HINDI SUMAGOT si Vivianne. Natatakot kasi siya na baka makahalata si Manager Yu na magkakilala sila kapag sumagot pa siya. Pinilit na lang niyang pakalmahin ang sarili bago ngumiti.
“Pinatawag n’yo raw po ako, manager?” pag-iiba ni Vivianne ng topic.
Marami mang gustong itanong si Henry pero iwinaksi na lang muna niya iyon sa isip niya. Nasa working hours nga pala sila, at nasa harapan pa nila ang sikat na Filipino-Italian model na si Beckett Clainfer.
“Vivianne, baby, I want you to meet your new client.” Henry looked at Beckett’s direction as he pointed at him. “Starting from now ay sa labas ka na muna magtatrabaho. Kinuha kang personal dress stylist ni Mr. Clainfer kaya ganoon.”
“A-Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Vivianne.
Sa mga oras na iyon ay mas maniniwala pa yata si Vivianne kung sinabi na lang ni Henry na naging puti na ang uwak o nagkulay lila ang buwan.
“B-Bakit naman siya kukuha ng dress stylist sa maliit na kumpanya tulad nito?” dagdag niya pang taong.
“Because I liked how you style your clients’ clothes,” Beckett interjected, his lips forming into a pretentious sweet smile… before it became sardonic.
‘Ang sabihin mo, gusto mong gumanti!’
Napangiwi si Vivianne, lalo na nang dumako ang paningin niya sa pisngi ng lalaki. Nakita niya ang mumunting itim sa pisngi nito na mukhang tinambakan lang ng concealer.
“No.” Vivianne shook her head, the tone of her voice being firm. “Puwede naman akong tumanggi, ‘di ba? Ngayon lang naman ako tatanggi sa client.”
“Baby, don’t be too harsh…”
Henry’s eyes flickered between Vivianne and Beckett. Natakot pa siya nang kaunti dahil first time nilang magkakaroon ng kliyente kagaya ni Beckett, pero ganito pa siya i-trato ng dalaga.
“Alam mo bang siya pa mismo ang pumunta rito sa kumpanya natin para lang hanapin ka?” dagdag na pangungumbinsi ni Henry sa dalaga, pero tumawa lang ito.
“I’m sorry… Nawawala ako. Ako talaga mismo ang hinanap niya?” saad ni Vivianne sa isang sarkastikong boses. “Ridiculous,” dagdag niya pa bago umirap.
Tila nawalan na ng pakialam si Vivianne kung nasa harap niya lang ang lalaki na tuwang-tuwa naman sa reaksiyon niya.
“You’re talking about me as if I’m not here. How funny,” Beckett couldn’t help but comment.
He crossed his legs this time, his gaze not leaving Vivianne. Inirapan lang siya ng babae, at kitang-kita iyon ni Manager Yu.
Gustong sitahin ni Henry si Vivianne sa ugali nito, pero bukod kasi sa magaling na dress stylist si Vivianne ay mayaman din ang pamilya nito.
The Allamino family even owned one-fourth of the shares of their company, and Vivianne didn’t have any idea about it. Iyon ang dahilan kung bakit walang puwedeng bumangga kay Vivianne kahit ano ang gawin nito.
“Baby… look. Alam mo namang bibihira lang ang opportunity na ganito sa atin, right?” saad ni Henry bago hinawakan ang magkabilang kamay ni Vivianne. “Isipin mo na lang din na malaking tulong din ito sa aming lahat… pati na rin sa ‘yo.”
Vivianne remained silent as she contemplated Henry's words. Tama naman kasi ang manager niya.
Kapag nakuha nila si Beckett bilang kliyente nila ay dudumugin sila ng iba’t-ibang artista at models, na siguradong magpapaangat din ng kita ng kumpanya nila.
‘Kaya ko ba 'to?’ tanong ni Vivianne sa sarili bago itong nagkuyom ng noo. ‘Paano kung mamatay ako sa kunsumisyon?’
“It looks like Miss Allamino didn't want me as her client,” sagot ni Beckett. Nanatili pa rin ang tingin nito kay Vivianne. “It's fine with me. I can find another one—”
“Pumapayag na ako.” Sumagot na si Vivianne bago pa matapos ni Beckett ang sasabihin. “Kailan ako magsisimula?”
“Now,” Beckett answered as he smiled wickedly.
“Agad-agad?!” Nanlaki ang mga mata ni Vivianne sa gulat. “At ngayon mo lang sinabi sa akin?!”
“Well, I have a full-packed schedule. You should even be grateful that I personally recruited you.” Tiningnan nito ang mamahalin niyang wristwatch. “I'll give you fifteen minutes to pack your things. Just bring the most important ones—I'll ask my manager to buy all your needs.”
Ngumiwi si Vivianne dahil sa inis, dahilan para mapangiti si Beckett. Halata kasing gusto na naman siyang suntukin ng babae pero nagtitimpi lang ito nang matindi. Naiinis si Vivianne sa kan’ya, pero wala naman itong magagawa.
Kung ano ang gusto ni Beckett ay makukuha niya. At sa ngayon, ang gusto niya lang ay makuha si Vivianne—Ang unang babaeng sumuntok sa kan’ya.
“Okay, Sir,” labas sa ilong na sagot ni Vivianne.
Mapagpanggap na ngumiti lang si Beckett bago ito tumayo. “I hope we’ll have a great relationship between the two of us, Miss Allamino,” aniya bago inilahad ang kamay sa harap ng babae.
Beckett’s words were sweet and gentle. Napangiti si Manager Yu sa pag-aakalang magkakasundo na ang dalawa, pero kabaliktaran ang naramdaman ni Vivianne.
Those words coming from Beckett carried an undercurrent of warning rather than a welcoming embrace.
NANG MATAPOS ayusin ni Vivianne ang mga gamit niya ay pumunta na siya sa sasakyan ni Beckett. It was a Maxus G10 van, causing Vivianne to raise a brow.
Hindi bago kay Vivianne ang makakita ng mga mamahaling kotse dahil ganoon din ang hilig ng tatay niya, pero nagtataka siya lalo dahil sa ginawa ni Beckett. She was sure that Beckett had a huge amount of net worth, but she wondered why he chose to pick her as a dress stylist.
‘Sa dinami-rami ng dress stylist na mas magaling pa sa akin, bakit ako?’ tanong ni Vivianne sa sarili.
“Hey.”
Suddenly, Beckett snapped his hands, bringing Vivianne back to reality. Nang kumurap siya ay doon niya napagtantong hindi pa pala siya sumasakay sa loob ng kotse, at nagmukha pa tuloy siyang na-starstruck sa pagmumukha ni Beckett.
Sa pag-iisip pa lang niya ng bagay na iyon ay parang gusto na niyang masuka.
Kung ibang tao ito, paniguradong nairita na si Beckett dahil tatanga-tanga na nga ang babaeng nasa harapan niya, lutang pa ito. Iyon pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat dahil nasasayang ang oras niya.
Pero iba si Vivianne. Imbes na magalit niya ay natagpuan na lang niya ang sariling nakangiti habang tinititigan ang dalaga.
“Admit it. You like me, don’t you?” tanong ni Beckett, at nahimigan kaagad ni Vivianne ang pang-aasar sa tono ng boses nito.
“Puwede ba?” Tumaas ang kilay ni Vivianne, at sa ilang saglit pa ay umirap na ito. Hindi na niya napigilan ang sarili. “Mangarap ka nang gising,” dagdag niya pa bago nito inilagay ang gamit sa loob ng kotse at sumakay sa passenger seat.
She may not like Beckett, but she knew how to be professional with her work. Ang kliyente ang palaging nasa back seat, habang silang mga tauhan naman ang nasa passenger seat.
“Saan tayo, Sir?” tanong ng driver niya nang pinagana na nito ang sasakyan.
“Syneverse Entertainment,” sagot ni Beckett bago ito tumingin kay Vivianne, na siyang nakatingin sa kan’ya ngayon gamit ang rear-view mirror.
