Share

Chapter 4

Author: Bow Arrow
last update Last Updated: 2021-06-30 13:29:26

"Ang sakit pa rin ng ulo ko pucha naman" reklamo ni Isha pakapasok palang namin sa room

2pm ang first class namin ngayong araw at pinagpapasalamat ko na nagising kami ng bandang alas dose, dahil kung hindi ay malalate kami o 'di kaya hindi kami makakapasok ngayong araw

Pinandilatan ko ng mata si Isha dahil sa pagrereklamo niya "Karma mo 'yan" sabi ko ngunit nginusoan niya lang ako

Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa nangyari at sa huling sinabi ni Lace saakin bago niya ko iwan na nakatunganga sa pinto ng apartment ko. Hanggang ngayon ay 'di ko maalis sa isip ko ang boses niya. Para itong musika na hindi na maalis sa tenga ko

"Hoy! Tangina naman kanina pa 'ko nanghihingi ng one whole eh!" nabigla at nataohan ako nang sinigawan ako ni Isha

"Ha?" tarantang tanong ko

"Ha? Hansel Bautista!"

Natawa nalang ako sa nang gigigil na mukha ni Isha. Ano ba naman kasi 'yan! Siya nanaman ang nasa isip ko, kagabi nga't 'di na ako nakatulog ng maayos dahil sa bwesit na 'yon! Kagatin sana siya ng pulang langgam

Habang hinihintay namin ang prof namin sa Obligation and Contracts ay kinuha ko muna ang cellphone ko at nag active sa twitter. Ngunit maibabagsak ko pa sana ang phone ko ng unang nag pop out ang tweet ni Lace, napakunot ang noo ko dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman siya finafollow, pero bakit nakikita ko ang tweet niya?!

At mas nagulat pa ako nang mabasa ang tweet niya, 11 hours ago...

Lace @lacemart

'My baby is jealous :('

11 hours ago? Ibig sabihin mga bandang alas tres 'to ng umaga, at ito 'yung oras nang umalis siya sa apartment..

Napatakip ako sa bibig ko nang mabasa ang tweet niya. Parang dinaganan ng mabibigat na semento ang dibdib ko. Ako ba ang tinutukoy niya? Ako ba ang nag seselos? Ako ba ang.. baby niya?

Dahil ilang oras na rin ang lumipas ng itweet niya 'yun ay marami nang nag like at comment! Dahil sa kyuryosidad ay tinignan ko ang mga nag comment. Karamihan ay nagtatanong kung sino si 'baby' na tinutukoy niya. Ang iba naman ay nadismaya at nag sasabi na sayang daw at taken na si Lace. Ngunit naagaw ng atensyon ko ang pamilyar na nag comment. Ito 'yung kaibigan niya na nang hingi ng username ko sa twitter!

Arch @archiej

'Iba ang tama ng atenista sa isang unceana!'

Dahil sa comment na 'yun ay marami din nag comment na 'omg unceana ang girlfriend ni fafa Lace?!' o kaya naman ay 'sino 'yan unceana na 'yan!' at ang mas nagpakunot ng noo saakin ay ang nag comment na 'sino 'yang unceana na 'yan, sakalin ko siya'

Karamihan sa kanila ay babae na paniguradong may gusto sa gunggong na 'yun!

Arghhhh! Tangina naman neto! Napapikit nalang ako at itatago na sana ang cellphone ko nang mag vibrate ito at nag notif na may nag dm saakin sa twitter. Gamit ang malalamig kong kamay ay tinignan ko agad kung sino ang nag message saakin at pinagpawisan ata ako nang makita ang pangalan ni Lace!

Wala sana akong balak na iseen iyon ngunit kontrabida ang kamay ko at binuksan ang mensahe ni Lace

Lace: 'May hangover ka? Tara lomi'

Magrereply na sana ako at handa nang tanggihan si Lace ngunit biglang lumapit saakin si Isha kaya tinago ko agad sa bulsa ko ang cellphone ko. Mahirap na at alam kong aasarin nanaman ako ng bruhang 'to!

