RACE MURKY LUCIDITY VASQUEZ was feared by many, most of 'em are the one who knows his true personality. He needs to control himself since he's also the President of their campus. He wasn't expecting to meet such a troublesome and a pain in the ass woman, no one even dares to speak back to him but she's the first. As the days goes by, he offered to be her butler and a bodyguard. But the one that he's been admiring secretly was a lethal. Would he continue admiring her after what he've found out?
View MoreCHAPTER 1
PERILOUS LADY RISK ASUNCUON's POV
NAGHAHABOL-HININGA akong napahawak sa tuhod ko nang habulin ako ng mga bala. Peste! Pag ako napuno sa mga taong 'to, talagang papatayin ko sila isa-isa.
Mga gagong 'to pati ba naman dito hahabulin parin ako? Iba talaga pag-maganda e 'no, pati mukhang aso tahol ng tahol sa'yo.
Hays. Nakakainis lang talaga pati ba naman dito hababulin ako? Tss. Mabuti naman at medyo gabi na kaya medyo madilim na, ang mga ilaw sa daanan at saka ang buwan nalang ang tanging gabay sa pag-iilaw.
Kahit na madilim, naiinag ko parin ang kapangitan nila, parehong pareho silang pangit mukhang nagmana sila sa boss nilang parang pinagbagsakan ng mga bagyo, turnado, lupa, landslide at saka nabubulok na prutas.
Putchanggago lang talaga. Letse talaga ang mga 'to. Hindi naman kagwapohan pwe!
Mahigit bente pataas katao ang humahabol sa'kin, pati bala hinabol na rin ako. Paksyett! Iba talaga pag maganda ka, pati ang bala ng baril ay na-aatract sa kagandahan mo. Hayss.
Habol hiningang napasandal ako likod ng puno para magtago.
Duh...Alangan naman na sasabak ako sa gyera na walang plano edi tigok ang maabot sakin. Punyemas naman oh. Bawal pa naman akong masugatan. Letse.
Pinakiramdaman ko muna ang mga tao sa paligid kong ilan ang mga gagong demonyong humahabol sa'kin.
Napangise ako ng lahat sila ay nakapalibot sakin habang nakatutok ang kanilang baril sa mukha ko.
The reason kung bakit ako hinabol ng mga pesteng to is sinapak ko at binugbog ang pinuno nila kaya inis na inis ang mga gago.
Well, ganito kasi 'yon muntikan na akong ma-rape kanina kaya dahil sa pandidiri ko sa mukha ng boss nila sinapak ko at saka tinuhod.
Duh.. Sino ba naman ang hindi matatakot sa pagmumukha ng boss nila. Ang kapal talaga ng mukha nito mas makapal pa sa encyclopedia.
Ang kapal ng mukha talaga. Isa siyang napakamalaking punyeta. Letse.
Kinapa ko ang baril na nakasabit malapit na sa hita ko at saka nagbilang ng tatlo para lumabas.
"Hija, lumabas kana kung ayaw mong pasabogin namin ang ulo mo." Sigaw ng lalaking kanang kamay ng boss nilang tukmol.
"Gago. Anong tingin mo sakin, Tanga? Sinong tinatakot mo, Gunggong?"Sigaw ko pabalik sa kaniya.
Duh, hindi naman ako bobo para sundin ang inuotos nila, sino ba sila? Isa lang naman silang weak na pangit na manyak. Tss.
"Mapilit ka. Pagbilang ko ng tatlo pag hindi ka parin lalabas sa lunga mo, Papasabugin ko 'yang maganda mong pagmumukha!" Sabi naman niya na ikinatawa ko.
"Bago mo pasabugin ang mukha ko, tingnan mo muna ang mga kasamahan mo kung maayos paba ang lagay ng mga tukmol na 'yan!"Inis na sabi ko sa kaniya at saka lumabas na talaga ako sa pinagtataguan ko.
Nanlaki ang kanilang malaking mata ng makita niya kung anong nangyari sa kaniyang kasamahan.
Pinagpagan ko ang kamay ko at nilinisan ang baril na hawak hawak ko bago ko ito nilagay muli sa sisidlan ng aking suot na black leather jeans.
"S...sino k...a?" Napaatras ito habang ang kamay niya ay nakaturo mismo sa mukha ko na ikina-inis ko.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at saka binali ko ito na ikinadaing niya sa sakit.
"Sino ako? I'm Lady R the one who can kill you right here right now. At saka pag 'yang mukha mo nakikita ko parin, mapipilitan akong durugin 'yang mukha mong durog na. Umalis kana, ayaw kong makikita muli ang pagmumukha mo." Mahinahon kong sabi ngunit may halo itong pagbabanta na ikinasindak naman niya.
Halos hindi na maipaliwanag ang di kapaliwanag niyang mukha ng makita ang ginawa ko sa kaniyang kasamahan, dahil narin sa takot nagkandapa-dapa itong tumakbo palayo sakin.
Mahina akong natawa dahil sa mga reaksiyon nila.
Tss. Wala naman pala itong binatbat eh, puro nalang salita wala naman sa gawa. Mga hayop!
Hindi ko naman pinatay 'yung mga kasamahan niya, pinagmukha ko lang na patay ko ang mga gagong 'yun, pero the truth is pinatulog ko muna, masyado kasing pabibo mukha namang pwet ng pato.
Umalis na ako doon at iniwan silang tulog alangan namang isasama ko ang mga gagong 'to. Ano sila, Sinuswerte?
NAKARATING na ako sa bahay ako, which is ako lang ang nakatira kasama si Nanay Linda, katulong namin pero para sakin siya na ang tumayo bilang magulang ko.
"Asan ka na naman nanggaling bata ka? Ilang beses ko bang sabihin sayo na 'wag magpapagabi! Alas 11:30 na ng gabi, susmeyo!" Sermon sakin ni Nanay Linda
Sabi ko na nga ba, talagang sermon ang aabutin ko pagnagkataon na late na ako uuwi.
Kahit na palagi akong senermonan ni Nanay, mahal na mahal ko parin siya.
Pero kasalanan 'to ng mga bwesit ng gagong 'yon, dahil sa kanila na late akong umuwi sa amin. Sheyytt.. ayan tuloy napagalitan ako.
Malambing ko siyang pinuntahan at saka niyakap
"Nay, sorry na. Hindi na po mauulit."Nakangusong sabi ko na ikinabuntong hininga naman niya.
"Talaga? Promise 'yan?"Nakangiting sabi niya sakin na ikinasimangot ko.
"Nay, hindi ko naman sinabing nagpromise ako pero aasahan mo na gagawin ko ang lahat makauwi lang ng sa bahay na 'to ng sakto sa oras."Nakangising sabi ko na ikinangite niya.
Nakahinga naman siya ng maluwag at saka piningot niya ang tenga ko na ikina-aray ko.
"Nay naman eh.." pagmamaktol ko na ikinatingin niya ng masama sakin.
"Wag mo akong ma-Nay diyan. Bakit late ka ng umuwi? Huhulaan ko, napaaway ka 'no?"Tanong niya sakin at saka binitiwan na niya ang tenga ko na ikinasimangot ko.
"‘Yan kasi, hayss.. Ano ba kasing pinaglihi ng mama mo noong pinagbuntis ka, bakit naging habolin ka ng away palagi." Napahawak ito sa sintido niya na ikinatawa ko.
"Sus. Okay lang ako, Nay at saka magpahinga ka na po, late na ng gabi oh."Malambing na sabi ko sa kaniya
"Oo na. ikaw rin matulog ka na, may pasok ka pa bukas." Paalala niya sakin
Ngumite lamang ako ng tipid bago ako umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ko.
Pumasok na ako sa kwarto at saka humiga sa kama at saka inoff ko na 'yong light, tanging lamp nalang ang nagsilbing liwanag sa kwarto ko.
Hanggang sa makatulog na talaga ako.
NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.
Tamad akong naligo at nag-ayos. I didn't bother to put a make up on my face kasi ayaw ko ng may nilalagay sa mukha ko. I bun my hair bago ako lumabas.
