Share

Chapter 16

Penulis: JV Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-26 21:43:49

“Wala kang sagot?” tugon ni Sam, habang bahagyang tumagilid ang ulo niya, pilit hinahanap ang reaksyon sa mukha ni Alyssa. Nakaangat ang kilay, at ang boses ay hindi na tanong kundi kumpirmasyon—halos panunukso. “Ibig sabihin, totoo. Tinanggap mo na.”

Napako sa kinatatayuan si Alyssa. Ramdam niya ang biglang pag-init ng pisngi, ang paninikip ng dibdib. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang itanggi, pilit isalba ang natitirang dignidad na hawak niya sa harap ng babaeng ito. Pero wala—wala siyang boses na lumalabas. Tila kinain ng katahimikan ang lahat ng depensang itinayo niya.

Sam, na tila nasiyahan sa reaksiyong iyon, dahan-dahang muling inabot ang sigarilyong itinapon ni Alyssa sa mesa. Parang eksenang sinadya—walang pagmamadali, puno ng kumpiyansa. Kinuha niya ito sa pagitan ng daliri, parang isang tropeong nais ipagmalaki.

Sinindihan niya ito gamit ang maliit na lighter mula sa bulsa ng kaniyang robe. Click. Tumalbog ang liwanag ng apoy sa gilid ng kanyang mukha. Pagkatapos, hinith
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 25

    Maagang nagising si Alyssa kinabukasan, pero nanatili muna siyang nakahiga. Tahimik ang buong bahay, tila tulog pa ang lahat, at ayaw niyang marinig ang sariling hininga na para bang pinipilit maging normal kahit alam niyang wala na siyang lugar sa tahanang iyon.Biglang tumunog ang cellphone niya sa bedside table. Napatingin siya, at sa screen ay nakasulat: Doc. Marielle.Kahit may kaba, sinagot niya iyon agad.“Hi, Doc?” mahinang bati ni Alyssa.“Alyssa,” sagot ni Doc. Marielle, kalmado ang tono pero may bahid ng pagmamadali. “May ilang araw pa na kailangan mong ayusin ‘yung papeles mo ha? May mga iilan dito sa ospital pero hindi mo naman kailangang pumunta. May update na rin sa visa mo, sana within one week ay makuha na.”Tumango si Alyssa kahit hindi nakikita. “Sige, Doc. Inaasahan ko na rin po ‘yan.”“Okay, ingat ka, ha. And Alyssa…” sandaling natahimik si Doc. Marielle, “kung kailangan mo ng kasama, nandito lang ako.”“Salamat, Doc.”Pagkababa ng tawag, saglit siyang dumungaw sa

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 24

    Pagkasara ng pinto, nanatili si Alyssa sa kinatatayuan niya. Nanginginig ang mga kamay, mabigat ang dibdib, at parang pinipiga ang sikmura. Hindi na niya kaya. Lahat ng emosyon—galit, sakit, at pagkabigo—ay nagsisiksikan sa katawan niya at tila sumasabay sa kiliti sa lalamunan niya.Bigla siyang napatuon sa tiyan niya. May kung anong kirot doon. Kasabay ng pagkakuyom ng palad niya sa may puson, naramdaman niyang tila nagkakagulo ang laman-loob niya. Umikot ang paningin. Mainit ang batok. Napayuko siya, hawak ang dibdib, at saka tuluyang nasuka sa sahig ng kwarto.Kagat-labi niyang tinakpan ang bibig, pinilit na huwag humagulgol habang hinahanap ang lakas na buksan ang pinto. Kailangan niyang makarating sa banyo.Pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita si Sam. Nasa gitna ito ng hagdan, pababa mula sa master’s bedroom. Maayos ang bihis nito—manipis na damit pambahay pero ayos ang buhok at mukha. Parang walang mabigat na nangyari, tila walang alam sa ginagawang pasakit ni Marco kay Al

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 23

    Inihanda ni Alyssa ang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga habang pinupunasan ang mga luhang hindi niya napigilang tumulo kanina. Ito na 'yon, naisip niya. Ang sagot na matagal na niyang hinihintay, ang paliwanag na inaasam niya kahit masakit—gusto niya pa ring marinig, para naman kahit papaano ay matapos na ang lahat ng pagdududa’t pananahimik.Tumayo siya, humarap sa pintong bahagyang nakabukas. Naroon si Marco, nakatayo sa labas, tila nag-aalangan. Pero sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, pareho nilang alam—wala nang atrasan.“Alyssa…” mahinang tawag ni Marco, ang boses ay mababa, tila humihingi ng pasensya.Hindi sumagot si Alyssa. Bagkus, pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto nang mas malaki.“Pumasok ka,” mahina pero matatag ang boses niya.Pumasok si Marco, at sa pagpasok nito ay marahang isinara ni Alyssa ang pinto. Maingat. Ayaw niyang may makarinig. Ayaw niyang malaman ng iba ang huling banggaan na ito—ang pagtatapos ng kung anuman ang natitira pa s

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 22

    Ilang araw na rin ang lumipas mula noong huling gabi niya sa ospital, at simula noon, hindi na muling bumalik si Alyssa sa trabaho. Tahimik niyang tinapos ang mga obligasyon niya—sinagutan ang ilang clearance forms, inayos ang mga final reports, at nilagdaan ang ilang dokumento sa HR. Pero karamihan doon, ipinadaan na lamang niya sa email o kay Doc. Marielle o kay Lucas.Nakapagpaalam na rin naman siya nang personal sa mga ito. Bukod pa riyan, iniingatan din niya ang kaniyang pagbubuntis dahil maselan ito lalo na kung siya ay stressed.Dumami ang inasikaso ni Alyssa sa loob ng bahay. Sa dami ng dokumentong kailangang ihanda—visa, admission letters, medical requirements, pati ang mga flight arrangements—halos wala na siyang oras na huminga. Pero kahit abala, ramdam niya ang katahimikan. Isang uri ng katahimikan na hindi nagpapahinga, kundi nagpapabigat.Ngunit sa gitna ng kanyang katahimikan, may isang bagay siyang hindi inaasahan.Araw-araw na niyang nakikita si Samantha. At ang mas m

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 21

    Sa totoo lang, ang inakala ni Alyssa—pagbukas niya ng pinto ng opisina ay katahimikan na naman ang sasalubong sa kanya. Walang tao. Walang paalam. Walang kahit anong palatandaan na may makakaalala sa kaniya sa araw ng pag-alis niya.Pero nagkamali siya.Pagpasok pa lang niya, bumungad agad ang tanawin: may maliit na banner na nakasabit sa itaas ng whiteboard na may nakasulat: “Good luck sa iyong pag-alis, Doc Alyssa!” May ilang lobo rin—kulay puti at kulay light pink, simple lang pero may effort. May maliit na cake sa gilid ng lamesa, at dalawang takeout box na may pangalan ng paborito niyang Korean food.At sa gitna ng lahat ng ito, nakatayo si Lucas—nakangiti, tangan ang isang paper cup ng juice, parang batang excited magpakita ng munting sorpresa.“Surprise?” sabi nito, sabay taas ng hawak na cup.Napangiti si Alyssa, hindi niya mapigilan. May kirot sa dibdib, pero ngayong nakita niya si Lucas, napalitan iyon ng isang uri ng init. Hindi romantiko. Hindi pa. Pero totoo—at marunong m

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 20

    Pagkapasok nila sa ward, agad na tumambad kay Alyssa ang imahe ni Sam—nakatayo sa tabi ng kama, hindi na suot ang hospital gown. Sa halip, isang itim na leather jacket ang bumalot sa kanyang balikat, kaparehong makintab na leather pants, at riveted boots na may konting putik pa sa ilalim. Rock punk. Buo ang dating. Para siyang hindi pasyente kundi artista sa backstage ng concert.May kaunting buhok na nakalugay sa noo ni Sam, at kahit bahagya pa ring maputla ang kanyang balat, para bang sa isang iglap, bumalik ang sigla niya. Parang walang nangyaring pagdurugo. Parang walang emergency na nangyari kaninang madaling-araw. At higit sa lahat, parang walang sakit na kailangang pangalagaan.“Ano, bagay ba sa akin?” masiglang bati ni Sam, tuwirang nakatingin kay Marco, may halong ngiti sa kanyang mga mata.Napakagat-labi si Alyssa, hindi dahil naiinggit siya, kundi dahil alam niyang ito na naman—ang eksenang hindi niya maiiwasan. Pero si Marco, tulad ng dati, saglit na natigilan, tapos sumil

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status