"Nag laro kami do'n ng flames! Omg marriage ang lumabas saamin ni Kiefer!" kinikilig na sabi ni Isha, tinutukoy ang crush niya na si Kiefer from Accountancy 

"Hindi ka nga nilalapitan no'n, ikakasal pa kayo? Hahaha negats!" pang aasar ko sakanya kaya hinampas niya naman sa braso ko ang papel na hawak niya

"Pakyu!"

Tinawanan ko lang siya at tinitignan ang isinusulat niya sa papel. Napakunot ang noo ko ng makita na pangalan ko ang isinusulat niya ngunit may mas igugulat pa ako ng ilagay niya ang buong pangalan ni Lace katabi ng pangalan ko

Aagawin ko na sana sakanya ang papel ng agad niya itong inilagay sa likod niya

"Oh, oh anong gagawin mo?! 'Wag ka nang epal ife-flames ko lang naman kayo eh!"

"Ang immature mo gaga!" sabi ko at pinabayaan nalang siya sa gagawin niya

Nag simula na siyang ipares ang bawat letra na magkapareho sa pangalan namin ni Lace.

"Iyan ba ang buong pangalan no'n?" tanong ko kay Isha habang abala parin siya sa papel

"Oo, 'di mo alam?!" singhal niya saakin

"Paki ko sa pangalan niya may pangalan naman ako?!" ganti ko ngunit seryoso parin siya sa ginagawa

Lace Martin Guererro

'Yan ang full name niya. Hindi ko alam kung paano at bakit nalaman ni Isha.

"Omg! Engage ang lumabas! Awit magpa manicure kana at malalagyan na ng singsing 'yang kamay mo!" exaggerated na react ni Isha dahil sa lumabas na resulta sa flames namin ni Lace

"Ang mature mo naman Isha, bagay sa 19 years old" sabi ko at tinarayan siya ngunit bago pa siya makipag bangayan saakin ay dumating na si Sir Oliver, prof namin sa ObliCon

Nagkaroon lang kami ng graded recitation at short quiz. Ganon sa ObliCon, maraming sasaulohin na mga articles kaya more on sa pagbabasa kami

Ang sunod na klase namin ay 7 pm pa. At alas singko palang ng hapon, hindi ko alam kung saan pupunta o kakain kaya niyaya ko muna si Isha sa library

"Nako Yna! May lakad kami ng friend ko no'ng highschool eh, nagpapasama siya" tanggi ni Isha kaya wala akong nagawa kundi hayaan siyang umalis at naghihintay na daw ang kasama niya

Kaya eto ako ngayon, naglalakad papuntang Elib (ih-layb), library dito sa school namin.

'Di pa man din ako nakaka aapak sa hagdan papunta sa Elib ay nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito. Nang buksan ko ay nakadirekta agad ito sa message ni Lace dahil nga bigla ko lang itong inoff kanina at itinago sa bulsa. Nangunot ang noo ko ng mabasa ang message niya

Lace: 'Nandito ako sa first gate ng campus niyo, sa may exit'

Lace: 'Hinihintay kita'

Hindi ko alam kung maniniwala ako ngunit nakita ko nalamang ang sarili ko na papunta na sa exit gate ng campus kung saan siya naghihintay. Dahil hindi kalayuan ang Elib sa first gate ay natanaw ko na agad siya doon, pormal na nakatayo habang pinapaikot ikot sa daliri ang susi ng sasakyan niya. Ang linis niyang tignan at gwapo kaya naman marami ring estudyante ang napapatingin sa atenista na 'to

Gwapo?! Argh! Tumigil ka nga Yna! Pangit siya, pangit!

Nang malapit na ako sakanya ay automatic naman ang lingon niya sa pwesto ko. Parang naramdaman niya agad na papalapit na ako. Agad kong nasilayan ang ngiti sa labi niya at ang ngiti sa magaganda niyang mata

"Hi, Yvonne" bati niya saakin ngunit tinarayan ko lang siya at pinag krus ang dalawa kong kamay

Naramdaman ko ang tinginan saamin ng mga estudyante kaya medyo nailang ako habang ang isang 'to naman ay 'di maalis ang ngiti sa labi

"Ba't ka nandito?" mataray na tanong ko, nilalabanan ang ibang nararamdaman dahil sa mga ngiti niya

"Let's eat? Ahm, lomi?" tanong niya

Hindi ko alam kung tatanggi ako ngunit alam kong mahihirapan akong tumanggi dahil una, paborito ko ang lomi, pangalawa gutom na ako at pangatlo wala akong kasama dahil wala si Isha

"Okay lang?" tanong niya ulit

Nagpakawala ako ng buntong hininga para maisip niya na napilitan lang akong pumayag, pero gutom na talaga kasi ako!

