Kabanata 5
I flicked my pen on the table as I chewed my lower lip. Nakakainis. Hindi ko pa rin magawang magfocus kakaisip sa nangyari kanina. Hindi talaga siya pumayag na ibalik ang camera ko kaya ngayon ay natatakot akong nakita niya ang lahat ng naroon. Damn it! Bakit kasi kinuhanan ko pa ng larawan ang lahat ng sulat na sikreto kong pinadala sa kanya? Ngayon tuloy ay nabuko na ako!
I've been secretly sending Azul letters written on blue stationary, different shades depending on how I was feeling when I was writing it. Kailan ba ang huli kong padala ng sulat? Last month or two months ago? I really can't remember. Ngayon narealize ko na kung gaano iyon ka-corny!
"Hay! Ang bobo mo naman kasi, Cath!" Singhal ko sa sarili bago naidukdok ang ulo sa mesa, mahinang inuumpog habang nakapikit. This trip a is catastrophe. Bakit naman po gano'n, Lord?
I sighed and straighten up on my seat. The humidifier I brought with me isn't even helping anymore. Ayaw kumalma ng aking isip kahit ano ang gawin ko.
So that was the deal. Kailangan ko munang makumbinsi si Azul na magtiwalang ititikom ko ang bibig ko bago ko mababawi ang camera. Ang problema ay ilang araw lang naman ako rito. At siya? Gaano ba siyang magtatagal sa Bayou? Paano kung umalis siyang dala ang camera ko? Saan lupalop ko naman siya hahagilapin kung sakali?
I badly need that back before my last day here. Sure I can take videos using my phone but, siguradong magtatanong ang kapatid ko kapag hindi ko iyon kasamang umuwi. Kung magsumbong ako sa pulis? Ano naman ang sasabihin ko? Ayaw ko namang ipahiya si Azul, ano. Kahit ganito ang ginagawa niya sa akin ngayon, wala. Tanga pa rin ang puso ko.
I breathed out heavily. Isang beses pa ulit, pero hindi pa rin sapat upang mapawi ang bigat ng aking dibdib. Maybe I should talk to him again? Baka kapag hindi na nakainom ay matino na siyang kausap?
Bumuntong hininga ako at tuluyang nagtungo sa kama upang pabagsak na nahiga. Sana nga matino na siyang kausap bukas.
I tried my luck the next morning. Maaga akong naglakad sa dalampasigan bago pa man pumutok ang araw. Ang dagat ay kalmado at ang hampas ng alon sa buhangin ay banayad. Masarap sa tainga. Ang simoy ng hangin ay malamig-lamig pa.
Atleta si Azul at siguradong may morning routine iyon. Iniisip ko tuloy kung hindi siya pinagbabawalang mag-inom? Alam ko nalalapit na ang laro niya sa ibang bansa ngunit narito siya at ginawang tubig ang alak.
I sat on the vacant love seat outside the resort when my feet got tired of walking. Tahimik akong naghintay, panay ang lingon sa bungad ng Bayou. Gising na kaya iyon? Sumisilip na ang araw sa silangan.
Nawawalan na ako ng pag-asa nang makadinig ng ilang kahol mula sa kabilang dako. Nabaling sa direksyong iyon ang aking tingin, ang mga mata ko ay halos lumuwa sa nakita.
Azul, wearing nothing but his board shorts and a blue headband, is running with a golden retriever. Bitbit niya sa kanang braso ang kanyang surf board.
Oh my goodness, my eyes are being blessed. Kumikislap ang basa sa kanyang mamula-mulang balat. His chest is in full glory, his eight packs are calling for everyone's attention. Sigurado bang hindi Diyos ang taong ito? Masyadong pinagpala ang pangangatawan.
May ilang babae akong natanaw mula sa kanyang pinanggalingan, tumitili at kumukuha ng larawan kahit hinaharang ng ilang security personel na nakauniporme ng Bayou.
"Maxine!" Tawag niya sa aso.
The dog barked and wag its tail. Lumapit sa kanya at tila hinintay siyang kumilos muli.
Pinanood ko siyang haplusin ang asong panay ang kawag ng buntot. Ang kanyang mga labi ay unti-unting tumikwas pataas para sa isang matamis na ngiti.
"Azul! I love you, Azul! Anakan mo na ako!"
"Patikim naman ng abs, Azul!"
Napabaling siya sa direksyon ng mga babae, mayamaya ay tumatawang kumaway bago nagpatuloy sa pagtakbo. Nagtilian ulit ang mga babae, tinatawag siya ngunit hindi na niya muling tinapunan ng tingin ang kanilang direksyon.
I gulped. Lakas-loob akong nagmartsa patungo sa kanya at tinawag siya. "A—Azul!"
He slowed down and looked at me, his manly brows slightly furrowed. Binilisan ko ang lakad ko.
"Can we talk?" I asked, but I stopped when the dog looked at me. Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang magwala ang aking puso nang tumakbo ito patungo sa aking direksyon.
I turned around and squeezed my eyes shut, natatakot na malapa ngunit nang madama ko ang pagkiskis ng balahibo nito sa aking binti, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Azul sighed. Tinusok niya sa buhangin ang kanyang surfing board saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang braso. "That's odd? Maxine likes you. Masungit 'yan. Did you give her a treat before?"
Nangangatog pa ang tuhod kong iniling ang ulo. "I—I'm kinda scared of stranger dogs."
"Huh." His brows curled. Mayamaya'y lumapit siya at yumuko saka sininghot ang aking amoy. Mayamaya'y umaliwalas muli ang kanyang mukha at sumilip ang multong ngiti sa manipis na mga labi. "Kaya naman pala. My dog likes honey."
"G—Gano'n ba?" Nahihiya kong tugon bago yumuko, pinagmasdan ang asong tumitig sa akin. Parang naghihintay ng treat.
Lumunok ako at tinignan muli si Azul. "Hindi naman niya ako lalapain?"
He chuckled softly, ang mga mata ay kumislap sa masarap na pagtawa. "Of course not. Maxine is a good girl. Between me and my dog, I'm the most likely to bite." Ngumisi siya at kinindatan na naman ako dahilan para muling uminit ang aking mukha.
"Maxine, let's go." Aniya at kinuha ang kanyang surf board.
Nataranta ako nang magsimula siyang maglakad. Nagmadali rin tuloy akong sumunod, pilit humabol sa malalaki niyang hakbang. Nakakainis. Bakit kasi ang iksi ng mga hita ko? Ang isang hakbang niya ay tila dalawang hakbang ko na.
"T—Teka lang, Azul. 'Yong camera ko kailangan ko na kasi." Nahihiya kong sabi.
"Next time." Umismid siya at tinapunan sandali ako ng tingin. "Hindi ko pa nakita lahat."
My eyes widened. "That's illegal. Hindi mo dapat pinapakialaman ang gamit ko!" Reklamo ko ngunit hindi man lamang ako sinagot o tinapunan ng tingin.
Nakuyom ko ang aking mga kamao. "Give it back or—"
He stopped and faced me again, ang mga mata at ngisi ay nanghahamon. "Or what, hmm?" He took one step closer until there's no more enough space between us for me to have some air. Halos mahigit ko ang aking hininga lalo nang hawakan niyang muli ang aking baba gaya nang kagabi. "Or what, baby? Are you gonna sue me?"
I gulped, ang mga tuhod ay halos bumigay sa klase ng titig na ipinupukol sa akin ng asul niyang mga mata.
"H—Hindi pero—"
"Hindi naman pala eh." Binitiwan niya ang aking baba at muling naglakad. Para akong tuta na sumunod!
"Azul please. I really need that! My brother is gonna be mad at me kapag umuwi ako na hindi 'yon dala."
"So? At least you have your reason to see me again." Ngumisi ito, nang-aasar. "Tsaka pake ko sa kuya mo. Sino ba siya?"
"S—Si Crude Andrade."
Napahinto siya, natigilan sa aking sinabi. Mayamaya ay nagsalubong ang makapal na mga kilay. "You're kidding, right?" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakailang. Uminit muli ang aking pisngi dahil sa kanyang ginawa.
Mariin kong pinaglapat ang aking mga labi bago umiling. "K—Kuya ko si Crude."
Natawa siya nang mahina. "Imposible. I would know easily."
