Share

Kabanata 13.1 - Uncomfortable

"Bakit hindi ka nagpapagupit?" tanong ko nang paandarin niya na ang sasakyan. He just shrugged his shoulders habang ang atensyon ay nakatuon sa kalsada.

Mahaba kasi ang buhok nito, hindi naman sobrang haba pero kumpara sa mga lalaking nakikita ko, mas mahaba ang buhok niya. Bagay naman sakaniya. 

"Haba na nyan, oh! Pwede na i-braid," dagdag ko pa, itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang buhok niya, in fairness malambot ang hair niya. Alagang conditioner yata.

Bigla siyang napatigil sa ginawa ko, kaya inalis ko agad ang kamay ko sa buhok niya, buti at walang sasakyan sa harapan namin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapunta na kami sa bar, medyo late kami ng ilang minuto kaya nagmadali akong pumasok. Hinarang kami ng bouncer para itanong ang mga pangalan namin.

"Chantreia Fabregar and.. Isaiah Jauregui, he's with me." I smiled at them, tumango naman sila at binigyan kami ng way papasok.

Tahimik sa loob dahil wala pang customer, mga staff palang ang nandito, maaga pa kasi at nag-aayos palang sila. I looked around to check the place, it's really nice. I saw a girl, sitting alone on the couch, she's doing something on her laptop when she suddenly noticed us. She immediately stood up and smiled at us, I walk towards her, Isaiah did the same thing.

"Chantreia, right? I'm Klaudia Luna, the owner of this Rouge Luxy. Have a sit," she said.

I'm amazed, I thought she's around 25-30 years old but gosh, magka-age lang pala kami pero may business na agad siyang ganito, wow!

We sat on the couch in front of her, Isaiah who's with me, just stood there like a bodyguard so I grab his hands and pull him closer to sit beside me. Wala naman siyang nagawa.

"Ate Cora told me about this bar, it's new right?" I asked casually.

"Yes, it's been two months since I opened this bar. It has lots of good reviews naman, we have lots of customers din," sagot niya. She's pretty, she has this bitchy look and aura. 

"I'd like to see the whole place.." sambit ko. 

Tumango siya, inayos muna ang laptop niya bago tumayo. 

"Sure, I'll tour you," aniya. 

Gaya ng sabi niya, inilibot niya kami sa bar niya. Malawak ito gaya ng tipikal na bar, may maliit na stage sa gitna para siguro sa mga magpe-perform na banda. Ang sabi niya'y may banda raw sila na palaging nakanta rito, pwede ka rin daw mag-request ng kantang gusto mo. And every saturday daw may pakulo sila, they called it Veiled Suite where in they will choose one girl and one guy among the customers and they will locked them both in a room. Maliit na room lang daw 'yon at tanging couch lang ang nasa loob. Both of the target will be blindfolded, naka handcuffs ang mga kamay nito para maiwasan ang pagtanggal sa blindfold. Ang dapat daw nilang gawin ay mag-usap dahil kung hindi ay hindi rin sila makakalabas. It is like a blind date booth. Hindi mo rin kasi malalaman kung sino ang makakausap mo hanggang sa makalabas ka ng room. Isa raw 'yon sa dinadayo rito. It is interesting because what happens inside the room, will stay there. 

The whole place have the touch of red, ito siguro ang pinaka motif nito. Maganda siya at mukhang seductive tingnan, fearless. Lahat ay organize, maging sa kusina. 

I can say that this place is perfect for the bridal shower. 

"I want to make a reservation this coming friday for my sister's bridal shower, I'll send you the details and plans right away, looks like you're busy right now," sambit ko, I glanced at the papers in front, she did the same and then glanced at me with smiling eyes.

"Yes, you know, business. I'll wait for your message nalang. Thank you!" She stood up once again, offer her hands, I grab it naman and we did shakehands. Hinatid niya kami palabas, I smiled once again then walk away.

It's almost 6 PM, wala naman na kaming gagawin. Nandito pa rin kami sa parking lot ng bar, hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan kaya napatingin ako sakaniya, he's also staring at me na pala.

"Why?" singhal ko, nakakunot ang noo niya but he manage to smile kaya nawala 'yon.

"Your mother texted me, bumalik daw tayo agad," sambit nito at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.

"Wait— what? Binigay mo number mo kay Mama? How dare you—" 

He cut me off.

"Chill, give your number to my mom too, if you want— hey don't bite me! Masaki— aray!" 

Serves him right. Inirapan ko siya at naka crossed arms na pumirmi sa sasakyan, tinawanan niya lang ako bago sinuri ang braso niya. 

Kalaunan ay nag-drive na siya pauwi. Hindi yata magandang ideya ito, kilala na siya ng pamilya ko! Hindi na nila pakakawalan 'to! Naku po. 

"Oh, buti naman inagahan nyo ang dating, doon muna kayo sa sala. Ipahahanda ko na ang pagkain," bungad ni Mama nang makapasok kami sa bahay. Tamad akong humiga sa sofa at minasahe ang ulo ko. Isaiah, on the other hand, sit on the sofa beside me. Tinanggal niya ang denim jacket niya para i-check kung nagmarka yung ginawa ko kanina, natawa ako nang makitang namula mula 'yon. Tiningnan niya 'ko nang masama at isinuot ulit yung jacket niya.

"You're now comfortable with me," seryosong sambit niya kaya napaupo ako bigla at tumingin sakaniya. Abala naman siya sa pag titiklop ng sleeve ng jacket niya.

"Yes, unless you'll do something that makes me uncomfortable," sagot ko.

It's almost 7 PM, any minute from now ay dadating na si Papa. Kita ko naman ang mga helpers na nag aayos sa garden, doon siguro kami kakain ngayon. 

"What makes you uncomfortable?" tanong ulit nito out of nowhere.

I glance at him once. 

"That question makes me uncomfortable," I rolled my eyes at him and focus on my phone. Kausap ko sila Mads para sabihin yung tungkol sa party ni Ate but damn, they're asking for a video call!

Hindi na nag-abalang sumagot si Isaiah kaya itinuon ko na lamang ang atensyon sa mga kaibigan kong nagpupumilit ng video call. 

Nag hysterical ako nang biglang mag ring ang phone ko kaya nabitawan ko 'yon, mabuti at may carpet kaya alam kong 'di mababasag 'yon. Dadamputin ko na sana nang maunahan ako ni Isaiah.

What the fuck? 

"Oh my God! Is this Nikolai?" maarteng sigaw ni Adel, kabisado ko na ang mga boses nila kaya alam kong siya 'yon.

Lumapit ako kay Isaiah para bawiin ang phone ko pero itinaas niya lalo 'yon habang nakaharap ang camera sa'min, nakikita tuloy ng mga gaga ang kagaguhan na nagaganap ngayon between me and Isaiah. Nang hindi ko maabot ay tumigil na 'ko at tumayo nalang sa harapan niya habang naka pamewang.

"Huwag mo na 'kong kausapin kahit kailan kung hindi mo ibibigay sa 'kin 'yan ngayon," sambit ko.

Wala pang ilang segundo ay ipinatong niya na agad ang phone sa kamay ko at pumirme sa sofa. Mukha siyang batang nakaupo roon at nakapatong ang dalawang kamay sa hita, tatawa sana ako kaso inis pala ako sakaniya. Ano nalang ang iisipin ng mga kaibigan ko? 

"Oh my gosh girl, bakit nandyan 'yan?" Iris asked. 

"Kasalanan 'to ni Mama," sagot ko habang pasulyap sulyap kay Isaiah na prenteng nakaupo sa gilid ko. 

"What? Kilala na siya nila Tita Charlotte?" Grace asked. Kita naman ang gulat sa mga mukha nila. Kahit ako rin ay nagulat, e. 

"Nakita ni Mama kanina, tapos niyaya mag dinner ngayon dito sa bahay," sambit ko bago ngumuso, para akong bata na nagsusumbong sa nanay ko.

"Woah, ang speed ha!" natatawang sambit ni Ken. Inirapan ko lang ito. 

"Teka nga, kayo na ba?" tanong ni Madison.

Nagulat ako sa tanong niya. Napalingon sa 'kin si Isaiah dahil doon kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Umiwas naman agad ito. 

"Duh, walang kami!" sagot ko.

Totoo naman, wala naman talagang kami. Pero mukhang hindi pa rin naniniwala ang mga kaibigan ko. 

"May something ba sainyo?" tanong ni Adeline na ikinagulat ko na naman. 

"Wala! Ewan ko dito, crush yata ako, e," sambit ko at napatingin kay Isaiah na nasamid yata sa sarili niyang laway. Halata namang crush niya 'ko, ayaw pa umamin. Sus! 

"Call ko ulit kayo mamaya, 'wag nyo kalimutan yung sa party ni Ate ha. Ciao!" paalam ko sakanila bago ibinaba ang tawag para hindi na sila makapagtanong pa. 

Tumayo ako at naglakad papunta kay Isaiah na ngayon ay nakatayo na. Lumapit ako sa harap niya para makita ang kabuuan ng mukha niya, wala e, gwapo talaga siya.

"Do you like me?" tanong ko, kita ang kaunting gulat sa mukha niya pero mas pinili niyang wag ipahalata 'yon.

Too late, Isaiah. Nahalata ko na. 

Yumuko siya ng bahagya para pumantay sa 'kin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to kaya dala ng kaba ay napaatras ako. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa to the point na hindi na 'ko makahinga, nakatingin lang ako sa mga mata niya, ganoon din ang ginawa niya. Lumapit pa siya nang kaunti, ngumiti, bago lumayo. 

Nang lumayo siya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag, kita naman ang tuwa sa mukha niya. Is he playing with me? Sinamaan ko siya ng tingin bago umalis sa harapan niya at nagtungo sa kwarto ko. Hingal na hingal ako nang makapasok doon, ang init sa pakiramdam, ang init ng pisngi ko at namamawis ang noo ko!

"Damn, Treia. Don't let your guard down, you can't trust him okay? You can't trust guys," bulong ko sa sarili ko.

Ngayon desidido na 'kong magkulong sa kwarto ko, mamaya nalang ako kakain kapag umalis na siya. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin ngayon dahil sa ginawa niya kanina. At bakit ba kasi kabadong kabado ako ngayon? Siya lang naman 'yon, si Isaiah lang naman 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status