Nakasalubong ko si Nanay Linda.
"Goodmorning. Bakit 'yan ang suot mo? Mag school uniform ka, alam mo naman na bawal 'yan."Paalala niya sakin na ikina-irap ko.
"Who cares about that damn rule? I have my own rule. Besides, it's not their life, it's mine so I can do whatever I want."Mahinahong sabi ko kay Nanay linda na ikinabuntong hininga niya.
"Oo na, wala akong sinabi. Sige, kain ka muna bago ka pumunta sa school mo, masamang magpapalipas ng agahan."Sabi niya na ikinangite ko.
She already treated me like her own daughter thats why I love her. Hindi ako nagagalit kahit pinipingot niya ang tenga ko at pinakiki-alaman ako.
"Oo na po. Kakain na."Natatawang sabi ko.
"Stay out of the trouble Lady."
"Hindi ko maipapangako Nanay Linda, mukhang pati trouble hinahabol ako eh."Natatawang sabi ko na ikinatawa niya rin.
"Basta palagi kang mag-iingat ha. ‘Wag mong hayaan na masaktan ka o kahit na may makita ako ni isang maliit na sugat. Isang sugat----"
"Isang pingot."
Dugtong ko na ikinatawa niya.•End of Chapter 1•
MAHINA AKONG napamulat sa aking mga mata, nakita ko naman sila Mama at Papa pati narin si Kuya. Nang makita nilang gising na ako ay agad akong niyakap ni Mama. "What happened?"Takhang tanong ko at sumagot naman si Kuya. "You fainted."Sabi niya. "Anak, please take care of yourself lalong lalo na't buntis ka."Nag-alalang sabi niya na ikinanlaki ng mga mata ko. "B-buntis ako?"Hindi makapaniwalang sabi ko. "Yes, You are pregnant. Three weeks pregnant, mahina na ang kapit ni baby kaya mag-ingat ka sa katawan .o lalo na't may dala ka nang bata sa sinapupunan mo."Sabi niya. Napahawak naman ako sa tiyan ko at napa-iyak. I'm sorry baby, kung nadamay ka pa sa gagahan na ginawa ni Mommy. I will promise to take good care of my body, I will eat nutrious food for you. I love you. "Pack you things, let's go back to Philippines."Malamig na sabi ni Kuya na ikinanlaki ng mga mata ko. "Really?"Masayang sabi ko at tumango naman siy
NAKANGITING pumunta ako sa harap para sa Thanks Giving Speech. Nagpalakpakan naman sila nang nasa harap na nila ako, para tuloy akong magpe-performance."Hi?" Panimula ko at agad namang nagsihiyawan ang mga tao, nangunguna ang mga kalalakihan.Napatingin naman ako sa tingin ni Vixeriel na ang dilim ng mukha."First, I just want to say thank you for being with us. Thank you for spending your time to be here with us. So, to close this celebration, I will start in saying thank you to everyone. I'm glad to be here also. So, my speech is for all of you, especially to my buntis friend....Perilous."Nakangiting sabi ko na ikinangite naman nila."Thank you for everything, thank you for the non-stoo advice, don't worry if I forgot your advice, I will rewind it, kidding. So, I hope to find your happiness together with your hubby and your two little cuttie angel. If you need my help of anything, I will be like charlie puth, one call away."Natatawang sabi ko na ikin
NAKANGITING umuwi ako sa bahay, napataas ang mga kilay ko ng may motor ang huminto sa harap ko."Yes?"Sabi ko sa kaniya."Lady, can you show me the direction to your heart?"Nakangising sabi niya na ikinairap ko naman."You are already in my heart so shut up."Inis na sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya naman."Let's go."Nakangiting sabi niya na ikinabuntong hininga ko naman.Yes, siya ang naging hatid sundo ko, para tuloy akong naging kinder nito. Sumakay na ako sa motor niya at saka yumakap sa kaniya.Kung hindi naman kasi ako yayakap sa kaniya, gagawa siya ng paraan para mapayakap ako sa kaniya kaya mukhang nakasanayan ko na talagang yumakap sa kaniya pagnakamotor kami."Pupunta ka ba bukas?"Tanong ko sa kaniya."Saan?""Sa Sweet Lethal Cafe, may magaganap na party bukas."Sabi ko sa kaniya."Bakit daw?""Sa second child nila Race, may magaganap na party tas invited tayo, so pupunta ka ba bukas?"Tanong ko sa kaniya.
NAGLILIGPIT na ako ng mga gamit ko dahil uuwi na kami ngayon, and kung tinanong niyo kung nakalaro ba ako? Syempre hindi, hindi ako pinayagan ni Vixeriel.Si Cheysch ang nanalo at naging Beach Princess, kanina pa siya todo asar sa'kin."Karupokan be like."Nakangising sabi niya na ikinairap ko naman.Kanina pa niya ako sinabihan na marupok dahil daw hindi ako sumali sa Beach Volleyball, mas inuna ko daw si Vixeriel kesa sa maldives na 'yan."Manahimik ka o tatahimik ka."Malamig na sabi ko na ikinatigil niya naman."What happened to you? By the way, ibibigay ko nalang sayo ang trip to maldives total mas gusto mong makapunta doon."Sabi niya pero umiling naman ako."No. Sayo 'yan, pinaghirapan mong manalo kaya deserve mo 'yan. Besides next time nalang ako, total may marami pa namang panahon, mag-iipon nalang ako ng pera papuntang maldives."Nakangiting sabi ko na ikinairap niya naman."Gaga. Kaya ko nga nilampaso ang mga kalaban para makuha
NASA beach na kami, 'yong iba naghahabolan sa beach, 'yong iba nag-swimming tapos ito ako ngayon tamang higa lang sa blanket habang pinapanood sila.Napadesisyonan ko kasing mamaya muna maligo."Hoy Xye! Maligo ka na!"Sigaw ni Cheysch sa di kalayuan.Iniripan ko naman siya. "Mamaya muna."Sigaw ko pabalik.Tumakbo naman siya patungo sakin na ikinakunot ng mga noo ko.Napatili naman ako ng kinaladkad niya ako papuntang dagat kaya ang resulta, naligo na rin ako."Bwesit ka talaga!"Inis na sabi ko at saka sinaboyan siya ng tubig, gumanti rin siya kaya nagsaboyan kami sa isa't isa.Tawa lang ako ng tawa ng makita ko ang mukha niya, para siyang basang sisiw."Putcha ka talaga Xye!"Inis na sabi nito na ikinatawa ko ng malakas.Hindi ko na pinansin ang kaniyang sinabi at saka lumangoy papalayo sa kaniya.Langoy lang ako ng langoy tapos nakapikit ang mga mata ko dahil maalat ang dagat, pag nakadilat ang mga mata ko
NAGBIHIS na ako ng isang high waist na white short at saka pinaresan ko ito ng loose tshirt na gray. Gaya nga ng sinabi ni Perilous, may lakad daw kami ngayong alas 6 ng hapon.So? Saan nga ba ang lakad namin?Panay tanong ako ng tanong kay Cheysch pero panay iwas at secret lang ang natatanggap ko sa bruhang ''yon. Mga walang kwentang kausap talaga.Hindi man lang ako ininform kung saan ang lakad namin ngayon.Tss, kanina sinabihan ko na siya kung sino ang gusto ko kaya ayon hindi pa makapaniwala na nagkagusto ako sa lalaking 'yon pero mukhang nakabawi naman ito, tili na siya ng tili.Sinabihan ko siya na huwag niyang ipagkalat dahil kung nagkataong mangyari ito, kakatayin ko talaga siya ng buhay at ililibing ng buhay, sasayaw pa ako ng budots sa libingan niya.Nagbihis na rin si Cheysch, naka jeans ito at saka nakaloose shirt rin na kulay brown. Nakangiting pumunta siya sa direksyon ko."Tara na sa labas, hinihintay na nila tayo."Nakangitin
Comments