"H—Hindi kita pipiliting maniwala pero regalo sa akin ng kuya ko ang camera pagkatapos magbox office ng pelikula nila ni Astrid kaya napakaimportante sa akin no'n. Please ibalik mo na. Wala talaga akong pagsasabihan ng nakita ko."
He breathed in deeply and shook his head. Sumilip ang kurba sa sulok ng kanyang mga labi, ang mga mata ay pinagmasdan akong mabuti na tila may kung anong tumatakbo sa isip.
He was silent for a moment. Mayamaya'y umaliwalas ang mukha at ang mga mata ay nagnginging. "Ah, alam ko na. Tignan mo nga naman." He flashed a devilish smirk at me while massaging his chin. "Naghulog yata ng anghel ang langit."
Ang mga kilay ko naman ang nagsalubong, nagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin. "What do you mean?"
Lumawak ang kanyang ngisi, mayamaya'y sandaling napatingin sa direksyon ng Casa Narciso. Naglaho ang kurba sa mga labi niya nang tila may nasulyapan, at bago pa man nabaling sa direksyon ng Casa ang aking tingin ay mabilis na niya akong naakbayan.
"You know what? I'm hungry. Let's grab some breakfast." Anunsyo nitong nakapagpakunot sa aking noo at nagpawala sa aking puso.
Nadala ako ng kanyang mga hakbang, ang kanyang braso ay mabigat sa aking balikat ngunit wala man lang akong ibang maisip sa puntong ito kung hindi ang kung gaano kalakas ang nagiging epekto sa akin ng pag-akbay niya. He's so close! So freaking close that his skin feels sultry against mine.
"A—Azul teka..."
"Magbreakfast tayo, and then we'll talk." Aniya, halos pabulong. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka.
Wala na akong nagawa nang tuluyan niya akong nakaladkad hanggang sa bungad ng Bayou. Nang makapasok kami sa resort, kinalas niya ang pagkakaakbay sa akin at nilapag ang kanyang surfboard pasandal sa pader.
Napatingin ako sa kanyang gwapong mukha. Masungit na ito ngayon na tila may nakitang hindi nagustuhan kaya nang lumapit ang isang lalakeng nakapulang polo shirt, tuluyan siyang napabuntong hininga saka hinilamos ang palad sa mukha.
Ang kanyang panga ay umigting, ang mga mata ay naningkit na tila nagagalit. "Akala ko ba chineck niyo na ang paligid? Bakit may nakalusot?"
Namutla ang lalake nang mapansin ang inis sa mga mata ni Azul. Kaagad itong nagpaalam na lumayo sandali para magradyo, nadinig ko ang pangalan ng resort na pinags-stay-an ko.
Nang matapos ang lalake ay muling bumalik sa harap ni Azul. "Chini-check na, Sir. Pasensya na po."
Marahas na nagtaas-baba ang kanyang mga balikat. "Siguraduhin niyo lang. Ayoko ng sakit ng ulo habang nandito sa Bayou."
Galit ang kanyang mukha nang balingan akong muli, ang mga labi ay numipis lalo sa mariing pagkakalapat.
"Let's go. Do'n tayo sa resto."
"Uh, anong problema? Bakit nabanggit ang Casa Narciso?" Hindi ko naiwasang magtanong.
Kinuha niya ang braso ko at nagsimulang maglakad. Mayamaya'y tuluyang sumagot.
"A paparazzi managed to get some photos." He sighed. "Photos of us. Siguradong bukas, laman na naman ako ng balita..."
Halos manlamig ang aking katawan sa narinig. Lagot ako sa kapatid ko!
EPILOGUEMatamis ang ngiti ni Cath habang hinahaplos ang buhok ni Azul. Bagong gupit ito at kung siya ang tatanungin, mas bumagay dito ang maikling buhok ngunit si Azul, hanggang ngayon ay dinadamdam pa rin ang pagkaputol ng buhok nito. Nakipagpustahan kasi ito sa mga kaibigan.Natutuwa si Cath dahil noon, ang pustahan ng mga ito ay kung sinong unang matatalo ng tawag ng laman, ngayon, ang naging pustahan na ay kung sinong unang magkakaroon ng anak na babae, sinong unang iiyak kapag nabakunahan ang anak, at kung ano-ano pang may kinalaman sa pagiging pamilyado.Her Azul evolved from a hunky playboy to a responsible family man. Kinilala ito sa pagiging bata at mahusay na coach, ngunit sa kanyang bawat speech, wala itong bukambibig kung hindi pangalawa lang ang awards ng pagiging magalin
Kabanata 31Hinagod ni Desiree ang likod ni Cath habang pinapayungan siya nito. Pilit niya itong nginitian bago binalik ang tingin sa puntod na nasa kanilang harap."Tingin mo ay masaya na siya ngayon?" Malungkot niyang tanong kay Desiree.Desiree flashed a broken smile. "Tingin ko oo, Cath. Hindi na siya mahihirapan pa. Sa langit, wala nang sakit, hinagpis at kalungkutan." Tinapik nito ang kanyang braso. "Maging masaya na lang tayo para sa kanya."Mahinang tinango ni Cath ang kanyang ulo saka niya pinakawalan ang hangin mula sa kanyang dibdib. Ang kanyang kamay ay lumapat sa kanyang tiyan. Hindi pa halata ang kanyang pagbubuntis dahil dalawang buwan pa lamang ito, ngunit sinisiguro niya sa sariling aalagaab niya ang kanyang sarili al
Kabanata 30Cath felt the pain in her head, but her heart aches even more. Parang naka-rewind na tape ang mga alaalang bumalik sa kanyang isip matapos niyang makita ang walang malay niyang asawa sa ibaba ng hagdan.She saw how Azul caught the freesbie and she felt how loud her heart beat for him since that day.She remembered how Azul smiled and winked at her at Chaya's botique, how her cheeks turned red when he said the blue bikini will look good on her.She remembered when their paths crossed again in La Paz, when she returned the ball to him.Ang mga halik at haplos, ang mga yakap at palitan ng matamis na pangako. Ang mga asul na sulat at ang payapang karagatan. Ang ka
Kabanata 29Masarap ang simoy ng hangin. Nasa dalampasigan si Azul at Cath, tahimik na pinagmamasdan ang malawak na kalangitang hitik na hitik sa mga bituin. Naka-upo sila sa buhangin gaya ng gusto ni Cath, ang kanyang braso ay nakapulupot sa asawa upang sanggain ang lamig.The waves crash loudly on the shore that's meters away from them. Panay ang pagdampi niya ng halik dito, ninanamnam ang bawat sandaling ganito ito kalapit sa kanya at hindi siya pinagtatabuyan.Every now and then, his thoughts drift back to the day he began losing her. Sariwa ang araw na iyon sa kanyang alaala, at sa tuwing nagbabalik sa kanyang isip ang dahilan, pakiramdam niya ay nanlulumo siya.It was Nerida's plan to use her to protect their affair.
Kabanata 28Pumungay ang mga mata ni Cath nang madama ang paghagod ng kamay ni Azul sa kanyang buhok. Kakatapos lamang niyang maligo at ngayon ay nasa kandungan siya nito, tinutuyo ang kanyang buhok.Napahikab siya. Napaka-swerte naman niya at mukhang alagang-alaga siya ng kanyang asawa dahil maging ang pag-blow dry sa kanyang buhok, ito pa ang gumagawa."Do you always do this to me before?" Inaantok niyang tanong.Napangiti si Azul, tila may naalala bago ito tumango. "You're always lazy to dry your hair so I do it for you."Totoo iyon. Wala siyang pakialam kung basa ang kanyang buhok na matutulog kaya madalas ay bruha na siya pagkagising. Natuwa naman siya at concern ang
(A/N: Will be writing the rest of the chapters in 3rd person POV.)Kabanata 27Maingat na ibinaba ni Azul si Cath sa loveseat na nasa harap ng dalampasigan. Halos isang buwan din ang tinagal pa ni Cath sa ospital at sa loob ng mga panahong iyon ay sinigurado niyang nasa tabi siya palagi nito."Ang hirap naman ng may cast. Gusto kong maupo sa mismong buhangin, Azul." Reklamo ni Cath.Ngumiti lamang si Azul bago naupo sa tabi nito paharap mismo rito kaya nang isankal niya ang kanyang kamay sa upuan na tila kinukulong ang baywang nito, namula na naman ang kanyang asawa.He chuckled softly before he pushed the few strands of Cath's hair on the back of her ear. Nang kagatin ni