalmang tanong ni Chris habang nakangiti ng abot tenga

"babalik 'yon hindi niya matitiis ang baby niya" hagikgik ni Dean

damn it mukha wala akong choice  walang ganang saad sa isipan ni Jake

Bumalik siya sa loob ng mansyon at nakita niya ang dalawa na naka-abang sa sofa habang naka-ngiti ng abot tenga

"AKIN NA 'YAN!" sigaw ni Jake na parang bata kasabay ng pag padyak niya sa sahig

napabulalas naman sa tawanan ang dalawa dahil nangingilid na ang luha ni Jake

"a-akin n-na k-kase 'y-yan" nanginginig na saad ni Jake habang naka-tingin sa dalawa habang nangingilid ang kaniyang luha

biglang tumakbo sa taas ang dalawa at iniwan si Jake na naka-tayo at pa-iyak na

"WAAAAAAAH" hagulgol ni Jake habang hinahabol ang dalawa sa taas

Narinig naman niya ang halakhak ng dalawa habang tumatakbo

Napatigil sila ng biglang bumukas ang isa sa pintuan na nadaan ni Chris at Dean, nilingon nila ito at nakita ang nag lilisik na mata ni Hakeem

"halfwit" malalim at nakakatakot na tawag ni Hakeem sa dalawa

Nanginig ang dalawa at agad namang yumuko sa harapan ni Hakeem

"sorry Master Hakeem!" sabay nilang sigaw

Nakarinig sila ng malakas na pag bagsak ng pintuan, tumingala sila at nakita ang saradong pintuan.

lumuwag ang pag hinga ng dalawa at dahang-dahan umalis sa tapat ng pintuan.

"tsk, halfwit" saad sa sarili ni Hakeem habang nag babasa ng libro sa loob ng kaniyang silid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status