ANTONIOPagkarinig ko pa lang ng busina ng sasakyan nila Kora ay agad na akong lumabas ng bahay para sunduin sila. "Ang haba ng traffic, grabe naman tong mansyon mo, nasa liblib," nakabusangot na sabi ni Kora na agad kong nginitian. Sinenyasan ko sila na ipark ang sasakyan sa loob, dahil nasa likod ng bahay ang garahe. "Yow, Antonio, pasalamat ka't mahal ka namin kasi kung hindi, wala kaming balak pumunta rito. Ang layo na nga, ang sikip pa," reklamo ni Gil, kaya nakakuha siya ng batok mula sa girlfriend niyang si Tatiana."Hindi naman namin sinabing sumama ka, reklamador ka rin. Dapat kayo nalang naging magjowa ni Kora," mataray na sabi ng babae habang abala sa pagseselfie."Bhabe, 'wag ka naman ganyan, parang sinabi mo na rin na bagay ako sa unggoy, huhu." umakto pa ang lalaki na naiiyak kaya agad akong napailing."Walang-hiya ka Gil, baka nakakalimutan mo, magpinsan tayo." binatukan ni Kora si Gil na agad namang nagtago sa likod ng kanyang girlfriend. "Yow, dude, pumupogi tayo n
Last Updated : 2026-01-06 Read more