Share

KABANATA 17

“Hey! ‘Di ba tayo kakasuhan ng mga Raymundo kapag pumasok tayo sa lupain nila?” nag-aalala niyang tanong at hinawakan pa niya ang kamay ni Antoine na nasa harapan niya na nakahawak sa horse rein.

Mahinang tawa ang pinakawalan nito.

"Sweetheart, Hacienda Savic now owns this land."

“What? Since when?” gulat niyang tanong.

Dahil hindi niya nabalitaan ang na pag-aari na pala ng Savic ang lupain ng mga Raymundo at wala naman nababanggit ang Mommy Carol niya tungkol dito. Dahil ang Mommy Carol niya ang madalas na magbalita sa kaniya tungkol sa nangyayari sa buhay ng mga ito.

Simula nang makita niya si Antoine na may kahalikan na babae ay hindi na talaga siya nagpunta sa Hacienda Savic.

"Dad bought the whole hacienda from the Raymundo family when they chose to move to Canada."

“What?” gulat niyang bulaslas. “You mean nasa Canada na sina Cody at Coby?”

Pagtukoy niya sa magkapatid na madalas niyang nagiging kalaro noon kapag nagbabakasyon siya sa Hacienda Savic. Ang Ate Corine ng mga i
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status