HALOS hindi na maipinta ang mukha ni Zarina sa pagkainip at bagot na nararamdaman niya. Lahat na lang ata ng klaseng pag-upo na ay nagawa na niya. Panay na rin ang paling ng ulo niya sa salamin na pader kung saan niya nakikita ang maganda at malinaw na tubig sa lagoon. Huminga siya nang malalim at muling tiningnan ang cellphone na hawak niya. Alas diyes na ng mga oras na ‘yon at dalawang oras na rin siyang nagpapansin kay Antoine. Nakatunganga lang siyang nakatingin sa lalaki na busy sa kung anong binabasa nito sa laptop. Bago siya nito iginiya papasok muli kanina sa treehouse ay sinabihan na siya nito na magpalit ng damit na panligo pero naudlot ang plano nila dahil nakatanggap ito ng tawag buhat sa ama nitong si Don Antonio. Napabuga na lang sa hangin si Zarina kapagkuwan inis na ipinatong niya ang dalawang paa sa lamesa na maliit kung saan nasa pagitan nilang dalawa ni Antoine. Ang dalawang braso ay nakabuka na ipinatong niya sa headrest ng inuupuan niya. Tumingala siya sa kisa
GUSTONG kumawala ng pagtitimpi ni Antoine nang agaran na tumugon si Zarina sa halik niya sa kung papaano lang nito alam. Bawat galaw ng labi niya ay sinasabayan ni Zarina na lalong nagpapawala sa kaniyang katinuan. Ang mata nito nanatiling nakapikit nang mariin habang ang dalawang kamay nito ay nakakapit nang mahigpit sa magkabilang hem ng t-shirt niya na para bang doon kumukuha ng lakas.Kung susundin ni Antoine ang gusto ng katawan niya. Bubuhatin niya si Zarina papasok sa loob ng kuwarto at ihihiga sa kama para pagsawain ang sarili, katulad ng mga babaing naka-fling niya sa America. Pero hindi niya kayang gawin ‘yon sa dalaga lalo pa’t alam niyang iba ito sa mga babaing nakakasalamuha niya. Kahit na ang totoo ay kagabi pa siya naligalig nang husto kay Zarina ng ipinulupot nito ang dalawang braso sa batok niya at iniabot nito ang labi niya para gawaran ng banayad na halik.Kaya nga gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil kung siya ay lulugo-lugo at walang sapat na tulog dahil sa gi
TUNOG NG CELLPHONE ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Zarina. Pupungas-pungas na iminulat ang mata at dumako ang tingin niya sa cellphone na nakapatong sa nightstand. Bagaman na inaantok pa siya at nasa kaisipan na hindi kaniya ang cellphone na 'yon kaya dapat hindi niya pakikialaman 'yon. Pero dahil dala ng kuryosidad at pagiging mosang niya ay kinuha niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa lalaki. HON? Takang tanong sa isip niya. Kunot-noo niyang binalingan ng tingin ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya kapagkuwan sa cellphone na hawak. HON CALLING... Bigla nanlalaki ang mga mata niya at napatuptop pa siya ng bibig dahil sa realisasyon na pumasok sa isip niya. His fiancé? Mabilis na pinindot ng kamay niya ang gilid ng cellphone para matigil ang pagtunog. Bigla ay para pa siyang natatarantang itinago 'yon sa ilalim ng unan nang pumihit si Antoine paharap sa gawi niya. Napahinga siya nang malalim at napalunok. Kahit malamig ang buong kuwarto pakiramda
PAKIRAMDAM NI ZARINA tila siyang isang Diyosa na naglalakad sa Enchanted Forest. Ang roba na kulay puti na nakasabit sa gilid ng banyo ay basta na lang niya ‘yon kinuha at ipinatong sa balikat. Tumayo siya sa gilid ng lagoon kung saan nakahilera ang ilang swimming lounge chair. Ang roba na nakapatong sa balikat niya ay basta na lang niya ‘yon inilapag sa upuan.Kapagkuwan tumingala pa siya sa kalangitan at itinaas pa ang isang kamay habang ang mata ay nakapikit. Ang init ng araw ay hindi direktang masakit sa balat kahit na pasado alas dos pa lang ng mga oras na 'yon. Marahil malaking naitutulong ng mga puno na nakapaligid sa buong Enchanted Forest kaya ang init ay hindi gaya sa Manila na masakit sa balat.Kung maghubad kaya siyang maligo?Biglang napangiti si Zarina sa naisip kapagkuwan ay basta na lang niya inalis ang suot na one-piece swimsuit. She isn't sure, but she wants to swim in the water without any clothes. She can do whatever she wants in the Enchanted Forest. Katwiran niy
