Share

Chapter 25

"Oo na nasa sasakyan na nga ako, otw na ulit ulit amp" natatawang sabi ko sa kausap ko ngayon sa cellphone habang naka focus lamang ang paningin ko sa kalsada

"Sabi ko naman kasing susundoin nalang kita eh" nagtatampong sabi ni Jasper

Natawa naman ako sa kakulitan nito "Palagi mo nalang akong sinusundo, daig mo pa si kamatayan" sabi ko

Narinig ko naman ang pagsinghal niya at alam kong nakanguso na ito ngayon 

"Sayang kasi ng gas mo" tugon niya, hindi pa rin nagpapatalo sa kakulitan

"Ano pang silbi ng sasakyan ko kung palagi ako sa'yong magpapasundo? Pektusan kita eh"

"Hehe oo na tama na chill galit ka nanaman" dirediretsong sabi niya kaya bahagya ulit akong natawa

"Sige na kita nalang tayo diyan 'wag ka nang makulit ha" sabi ko naman kay Jasper

"Okay, hinatyin kita dito" malambing na sabi niya

"Geh" tanging tugon ko at saka ibinaba ang tawag

Nag focus nalang ako sa pag da-drive ko papunta sa isang resto bar k

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status