Share

Kabanata 12.2 - Like

Nagkwentuhan lang kami about life when I realized something. 

"Teka nga, paano mo malalaman if you like someone na?" hininto ko ang treadmill para humarap sakaniya habang naka pamewang, he looks so shocked nang mabanggit ko 'yon.

Huminto rin siya at humarap sa 'kin. 

"Paano ba? Hmm.. siguro kapag nakikita mo siya, parang gusto mong ihinto yung oras para magkasama kayo ng matagal. Siguro kapag tanggap mo siya sa kung ano siya, kahit pa masama ugali niya. O 'di kaya'y tuwing naaalala mo yung mga moments niyo together, bigla ka nalang mapapangiti," aniya. 

Huminto siya sandali at seryoso akong tinitingan. 

"And the fact that you're asking this now, whoever that guy is, you already like him. You wouldn't asked me questions like that if you don't. You're doubting, am I right?" aniya.

He got me there! 

Hinampas ko ito sa balikat at bahagyang tumawa para hindi niya mahalata ang kaba ko. 

"Korni mo! You like someone na ba? Is it a girl?" pang aasar ko. 

Muli, nagulat na naman siya sa tanong ko. Seems like Oly has a crush on someone, too! 

"Duh? No way!" depensa niya at nagpatuloy na kami sa ginagawa. 

Nang matapos ang work out routine ay nag shower na 'ko para makauwi na, it's almost lunch time. Dadaan nalang ako sa malapit na karinderya sa gilid gilid, sana may mami o kaya pares. Niyaya ko rin si Oly kaya naghintay pa 'ko bago kami umalis, naglakad lang kami papunta doon dahil malapit lang naman, babalikan ko nalang yung kotse ko pagtapos dahil wala namang dalang kotse si Oly, may susundo raw sakaniya. 

"Pares po, dalawa," sambit ni Oly sa tindera, libre niya raw kaya pumayag na 'ko since ngayon lang makakatikim ng libre ni bruha. He's not the type of guy na kumakain sa ganitong place, like Isaiah, sino naman kayang nag impluwensya dito? 

"Who influenced you to eat in this kind of place?" tanong ko, halata kasi sakaniya na mayaman siya kaya hindi mo aakalaing kumakain siya sa ganitong place, wala namang mali pero nakakapagtaka lang.

Ako kasi noong bata palang ay nakain na 'ko sa ganitong place dahil kay Papa, gusto nila na mamuhay kami ng simple at walang arte sa katawan. Si Maine lang naman ang maarte. Maselan at sakitin kasi 'yon.

"My friend, she loves to eat in places like this. Mukha lang siyang maarte pero hindi," sagot niya. I wonder whose friend, 'di ko naman kilala mga kaibigan nito at nagkakilala lang naman kami dahil nasa iisang organisation kami kaya medyo naging close na rin. To be honest, siya lang yung guy na kaibigan ko. I don't usually have guy friends, ayoko lang.

Nang dumating ang food ay kumain na kami, ngayon ko nalang ulit natikman 'to kaya sinulit ko talaga. Nag order pa 'ko ng tatlo pang take out kila Ate, for sure magugustuhan nila 'to. Nakapag bayad na si Oly pero hindi muna kami tumayo dahil may hihintayin pa siya, mauna na raw ako sabi niya pero ayoko, maaga pa naman. 

"Posible kayang magkagusto ako sa isang babae? I mean, I'm not really gay, you know that. What do you think?" he suddenly asked. Nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ako sakaniya, nakatingin lang siya sa malayo.

I smiled, it's payback time Oly! 

"She's lucky, you like her," sambit ko. Nanlaki yung mata niya nang mapatingin siya sa 'kin sabay tawa na halatang fake, gaya ng ginawa ko kanina. 

"Why would I like her? Ang arte arte," depensa niya. Natawa rin ako sa sinabi niya, got you Oly!

"So there's this girl nga and you're confused now because of her? Girl, you like her. Hindi ka naman magkakaganyan kung 'di mo siya gusto—" 

Someone interrupted us. 

"Ew, girl. Since when did you eat in places like this? Disgusting," maarteng bulong ng isang babaeng umupo sa harap namin, may kasama pa siyang isa at ganoon din ang ginawa.

"Ask Lia, siya nagdala sa 'kin sa ganito," sagot ni Oly. Nagkibit-balikat naman yung isang babae na mukha ring maarte. Nakatingin lang ako sakanila the whole time, sinusuri gaya ng lagi kong ginagawa.

