Her Love Marked Him First

Her Love Marked Him First

last updateLast Updated : 2026-01-04
By:  AVA NAHUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
77views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na, noon pa man!” — Frances Alva Nang magdalagita si Frances Alva, alam na niya ang papel ni Denmark Mondragon sa buhay niya. Ang lalaking pakakasalan niya balang araw, ang magiging ama ng mga anak niya, ang lalaking nakalaan para sa kanya. Ngunit sa mata ni Denmark, isa lamang siyang kapatid ng kaibigan. Walang higit pa roon. Walang pagtingin. Walang puwang sa puso nito ang gaya niya. Subalit hindi niya akalain na ang tadhana mismo ang magbibigkis sa kanilang dalawa. Isang iglap, isang pagkakamaling hindi sinasadya, naabutan sila ng kapatid sa iisang kama, at nauwi sa isang kasalang mali na sa simula pa lang… dahil may ibang mahal ang binata. Ngayon, nakatali na sila sa biglaang kasal. Kasalang walang pagmamahal at puno ng sakit dahil sa paraan ng pakikitungo nito. Magkakapuwang pa kaya siya sa puso ng binata? May pag-asa pa kaya siyang mahalin ni Denmark? O mauuwi lang ito sa pusong sugatan?

View More

Chapter 1

HLMHF—Chapter 1

“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”

— Frances Alva

***

France’s POV

“S-SAAN ang kwarto ko?” 

Natigilan si Denmark sa  paghakbang sa naging tanong ko.

“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.

“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.

Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”

Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig. 

“O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.

Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyado ako. Kahit na anong paliwanag ni Denmark na walang nangyari sa amin, hindi siya naniwala, kaya ayon, nauwi sa kasalan. At ito, ang unang gabi namin ni Denmark sa bahay niya.

Si Denmark, may sariling bahay na dahil mula naman talaga sila sa mayamang pamilya, plus may sariling business siya. 

Malungkot na iginala ko ang mga mata ko nang makapasok. Sayang lang at hindi ko kasama si Denmark sa silid na ito. Pero okay na rin. Balang-araw, mamahalin din niya ako.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Nang pagbuksan ko, isang lalaki at babae na sa tingin ko ay kasambahay ni Denmark.

“Good evening po, Ma’am. Ako po pala si Lerma, ang kasambahay po ni Sir Denmark.” Tumingin siya sa katabi niya. “Si Ronnie, ang personal driver naman po ni Sir,” pakilala niya sa akin na ikinangiti ko.

“Nice meeting you two po,” pakilala ko rin na nakangiti. “Ako naman po si France, a-ang asawa po ng Sir Denmark niyo.”

“S-sabi nga po ni Sir.” Mukhang may naalala si Lerma. “Ipapasok nga po pala namin ang mga gamit niyo po.” 

Nasa gilid na pala ng pintuan ang maleta ko bago sila kumatok.

“Tuloy po kayo.” Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok sila. Tinulungan ko rin sila sa pagpasok niyon.

Dahil gabi na, pinagpabukas ko na lang ang pag-aayos sa mga gamit ko. Saka may pasok ako ng 10am kaya kailangan ko na ring matulog. Alam ko ring mamamahay ako sa bahay ni Denmark kaya bumaba ako para magtimpla ng gatas.

“Para po ‘yan sa asawa ko, Ate Lerma?”

“Ay, oo. Mukhang may tatapusin yata ang asawa mo kaya nagpapatimpla ng kape.” 

“Ako na lang po ang magbigay sa kanya kaya?” suhestiyon ko kapagkuwan.

“O sige.” Ngumiti ang matanda. “Eh, ikaw, iha, ano ba ang sadya mo rito sa kusina?”

Naupo ako sa upuan habang hinihintay ang kape ni Denmark. “Um, gatas po. Pampatulog lang po.”

“O sige-sige, ako na ang magtimpla.” 

Napangiti ako. 

“Salamat po!”

Masaya kong hinintay ang hinahanda ng matanda. Sinamahan niya rin ng isang slice ng cake kaya napangiti ako. Parehas pala kaming mahilig sa cake ni Denmark.

Dahan-dahan na umakyat ako sa apat na baytang. Hindi naman ganoon kataas ang bahay ng asawa pero malawak at moderno, kaya maganda na para sa akin. Nga lang, konti lang ang design dahil sa lalaki nga ang may-ari.

Nakadalawang katok ako sa silid niya bago iyon sinundan ng boses ni Denmark.

“Pasok!”

Nakangiting pinihit ko iyon saka binalikan sa malapit na counter top ang dala ko. 

Nasa kama si Denmark habang nakaharap sa laptop niya. Busy nga talaga siya.

Matagal kong pinagsawa ang paningin sa gwapong mukha ng asawa. Napansin niya siguro na may nakatingin kaya nag-angat siya nang tingin.

“What are you doing here?” kunot ang tanong ni Denmark, hindi maipinta ang mukha niya.

“Um, dinalhan kita ng kape at cake. Saan—”

“Hindi ako nagugutom, France. Makakalabas ka na.” 

“Pero sabi ni Manang—”

“Get out, France. Pakiusap naman, o.” Kahit na hindi mataas ang boses ni Denmark, pero ramdam ko ang kalamigan niyon.

“O-okay. G-good night.” Nagbaba ako nang tingin kapagkuwan at tumalikod na. 

Akmang lilingon ako para isara ang pintuan nang biglang sumara iyon. Nagulat pa ako kaya muntik nang mahulog ang laman ng tray na dala ko.

“O, akala ko ba magkakape si Sir?”

“H-hindi na raw po.” 

Kita ko ang pagkunot ng noo ng matanda bago iyon kinuha sa akin.

“S-salamat po rito, Ate Lerma.” Kinuha ko ang baso na may lamang gatas at umakyat na. Pero bago ko buksan ang pintuan ng silid ko ay sumulyap ako sa pintuan ni Denmark. 

Hindi niya talaga ako gustong makita. Paano na ‘yan?

Alas otso y medya ako nagising kaya nagmadali ako. Baka ma-late ako kaya singbilis ni Flash akong nagligo at nag-ayos.

Sakto lang ang paglabas ko, papalabas na rin si Denmark sa silid niya.

“Morning. Papasok ka na?” masayang sabi ko.

Hindi niya ako narinig, kunwa’y inabala niya ang sarili sa pagtingin sa relong pambisig niya. Dahil doon, nagmadali ako para habulin siya.

“Ihahatid mo ba ako? Madadaanan mo naman ang university namin sa pagpasok, right?” kausap ko pa sa kanya.

Gaya kanina, wala akong narinig na sagot mula kay Denmark kaya nakaramdam ako ng lungkot. 

“Uy, Denmark. Naririnig mo ba ako?”

Tumigil si  Denmark at binalingan ako. “Can you please shut your mouth? Ang dami kong iniisip. Saka pwede bang bawasan mo ang pagiging papansin mo? Naiirita ako, e.” Sinabayan niya nang pagkamot sa noo.

Napayuko ako. “Gusto ko lang naman itanong kung ihahatid mo ba ako.”

“Hindi. Okay na?”

“P-pero—”

“Nandyan si Ronnie, siya ang maghahatid sa ‘yo, hindi ako.”

Napatitig ako sa kanya. “Drop mo lang naman ako, a.”

Natawa siya nang mapakla. “Sa hindi nga ako dadaan sa university niyo, kaya kay Ronnie ka na lang magpahatid.” Saglit siyang natigilan. “O ‘di kaya, kumuha ka ng driver sa bahay niyo. Tutal naman ikaw ang may gusto sa kasalan na ito, e. Kaya dapat lang na gawan mo nang paraan ‘yang problema mo.”

“D-Denmark…” tanging sambit ko nang basta na lang niya ako tinalikuran.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status