BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Voir plusTAHIMIK NA BUMUKAS ang malaking gate ng mansyon habang pumarada ang puting SUV ni Alyssa sa harapan ng bahay. Bilang isang doktor ng OB-Gyne sa isa sa kilalang ospital dito sa Manila, ramdam nito ang pagod mula sa buong araw ng operasyon at konsultasyon na mababanaag naman sa kanyang maamong mukha.
Pero bilang isang palabang sa buhay, pilit niyang itinatago ang anumang bakas ng kahinaan. Siya si Alyssa Reyes-Delgado. Tiningnan nito ang kanilang bahay na tila napakagandang tingnan. Ang mansyon ay parang kinuha mula sa isang magazine—modernong disenyo, malalawak na bintanang salamin, at hardin na puno ng maingat na inayos na mga halaman. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, tila ang mansyon ay sumasalamin sa tila malamig at magulong estado ng kanyang personal na buhay. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng maaliwalas na ngiti ni Yaya Mila, ang pinakamatagal nang kasambahay ng pamilya Delgado. "Ma’am Alyssa, mabuti’t nakauwi na po kayo. Napagod po ba kayo sa trabaho?" Ngumiti si Alyssa, bagama’t halatang pagod. “Oo, Yaya Mila. Mahaba ang araw, pero natapos naman lahat. Kamusta dito?” Tanong niya habang hinuhubad ang kanyang puting coat at maingat itong isinabit sa hawak ni Mila. "Maayos naman po, Ma’am. Tahimik ang araw. Gusto n’yo po ba ng tsaa o juice habang nagpapahinga?" Napansin ni Alyssa ang lambing sa tinig ni Mila. Ito ang klase ng malasakit na bihira niyang maramdaman mula sa ibang tao, lalo na’t halos lahat ng oras niya ay ginugugol sa trabaho. “Salamat, Yaya. Juice na lang siguro mamaya. Nasaan si Marco?” tanong niya habang iniaabot ang kanyang handbag sa isa pang kasambahay. "Ah, nasa taas po si Sir Marco. Pababa na raw po para maghapunan," sagot ni Mila, sabay ngiti. "Ihahanda ko na rin po ang mesa para sa inyong dalawa." “Salamat, Mila,” sagot ni Alyssa habang patuloy na naglalakad papunta sa malawak na living room. Ang mansyon ay masyadong tahimik, na para bang ito’y isang napakalaking kaharian na wala namang nagmamay-ari. Ang modernong disenyo ay nagbibigay ng impression ng kayamanan at karangyaan, ngunit para kay Alyssa, ito’y isang paalala ng distansya na unti-unting namamagitan sa kanila ni Marco. Pagdating niya sa dining area, nakita niyang handa na ang mesa. Ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng mainit na liwanag, sumasalamin sa makintab na kahoy ng mesa. Napuno ito ng mga putaheng paborito nila ni Marco—inihanda ng kanilang personal na kusinero. Maya-maya’y bumaba na ang asawa nitong si Marco Delgado, suot ang isang crisp na polo na tila bagong plantsa. Guwapo ang kanyang anyo, ngunit may bigat sa kanyang mga mata na mahirap ipaliwanag. Tumigil ito sa may hagdan at tumingin kay Alyssa. “Nandito ka na pala. Kumusta ang trabaho mo?” bati nito habang papalapit sa mesa. Pag-upo ni Marco sa tapat ni Alyssa, bahagya itong ngumiti, tila pilit na tinutunaw ang tensyon na palaging naroon kapag silang dalawa ang magkasama. "Maayos naman," sagot ni Alyssa habang sinasandok ang mainit na sabaw sa kanyang mangkok. Sa kabila ng kanyang pagod, sinubukan niyang gawing magaan ang tono ng usapan. "Ikaw? Kamusta ang araw mo?" "May mga kailangang tapusin sa opisina," sagot ni Marco habang inaabot ang plato upang kumuha ng adobong manok. Ang kilos niya’y kalmado ngunit halata ang pag-iisip ng malalim. "Marami ring kailangang pag-usapan