The other girl, yung maarteng nagsalita kanina. She's wearing white sweetheart top and floral skirt ending above her knee matched with her white heels, her hair is in half braid at naka curl ang end nito, mahaba yung buhok niya at bagay sakaniya 'yon plus her bangs, ang cute niya sa bangs na 'yon. While the other one named Lia, she's wearing black sleeveless jumpsuit that ended inch above her knee and it fits her body, matched with white sneakers and black shades. Nakaladlad ang buhok niyang maikli na hanggang itaas ng balikat at walang kahit na anong ipit o clip na nakalagay doon. They both look gorgeous!

"This is Treia, schoolmate at the same time friend ko. Treia, this is Lia and Mikee, best friends ko since highschool," pakilala niya, I smiled and wave at them. Mikee seems energetic and nice kasi nginitian niya rin ako at kumaway pabalik while Lia is busy on her phone, medyo awkward sa part na 'yon.

"By the way, I have to go. Nice meeting you, and see you around Oly," I kissed his cheeks before walking away. Kailangan ko ng umuwi para makapag-pahinga at the same time mag-ayos dahil may pupuntahan pa 'kong bar. 

It's almost 1 PM nang makauwi ako sa bahay dahil sa traffic, dali dali akong umakyat para magpahinga sandali, inaantok pa 'ko dahil madaling araw na 'ko nakatulog kaya iidlip muna ako saglit. Mag-a-alarm nalang ako.

Naalimpungatan ako nang gisingin ako ni bunso, hinihila niya yung paa ko kaya binato ko siya ng unan at tinakluban ng kumot ang mukha ko para matulog ulit.

"Ate, Kuya Niko is here. He's waiting for you outside, bahala ka dyan! Kausap na siya ni Mama." Dahil doon ay napabalikwas ako, muntik pa 'ko mahulog sa kama.

Kinuha ko ang phone at chineck kung anong oras na, 3:30 PM na pala pero bakit ang aga niya pumunta? Pero hindi!! Kausap siya ni Mama? What the—

Nagmadali akong bumaba para i-check kung nagsasabi ng totoo si Maine at oo nga, nasa living room si Mama kausap si Isaiah. Nagtatawanan pa sila.

"Kailan mo ba liligawan ang anak ko?" tanong pa ni Mama.

"MAMA!" sigaw ko kaya nabaling sa 'kin ang atensyon nila. Nakasando lang ako at dolphin short, gulo na rin ang buhok ko pero wala akong pake.

"CHANTREIA SAGE!" sigaw niya pabalik kaya lalo akong nainis, tawang tawa naman sila. Mabuti at wala pa si Papa at Ate, baka pinagkaisahan na nila ako ngayon.

"Ate get ready na, you have muta and panis na laway pa, yucky!" maarteng sabi ni Maine kaya inirapan ko siya.

Sinamaan ko ng tingin si Mama pati na rin si Isaiah bago ako umakyat ulit para mag ayos na. This time, binilisan ko ang pagligo at pag aayos, napagkasya ko yon sa loob ng 30 minutes.

I'm wearing mint green crop top off shoulder, button down denim skirt and a pair of white sneakers. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang buhok ko, magdadala nalang ako ng lang ipit. I put liptint lang dahil trip ko lang at dinala ko rin yung white clutch bag ko para ilagay doon ang mga gamit ko. Nang maayos na ay bumaba na 'ko, kung paano ko sila iniwan kanina ay ganoon pa rin ang pwesto nila.

"Let's go," sambit ko at nilagpasan na sila, 'di pa man ako nakakalabas ay sumigaw na naman si Mama.

"Isama mo 'tong si Nikolai pag-uwi mo, ha! Dito na siya magdi-dinner," sigaw niya kaya napalingon agad ako at tiningnan ng masama si Isaiah, nagkibit-balikat lang siya.

"No need, kakain kami sa labas," sambit ko at ngumiti pa kay Mama, ganoon din ang ginawa niya pero halatang sarcastic gaya ko.

"E 'di kumain ka sa labas mag-isa," sagot ni Mama bago humarap kay Isaiah, umamo bigla ang mukha nito, "Dito ka magdi-dinner ha Niko, ipakikilala kita sa Papa nila—"

"MAMA! Male-late na kami!" inis na sambit ko, tumingin siya sa 'kin at sumimangot bago tumingin ulit kay Isaiah para ayusin ang suot nito. He's wearing plain white shirt na pinatungan ng denim jacket, black pants and black converse shoes. May suot din siyang black watch sa left hand niya. Hinawi niya ang buhok niya para ayusin 'yon bago ngitian si Mama para magpaalam, lumabas na agad ako para doon maghintay.

Nakakainis! Kilala na siya ng family ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status