Share

Chapter 24

Penulis: JV Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-28 18:43:12

Pagkasara ng pinto, nanatili si Alyssa sa kinatatayuan niya. Nanginginig ang mga kamay, mabigat ang dibdib, at parang pinipiga ang sikmura. Hindi na niya kaya. Lahat ng emosyon—galit, sakit, at pagkabigo—ay nagsisiksikan sa katawan niya at tila sumasabay sa kiliti sa lalamunan niya.

Bigla siyang napatuon sa tiyan niya. May kung anong kirot doon. Kasabay ng pagkakuyom ng palad niya sa may puson, naramdaman niyang tila nagkakagulo ang laman-loob niya. Umikot ang paningin. Mainit ang batok. Napayuko siya, hawak ang dibdib, at saka tuluyang nasuka sa sahig ng kwarto.

Kagat-labi niyang tinakpan ang bibig, pinilit na huwag humagulgol habang hinahanap ang lakas na buksan ang pinto. Kailangan niyang makarating sa banyo.

Pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita si Sam. Nasa gitna ito ng hagdan, pababa mula sa master’s bedroom. Maayos ang bihis nito—manipis na damit pambahay pero ayos ang buhok at mukha. Parang walang mabigat na nangyari, tila walang alam sa ginagawang pasakit ni Marco kay Al
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 27

    Sa loob ng isang modernong department store na malapit lang sa condo building ni Alyssa, pumasok sina Lucas at Alyssa bitbit ang tig-isang cart. Maaliwalas ang loob ng grocery—malapad ang pasilyo, may malalaking salamin sa kisame, malamig ang aircon at amoy bagong linis ang paligid. Halata rin ang kagandahan ng lugar, may konting mamahalin na ambiance, pero hindi naman intimidating. Puno ito ng kulay mula sa mga nakaayos na prutas, canned goods, at tinapay sa shelves.Bago pa man sila lumibot sa food section, nagpaalam muna si Lucas para magpalit ng damit. “Bigyan mo ko ng limang minuto,” aniya, sabay turo sa malapit na restroom kung saan siya nakalagay ang gym bag niya.Pagbalik nito, naka-black casual shirt at jeans na ito, medyo basang-basa pa rin ang buhok pero mas presko na tingnan. “Mas presentable na ba akong kasama sa pasta aisle?” biro nito.Habang isinusuksok ni Alyssa ang keso sa loob ng cart, napatingin siya kay Lucas na abala sa pag-aayos ng mga pinamili sa kabilang side

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 26

    Hindi na siya sinundan ni Marco.Pagkasabi ni Alyssa ng mga huling kataga—“Asikasuhin na rin natin ang divorce papers soon.”—tuluyan na siyang tumalikod. Hindi siya lumingon. Hindi rin niya kailangang alamin kung ano pa ang nasa mukha ng lalaking iniwan niya sa loob ng kotse. Ang totoo, kahit gusto niyang malaman kung may pagsisisi ba, kung may pag-aalinlangan, o kahit kaunting lungkot, hindi na iyon mahalaga ngayon.Wala na siya sa yugtong kailangan niya ng kumpirmasyon. Ang kailangan niya ay simula.Pagpasok niya sa loob ng condo building, agad siyang sinalubong ng malamig at mabangong hangin mula sa lobby. Maaliwalas. Malinis. Ang sahig ay gawa sa polished granite tiles, at ang mga dingding ay may modernong panel lights na nagbibigay ng malamlam pero eleganteng liwanag. May maliit na lounge area sa gilid, may beige na sofa at mesa na may centerpiece ng mga fresh tulips.Tila ba bawat sulok ng lugar na ito ay nagpapahiwatig ng bagong pahina—isang kapaligirang walang marka ng alaala,

