LOGIN“I’ll pay you as much as you want, layuan mo lang ang pamangkin ko," alok ni Ibrahim sa babaeng kinababaliwan ng pamangkin niyang si Khaleb. Halos hindi naman makagalaw si Loraine sa narinig. Hindi niya maintindihan kung paano mag-re-react sa sinabing iyon ng Uncle ni Khaleb. At napagkamalan pa yata siyang girlfriend nito. “Huh! Nakakatawa ha. Hindi magandang paratang.” Sa inis niya, nahawakan niya ang booklet na nasa ibabaw ng side table at saka ibinato rito. “Gago ka! Anong palagay mo sa akin sugar mommy? Ang kapal ng mukha mo!” “Hey! Stop! Stop! Stop!” Nagawa ni Ibrahim na umiwas, saka hinagilap ang bewang at braso nito. Hindi inaasahang nagdikit ang kanilang mukha. Her eyes met his, and it feels like searching him deeply in his bones. Aminado siyang nakuryente siya sa init ng hininga nito na amoy coffee latte. It makes his manhood alive, lalo na nang masalat niya ang mala-artistic na kurba ng bewang nito. Same as Loraine, kakaibang kilig ang hatid ng maaamo at mapupunagy nitong mga mata. Ang ilong nitong parang goddess ang hugis maging ang mga labing mapupula at magandang korte. Parang magnet na humuhila patungo sa kanyang mga labi. “Is this how you seduce my nephew. Because if it is, you’re doing a great job,” bulong ni Ibrahim. Hindi mawari ni Loraine kung papuri ba iyon o insulto. Mas pinili niya ang pangalawang statement ng kanyang isipan kaya buong lakas niya itong itinulak. Walong taon na ang lumipas nang muling magtagpo ang landas nina Ibrahim at Loraine. Wala silang kaalam-alam na minsan na nilang nakatagpo ang isat-isa sa isang malagim na pangyayari. No print, no clues, only fate will let them know who they really are and what would they be in the future.
View MoreLalong nararamdaman ni Loraine ang kanyang kahalagahan dahil sa pagmamahal ni Ibrahim. Hindi lang sa mga materyal na bagay kundi kung paano ito ipinapadama sa kanya. Kaya wala na sigurong dahilan pa para tanggihan ang alok na kasal nito.Pagdating nila sa hotel, iginiya sila ng receptionist sa isang hall kung saan nadedekorasyonan ito ng isang galaxy theme na white floral field naman ang ibaba. Medyo madilim pa at tanging mga artificial stars ang nakikita sa ceiling dumeretso siya ng lakad pero hindi na sumunod sina Bea, Cleo, at Disney.“O, bakit hindi kayo sumusunod?” nagtatakang tanong niya.“Mama, sige na po lumakad ka na,” taboy ni Disney.Kumunot naman ang noo niya kahit siya ay nakangiti, dahil sa pagtataka.“Go on Beshie, it’s your moment,” taboy din ni Cleo.“Ate Loraine, I’m happy for you,” best wishes naman ni Bea.“Ha? Hoy… ano ‘to.”At tumugtog ang soft melody ng isang napakagandang love song na Can’t Help Falling In Love, kasunod ang light effects ng animoy meteor shower
Agad siyang tumakbo palabas upang hanapin si Ibrahim. Hindi niya ito makita kaya ipinagtanong na niya ito sa mga kasambahay at sinabi nila na nasa garahe ito.“Ibrahim!” sigaw niya.Lumingon lang si Ibrahim na may bahid na mumunting ngiti.Patuloy siyang tumakbo habang ito naman ay sa kanya lamang nakatitig.Halos matumba na sila sa lakas ng impact ng pagkakayakap niya kay Ibrahim. Natawa naman ito sa kanyang naging reaksiyon.“Ibrahim,” tanging sambit niya na halos maluha sa sobrang tuwa.“Do you like the ring?” malambing na tanong ni Ibrahim habang nakayakap rin ng mahigpit kay Loraine.Wala namang ibang naisagot si Loraine kundi ang sunud-sunod na tango kasunod ay ang pagtulo ng luha.“Shhh… you are suppose to be happy? Bakit ka umiiyak?” natatawang tanong ni Ibrahim.“Masaya lang ako,” tanging sagot naman ni Loraine.Lalong hinigpitan ni Ibrahim ang yakap kay Loraine.“Marry me,” kasunod na linya ni Ibrahim.Lalo nang bumuhos ang luha ni Loraine.“Yes, Ibrahim, yes,” sagot niya ha
