Nang matapos ang seremonya ay nagtungo kami sa reception dito sa resort. Ang sabi ni Ate Laureen ay mamayang gabi may party na magaganap, naghanda si Kuya Froi ng isang ship kung saan magaganap ang party, surpresa niya raw ito kay ate. Siguro'y mga alas otso ang simula no'n kapag nagsibalikan na sa kaniya-kaniyang kwarto ang mga matatanda naming kasama, ayon ang parteng inaabangan ko.
This is gonna be a wild party!
Kita ko ang saya ni ate habang kasayaw niya si Kuya Froi. Nasa gitna sila kasama ang iba pa habang nagsasayaw. Sa 'di kalayuan ay kita ko naman si Ken na kasayaw si Travis, gayon din si Adel at Grace na kasayaw ang hindi ko kilalang bisita. Si Iris naman ay nagpaalam kanina na lalabas sandali dahil may katawagan habang kami ni Mads ang naiwan dito sa table kasama ako. Hindi party girl itong si Madison and for sure ay bored na 'to ngayon.
Habang pinagmamasdan sila ay isang lalaki ang naglahad ng kamay sa harap ko. Tiningnan ko siya sa mata bago ibinalik ang tingin sa kamay niyang nakalahad, tiningnan ko rin si Mads na ngayon ay nakatingin sa'kin, pinagtaasan niya 'ko ng kilay.
"A lady like you shouldn't sit here and watch everyone dancing. May I?" maginoong tanong ni Kuya Grae.
I can feel my cheeks are blushing!
"How about my friend?" sambit ko, nasa kabilang dulo ng mesa naman si Mads kaya hindi niya masydong rinig.
"I'll dance with her after," sambit nito. Nilahad ko na ng kamay ko at naglakad na kami patungo sa gitna.
Kita ko ang tingin nila ate sa amin, ngumiti siya sa'min bago iginala ang tingin papunta kila Ate Cora na kasayaw si Kuya Isagani, nakatingin din siya sa'min saglit at binawi agad. Ang alam ko lang ay may past sila ni Kuya Grae. Si Ate Laureen naman at Kuya Isagani ang may past, base sa nangyari noong bridal shower ni ate ay tingin ko'y grabe ang break up nila.
"So you and Rio have a thing, ingat ka roon. Balita ko play—" I didn't let him finish his sentence, nanindig agad ang balahibo ko marinig palang ang ngalan niya.
"That guy and I doesn't have a thing. We are not even friends!" halata sa boses ko ang pagkairita. Kahit madikit lang ang pangalan ko sa pangalan niya ay naiirita na 'ko.
Bahagya siyang natawa sa reaksyon ko.
"You and Trav, then?" tanong niyang muli at napangiwi ako.
"No!" sagot ko agad, natawa muli siya.
"How about Niko?" sambit niya habang may ibang binabalingan. Napatingin din ako doon at tanaw ko si Isaiah habang kasayaw si Ate Laureen, nakatingin siya sa'min.
"N-no.. we're not.. uh.." napailing nalang ako at hindi na tinapos ang sasabihin. Kita ko naman ang ngisi ni Kuya Grae kaya napayuko ako. Nakakahiya!
Mga ilang minuto pa kaming nagsayaw nang naglahad din si Kuya Froi ng kamay sa akin.
"May I?" tanong nito sa akin ngunit ang mga mata ay na kay Kuya Grae, nginitian lamang siya nito bago ibigay ang kamay ko kay Kuya Froi. Sinundan ko siya ng tingin at nagtungo siya kay Mads at ito naman ang sinayaw gaya ng sabi niya.
Nagsimula na kaming magsayaw ni Kuya, tinanaw ko naman si Ate na kasayaw ngayon si Kuya Morris. Marahan lang ang galaw ni Kuya, siya yung maginoong version ni Travis. Sana nga ay sakaniya nalang nagmana ang kapatid niya.
"Kaibigan mo 'yon, 'di ba?" tanong ni Kuya at nginuso si Ken at Travis na nagsasayaw pa rin. Nakangisi si Travis habang inis naman ang mukha ni Kendall.
"Yeah, that's Kendall," sambit ko.
"Sabihan mong mag-ingat, alam ko amats niyang si Travis. Nagmana kay Gani 'yan," seryosong sambit nito pero natawa rin sa dulo. Halata naman kay Travis na heart breaker siya, unang kita ko palang ay alam ko na. Lakas ng charisma, e.
Madami pa kaming napag-usapan bago dumating si Kuya Morris para isayaw din ako. Madami kaming napag-usapan, full of sense of humor si Kuya Morris kaya panay lang ang tawa ko habang magkasayaw kami. Tulad ni Kuya Grae ay tinanong niya rin kung may something daw ba sa amin ni Rio.