"Okay" tipid na sabi ko at nakita ko kung paano kumislap ang magaganda niyang mata sa isang salita na sinabi ko

"So, let's go?" tanong niya ulit kaya tinanguan ko lang siya

Naglakad lang kami at pinagbuksan niya ako ng pinto ng makarating kami sa Caramel. Malapit lang ito sa UNC kaya mabilis lang din kami nakarating

Nang makaupo ay siya ang nag order ng kakainin namin, at saka siya umupo sa harap ko. Inililibot ko ang paningin ko sa buong lugar nang mailang ako sa paninitig ni Lace.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa paninitig niya kaya nataohan siya at saka ngumisi at umiling

"Ang ganda mo" biglang sabi niya

Dahil sa tatlong salitang lumabas sa bibig ng lalaking nasa harapan ko ay naramdaman ko ulit ang naramdaman ko kagabi. Ng sinabi niya saakin na ako lang ang gusto niya. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko na kahit kailan ay hindi ko naramdaman.

Nagkaroon ako ng 2 exes ngunit pareho itong puppy love lamang at hindi naman seryoso. Kaya ngayon ay naninibago ako sa nararamdaman ko. Kilig ba 'to? Ni hindi nga ako nakaramdam ng ganito sa crush ko... kay Jasper.

"Alam ko" mayabang na sabi ko kahit ang bilis na nang tibok ng puso ko at nanlalamig na ang kamay ko

Napangisi nalang siya at hindi na nagsalita pa. Buti naman! Dahil hindi ko ata kaya makipag usap sakanya ng maayos habang ang puso ko ay parang nagwawala ng hindi ko maintindihan

Matapos ang ilang minuto ay sinerve na ang order namin. Napakasarap tignan ng lomi! Sht paborito ko 'to

"Wow, achievement ata 'to" biglang sabi ni Lace habang kinukuha ang kubyertos niya

"Achievement?" tanong ko at tinignan ulit ang napakasarap kong lomi habang hinahalo ito

"Achievement kasi napa smile kita?" sabi niya kaya natigilan ako sa pag halo ng lomi ko at tinignan siya

Napalawak ulit ang ngiti niya nang nasakanya na ang atensyon ko

"Are we gonna eat lomi everyday so that I can make you smile?" tanong niya

Natawa naman ako "Pag nagkataon puro pansit nalang tuloy laman ng tiyan natin niyan" sabi ko

"Well, what other food that can make you smile then?" tanong niya ulit

Pinag kunotan ko naman siya ng noo "Parang sinasabi mong ang takaw ko at pagkain lang nagpapasaya sa'kin"

Natawa naman siya at saka umiling "Okay, what makes you smile, then?"

Dahil sa tanong niya ay natagpuan ko nalamang ang sarili ko na nakatitig sakanya. Nakatitig sa mga magaganda niyang mata. Ni hindi ko na napansin ang tanong niya. Hindi parin maalis sa labi at sa mga mata niya ang ngiti na hindi ko inakalang makakapag paagaw ng atensyon ko. 

How beautiful his eyes is.

Dahil sa mga ngiti niya ay naramdaman ko nalang ang sarili kong unti unti na ring nakangiti sakanya, habang hindi inaalis ang paninitig sa mga magaganda niyang mata

"I know now the answer, baby" malambing na sabi niya na nagpahina ng tuhod at buong kalamnan ko

Imbis na mailang at mataohan, hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko at paninitig sakanya. Kahit siya ay hindi nangangalay sa mga ngiting ipinapakita saakin. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo? Sabihin mo saakin Lace, anong ginawa mo saakin? Anong ginawa saakin ng mga mata mo?

"Your eyes.." tanging nasabi ko bago maramdaman ulit ang napakalakas na tibok ng puso ko. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Special Chapter (1)

    "You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Epilogue

    "Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 35

    "I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 34

    Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 33

    "Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 32

    "Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status