Ngumiti naman si Loraine habang sumusubo. Sa isip-isip niya, talagang babawi siya ng tulog dahil sobrang napuyat siya.“Ikaw rin, magpahinga ka, kagagaling mo lang sa sakit baka mabinat ka.”“Don’t worry about me, gaya ng sabi mo nalamigan lang ako, hindi naman malala ang naging sakit ko. Siya nga pala nasaan si Gio?”Kumunot naman ang noo ni Loraine at bahagyang natawa habang patuloy sa pagsubo.“Wala na siya, umuwi na kasi may pasok pa ‘yon e. Bakit mo natanong?”“Nothing, naisip ko lang siya.”“Hmmm, teka kaya ka ba sumugod kagabi e dahil nagseselos ka kay Gio.”Naramdaman ni Ibrahim ang panginginit ng kanyang pisngi na pilit naman niyang ikinukubli.“No, of course not,” tanggi niya.“Hmmm selo ka e…” pangungulit ni Loraine.“I said no,” napipikon na tugon ni Ibrahim.“Sus… ikaw talaga. There’s nothing to be jealous of, kaibigan ko lang si Gio. Saka ikaw lang ang mahal ko ano ka ba.”“Talaga ba?”“Opo Mr. Ibrahim Kalif.”HANGGANG sa matapos nila Loraine ang bakasyon na kasama si Ib
Lumipas ang dalawang araw na punung-puno ng confidence si Ibrahim na mag-cha-chat agad sa kanya si Loraine pero namuti lang ang kanyang mga mata sa paghihintay.Wala naman sa kanya iyon dahil naisip niyang kahit paano ma-re-relax siya ng ilang araw sa pag-arte sa harap nito. Itinuon na lang niya ang sarili sa pagtatrabaho at kapag naboboring nag-i-scroll siya sa facebook ng mga newsfeed at hindi sinasadyang dumaan sa kanyang news feed ang post ni Bea na may caption na “Feeling Bless” kasama ang mga bata sa bahay ampunan. Nabulabog lang ang kanyang isipan ng mahagip ng kanyang mga mata ang nasa likod ng mga ito. Si Loraine na masayang kaharap si Gio na karga naman si Disney.Bumilis ang tibok ng kanyang puso hindi dahil sa saya kundi dahil sa ngitngit. Agad niyang tinawag si Jayson.“O Boss bakit?”“Aalis tayo. Now!”“Ha? Ah, okay sige po.”Nakakuyom ang kanyang kamao habang binabagtas nila ang apat na oras na layo ng biyahe papuntang bahay ampunan.Hindi naman makaimik si Jayson dahil
“Alam mo pwede kang maging artista sa galing mong umarte kanina. Convincing yung pagiging seloso mo ha,” pang-aasar ni Jayson habang nag-da-drive pauwi. Ginabi na sila ng uwi.“Paano ko makukumbinsi si Loraine na mahal ko siya kung hindi ko gagalingan sa pag-arte.”“Oh…wow…. Pero mukha namang hindi arte yung nangyari kanina e. Kung wala nga doon sina Father at Sister, malamang napaaway na naman tayo.”“Guni-guni mo lang ‘yon Jayson. Ang lahat ng nakikita mo ay ilusyon lang kaya huwag kang padaya,” pangangatwiran ni Ibrahim.“Okay sabi mo e. Buti na lang may isang Gio na sasalo kay Loraine kapag sinaktan mo na siya.”May kung anong dumagundong sa dibdib ni Ibrahim sa sinabing iyon ni Jayson. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinasabi o kinokonsiyensiya lang siya.“Alam mo hindi ko talaga alam kung kapanig ba kita o kaaway. Bakit parang kinakampihan mo pa si Loraine sa halip na tulungan mo ako.”“Hay…Boss… Ibrahim, wala kang ebidensiya kaya hindi pa matibay ang paratang mo kay Loraine
“He seems nice at mukhang matipuno din. And he cares about Loraine. Why don’t you dump her right now,” udyok ni Jayson habang nasa loob sila ng kotse at nakatanaw sa kasalukuyang nangyayari. Lingid sa kaalaman ni Loraine na sumunod silang dalawa to surprise her dala ang isang truck van na kasunod nila na may lamang mga supplies para sa mga bata sa bahay ampunan.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Ibrahim but he tried to look calm.“Mukhang may karibal ka na Ibrahim,” dugsong ni Jayson.“I’m not alarmed. I stick to my plan, that’s all. So just drive and let’s go,” malamig namang tugon niya.“Sus… ayaw pang aminin halata naman.” Natatawang pinaandar muli ni Jayson ang kotse.“UNCLE IB!”Ang lahat ay napalingon sa may pintuan nang sumigaw si Disney. Hindi na naman magkamayaw ang tuwa nito nang salubungin sina Ibrahim at Jayson.“Hey princess, how are you?”Namimilog naman ang mga mata nina Loraine at Cleo. Nagtataka sila kung bakit naroon sina Ibrahim. Siniko ni Cleo ang kaibigan.“Be






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments