Home / Romance / BUY ME, ANTONIO / "CHAPTER 08"

Share

"CHAPTER 08"

Author: rhitscine
last update publish date: 2026-02-08 08:42:02
ANTONIO

"Kunot na kunot ang noo natin ah." Sinamaan ko ng tingin si Tatiana, kasalanan niya kung bakit asar na asar ako ngayong gabi. Masiyado pang bata si Genieva, para ilantad ang katawan niya sa ibang tao, lalo na sa mga lalaki.

"Never ever teach Genieva to wear clothes like that." Inis kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"I thought those were the things you liked. Why do you seem to have changed your mind now?" Nakangisi paring sabi niya kaya mas lalo lang akong naasar.

rhitscine

Thank you po sa mga nagbabasa:) Pa-save po sa Lib niyo. Don't forget to follow me for more updates.

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 13"

    GENIEVA Nakatayo ako sa harap ng matataas na at magandang gate ng St. Agustin. Si Uncle ay nakasunod lamang sa akin at pinagmamasdan ako ng maigi. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya at kabahan. Sa totoo lang ay ginamit niya ang lahat ng koneksyon at pera para makapasok ako rito. Hindi lang basta paaralan ang St. Agustin International College—ito ang pinakasikat at pinakamagandang unibersidad sa Pilipinas. Dati, ang mga katulad ko ay nakatayo lang sa labas at hindi pinapayagang pumasok bilang estudyante. Pero nagawa iyon ni Antonio. Kasi sabi niya, nararapat ako rito. At sabi niya, mas matututo ako kung dito ako mag-aaral. Huminto kami sa harap ng Registrar office. Hinarap niya ako at itinuro ang buhok ko. "Magsuklay ka nga, wala ka sa bahay." masungit na sabi niya kaya napanguso na lamang ako at kumuha ng suklay sa bag. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan siya. "Okay na ba? Maganda na ba ako sa paningin mo?" nakangiting sabi ko pero hindi siya umimik. Umiwas lamang siya ng tingi

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 12"

    GENIEVA P.O.V Pumunta nga kami ng EK pero kahit isang rides ay wala akong nasakyan. Namasyal lang talaga kami para mainggit sa mga nagsasayang tao. Pagod lang ang inabot ko pero buti na lamang ay nabusog ako sa mga pagkain na kinain ko. Kahit paano ay may napuntahan din naman ang pagod ko. Kung bakit ba kasi nuknukan ng Kj ang tiyuhin ko. Alas syite ng gabi nang makauwi kami rito sa bahay. Ngalay na ngalay ang mga paa ko dahil buong maghapong naglalakad. Ewan ko nalang kay Uncle, baka kailangan na niyang uminom ng Anlene pampatibay ng buto. Kanina ko pa kasi siya nakikitang pasimpleng hinihilot ang mga tuhod niya. "Do you need help?" Tanong ni Uncle. Nakapamulsa siya habang naglalakad papunta sa akin na para bang walang iniindang sakit. Mas nauuna kasi ako sa kanya. As if naman willing siyang kalungin ako? Sobrang sakit na talaga ng paa ko kakalakad. "Hin.... Ahhhhhh!." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binuhat na niya ako. Hindi ko maiwasang kiligin. Binuhat lang naman

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 11"

    ANTONIO"UNCLE! Sakay tayo sa Pirate Ship Anchors away!" sigaw niya habang itinuturo ang barkong kulang nalang ay tumilapon sa ere. Hinahabol ko pa lang ito ng tingin ay nasusuka na ako. Baka kapag nakasakay na ako ay mailabas ko ang lahat ng kinain ko. "Ayoko! Kung gusto mo ay ikaw nalang." matabang na sabi ko. Napabusangot naman agad siya kaya medyo naguilty ako. Hingiin na niya ang lahat 'wag lang ito dahil mahal ko pa ang buhay ko. "Ang kj mo naman. tsk," nakataas-kilay na sabi niya. "Doon nalang tayo!" turo ko sa mga pambatang laro, iwas aksidente. "Seryoso ka? Ang boring mo talaga, Uncle!" walang-tigil sa pagmamaktol na sabi niya. Tumingin ako sa ferris wheel, ang taas-hindi ko rin ito kaya. Doon nalang kami sa mga pambatang laro para hindi kami mapahamak na dalawa. "Ayoko! Kumain nalang tayo," Nakataas-kilay na sabi niya at hinigit ako sa isang stall na punong-puno ng mga street foods. Seryoso ba siya? Ganyan pala ang mga gusto niya sana pala ay dinala ko nalang siya sa