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 25

    Maagang nagising si Alyssa kinabukasan, pero nanatili muna siyang nakahiga. Tahimik ang buong bahay, tila tulog pa ang lahat, at ayaw niyang marinig ang sariling hininga na para bang pinipilit maging normal kahit alam niyang wala na siyang lugar sa tahanang iyon.Biglang tumunog ang cellphone niya sa bedside table. Napatingin siya, at sa screen ay nakasulat: Doc. Marielle.Kahit may kaba, sinagot niya iyon agad.“Hi, Doc?” mahinang bati ni Alyssa.“Alyssa,” sagot ni Doc. Marielle, kalmado ang tono pero may bahid ng pagmamadali. “May ilang araw pa na kailangan mong ayusin ‘yung papeles mo ha? May mga iilan dito sa ospital pero hindi mo naman kailangang pumunta. May update na rin sa visa mo, sana within one week ay makuha na.”Tumango si Alyssa kahit hindi nakikita. “Sige, Doc. Inaasahan ko na rin po ‘yan.”“Okay, ingat ka, ha. And Alyssa…” sandaling natahimik si Doc. Marielle, “kung kailangan mo ng kasama, nandito lang ako.”“Salamat, Doc.”Pagkababa ng tawag, saglit siyang dumungaw sa

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 24

    Pagkasara ng pinto, nanatili si Alyssa sa kinatatayuan niya. Nanginginig ang mga kamay, mabigat ang dibdib, at parang pinipiga ang sikmura. Hindi na niya kaya. Lahat ng emosyon—galit, sakit, at pagkabigo—ay nagsisiksikan sa katawan niya at tila sumasabay sa kiliti sa lalamunan niya.Bigla siyang napatuon sa tiyan niya. May kung anong kirot doon. Kasabay ng pagkakuyom ng palad niya sa may puson, naramdaman niyang tila nagkakagulo ang laman-loob niya. Umikot ang paningin. Mainit ang batok. Napayuko siya, hawak ang dibdib, at saka tuluyang nasuka sa sahig ng kwarto.Kagat-labi niyang tinakpan ang bibig, pinilit na huwag humagulgol habang hinahanap ang lakas na buksan ang pinto. Kailangan niyang makarating sa banyo.Pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita si Sam. Nasa gitna ito ng hagdan, pababa mula sa master’s bedroom. Maayos ang bihis nito—manipis na damit pambahay pero ayos ang buhok at mukha. Parang walang mabigat na nangyari, tila walang alam sa ginagawang pasakit ni Marco kay Al

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 23

    Inihanda ni Alyssa ang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga habang pinupunasan ang mga luhang hindi niya napigilang tumulo kanina. Ito na 'yon, naisip niya. Ang sagot na matagal na niyang hinihintay, ang paliwanag na inaasam niya kahit masakit—gusto niya pa ring marinig, para naman kahit papaano ay matapos na ang lahat ng pagdududa’t pananahimik.Tumayo siya, humarap sa pintong bahagyang nakabukas. Naroon si Marco, nakatayo sa labas, tila nag-aalangan. Pero sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, pareho nilang alam—wala nang atrasan.“Alyssa…” mahinang tawag ni Marco, ang boses ay mababa, tila humihingi ng pasensya.Hindi sumagot si Alyssa. Bagkus, pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto nang mas malaki.“Pumasok ka,” mahina pero matatag ang boses niya.Pumasok si Marco, at sa pagpasok nito ay marahang isinara ni Alyssa ang pinto. Maingat. Ayaw niyang may makarinig. Ayaw niyang malaman ng iba ang huling banggaan na ito—ang pagtatapos ng kung anuman ang natitira pa s

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 22

    Ilang araw na rin ang lumipas mula noong huling gabi niya sa ospital, at simula noon, hindi na muling bumalik si Alyssa sa trabaho. Tahimik niyang tinapos ang mga obligasyon niya—sinagutan ang ilang clearance forms, inayos ang mga final reports, at nilagdaan ang ilang dokumento sa HR. Pero karamihan doon, ipinadaan na lamang niya sa email o kay Doc. Marielle o kay Lucas.Nakapagpaalam na rin naman siya nang personal sa mga ito. Bukod pa riyan, iniingatan din niya ang kaniyang pagbubuntis dahil maselan ito lalo na kung siya ay stressed.Dumami ang inasikaso ni Alyssa sa loob ng bahay. Sa dami ng dokumentong kailangang ihanda—visa, admission letters, medical requirements, pati ang mga flight arrangements—halos wala na siyang oras na huminga. Pero kahit abala, ramdam niya ang katahimikan. Isang uri ng katahimikan na hindi nagpapahinga, kundi nagpapabigat.Ngunit sa gitna ng kanyang katahimikan, may isang bagay siyang hindi inaasahan.Araw-araw na niyang nakikita si Samantha. At ang mas m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status