Kabanata 1
PARA akong malalagutan ng hininga sa nakikita ko ngayon sa harap mismo ng apartment ko. Jusko! Totoo ba ito o tulog pa talaga ako??Mabilis akong nag-lingat lingat sa buong paligid dahil baka mamaya, isa pala itong sanggano! Dami kasing tattoo sa dalawang braso! At baka mamaya, may mga kaaway ito na humahabol sa kanya. Baka madamay pa ako dahil talagang dito pa siya sa harap mismo ng apartment ko nawalan ng malay! Anak talaga ng malas minsan oh!Napapasag na ako sa pagkataranta at napakagat pa ng ibabang labi sa sobrang kabang nararamdaman. Muli kong sinuyod ang buong madilim na paligid ng buong building ng apartment at ng wala talagang makita na kahit sino, nilakasan ko na ang loob ko lapitan ang lalaking maraming tattoo.Guwapo siya. Iyon agad ang napansin ko ng malapitan kong nakita ang mukha niya kahit nagkalat ang sugat at dugo niya sa mukha. Ang tangos ng ilong! Oh pak! Foreigner kaya ito??"Argh Luise! Ano bang iniisip mo!" Gulo ko sa sarili kong buhok dahil imbis na i-check ko kung buhay pa ang lalaki, talagang mas inuna ko pa ang pagkilatis sa perpekto nitong mukha! Gaga talaga!Lumuhod ako sa harapan nito at tinapat ang ring finger ko sa ilong niya. At nang maramdamang humihinga pa. Napa-buntong hininga ako. Salamat sa Diyos! Pero... ano ng gagawin ko ngayon? Ano ng gagawin ko dito sa guwapong lalaking ito? Tatawag na ba ako sa mga awtoridad?Pero—paano kung ako ang pagkamalan nilang kriminal na gumawa sa kanya nito?! Paano na ang dignidad ko bilang isang mahabaging babae dito sa probinsya namin?! Jusko! Huwag na lang. Hindi ko afford makulong! Gagamutin ko na lang siya. Tama! Ako muna ang mag-gagamot sa kanya hanggang sa magkamalay siya. Iyon ang pinaka-mainam na paraan na puwede kong gawin sa sitwasyong ito. Iyon lang din ang naiisip ko kaya bahala na! Mas ok na iyon kesa naman sa pagka-malang kriminal ng mga pulis! Nang makagawa na ng matinong plano sa utak. Binuksan ko muna ang pintuan ng apartment ko. Nilapag ko muna ang bag at mga dala kong lesson plans sa maliit na table na nasa maliit kong living room bago ulit bumalik sa labas para buong puwersa buhatin ang lalaki na sobra pala ang bigat!Sa mahabang sofa ko binagsak ang malaki niyang katawan. Napa-meywang pa ako pagkatapos at malakas naghabol ng hininga sa harapan nito dahil feeling ko, tumakbo ako ng one-hundred times sa marathon sa ginawa ko! Jusko po! Pinunsan ko ang namuong pawis sa noo ko gamit ang braso ko. Sunod kong ginawa, nilinis ko ang nagkalat na dugo sa labas dahil sa noo niyang may malaking sugat na parang hinampas ng isang matigas na bagay. Pagkatapos niyon, bumalik ako sa loob ng apartment ko at nag-bihis muna dahil pati ang uniform ko. May mantsa na ng dugo dahil sa pag-buhat ko sa lalaking iyon! Bwisit! Dalawa lang uniform ko pamasok e! Ano nang gagamitin ko bukas?!Kung bakit ba kasi nangyayari ito sa akin? Wala naman akong ginagawang masama ah! Oo masama ugali ko pero kay Manang Lina lang naman dahil pinag-kakalat niyang tomboy ako sa mga kalapit bahay namin dahil wala pa raw akong jowa sa edad kong ito! Ha! Pagiging losyang niya nga hindi ko pinakiki-alam-man tapos siya- lakas makapag-kalat ng fake-news patungkol sa akin?Pagkatapos ko m*****d ang uniform ko sa CR at malinis na rin ang mga tulo-tulong dugo sa maliit kong living room. Kinuha ko ang medicine kit na nakatago sa kuwarto ko at umupo sa harapan ng guwapong sanggano.Lilinisin ko na sana una ang noo niyang patuloy pa rin sa pagdurugo ng mapatigil kusa ang kamay ko na may hawak na bulak ng matitigan ko ulit ang mukha niya.Sobrang guwapo niya kasi talaga. Mas guwapo pa itong lalaking to doon sa bidang lalaking pinapanood ko gabi-gabi sa tv!Makapal na kilay, sobrang tangos na ilong, nakaka-akit na pulang mga labi, depinadong jaw-line. At siyempre, ang banyagang feature ng mukha niya na siyang mas lalong nagp-paguwapo sa kanya.Bumilis bigla ang puso ko. Na sa mga pinapanood ko lang na tele-nobela nangyayari. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ngayon habang nakatitig ako sa guwapong sangganong ito. Pero hindi ko na rin iyon inisip pa i at tumuloy na lang sa paglilinis ng sugat ng lalaki dahil baka maubusan na ito ng dugo sa paga-adura ko masyado ng mukha niya! Medyo natagalan ako sa paglinis at pagpapatigil ng dugo sa noo niya dahil ang laki talaga ng sugat. Buti na lang talaga, medyo may pagka-alam ako sa pagtatahi at pag-gagamot dahil uma-attend ako sa mga seminar minsan sa mga rescue operation dito sa amin dahil isa rin ako dito na on-call emergency nurse. Nang tuluyan ko nang maisara ang sugat. Binalot ko ang buong noo niya ng gasa. Sinunod kong ginamot ang unti niyang galos at sugat sa ibang parte pa ng mukha niya. Minsan napapatigil nga lang ako sa pagd-dis-infect ng sugat dahil hindi ko maiwasan ang mapatulala talaga sa guwapo niyang mukha! Jusko! Ngayon lang talaga ako nakakita sa talang buhay ko ng ganito ka-guwapong lalaki! Ano kayang lahi nito? Amerikanong busog? Ginamot ko rin ang mga sugat niya sa dalawang braso. Ginupit ko rin ang suot-suot niyang polo shirt para makita kung may sugat din ba siya sa katawan niya. May sugat naman. Pero iba ang nakakuha ng atensyon ng dalawang mata ko.Ang matikas niyang dibdib at nasa perpektong puwestong six packs abs niya. Iyon. Iyon talaga ang umakit sa mga mata ko dahil first time ko rin makakita sa personal ng katawan ng isang lalaki at ganito pa talaga kaganda! Ulalam! Tinanggal ko ang pagka-hayok ko sa katawan ng walang kamuwang muwang na lalaki at ipinagpatuloy ang pag-gamot sa mga sugat niya roon. Tumagal rin ng ilang oras ang pag-gamot ko sa lahat ng sugat niya sa buong katawan. Kasama na doon sa ilang oras na iyon ang pag-titig ko sa perpektong niyang katawan siyempre. Hindi rin doon natapos ang gabi ko dahil kahit pagod na pagod na ako. Naglaba pa ako ng uniform ko para may gagamitin ako sa susunod na araw. Nilabhan ko rin ang mga damit ng guwapong sanggano pati na rin ang khaki shorts na suot niya na may dugo rin. Tinira ko lang talaga sa lalaki ay ang fitted niyang boxer. Na siyang nagpapula ng husto sa dalawa kong pisnge ng maalala ko! Dahil bakat na bakat ang malaking pagkalalaki niya doon!Argh! Luise! Manyak! Tumigil ka nga! Pagkatapos ko i-dryer ang mga damit namin. Sinampay ko na ito sa loob lang rin ng apartment ko dahil nag-pakabit ako ng sampayan sa kisame ko dahil may kataasan naman iyon. -Malakas akong napa-buntong hininga ng matapos ko na lahat ng gawain. Naka-upo na ako ngayon sa harapan ulit ng guwapong sanggano at nakatulala sa walang malay niyang mukha. Napa-isip ako. Hindi kaya literal na sanggano itong lalaking ito? May kaaway siyang humahabol sa kanya kaya marami siyang sugat? Idadag pa ang balot niya sa tattoo-ng mga braso. Sabayan pa ng pagka-madilim ng ekspresyon ng mukha niya. Baka naman... takas talaga itong lalaking ito sa presinto at pinaghahabol talaga siya ng mga awtoridad kaya marami siyang sugat?? Napa-ayos ako ng upo. Natakot bigla para sa sarili ko sa naisip. Dahil kung sakaling totoo iyon, baka makulong nga talaga ako kapag nalaman ng mga awtoridad na tinatago ko ang lalaking ito sa balwarte ko!"Isuko ko na kaya siya?" natatakot kong ka-usap sa sarili ko. Umiling rin naman ako kalaunan ng mapansin kung gaano ang lalaking ito ka kinis. Hindi Luise. Walang Kriminal na mas maputi pa sa sabon na dove! Tama! Ang mabuti pa itulog mo na 'yan! -"Oh, yare sa mga mata mo Luise? Nanood ka 'no?" ngising aso sa akin ni Honey ng mauna siya sa faculty room namin kinabukasan. Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa lamesa ko at umupo bago siya sinagot, "Gaga! Hindi ako nanonood ng gano'n!"Mas lalong lumawak ang mapang-asar niyang ngisi. "E bakit parang p'wede ng pag-libingan ng insekto 'yang ilalim ng mata mo sa sobrang lalim kung hindi ka nanonood? Nakipag-face time ka na naman siguro sa dating app buong magdamag 'no?! Afam na afam 'yan!?"Napa-ingos at kiling na lang ako sa pagka-asar sa babaitang kaharap na tawa pa ng tawa sa akin! Kung puwede ko nga lang i-kuwento sa kanya na kaya ako alasingko na ng umaga nakatulog kagabi ay dahil nag-alaga ako ng guwapong sanggano na nakita ko sa harap mismo ng apartment ko. Ginawa ko na! Kung may tiwala lang ako sa bibig niya. Baka. Pero wala. Kaya hindi! Inasar pa ako ng inasar ng tabatchoy. Hindi ko na lang pinatulan dahil bukod sa antok at pagod pa talaga ako. Magu-umpisa na ang klase kaya mas kailangan ko ihanda ang lesson plans na ituturo ko ngayong araw kesa ang makipag-bardagulan sa kaibigan. Iniwan ko ang lalaki sa bahay ng wala pa ring malay. Sana lang—magising na siya mamaya dahil gusto ko na agad matapos ang kung ano mang nangyayari sa akin. Dahil hindi ko talaga ito gusto! Itutuloy...Kabanata 18NANG gabing iyon, magulat man kayo o hindi. Walang nangyari sa amin ni Putlong. Maging ako, nagulat rin sa sarili ko, pero ng gabing talaga na iyon na hinalikan ako ni Putlong sa tuktok ng Perris-wheel. Ginulo na naman niya ang puso't utak ko.Pagkauwi namin ng gabing iyon sa apartment, binigyan ko muna si Putlong ng pamtulog niyang damit at nagpaalam na rin ako sa kanya na matutulog na ako at saka pumasok sa sariling kuwarto.Binagsak ko ang katawan sa kama at tumititig sa kisame. Hinawakan ko ang ibabang labi ko kung saan ko pa rin dama ang malambot na labi ni Putlong habang unti unti na naman akong kinakain ng malalim kong iniisip.Iniisip ko na naman kasi kung tama pa ba itong ginagawa ko. Kung tama bang gine-gate keep ko si Putlong sa totoo niyang pamilya dahil sa sarili kong interest sa lalaki. Dahil parang sa halik na iyon sa akin ng Damuho, parang may mga bagong pintuan na naman ang nagbukas sa isip ko.Mga pintuang pinilit kong ipagsa-walang bahala at isinara, per
Kabanata 17MATAMAN kong pinapanood si Putlong magbihis ng pang-itaas niya dito sa sala. Sinusulit ang pagkakataong i-admira ang maganda niyang katawan na ubod rin ng puti.Ilang beses ko na itong nakita, pero kahit ganoon talaga, hindi ko mapigilan ang sarili ko titigan pa rin ito kapag may pagkakataon, dahil parang inukit talaga ng magaling na iskulptor ang katawan ng damuho. Lahat ng muscles ay nasa tamang posisyon. At ang pagkakahubog ng mga ito… ang sarap- ay- I mean… masarap sa mata!Talbog pa ni Putlong ang mga modelo sa men's magazine na dati'y pinagpapantasyahan ko. At idagdag pa ang tattoo niya sa isa niyang braso...Nakakatakot iyon kung titignan dahil sakop niyon ang buo niyang braso. Ngunit, mas lamang ang angas na sinisigaw niyon...Ang maputi niyang kutis ang siya lalong nagpapaganda ng tattoo. Idagdag pa ang nagpuputukan niyang biceps at triceps! Hindi pa kasama diyan ang guwapo niyang mukha na sumisigaw ng pagkabanyaga.Napabuntong hininga na lang ako at napa iling.S
Kabanata 16Mabilis lumipas ang mga araw pagkatapos ng gabing iyon. Simula rin no'n, mas inagapan ko ang pag-uwi ko sa apartment. Doon ko na lang tinatapos ang tambak na gawain ko kesa sa school.Nasa akin pa rin kasi ang pangamba na baka kung mapaano si Putlong habang mag-isa lang siya sa apartment. Hindi pa rin kasi nahuhuli ang mga armadong rebelde na nagpapakalat kalat dito sa probinsya namin. Mamatay lang ako sa pag-aalala sa school kaya dinala ko na lang ang gawain sa bahay."What's... wrong?" Usal ng binatang tinutunaw ko na pala sa titig. Kinagabihan, matapos namin dalawa mag-hapunan. Inosente akong napa-kurap kurap at napa-ayos ng indianong upo sa lapag dito sa sala. Sa malalim ko kasing pag-iisip hindi ko na namalayan na naka-tanga na lang ako sa guwapong mukha ni Putlong na busy-ing busy ayusin ang pinapaayos ko sa kanyang mga test paper exam ng mga estudyante ko.Napa-iwas ako ng tingin sa hiya sa binata, "W-Wala naman..." mahina ko pang sagot dito. Ramdam kong hindi niy
SPG! Super.Kabanata 15"P-Putlong, umupo ka na..." hindi nakatakas sa boses ko ang matinding kaba at pinagsamang pagkasabik ng utusan ko ang lalaking kaharap na umupo sa nakasaradong inidoro sa cr ng apartment namin.Hindi na naming dalawa natapos ang kinakain namin sa hapag kanina dahil agad ko ng hinila si Putlong papasok ng cr ng malaman ko sa mga mata niya kanina ang gusto niya. Nawala na naman ako sa rasyonalidad ko pagdating sa lalaking ito, dahil isang titig niya lang. Bumigay na ako. Bahala na ang reputasyong inaalagaan ko bilang isang marangal na guro. Wala na akong paki doon ngayon- basta ang mahalaga, mapaligaya ko ulit si Putlong sa paraang alam ko dahil batid kong na-miss niya rin iyon.Sinunod ng lalaki ang utos ko. Mabilis siyang umupo sa inidoro. Binukaka ang mahahaba at mabalahibo niyang biyas. Tumingala sa akin at tinitigan na naman ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.Binalik ko sa kanya ang tingin. Tinitigan ko rin ang guwapong binata gamit ang nanabik nguni
Kabanata 14"MA'AM Luise? Nabalitaan niyo na rin po ba ang bali-balita na may nagkalat na mga armadong rebelde rito sa atin?" Usisa ni Kuya Ben sa trisikel.Hindi agad ako nakatugon sa kanya dahil ang utak ko ay nasa kaninang eksena pa rin kung saan tinanggihan ko ang paanyaya ni Sir Allan na kumain kami sa labas ngayong araw. Hindi ko lang talaga iyon makalimutan. Nasa utak ko pa rin ang gulat at malungkot na mukha ng lalaki ng sabihin ko sa kanyang hindi ako makakasama dahil may gagawin akong mas importanteng bagay.Nag-guilty ako na ewan. Pakiramdam ko— ang sama-sama ko. Pero kasi... si Putlong. Alalang alala talaga ako sa binata at hindi maalis ang nararamdaman kong ito hanggat hindi ko nakikitang ayos lang siya."Oo Kuya Ben. Binalita na sa amin 'yan kanina sa meeting kaya medyo ginabi ako ngayon," Sagot ko sa matanda na naka-pokus sa pagd-drive at sa daan.Ngumuso ito, "Naku! Ma'am Luise! Iba na talaga ang panahon. Dati naman, walang ganito dito sa atin. Pero ngayon... naku...!
Kabanata 13NANG banggitin pa lang ni Mrs. Cruz ang salitang 'rebelde'. Tumalon na agad ang puso ko sa pag-aalala. Hindi para sa akin at para sa mga estudyante ko kung hindi para kay Putlong.Hindi ko alam kung bakit siya agad ang unang pumasok sa isip ko. Parang awtomatikong nag-pintig ang dalawang tainga ko sa balitang hatid ng head director.Mag-isa lang si Putlong sa apartment. Wala siyang kasama doon. Kadalasan pa, late pa ako nakakauwi dahil dito ko sa school tinatapos ang mga dapat tapusin sa trabaho dahil sa bahay, naka pokus ako masyado sa pag-aasikaso sa kanya. Mas lumalim ang pag-aalala ko para sa binata sa mga naiisip. Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Mrs. Cruz sa harapan dahil okupado na ni Putlong ang isip ko. Hindi ako mapakali sa kinakasadlakan ko na ewan. Ang gusto ko na lang mangyari ay ang umuwi. Na alam ko namang hindi ko magagawa dahil kakaumpisa pa lang ng meeting! Napakagat ako ng ibabang labi.Putlong, sana walang mangyari sa 'yong masama. Pauwi na ang as