แชร์

Chapter 3 BIPR

ผู้เขียน: GirlonFire28
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-04-30 10:37:19

AMBER POV

DUMATING ANG oras ng uwian pero naiwan akong mag-isa sa opisina.  

Nang makaramdam ng ihiin ay saka lang ako tumayo para pumunta sa banyo. Naginhawahan ako nang makatapos umihi. Gumaan ang pantog ko.

Nag-iinat na naglakad ako pabalik sa mesa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wall clock at gano'n na lang ang panlalaki ang aking mata ng makita ko kung anong oras na.

Ala-una y medya?

"Shit, anong sasakyan ko pauwi nito? Madaling araw na pala!"

Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko at saka sumubsob sa mesa.

Ang dami ko pang uulitin, tapos iisipin ko pa ang sasakyan ko pauwi.

Haist kapag minamalas ka nga naman.

Wala na akong nagawa kun'di ang tapusin ang trabaho ko. Bahala na nga.

Nang matapos ako ay doon pa lang ako tila nakahinga nang maluwag pero agad ding nawala nang makita kong alas kuwatro na ng umaga.

Hilong-hilo na ako sa sobrang puyat kaya naman sa halip na umuwi ay naisipan kong umidlip na lang muna.

Parang hindi pa natatagalan ang idlip ko nang may gumising sa akin.

Ang fresh na fresh na awra ni Agnes ang sumalubong sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Tumaas naman ang plakadong kilay nito. "Malamang magtatrabaho. Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa mo rito?"

"Anong oras na ba?" balik tanong ko.

"Alas nuebe na."

"Alas nuebe?!" gulat na bulalas ko.

"Oo! Kaya bakit ganiyan pa rin ang suot mo? Don't tell me, hindi ka umuwi?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Mismo," nanlulumong kong sabi.

"Bakit? Gusto mong magkasakit sa ginaga---" Sabay kaming napatingin sa telepono sa ibabaw ng mesa ko nang tumunog iyon.

"Sagutin mo," untag nito sa akin.

"Ikaw na, please," pakiusap ko.

"Ikaw na, bilisan mo na at baka emergency iyan," tanggi nito.

Wala naman akong nagawa kun'di ang inaangat iyon at nilagay sa tapat ng tainga ko.

"Good morni---"

"Come to my office, now!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng taong nasa kabilang linya.

"Did you hear me? I said, come to my office, now!" ulit na sigaw nito sa kabilang linya.

Halos maalog na ang utak ko sa lakas ng boses nito.

"Y-Yes, S-Sir," nauutal na sabi ko.

"Faster! Don't waste my time!"

"O-Opo."

Malakas nitong ibinalibag ang pagbababa ng telepono kaya naman mariin akong napapikit dahil sa sakit ng tainga ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka nilikom ang mga papeles, pagkuwa'y tumayo na ako. Pero agad din akong napabalik sa pagkakaupo dahil bigla akong nakaramdam ng hilo.

Hinilot-hilot ko muna ang ulo ko bago muling tumayo.

"Okay ka lang ba, Amber?" biglang sabi ni Agnes. Sinundan pala ako nito palabas ng pinto.

"Ayos lang, Agnes. Salamat," sabi ko.

Mukhang hindi naman ito kumbinsido dahil mataman ako nitong tiningnan.

"Sige na, pumunta ka na ro'n, mamaya na tayo mag-usap," anito at inalalayan akong makapasok sa elevator.

Habang nasa elevator ay kipkip ko ang folder na malamang ay gustong makuha ni Sir Zeus.

Medyo nahihilo pa ako pero keri lang. Unang araw pa lang ito pero pakiramdam ko mauutas na ako nang maaga. Correction hindi pala unang araw dahil pangalawa na pala.

Kumatok ako sa nakasaradong pinto ng office nito.

"Come in," boses ni Ma'am Celeste.

Mabagal kong itinulak ang pinto pabukas. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Ma'am Celeste.

"Pumasok ka na sa office ni Sir Zeus," anito.

"Salamat po, Ma'am," pasalamat ko naman sa mabait na secretary.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang ginawa ko bago kumatok ng dalawang beses.

Nang walang nagsalita ay kusa ko ng binuksan ang pintuan.

Nakita kong nakatayo si Sir Zeus malapit sa may bintana habang nasa bulsa ng pantalon ang isang kamay.

"Good morning po, Sir Zeus," bati ko. Pinilit kong ipanatag ang sarili ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagkunot ng noo nito nang mapatingin sa akin.

"What are you wearing?" hindi nakatiis na tanong nito. Nakakainsultong sinuyod pa ako nito nang tingin mula ulo hanggang paa.

Gusto kong manliit sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin. Para akong basahan sa paraan ng pagkakatingin nito.

"Pumasok ka sa kumpanya ko na iyan pa rin ang suot mo? Ubos na ba ang milyones na nakuha mo?"

Mangha akong napatingin dito. "Ano pong ibig n'yong sabihin na milyones?"

"Still acting like a naive child, huh? Stop acting like you can fool me for the second time, Ms. Agustin."

Lalo akong naguluhan sa pasaring nito. Pero dahil nahihilo na talaga ako wala na akong panahon para makinig sa mga pang-iinsulto nito.

Lumapit ako rito at iniabot ang hawak kong folder. Hindi naman nito kinuha iyon bagkus ay tinitigan lang ako.

"Heto na po ang kailangan n'yo, Sir."

"Did I tell you I needed it now? I said I need it yesterday, yesterday not now! Do you think I'm kidding when I say I'm evaluating you?"

Napailing na lang ako dahil sa lakas ng boses nito. Para akong bingi kung makasigaw ito.

"What? You're not going to say anything?" tanong nito nang hindi ako sumagot.

"I'm sorry po, sinubukan kong matapos kahapon pero hindi ko po kinaya. Mas'yado pong marami ang pinapaulit ninyo sa akin. As you can see po, hindi pa ako nakakauwi sa bahay kaya ganito pa rin ang suot ko." Hindi ko na napigilan ang mangatwiran.

Hilong-hilo na ako sa puyat tapos makakarinig pa ako ng insulto mula rito.

"Are you blaming me because you're still wearing the same clothes?" hindi makapaniwala nitong tanong. Tumawa pa ito nang bahagya at saka muling nagsalita. "Is it my fault that you aren't doing your job well enough? If you don't know how to do your job, then quit! Stop wasting my money on your salary when your work isn't worth it!"

Hindi ko alam kung paano lulunukin ang mga sinasabi nito sa akin. Pero dahil hindi ako pinalaking duwag ng mga magulang ko kaya hindi ako basta-basta mapapasuko ng mga panlalait n'ya.

Taas noo akong tumingin kay Sir Zeus.

"Ginagawa ko po nang maayos ang trabaho ko, Sir! Hindi ko po kasalanan na lahat ng trabaho ko hinahanap mo ng butas."

"Hindi ko ipapabago sa'yo ang gawa mo kung maayos mong nagawa! At anong gusto mong palabasin ngayon, na pini-personal kita?" manghang tanong nito.

"Bakit, hindi ba?" lakas-loob na balik tanong ko rito.

Pagak itong tumawa at saka humakbang palapit sa akin. "Who do you think you are?"

Hindi naman ako nakakibo sa tanong nito. Oo nga naman, sino nga ba naman ako, hamak na tauhan lang nito. Tauhan na kayang-kaya nitong hamak-hamakin.

Sinupil ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Mapait akong napangiti at sinalubong ang mga mata nito. "Tapos na po ba?"

"How long have you been here?" sa halip ay tanong nito.

"Two months."

"Two months? And you still don't know how to do your job. Do you believe you deserve this job?"

Hindi ako sumagot, mataman lang akong nakatingin dito. Ibang-iba ang Zeus na nasa harap ko ngayon kaysa noon.

"Ms. Agustin!" pikang untag nito.

"Manang-mana ka sa Nanay mong matapobre, tangina mo!" bulong ko. Hindi ko na napigilan ang pag-alsa ng inis at panggigigil para rito.

"What did you just say?"

"Ha?"

"Tinatanong kita kung ano ang binubulong mo?" mariin nitong tanong.

"Ang sabi ko po kung tapos na kayong lait-laitin ako, kasi kung oo, maaari na po akong bumalik sa trabaho ko?"

"Hindi iyon ang narinig ko."

"Iyon po ang sinabi ko," sagot ko bago lumayo rito. Ipinatong ko sa mesa nito ang folder at saka naglakad palabas ng opisina nito.

Ngunit nasa pintuan pa lang ako ng tawagin nito ang pangalan ko.

Hindi ko ito pinansin. Nagbingi-bingihan na lang ako.

Binuksan ko na ang pinto, tangka akong lalabas ng may kamay na humaklit sa kaliwang braso ko.

"Where do you think you're going?" mayabang na tanong nito at pinihit ako paharap dito.

"Babalik na po ako sa opisina."

"Sinabi ko bang umalis ka na?"

"Wala naman na po kayong kailangan sa akin, hindi ba? Baka masayang ang perang ipapasuweldo ninyo sa akin."

"Are you---" Naputol ang anumang sasabihin nito ng hilahin ko ang aking braso mula sa pagkakahawak nito.

"Excuse me. Babalik na po ako sa trabaho ko." Iyon lang at nilayasan ko na ito.

Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin.

Tuloy-tuloy lang akong nilisan ang opisina nito.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (13)
goodnovel comment avatar
Jeckk Tan
Ayyy ang mommy mo Ze ang sumira sa inyong dlawa ni amber..
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kaya pala galit si Zeus Kay Amber baka may kinalaman Ang nanay niya
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
ang gnda ng takbo ng story......
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Finale BIPR

    Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 67 BIPR

    Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 66 BIPR

    Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 65 BIPR

    Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 64 BIPR

    Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 63 BIPR

    Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status