Mabilis na umiwas si Vivianne ng tingin at ibinaling na lang ang atensiyon sa bintana. Hindi naman maganda ang dinadaanan nila, at wala man lang tugtog sa radyo para man lang sana basagin ang katahimikang namamagitan sa kanila.
Gusto na nga sana niyang kumanta na lang pero pinigilan niya ang sarili.
“Here.” Binigyan siya ni Beckett ng isang folder, dahilan para mapapitlag si Vivianne nang kaunti. “It’s my schedule, and most of them were photoshoots. Learn all the themes and give me the most suitable clothes based on it. My manager had an emergency, so make sure to do your best.”
“Talagang ngayon na ako magsisimula? As in ngayon na?” hindi makapaniwalang tanong ni Vivianne. “Wala man lang pahinga? Hindi ba puwedeng bukas?” sunod-sunod niya pang tanong.
Hindi sumagot kaagad si Beckett. Sa bawat pantangang tanong ni Vivianne ay tila tumataas ang blood pressure niya. He breathed heavily as he held onto his nape, lightly caressing it.
“I told you earlier that you’ll start the work today, isn’t it?” medyo naiiritang tanong ni Beckett, at tumango naman si Vivianne. “Then, why are you asking me the things you already know?”
Natahimik si Vivianne dahil doon. Tama naman kasi si Beckett. Alam ni Vivianne na magiging impiyerno ang kan’yang buhay kapag nagtrabaho siya sa lalaki, pero sumama pa rin siya rito.
“Sorry, Sir.” Humingi na lang ng tawad ang dalaga para lang matapos na ang usapan nila. “Hindi na po mauulit,” dagdag niya pa bago kinagat ang pang-ibabang labi.
Bumaba ang tingin ni Beckett doon. Vivianne’s red, plump lips made his body froze and his c.ock throb hard. Mabilis pa sa alas-kuwatrong umiwas siya ng tingin bago inihagis ang folder sa babae, bagay na ikinasimangot ni Vivianne.
‘Putangina.’
Kung puwede lang talaga niyang suntukin si Beckett sa pangalawang beses ay ginawa na niya, pero pilit na lang niyang pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa roon sa schedule na ibinigay ng lalaki.
At halos mapamura siya sa nakita.
“Shit. Schedule ba talaga ‘to?” bulong ni Vivianne sa sarili, pero dahil sa tahimik sa loob ng sasakyan ay narinig ito ni Beckett.
“Why? Do you think I’m bluffing when I told you that I have a full-packed schedule?” Tumaas ang kilay ng lalaki.
“H-Hindi po…”
Napailing na lang si Vivianne habang pilit binabasa ang mga tema ng photoshoot ni Beckett. Sa dami ng photoshoot niya ay duda siyang makakakain pa sila mamaya.
Ganoon pa man, kaysa magreklamo pa siya ay ginawa na lang ni Vivianne ang trabaho niya. Inaral niya ang bawat tema at nag-isip siya ng mga damit na aangkop dito hanggang sa makarating sila sa Syneverse Entertainment.
Ito ang unang beses na makakapasok siya roon, kaya naman halos malaglag ang panga ni Vivianne nang makita kung gaano kagarbo ang buong building. Halos lahat ng lugar ay may mukha ni Beckett, simbolo na siya ang pinakasikat sa buong entertainment.
‘Kaya nga siya rin ang may pinakamabigat na schedule,’ saad ni Vivianne sa sarili bago ito nagkibit-balikat.
Maya maya lang ay pumunta na si Beckett sa una niyang photoshoot. They had guns and roses as their theme, so Vivianne made him wear a black sando partnered with a black and red jacket.
With a black leather pants and shoes, with metal chains hanging around his waist, Beckett’s look became simple yet fierce. Vivianne even communicated with the make-up artist just to make sure that the make-up and the clothes would complement each other.
Hindi niya alam na nakatingin lang sa kan’ya si Beckett habang ginagawa niya iyon. He knew that he did the right thing.
According to his people’s research, Vivianne Allamino is one of the best dress stylist in the City. Hindi lang ito napapansin dahil sa maliit na kumpanya lang ito nagtatrabaho. Ngayong dinala niya ito sa Syneverse Entertainment ay paniguradong mapapansin ang talento nito.
“Get ready, Beckett!” tawag ng photographer.
“Coming,” malamig na sagot ni Beckett bago ito pumunta sa gitna.
Then, the photoshoot started. Ito ang unang beses na nakita ni Vivianne kung paano mag-pose si Beckett, at tama nga siya. Iba ang lakas ng appeal ni Beckett at kahit siya ay hindi iyon maipaliwanag.
At sa sobrang kakatitig nga niya sa lalaki, hindi na niya napansin na kanina pa pala tumutunog ang kan’yang cellphone dahil nakalimutan niya itong i-silent mode.
Ang malakas na tunog ng kan’yang ringtone ang dahilan kung bakit masama na ang tingin sa kan’ya ng lahat ng tao sa loob ng kuwarto… at kasama na si Beckett doon.
Sorry po sa matagal na update! May inuna lang po akong tapusin na story hehehe pero tapos na po iyon kaya focus na ulit ako kay Beckett. Naku, paano kaya iyan? Ipagtatanggol kaya siya ni Beckett o hindi? >_< Salamat po pala sa 250+ reads at 5 gems! Yehey! <3
Hello, readers!Una po sa lahat, thank you po sa mga nagbasa ng story ni Beckett at Vivianne mula umpisa hanggang huli. Salamat po sa mga nagwa-watch ads, nagco-comment, nagbibigay ng reviews at gems, at bumibili ng coins para basahin ang next chapters. Kung hindi dahil sa suporta ninyo, hindi ko rin matatapos ang pagsusulat nito.Maraming salamat din po kay Ate Sophia at sa iba pang founders sa Wild Men Series! Sobrang saya ko na napabilang ako rito sa collaboration na ito.Ngayon po, ang ANNOUNCEMENT ko ay tungkol sa special chapters. If may curious sa inyo if may special chapters si Beckett at Vivianne dahil ganoon ang ending nila, YES PO. Pero bago ko pa man matapos ang story nila, matagal ko nang pinaplano na i-publish sila as a physical book at doon ilagay ang special chapters.Hindi pa ngayon, pero soon po ‘yan.Puwede rin po kayong mag-suggest kung ano ang gusto n’yong mabasa sa special chapters, and kung may message po kayo sa akin at sa story, go lang din po hahahaha. Sana po
ITINAAS ni Alfred ang kanang kamay, at lumabas ang lahat ng tauhan ng Allamino mafia. Ganoon din ang ginawa ni Beckett, at nagsilabasan din ang mga tauhan niyang nagtatago lang sa puno at mga damuhan kanina.Seeing how the two leaders are determined to clash with each other, it only means one thing: this place will be in bloodshed soon.At ganoon na nga ang nangyari. Nagsimulang maglabanan ang mga tao sa pagitan ni Beckett at Alfred. Dumanak ang dugo, at maraming buhay ang nawala. It was a long-time war between the two of them, and Beckett won.Ngayon ay nasa harapan na sila ng isa’t-isa. Si Alfred ay nakaupo sa sahig habang puno ng sugat at pasa ang katawan dahil sa pambubugbog ni Beckett sa kan’ya, habang si Beckett naman ay nakatayo. Nakatutok ang baril nito kay Alfred.“I know you want to kill me… But why can’t you fucking pull the trigger?” tanong ni Alfred habang nakangisi. “Bumalik na naman ba ang takot mong pumatay ng tao?”“Hah.” Beckett clicked his tongue, annoyed.Ngunit hin
SA GALIT ni Alfred, lumapit siya kay Vivianne sa malalaking hakbang bago hinawakan ang kuwelyo ng damit nito. “Bawiin mo ‘yang sinabi mo.”“Hindi kita tatay para sundin ka.” Ngumisi si Vivianne, lalo na nang makitang mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata ni Alfred. “Kahit kailan, hindi kita itinuring na ama dahil wala akong demonyong ama kagaya mo—”Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin dahil bigla na lang binitiwan ni Alfred ang kuwelyo niya at sinampal siya. Hindi lang isa, kun’di tatlong beses.Vivianne smiled painfully. ‘Yong masayang pamilyang pinapangarap niya… Kahit kailan ay hindi niya makukuha ‘yon. At kailangan niyang tanggapin ang masakit na katotohanan.“Wala kang modo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa ‘yo, ganito ang igaganti mo sa akin? Ang labanan ako at insultuhin?!” Pumalibot ang sigaw at galit ni Alfred sa buong office.Natawa si Vivianne nang sarkastiko. “Wala akong modo? At para sa akin ang lahat ng ginawa mo? Bakit, tinanong mo ba muna kung gusto
PAGKATAPOS no’n, pinag-usapan nila magdamag kung ano ang susunod nilang plano. Nagkasundo sila sa isang bagay. Itatakas nila si Ella sa ospital, at ituturok ang panibagong gamot na ginawa ni Beckett upang magising ito.“I will distract Alfred and his men,” ani Beckett bago itinuro ang kanang bahagi ng footprint. “We will go here, since Ella’s room is on the left side of the hospital. And while we’re here, use the opportunity to escape with your mother.”“Pero delikado ‘yon.” Umiling si Vivianne. “Baka napaghandaan ‘to ni Alfred, at ipapatay ka sa mismong ospital. Kayang-kaya niya ‘yon gawin. Maniwala ka sa akin.”“I believe you, but it doesn’t matter. What’s important for me right now is to save your mother, and fullfil my promise to you…” Muling humalik si Beckett sa noo ng asawa. “So let’s do this… and see the end together.”KINABUKASAN ay oras na para maisakatuparan ang plano. Nandoon na sa parking lot si Beckett, maging ang mga tauhan na magpapanggap bilang doktor, nurse, at janit
NAGPUNTA si Alfred sa ospital matapos no’n para tingnan ang kalagayan ni Ella. He’s making sure Ella will be alive, but not enough to wake her up. Ipagagamot niya lang ito sa oras na sumunod si Vivianne sa mga kagustuhan niya.Pero tila hindi yata umaayon sa kan’ya ngayon ang tadhana, dahil laking gulat na lang niya nang makitang kalalabas lang ni Vivianne sa kuwarto ni Ella, at may hawak itong isang malaking maleta.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ni Alfred sa isang malalim at galit na tono. “Iiwan mo ang nanay mo para sa lalaking 'yon?”“Kakapaalam ko lang sa kan’ya kanina, at sigurado akong maiintindihan niya ako,” sagot naman ni Vivianne.“How can she understand if she's already dead?”“She won’t die.” Nagtiim ng bagang si Vivianne, ngunit pinilit niyang ikalma ang sarili. Hindi ito ang oras para makipag-away siya sa ama. Sobra na rin siyang pagod sa dami ng nangyari. “Aalis na ako.”Humakbang si Vivianne paabante, at akala niya ay hindi na magsasalita ang ama, ngunit nagkamali
“TWENTY million dollars.”“Twenty million? Dollars? Nahihibang ka na ba?!” biglang sigaw ni Vivianne nang mapagtanto kung ano ang gustong gawin ng asawa. “Huwag! Masyadong malaki ang pera na ‘yon! Iwan mo na lang ako rito!”“Shut up, lady,” saad ni Raul sa malalim na boses. Nakakunot ang noo nito at mukhang naingayan dahil sa pagsigaw ni Vivianne sa lenggwaheng hindi naman niya maintindihan.“Non maledire con mia moglie, Raul.” [Don’t curse at my wife.]At hindi rin naman nagustuhan ni Beckett ang ginawang pagsita ni Raul sa asawa, lalo na ang tono ng boses nito. Sumama ang tingin niya kay Raul, ngunit mabilis din naman niyang napakalma ang sarili.“So, is this enough for you to buy guns from their organization?” tanong ni Beckett bago itinaas ang diamond card. “You have collateral, and remember how I saved your ass when we’re in elementary school?”Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi lang basta magkakilala si Raul at Beckett. Magkaklase sila noon, at nang may magtangkang gumulpi kay Ra