tungkol sa bagong project namin." Bahagya siyang tumigil at tumingin kay Alyssa. Nagtagpo ang kanilang mga mata sa loob ng ilang segundo, sapat para maramdaman ni Alyssa ang kakaibang init na minsang naging pundasyon ng kanilang relasyon. Bagama’t hindi iyon kasing lalim ng dati, naroon pa rin ang alaalang sila’y nagmamahalan. "Balita ko, nag-expand na kayo ng operations sa Cebu," sabi ni Alyssa, pilit na binubuhay ang usapan. "Kumusta naman ang transition doon?" "Maayos naman," sagot ni Marco habang sinasawsaw ang tinapay sa sabaw ng kaldereta. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, tila binibigyang-pansin ang tanong. "Pero may mga komplikasyon din, gaya ng inaasahan. Alam mo naman kung paano ang logistics sa Pilipinas." Ngumiti si Alyssa nang bahagya. "Kaya mo naman 'yan. Ikaw pa ba? Laging may solusyon." Ngumiti rin si Marco, ngunit may halong pagod. "Tama ka. Pero minsan, gusto ko ring magpahinga kahit papaano. Hindi na rin tayo nakakahanap ng oras para sa isa’t isa." Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Marco. Bigla niyang naramdaman ang kirot sa kanyang puso. Tama naman siya—matagal na nilang hindi nabibigyan ng sapat na oras ang kanilang relasyon. Naramdaman ni Alyssa ang pagnanais na ayusin ang lamat na lumalalim sa pagitan nila. "Tama ka naman diyan. Hindi ko rin gusto na palaging ganito." Tumayo si Marco at tumabi kay Alyssa. Inabot niya ang kamay nito at banayad na pinisil. "Paano kung mag-set tayo ng bakasyon? Alam mo 'yon, yung tayong dalawa lang." Natigilan si Alyssa, ngunit hindi niya napigilan ang bahagyang ngiti. "Tara, kapag naging mas maayos na ang schedule ko. Aayusin ko agad, promise." Napatangiti si Marco at bumalik sa kanyang upuan. Ang matamis nitong ngiti at ang singkit niyang mata ay tila nagtibok muli ng puso ni Alyssa. Habang nag-uusap sila, biglang naramdaman ni Alyssa ang kakaibang pakiramdam sa kanyang tiyan. Napapikit siya at huminga nang malalim, pilit na nilalabanan ang pagsusukang nararamdaman. Agad niyang inilapag ang kutsara at tumayo. "Excuse me," sabi niya nang madali, bahagyang iniwas ang tingin kay Marco. "Sandali lang, Marco." Nag-alala si Marco. "Ayos ka lang ba?" tanong nito habang sumusunod ang tingin sa kanya. "Oo, kaya ko naman," mabilis na sagot ni Alyssa bago tumakbo patungo sa pinakamalapit na banyo. Pagkapasok sa banyo, mabilis niyang hinawakan ang lababo. Nanlalamig ang kanyang mga palad habang isinuka ang kinain. Habang hawak ang sarili, tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Ang kanyang mukha’y maputla, ngunit hindi maikakaila ang isang kakaibang damdamin sa kanyang kalooban. "Buntis ako," bulong niya habang dahan-dahang hinahaplos ang kanyang tiyan. Ang kanyang mga mata’y nagmistulang nagningning, ngunit kasabay nito ang kaba at hindi maipaliwanag na takot. Paano niya sasabihin ito kay Marco? Ano ang magiging reaksyon nito? Huminga siya nang malalim at hinugasan ang kanyang mukha, pilit na binubura ang bakas ng pagkahilo at pagsusuka. Ngayon na ang tamang panahon, sa isip niya. Dapat niyang sabihin kay Marco ang balita. Pagbalik niya sa dining area, dala niya ang kakaibang lakas ng loob na magbigay ng magandang balita. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Marco na nakatayo malapit sa bintana, hawak ang cellphone at tila seryosong nakikipag-usap. "Oo, sigurado ka?" tanong ni Marco, may bahagyang tensyon sa boses. "Ano? Nakauwi na si Samantha sa Pilipinas?" Natigilan si Alyssa sa narinig. Ang init ng balitang gusto sana niyang ibahagi ay parang nawala sa isang iglap. Si Samantha. Ang dating kasintahan ni Marco. Bumalik siya. Tumigil siya sa may pinto, pinipilit magpakalma habang pinagmamasdan ang asawa. Ang mga tanong sa kanyang isipan ay sunod-sunod, ngunit wala siyang maisip na sagot. Sa sandaling iyon, parang ang distansya sa pagitan nila ni Marco ay lalo pang lumayo—higit pa kaysa sa dati. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng chandelier, nakaramdam si Alyssa ng bigat sa kanyang dibdib. Sa kabila ng magandang balitang dapat ay magbibigay-liwanag sa kanilang relasyon, tila ito’y natabunan ng anino ng isang pangalan na matagal na niyang kinatatakutan.“Alyssa, kumusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang tiyan mo?” tanong ni Ethan, maingat ang tinig, tila natatakot sa magiging sagot.Sa totoo lang—wala siyang nararamdaman.Hindi dahil walang sakit, kundi dahil tila hindi na niya kayang maramdaman kung masakit pa o hindi. Parang nagyelo ang buong katawan niya, unti-unting binabalot ng pamamanhid. Wala na siyang maramdaman kundi ang bigat ng hangin sa paligid at ang malamig na dampi ng kumot sa kanyang balat.Muling nagsalita si Ethan, may halong pag-aalala sa boses, “Kailangan mo ba akong tumawag ng pamilya mo?”Mahina niyang iniiling ang ulo.Ang kanyang ama ay hindi makagalaw, at si Mama naman ay kailangang manatili upang alagaan ito. Kahit pumunta pa sila rito, wala rin silang magagawa kundi ang mag-alala. Ayaw niyang madagdagan pa ang bigat ng loob ng mga magulang niyang may sarili ring pinagdadaanan.At bukod pa roon, bigla ring sumulpot si Sam at nagdulot ng kaguluhan. Dahil doon, muling tumaas ang presyon ni Olivia—isang delikad
“Marco... nawalan ng kuryente.”Bahagyang nanginginig ang tinig ni Alyssa. “Mukhang buong hotel yata ang apektado. Wala nang ilaw kahit saan.”“Dahil ba ‘to sa kulog?” tanong ni Marco, may halong kaba ang tinig.“Hindi ko alam…”Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang cellphone, iyon na lang ang tanging liwanag sa gitna ng dilim. Habang unti-unting tumataas ang awtomatikong liwanag ng screen, mas malinaw niyang nakikita ang paligid, ngunit kasabay niyon ay ang mabilis ding pag-ubos ng baterya ng kanyang telepono.“Marco…” mahinang sabi niya, halos pabulong. “Natatakot ako.”Sa maliit na banyo ng hotel, tuluyan nang namatay ang kuryente. Ang maligamgam na tubig mula sa shower ay unti-unting lumamig, hanggang sa naging yelo ang bawat patak na tumatama sa kanyang balat.Ang lamig ng tubig ay parang libong karayom na tumutusok sa kanyang balat, at ang bawat patak ay parang paalala ng kanyang pag-iisa.“Marco, ako—”Ngunit tila hindi na siya naririnig ni Marco. Sa kabilang linya, maririnig a
Walang heater ang hotel. Basa pa rin ang kanyang buhok at damit, dumidikit sa balat. Naramdaman niya ang ginaw, kaya agad niyang binuksan ang shower at pinaagos ang mainit na tubig. Makapal ang singaw na lumaganap sa paligid, dahan-dahang pumalibot sa kanya. Ilang minuto lang, at ramdam na niya ang init na bumabalot sa katawan.Pagkatapos, kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa tabi ng lababo.Beep-beep—Tunog iyon ng notification. Lumitaw sa screen ang isang battery icon—5% na lang ang natitirang power.Napakunot ang noo ni Alyssa. Ang dalawang tawag kay Marco kanina, mukhang malaki ang nakain sa baterya.Kinabahan siya. Paano kung dumating si Marco at hindi siya makontak?Saglit siyang nag-isip. Mas mabuti sigurong tawagan muna niya habang may kaunting lakas pa ang phone. Sabihin niya kung anong kwarto siya, para diretsong pumunta si Marco pagdating.Tiningnan niya ang oras—limang minuto na ang lumipas. Dapat ay tapos na itong makipag-usap kay Olivia, ‘di ba?Hinugot niya ang co
Beep—Dalawang malalakas at matinis na busina ang biglang umalingawngaw sa kabilang linya. Mabilis na inalis ni Alyssa ang telepono mula sa kanyang tainga, ngunit kahit ganoon, tila umalingawngaw pa rin iyon sa kanyang pandinig. Napangiwi siya, napahawak sa tainga, habang unti-unting humuhupa ang tunog.Pagkaraan ng dalawang busina, may narinig siyang kaluskos mula sa kabilang dulo ng linya.“Marco?” maingat na tawag ni Alyssa, pilit pinapakalma ang sarili kahit may halong kaba ang tinig niya. Inilapit pa niya nang kaunti ang cellphone sa tainga, umaasang maririnig ang kahit anong sagot mula sa kabilang linya.Ngunit wala. Tanging patak lamang ng ulan at mahinang ugong ng makina ng kotse ang naririnig niya.“Marco, naririnig mo ba ako?” muli niyang tanong, mas malakas na ngayon, halos may bahid ng pangamba.Tahimik pa rin ang kabilang dulo.Ramdam ni Alyssa ang unti-unting pagtaas ng pintig ng kanyang puso. May kung anong malamig na sensasyong gumapang sa kanyang batok—ang uri ng kaba
Narinig ni Marco mula sa kabilang linya ang malalakas na busina ng mga sasakyan at ang walang patid na dagundong ng ulan na humahampas sa windshield. Ang mga county road ay hindi kasing kinis ng highway—mas makitid, mas liko-liko, at mas mapanganib lalo na ngayong bumubuhos ang ulan.Napaigting ang pag-aalala ni Alyssa. Hindi man niya ito hayagang ipakita, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Marco. Huwag kang magmadali.”Halos kasabay nito’y nagsalita rin si Marco, tila nagtatagpo ang kanilang mga salita, isang palatandaan ng hindi maitatangging pagkakaintindihan na parang awtomatikong lumilitaw sa pagitan nila. “Huwag kang maliligo. Ingatan mo ang sugat sa kamay mo. Pag-uwi natin saka na tayo mag-usap.”Sandaling natahimik silang dalawa, pareho nilang napansin na sabay silang nagsalita. Nagpakawala si Marco ng mahinang ubo, parang pagtatakip sa biglang pagkailang. Pagkatapos ay nagtanong siya, “Nasaan ang mga magulang ng bata ngayon?”Saglit munang nag-i
“…”Wala pa ring salita. Tahimik ang kabilang linya, at ang katahimikan na iyon ay tila isang matalim na kutsilyong humihiwa sa pagitan nila.Muling nagsalita si Alyssa, maingat ngunit mariin, “Kung gano’n… ibababa ko na ang tawag.”At doon, saka lamang nagsalita si Marco, mabilis at puno ng pananakot. “Ikaw ang bumaba.”Sa unang tingin, simpleng pahayag lamang iyon—“Ikaw ang bumaba”—ngunit sa tono ng kanyang boses, malinaw ang nakatagong pagbabanta: “Subukan mo lang, kung may lakas ka ng loob.”Ngunit ngayong araw, kakaiba ang pakiramdam ni Alyssa. Para bang bigla siyang nagkaroon ng tapang na noon pa niya hinahanap. At dahil siya mismo ang nagsabi kanina, wala na siyang balak umatras. Kaya’t walang alinlangan, pinindot niya ang pulang buton ng kanyang telepono.“Oh,” maikli at malamig niyang tugon bago niya tuluyang pinutol ang tawag.Isang mabilis at tiyak na kilos—parang isang desisyong matagal na niyang gustong gawin.Ngunit wala pang isang segundo matapos niyang ibaba ang tawag,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires