Share

Chapter 24

Akala ni Vivianne ay magiging maayos na ang lahat matapos ang paghingi niya ng tawad kay Beckett kanina, pero akala lang pala niya iyon. Matapos kasi niyang sagutin si Beckett kanina sa tanong nito ay hindi na muling nagsalita ang lalaki.

Mas naging tahimik pa ito, at tanging ang paghigop lang nila sa sabaw ng noodles ang maririnig sa buong silid.

“May problema ba?” tanong ni Vivianne nang hindi na matiis ang kuryosidad. “May nasabi ba akong mali?”

“None.” Umiling si Beckett at huminga nang malalim. “Just eat, so you can rest afterward.”

“Wala ka bang schedule ngayon ng photoshoot?” pag-iiba naman ni Vivianne ng topic. Ayaw niyang matapos ang usapan nila. Ayaw niya ng katahimikan dahil kung saan-saan naglilibot ang isip niya. “Bakit ka nga pala bumalik dito? May nakalimutan ka bang kunin?”

Hindi sumagot si Beckett. Imbes ay itinuro niya ang smoke detector sa kusina. “That alarm will notfy on my phone if something happens. It alarmed earlier, so I thought… something bad happened to yo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status