CHAPTER 3
“I said no because you’ll get more jobs. You will be tired.”
Humaplos ang mainit na pakiramdam sa dibd ib niya. Nahihiyang nagsumiksik ang baby boy niya sa kanyang leeg.
“You’re so sweet, Baby. Thank you for thinking of me.”
Ipinagdikit ni Lottie ang dalawang hintuturo habang nanghahaba ang nguso nito natural na namumula-mula. Kinurap-kurapan pa siya ng ng mga mata.
“It’s just a wish naman po, Mommy.”
Humalakhak si Liz at h inalikan ang pisngi ng baby girl niya.
“It’s okay, Lottie. Pupunta tayo. May ipon ng pera si Mommy.” Matagal-tagal niya na rin naririnig na na gusto ng mga ito pumunta ng siyudad kaya pinag-ipunan niya talaga.
“Yehey! Rinig mo po, Kuya? We’re going to the city. We’ll see big buildings and fast cars.”
Nagtatalon sa tuwa ang bunso niya. Amuse na pinisil niya ang pisngi ni Earl nang makitang nagpipigil ito na ngumiti rin.
Sa huli ay lumabas ang mapuputing ngipin ng baby boy niya bago mahigpit siyang niyakap.
“Thank you, Momma. You’re the best Momma. Lottie and I love you so much.”
“I love you two.” Uminit ang gilid ng kanyang mga mata. Bago pa man siya tuluyang maluha, tumayo na siya at nagpaalam sa dalawa na babalik sa kanyang ginagawa.
She works at a flower shop during weekdays. Kapag weekend naman ay sa kainan siya nagtatrabaho.
Limang taon na ang nakalilipas simula nang umalis siya sa Southshire City. Nagtago dahil takot at kinakain siya ng kanyang konsensya.
She married Mr. Channing yet she got pregnant with a stranger’s babies.
Bukod pa roon, nalaman niyang nakita pala ni Sir Arthur ang kanyang mga larawan kaya inatake ito sa puso at nataranta ang kasama nitong driver kaya na-aksidente.
Pinili niyang manirahan sa probinsya, ilang bayan ang layo sa siyudad ng Southshire.
Madali naman siyang nasanay sa buhay roon dahil hindi naman siya lumaki talaga sa marangyang buhay.
First to second month, she finds it really hard to survive. Lalo pa’t sapat lang ang perang naipon niya. Maraming trabaho ang pinasok niya upang mas makapag-ipon para sa panganganak. Subalit, hindi pa pala iyon sapat dahil hindi niya kinayang ilabas ang kambal sa natural na paraan.
She drowned with hospital bills!
Mabuti na lang at nagkrus ang landas nila ng kaibigan ng kanyang ina na nurse sa hospital. Dahil empleyado, bumaba ng halos otsenta porsyento ang kanyang bayarin.
Gulat siya na may kaibigan pala ang kanyang ina gayong sa mga Bently lang naman umiikot ang buhay nito. Kungsabagay, masyado kasing malihim si Eleanor.
Matapos ang panghuli sa limang basket ng mga bulaklak, tinawag niya ang kambal. Ihahatid niya ang mga basket ng bulaklak sa bahay ng nag-order niyon kahapon sa flowershop na pinagtatrabahuhan niya.
“Momma, why Mr. Gustave always make you delivered flowers to his house?” puno ng kuryusidad na tanong ni Lottie habang naglalakad sila.
“Customer kasi siya, Baby. Normal lang naman iyon.”
“Bakit hindi na lang siya bili kay Tita Carrie?”
Nginitian niya na lang si Lottie at hindi na sumagot. Alam niyang hahaba at hahaba ang usapan kapag nagrason pa siya.
Hindi naman na nangulit pa ito dahil naaliw na sa pagtalun-talon habang nakahawak-kamay sa kapatid.
Ibang-iba ang buhay sa probinsya kaysa sa siyudad. Pwede-pwede nilang lakarin ang pupuntahan dahil hindi mainit. Maraming puno ang pwedeng masilungan at sariwa ang hangin.
“Nasa loob po si Senyorito Gustave?” magalang niyang tanong sa gwardiya ng Hacienda Gustave.
“Opo, Miss. Ibinilin ka niya sa akin. Tuloy kayo.”
Agad silang pinapasok ng kasambahay nang marating nila ang mismong mansyon ng malawak na lupain.
“Tatawagin ko lang po si Sir, Miss. Dito lang po kayo,” wika nito.
Maliit siyang ngumiti at tumango bago ibinaba ang mga dalang bulaklak.
“Lottie, behave,” sita niya sa pilya nang parang sariling bahay na sumampa ito sa couch. Ngunit, sa halip na makinig, inabot nito ang magazine na nasa ibabaw ng may kataasan na mesa.