ISANG MALAKAS NA TAWA ang pinakawalan ni Zarina sabay hila ng isang unan na malapit sa kaniya.“What the—” Mabilis ang mga reflexes ni Antoine na walang ano man na nasalo nito ang unan na binato niya. Naningkit ang mga mata nito na inilapag ang unan sa dulo ng kama. “Shhh. Bawal magmura, Kuya Antoine.” Natatawang saway pa niya sa lalaki na halos magsalubong na ang kilay. “That's not a good sign. That would be better if you didn't say it directly to me. It is not an appropriate example.” Umiiling pa siya ng kaniyang ulo na kunwari nadi-disappoint siya sa lalaki, ang mga braso niya ay nakahalukipkip sa tapat ng dibdib. “Ano na lang sasabihin ni Daddy Anton kapag nalaman niya na ang Unico Hijo niya na bukod sa babaero ay palamura pa. Tsk! Alam ba ni Daddy Anton na ganiyan ang ugali mo?” Nagpakawala pa siya ng isang maharot na tawa na ikinaningkit ng mata nito.“I didn’t—" Tila idedepensa pa nito ang sarili na agad niyang pinutol."Shhh... I won't tell Daddy Anton. I'll keep whatever I k
MAANG na nakatingin si Zarina sa papalayong kabayo sakay ang lalaking tila may pinapasan na malaking suliranin sa buhay. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan kung bakit hindi siya nito pinapansin at parang iwas na iwas ito sa kaniya. Ni hindi rin siya nito nagawang hintayin man lang o ‘di kaya isakay sa kabayo gaya ng magpunta sila rito kahapon. Sa halip ay isang kotse ang naghihintay kaniya para maihatid siya sa hacienda. Naniningkit ang mata niya sa inis habang paliit nang paliit ang tingin niya sa papalayong kabayo. "Señorita, aalis na po ba tayo? Wala na po ba kayong nakalimutan na gamit sa itaas?" isang tanong ang nagpabalik sa naiinis niyang diwa. Nilingon niya ang lalaki na sa tingin niya ay kaedaran lang niya o mas bata nang kaunti sa kaniya. Kapagkuwan ay napakunot-noo pa siya habang mataman niya itong tinitingnan dahil parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Yumuko siya at napahawak sa baba habang iniisip kung saan at kailan niya ba nakita ang lalaki. Nan
LAMPAS dalawang oras na sila ni Remington sa ilog at kanina pa siya kinukulit nito na bumalik na sila sa mansyon pero kanina niya pa rin ito ‘di pinapakinggan. Nagbingi-bingihan siya sa sinasabi nito. She does it for a reason. ‘Yon ang makaganti sa ginawa ni Antoine na pag-iwas at pag-iwan sa kaniya sa Enchanted Forest. Kung akala nito na mananahimik lang siya sa ginawa nito. Puwes, lintik lang ang walang ganti! Nangingiti siya. Ibabalik niya ang lahat ng inis at buwisit na nararamdaman niya kanina. Ito naman ang iinisin niya. Pag-iisipin kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya ngayon! Naniningkit ang mata niya sa tuwa. Sisirain niya rin ang umaga nito gaya ng ginawa nito sa kaniya. Kung iniwan siya nito ng walang pasabi kanina. Mamumuti naman ang mga mata nito kakahintay sa kaniya kung oras siya babalik sa mansyon. Natatawa siya na napapailing ng ulo dahil sa kapilyahan na naiisip, habang ang mga mata naniningkit sa tuwa. Alam niya sa mga oras na 'to ay hindi na 'yon
HINDI pa man tuluyan nakakalayo si Antoine ay binilisan na ni Zarina ang pagdampot sa mga natitirang bato at inilagay sa kaniyang damit. Kung kanina ay binagal-bagalan niya ang pagkilos para inisin ito. Ngayon, ay hindi na niya pinili kung ano ang iiwan at dadalhin niya. Basta na lang niya pinaglalagay ang lahat ng bato habang ang mga mata ay nakatuon sa lalaki.Shit! Pagmumura niya nang makita ang malalaking hakbang na ginawa ni Antoine na para bang balak talaga na iwanan siya. Ni hindi ito lumilingon sa likuran, basta naglalakad lang ito ng dere-diretso.Lakad-takbo ang ginawa niya para lang makahabol sa lalaki. Hindi rin alintana ang mga naglalakihan na bato na halos magkatisod-tisod pa siya sa mga natatapakan para lang makahabol sa lalaki. Pag-akyat niya sa itaas nakita na niya ang maong na short at sapatos na nakatabi sa gilid, marahil ay itinabi na lang ‘yon ni Remington. Tinakbo na niya agad 'yon at dinampot sa damuhan. She didn't bother to wear it. Naka-cycling naman siya ng