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 10"

    ANTONIO "Bilisan mo Genieva, baka mahuli tayo sa misa." Nakakainis talaga ang mga babae, napakakupad nila kapag aalis. Todo make-up, buti sana kung sa mall puounta, eh simbahan 'yon. "Eto na po!" Sigaw niya habang patakbong lumabas ng bahay. Hindi ko maiwasang mapahanga sa kanya, nakadress kasi siyang pula, litaw na litaw ang kaputian niya sa katawan. "Bakit ka naman nagpula?" kunwari ay iretableng tanong ko. "Anong gusto mo magputi o kaya naman ay mag-itim ako, hindi naman siguro tayo makikiburol ano?" nakangusong sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit kailan ay napaka-pilya niyang bata. "Hindi ka ba nagagandahan sa dress ko?" naka-pout na tanong niya. "Maganda naman yung dress, pero yung nagsusuot, nevermind." nakangising sabi ko. Nakita ko kung paano nagdilim ang kanyang mga tingin sa akin. Hindi naman ako nagbibiro kasi totoo naman. Mas okay siguro mung nagpantalon nalang siya, ayokong nakikita ng ibang mga lalaki ang makinis niyang balat. Baka mamaya, bastus

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 09"

    GENIEVAHindi ko maiwasang mapangiti habang yakap-yakap ang malambot na unan. Ang amoy nito ay parang amoy ng baby cologne. Nakaka-adik! Sarap singhutin ng singhutin."Baka gusto mo nang bumangon diyan, tanghali na." May naririnig akong boses. Hindi ko alam kung tilaok lang ba iyon ng manok o talagang naririnig ko ang boses ni Uncle.Mas lalo kong yinakap ang unan, ngunit napamulat ako nang biglang may humampas sa mukha ko gamit ang unan."Potekk! Sino ba 'yan?" galit na sabi ko. Bumangon ako habang kinukusot ang dalawang mata. Tumambad sa akin si Uncle na nakaupo sa kanyang study table habang nagkakape. Iginala ko ang aking paningin at hindi ko maiwasang mapatakip ng mukha. Anong ginagawa ko sa kwarto ni Uncle? Tiningnan ko ang katawan ko at nakahinga ako ng maluwag nang makitang suot ko pa rin ang aking damit. Sayang, walang nangyari sa amin."Napapasarap ata ang tulog mo sa kama ko. Labhan mo yang bedsheet—tulo laway ka pa." Walang emosyong sabi niya, kaya bahagya kong pinunasan an

  • BUY ME, ANTONIO   "CHAPTER 08"

    ANTONIO "Kunot na kunot ang noo natin ah." Sinamaan ko ng tingin si Tatiana, kasalanan niya kung bakit asar na asar ako ngayong gabi. Masiyado pang bata si Genieva, para ilantad ang katawan niya sa ibang tao, lalo na sa mga lalaki. "Never ever teach Genieva to wear clothes like that." Inis kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako. "I thought those were the things you liked. Why do you seem to have changed your mind now?" Nakangisi paring sabi niya kaya mas lalo lang akong naasar. "Gil, itong girlfriend mo ay ilayo mo sa harapan ko! Baka mabadtrip ako't makutusan ko ito," Malakas na sigaw ko kay Gil, na abala sa pagkain. Napakatakaw. "Kutusan mo na pre," Seryosong sabi niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Tatiana. Ayan na naman, naghabulan na naman ang dalawang isip bata. Maya-maya pa'y lumabas na si Geneiva, suot ang oversized kong t'shirt. Bagay naman sa kanya, mas sexy pa siyang tingnan kaysa sa suot niya kanina. "Luh! Bakit ka nagpalit? Ang ganda mo pa naman sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status