“Kuya, look. Kita ko kompyuter, Kuya. Gusto mo kompyuter, di ba?”
Gumuhit ang excitement sa mga mata ni Earl at hindi napigilan ang sariling makiusyuso sa hawak-hawak ng kakambal.
Bago pa man niya masaway ang dalawa, binuklat na ng mga ito iyon. Kapagkuwan ay sabay natigilan.
Nagkatinginan at namilog ang kulay abong mga mata.
“Anong meron?” Inilahad niya ang kamay para hingiin ang magazine.
Sa halip na ibigay, sabay na iniharap ng dalawa ang hawak-hawak.
“He looks like us, Momma!”
Pakiramdam niya ay huminto sandali ang mundo…
Nikolaus Wulfric. Software Developer.
Hindi ito nag-iisa sa larawan na nasa magazine subalit, naagaw ng lalaking iyon ang atensyon ng kambal.
He stands out among the group with his tall physique and gorgeous ash-gray eyes.
Sigurado siya na ang lalaking iyon ang napagbigyan niya ng sarili. Paano ba niya makakalimutan kung binaliw siya ng mga pinaranas nito sa kanya?
He was a beast in bed. Freaking sexy beast that ripped out of her innocence!
Wala yata sa bokabularyo ng lalaking iyon ang ‘dahan-dahan’. Hindi man lang kinonsidera na malaking tao ito habang siya ay parang batang dinaganan nito sa kama. Walang pasensya dahil hindi nakapaghintay—ilang beses siyang inangkin nang gabing iyon.
“WOW, tall buildings!” manghang wika ni Earl habang nakasilip ito sa bintana ng tren.
They were at the station of Louisiana, the town before entering Southshire City.
“May mas matataas pa diyan, Anak,” aniya at hinaplos ang buhok nito.
Bukas na ang birthday ng dalawa. Inagahan nila ang byahe dahil balak niyang mag-check in sila sa mumurahing hotel at kakain ng masarap.
“Momma, I wanna eat that egg. I’m hungry na, Momma.” Kalabit sa kanya ni Lottie at itinuro ang nagtitinda sa labas.
“Sige. Bibili lang ako sandali. Kuya, bantayan mo si Lottie.”
“Yes, Momma.”
Kinuha niya ang coin purse at nagmadaling lumabas para bumili.
Napansin niyang may konstruksyon sa kabilang bahagi ng kalsada. Maraming kwento ang tindera sa katabi nito kaya mabagal ang galaw. Rinig niya sa tindera, bullet train daw iyon kaya nasa mataas na bahagi ginagawa ang riles.
“Naku!” palatak ng babae sabay kumpas ng kamay. “Iyong kapitbahay namin, sa Montiner construction nagtatrabaho. Malaki ang pasahod pero s aksakan daw ng strikto ang amo.”
Ibinigay nito sa kanya ang supot habang panay pa rin ang daldal.
“Nakita ko nga kanina. Halos walang pahinga habang nagko-konstruksyon niyang riles.”
“Salamat po,” aniya at tumalikod na.
Mabilis siyang umatras para bigyan ng daan ang paparating na grupo. Maiingay ang mga ito at base sa suot ay mga construction worker. May pinagtatalunan na kung ano ang dalawang nangunguna.
Lalagpasan niya na sana ang mga ito nang nanigas siya sa kinatatayuan.
Lumingon din sa kanya ang lalaki. Kumunot ang noo nito bago humakbang pabalik—palapit sa kanya.
“You.” That tone of voice. Mababa, ma-awtoridad—tumutugma sa walang emosyon nitong mukha.
“A-Anong ako?” Nauutal niyang tanong.
“It’s you,” ulit nito na para bang sapat iyon para maiparating ang lahat ng gustong sabihin sa kanya.
“Hindi po kita kilala.”
Taranta siyang tumalikod at handa na sanang tumakbo nang hagipin nito ang kanyang braso.
“You left me that night!”
Nagsipulan ang mga kasamahan nito na ikinamula ng kanyang buong mukha.
“Mister, hindi kita kilala,” pagsusungit niya upang pagtakpan ang kahihiyan. “At saka, hindi ako pumapatol sa construction worker.”
Patawarin siya ng mga construction worker na nagtatrabaho ng matino. Gusto lang niyang makatakas sa mapanuring mata ng lalaking kumuha ng virginity niya.
Inagaw niya ang kamay at inirapan ito.
Malapit na siya sa pintuan ng tren nang sumara iyon sabay andar paalis.
“Lottie, Earl!” sigaw niya at naibagsak ang hawak-hawak.
Nakita niya ang dalawang bata sa loob na hindi alam ang gagawin.
Nagsisigaw na hinabol niya ang tren. Subalit, sa bilis niyon ay gusto niya na lang mawalan ng ulirat.