The Hot Touch of a Cold Husband

The Hot Touch of a Cold Husband

By:  CacaCiciUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
62Chapters
16views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dahil sa hamon ng kanyang mga kaibigan, nauwi si Valeria Castillo sa kalasingan at napilitang makipag–one night stand sa isang hindi kilalang lalaki. Pagkagising niya at makita ang sarili niyang walang saplot, magkayakap pa sa iisang kama ang lalaking natutulog nang nakatalikod sa kanya, para siyang gumuho sa hiya at takot. Pero ang pagkawasak na iyon ay agad napalitan ng matinding takot at pangamba nang makita niya ang mukha ng lalaking nagmantsa sa kanya. Si Rafael Adrian Alvarez, ang nakababata niyang kaibigan na napakalamig, walang pakialam, at malupit. Ang taong pinaka-kinatatakutan niya sa buong mundo. Dahil sa matinding takot kay Rafael, hindi humingi ng kahit anong responsibilidad si Valeria at pinili na lang umiwas sa kanya. Ngunit laking gulat niya nang malaman niyang si Rafael pala ang napiling magiging asawa na itinakda ng kanyang ama para sa kanya. At si Rafael mismo ang umuwi mula sa ibang bansa para lang pakasalan si Valeria. "Para kang isang buhay na pader, Rafael. Ayokong magpakasal sa isang lalaking malamig, walang emosyon, at diktador tulad mo. At saka, masyado kang matanda para sa akin, ang laki ng agwat ng edad natin." "Sigurado ka? Kasi noong gabing iyon, hindi ako gumamit ng proteksyon. Inilabas ko ang katas ko sa loob mo, Valeria.” Namutla si Valeria sa sinabi niya!

View More

Chapter 1

Kabanata 1

“Aarrgh.. Pwede bang tumigil ka..” daing ni Valeria. Mababa at paos ang boses, nakapikit at halatang balisa at takot. “B-bitawan mo ako!” sigaw niya. Pilit itinutulak ang dibdib ng lalaking gumagapang sa katawan niya.

Kung hindi lang siya lasing, sigurado si Valeria na kaya niyang labanan ang lalaking ito. Pero dahil unang beses niyang uminom, biglang sumakit ang ulo niya at nanlambot ang buong katawan.

Naimbitahan si Valeria sa reunion ng kanilang high school batch, ginanap sa isang kilalang hotel sa kanilang siyudad. Dumating siya para makisama. Isa sa mga kaibigan niya ang nagyayang uminom ng alak, pero tumanggi siya. Pinilit pa rin siya, kaya sa huli napilitan si Valeria na uminom. Ilang lagok lang at tumigil na siya. Ilang minuto pa lang ang lumipas, biglang bumigat ang ulo niya at uminit ang batok.

Nagpasya siyang umuwi at tumakas nang palihim mula sa venue. Pero habang naglalakad sa hallway papunta sa elevator, bigla may isang malaking kamay ang tumakip sa bibig niya at hinila siya palayo.

Doon siya nauwi sa isang silid at halos wala siyang malay, pilit lumalaban sa isang estrangherong may masamang binabalak sa kanya.

Hindi puwede!

Blangko ang isip ni Valeria. Blangko dahil alam niyang kahihiyan ang aabutin ng pamilya niya. Magagalit ang Daddy at Kuya niya. Masasaktan din ang Mommy niya.

Lalong lumabo ang paningin niya. Hindi niya makita ang mukha ng lalaking sumasama sa kanya.

“Aaah…” ungol niya. Nasa gitna na ng pagkawalan ng malay. Alam niyang may masamang ginagawa ang lalaki, pero hindi niya magawang labanan ito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nawiwili siya sa haplos ng lalaki, at parang nawala ang kaniyang pagkahimatay, pakiramdam niya ay para siyang nasa isang panaginip.

“Uhmmm…” ungol niya. Nakakagat ang labi at nakapikit pa rin ang mga mata.

At dahil sa reaksyon niyang iyon, lalo pang naghasik ng pagnanasa ang estranghero. Patuloy nitong tinanggal ang suot niyang damit na pinagtatakpan ang maganda niyang katawan. Mas lalong nagnasa ang lalaki sa nakita, hindi na nito mapigilan ang sarili.

Hinubad din ng lalaki ang sariling suot tsaka pumatong sa katawan ng babae para idikit ang nag-iinit nilang katawan.

“Ah… hu-wag…” munting daing niya bago tuluyang bumagsak ang talukap ng mga mata, hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.

Kinabukasan, nagising si Valeria na masakit ang buong katawan. Parang nadurog ang kanyang mga buto. Sinubukan niyang iangat ang ulo, pero agad itong sumakit at umikot ang kanyang paningin. Naramdaman din niyang parang umikot ang kanyang t’yan at para siyang nasusuka.

At nang mapagtanto niya ang sitwasyon…

“Hi-hindi!” sigaw ni Valeria at puno ng panginginig. Bigla siyang napaiyak nang makita ang sarili niyang walang saplot. Bumilis ang tibok ng puso niya. Sumakit ang dibdib niya sa kaba.

May bakas pa ng dugo sa bedsheet!

“Hi-hindi… hindi ito pwede!” malakas na sigaw niya ulit habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Naninigas ang leeg niya at parang sasabog ang puso niya, pero pinilit pa rin ni Valeria na lingunin ang lalaki sa tabi niya, ang lalaking walang puso at walang awa na kumuha ng kaniyang puri.

Nanlaki ang mga mata ni Valeria. Sa ilang segundo, parang huminto ang pagtibok ng puso niya. Naghalo na ang emosyon niya, ang gulat, galit, at takot. At hindi siya makapaniwala nang makita kung sino ang nakahiga sa tabi niya, ang lalaking kumuha ng kanyang pagkabirhen.

Nanlamig ang buong katawan niya at nagsimulang manginig. Agad siyang bumangon, nagmamadali pero maingat. Sinuot niya ang damit niya nang mabilis, halos hindi humihinga, at dali-daling lumabas ng silid nang hindi gumagawa ng ingay.

Bangungot. Isa itong bangungot! At nangako si Valeria na hinding-hindi niya haharapin ang lalaking iyon kahit kailan!

Kailangan niyang itago ang nangyari. Masisira ang pangalan ng pamilya niya… lahat ay maaaring mawasak.

Ang lalaking iyon ang taong pinaka-kinatatakutan niya at kilala niyang mula pa sa isang delikadong pamilya.

Na kababata niya mismo!

‘Ako ba ang nang-akit sa kanya kagabi? O… hindi! Hindi puwede! Hindi ko maalala! Ang naaalala ko lang ay umalis ako sa party,’ bulalas ni Valeria. Pinapalo ang sarili niyang noo na masakit pa rin dahil sa hilo. Naiiyak siya dahil sa galit at inis sa sariling hindi maalala ang nangyari kagabi.

May ilang malabong alaala sa isip niya, pero wala siyang makumpirma. Para itong panaginip na malinaw habang nangyayari, pero biglang nawawala ang lahat sa paggising mo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
62 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status