"Wala, never ko magugustuhan 'yon. As in never!" depensa ko.
"Tama ka dyan beh, 'wag ka dun," sambit nito, para siyang chismosa kong kaibigan na ginagatungan ako sa way ng pagsabi niya kaya natawa ako.
"Kung hindi mo naman pala type, sana si Niko ang pinili mo noong party. 'Yon, solid 'yon si pareng Nikolai. Gwapo na, gentleman pa. Jauregui na Jauregui ang datingan, minus the pagka-playboy syempre.." pagmamayabang nito. Napailing nalang ako at natawa.
Mga ilang minuto pa kaming nagkwentuhan habang nasayaw nang may tumapik sa balikat ni Kuya Morris.
"Speaking of Jauregui, the retired playboy," bulong ni Kuya Morris bago ibigay ang kamay ko kay Kuya Isagani. Natawa ako sa huli niyang sinabi, tinapik niya ang balikat ni Kuya Gani bago umalis.
Ipinatong nito ang mga kamay ko sa balikat niya bago hawakan ang bewang ko. Inilapit niya pa ako ng kaunti sakaniya hindi gaya ng kanina kila Kuya Froi. Sobrang lapit namin na ramdam ko na ang pagyakap niya sa bewang ko. Naka ngisi siya habang nakatingin sa mga mata ko bago iginala ang mata sa paligid. Napakunot ang noo ko sa ginagawa niya.
"How are you and my dear brother?" tanong nito na ikinagulat ko. Kinalma ko ang sarili ko, he's intimidating just like his brother pero mas malala si Kuya Isagani.
"How are you and Ate Laureen?" tanong ko pabalik. Tila hindi niya inaasahan ang sasabihin ko, nagulat din siya pero agad din namang nakabawi nang ngumisi ito.
"Let's not talk about that witch here.." malokong sambit nito. Hinanap ko si Ate Laureen at kita kong kasayaw nito si Isaiah. Nakatingin sa'min si Isaiah, pinaghalong seryoso at galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Binabalewala niya lang ang kung anong sinasabi ni Ate Laureen na tingin ko'y puro rant lang or what. Doon palang ay alam ko na ang binabalak ni Kuya Isagani.
"She's a gorgeous witch.." sambit ko at ibinaling na ang tingin sa kasayaw ko. Nakakunot na ang noo nito.
"You broke my brother's heart, you know that?" seryosong sambit nito habang nakatingin ng deretso sa mata ko, nilalabanan ko naman ang tingin niya. Bagay na hindi ko magawa sa kapatid niya.
Wala akong nasagot sa sinabi niya, nag-iwas na lamang ako ng tingin at mas lalo niya pa akong nilapit sakaniya dahilan para mapuntang muli ang atensyon ko sakaniya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bahagyang tinagilid ito at itinapat sa tainga ko.
"I'd like to see my brother's reaction, I love seeing his face when he is mad or jealous. The first time I saw it is when you chose Rio over him—"
Hindi na niya natuloy ang mga sasabihin nang may boses na nagpatigil sakaniya.
"I want to dance with her," pagputol ni Isaiah sa sasabihin ng kaniyang Kuya. Boses palang ay alam ko na. May bahid ng galit sa mga ito.
"Just as I thought," bulong ni Kuya Isagani sa akin bago dumistansya ngunit hindi pa rin ako binibitawan.
Umayos ito ng tayo at seryosong binalingan ng tingin ang kapatid niya.
"Does she want to dance with you, little bro?" malokong tanong nito sa kaniyang kapatid. Kita naman ang pag igting ng panga ni Isaiah, parang any minute from now ay kukwelyuhan niya na ang kaniyang kuya.
"Are you doing this because Laureen doesn't want to dance with you?" sambit ni Isaiah. Inilibot ko ang mata ko sa dati nilang pwesto, wala na si Ate Laureen doon.
"By the way, she went with some guy. Seems like they will have fun somewhere," dugtong pa nito. This time, si Kuya Isagani naman ang nagpupuyos sa galit. Nag igting ang panga nito at marahan akong binitawan bago umalis.
Medyo matagal bago nag proseso sa akin ang mga nangyari. Did I really witnessed a brotherly fight? Mabuti nalang at maraming tao, maraming nasayaw kaya natatabunan kami mula sa mata ng iilan. Isaiah just stood there, waiting for some miracle to happen. Did he stopped us, referring to his brother, dancing just to stood there and stare at me?
Ako na ang gumalaw, hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inilagay iyon sa bewang ko bago ko ipinatong ang dalawang kamay ko sa balikat niya. I can't look straight on his eyes kahit halos mabali na yung leeg ko dahil gustong gusto ko siya titigan.
"Damn.. you look gorgeous," he uttered.
Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f
Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n
Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l
Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil
"Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.
Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri