Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2024-12-25 09:53:01

Kabanata 2

"BUMALIK ako dahil sinabi ninyong may gusto kayong pag-usapan na importante. Ito ba iyon? Ang ialok ako sa ibang lalaki na parang kagamitan lang?"

Malalim ang buntong-hininga niya at nagsalita. "Camila, wala na kaming magagawa. Lubog na sa utang ang pamilya natin kaya kailangan nating umasa sa kasal para maiangat uli ang business."

Natawa nang mapait si Camila, parang malaking biro ang naririnig. "Wala ba kayong anak na babae bukod sa akin?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng stepmother niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Kapatid mo siya at bata pa siya!"

Mas lalo pang napangisi si Camila sa narinig. "Hindi na bata iyon. Halos kasabay ko nga lang siya ipinanganak. Matanda lang ako ng ilang buwan, hindi ba?" aniya sabay sandal sa sofang kinauupuan. 

Nagbago ang mga mukha ng mag-asawang Perez. Ito ang lihim nila na hindi pwedeng sabihin. 

Ang kasalukuyang asawa ng ama ni Camila ay ang dating kabit nito. Nang mamatay ang ina ni Camila saka lamang nakatungtong ang kabit nito sa bahay nila Camila. Kahit ano pa ang gawin nila, ang katotohanan ay hindi mababago.

Ngumiti nang malamig si Camila sa dalawa. "Tapos na ba ang sasabihin n'yo? Kung oo, ako naman ang pakinggan ninyo."

Tinitigan siya nang seryoso ng ama. Matapang na nagsalita si Camila. "I owned 30% shares of the Perez Empire. I want to go back."

Napatingin nang masama ang madrasta niyang si Vivian kay Camila at mabilis na tumanggi. "Camila, huwag kang magbiro. Paano ka makakatulong sa kumpanya kung wala kang alam?"

Ngumiti si Camila. "Who told you I don't know anything? I studied management."

Nataranta ang kausap. Malinaw ang layunin ni Camila—ang bawiin ang pamana ng kumpanya. Siya ang legitimate na tagapagmana at hawak niya ang mas malaking shares kaysa sa mag-ina ng ama ngayon. That's Camila's mother's legacy they're talking about. 

Tahimik naman ang ama ni Camila. Magrereklamo ang madrasta ngunit pinigil ito ng lalaki. Pagkatapos ng mahabang katahimikan, tumango ang ama niya. "Okay, but in one condition. Attend that blind date, Camila."

Nagulat ang matandang babae. "Mahal, hindi pwede 'yan!"

Ngunit tumanggi ang ama ni Camila na makinig sa gusto ng katabi. Ngumiti naman si Camila. "Okay, pupunta ako. Hindi ko lang sigurado ang magiging resulta."

Walang nagawa si Vivian kundi ang manahimik sa isang tabi. 

Paglabas ni Camila ng mansyon, malamig ang hangin. Mabigat ang kanyang pakiramdam. Dati, wala siyang pakialam sa mga bagay na pagmamay-ari niya. Pero ngayon, kailangang bawiin ang nararapat sa kanya. Nag-ring ang telepono niya. Nang makita ang caller ID, nagliwanag ang kanyang mukha.

Sumandal siya sa pader, sinagot ang tawag at marahang bumulong. "Baby, gising ka pa?"

Isang malambing na boses ng bata ang sumagot. "Mommy, kailan ka uuwi? Miss na kita."

Natunaw ang puso ni Camila sa pagiging cute ng anak. "Malapit na, baby. Nagpakabait ka ba?"

"Opo, syempre naman."

Biglang may sumingit na boses ng lalaki: "Oo nga, sobrang bait niya. Limang beses siyang tumakas sa isang oras! Hey, Bray, tatlong taong gulang ka na at malaki na sabi mo, bakit ganyan ka pa rin sa Mommy mo? Aray, bakit mo ako sinuntok?"

Ngumiti si Camila habang naririnig ang tawanan sa kabilang linya. Matapos ang ilang saglit, kinuha ni Eric ang cellphone at nagtanong. "Kamusta? Pinahirapan ka ba ng pamilya mo?"

Bago pa siya makasagot, biglang may sumunggab sa cellphone niya.

Nabigla siya nang makita kung sino iyon—si Brix Monterde?! Bakit nandito ito?! 

Nanahimik si Camila. Narinig ni Brix ang boses sa kabilang linya at ngumisi. 

"Baby? Hindi ko akalain na kaya mong tawagin ang iba ng ganyan, Camila. Noon, pangalan ko lang ang binabanggit mo."

Madilim ang ekpresyon sa mukha ni Brix at nagtataka ito kung ano ang relasyon ni Camila at ng lalaking nasa kabilang linya. Magkasama ba sila?! 

Hindi mapigilan ni Brix na magtuon ng pansin doon. May lalaki ba si Camila? 

Alam ni Camila na mali ang iniisip nito pero hindi siya magpapaliwanag. Para saan pa kung ang mababaw naman ang tingin sa kanya ni Brix. Huminga si Camila nang malalim, kinurot ang sarili, at malamig na nagsalita, "Anong pakialam mo?"

Nagtama ang mga mata ni Brix, halatang hindi natutuwa ang ekspresyon nito. Bigla nitong hinablot ang cellphone mula sa kamay niya, binaba ang tawag at mariing nagsalita, "Ang tapang mo, Camila! Pinatay mo ang anak natin, tapos may lalaki kang iba?"

Nag-init ang ulo ni Camila pero pilit siyang kumalma. "Wala na tayong koneksyon, Mr. Brix Eliseo Monterde! We are already divorced! Wala kang karapatang pakialaman ang buhay ko."

Sumilay ang malamig na ngiti sa mukha ni Brix. "Koneksyon? Sinong may sabing divorced na tayo?"

Nanlaki ang mata ni Camila. "What do you mean?"

"I tore those divorced papers. Kaya sino ang nagbigay sa 'yo ng lakas ng loob para makipagrelasyon sa iba habang asawa pa kita?"

Nanatiling kalmado ang tingin ni Camila. "Hindi ba gusto mo si Daisy? Akala ko tinutulungan lang kita. Wala na ang anak natin kaya malaya na kayong dalawa... hindi mo na rin ako kailangan, 'di ba?"

Nabaling ang tingin ni Camila, tila nasaktan sa sinabi niya. Hinawakan nito ang pulso ni Camila, pinaikot siya at idinikit sa dingding. "Kung gusto mo ng divorce, bigyan mo muna ako ng kapalit—isang anak."

Namutla si Camila. Alam niya kung anong ibig sabihin nito.

Binitiwan siya ni Brix at malamig pa rin ang boses nito. "I'll give you one day. Leave that man and go home."

Nagtimpi si Camila pero ang galit niya ay hindi maitatanggi dahil sumusungaw sa mukha ang pagkamuhi kay Brix. "Bukas, dadalhin ko ang bagong divorce papers. Pirmahan mo iyon kahit ano pa ang sabihin mo."

Pagkasabi niya noon, mabilis siyang umalis.

PAGBALIK ni Camila sa bahay, mahimbing nang natutulog si Braylee. Tahimik niya itong binuhat at inilipat sa kama. Hinaplos niya ang ulo ng bata at mahina pero puno ng determinasyon na sinabi, "Baby, gagawin ko ang lahat para manatili ka sa akin."

Sa sala ay naroon si Eric, nagbabasa ng libro. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "You're back."

"Oo."

Napansin ni Eric ang lungkot sa mukha ni Camila. "Pumunta si Brix sa bahay ng mga Perez, ano?"

Tumango si Camila. 

"Balak mo bang itago pa si Bray? Hindi magtatagal, malalaman niya rin ang tungkol sa anak ninyo."

Bumuntong-hininga si Camila. "Alam ko. At iyon ang kinatatakutan ko, Eric."

Tumingin nang seryoso si Eric sa kanya. "Kung malaman niyang buhay ang anak niya, tiyak na kukunin niya si Braylee sa 'yo."

Tumango si Camila, halatang iniisip ang bawat hakbang na gagawin. Nag-suggest si Eric ng magandang gawin. "Kung gusto mo, dito muna si Bray sa akin."

Umiling si Camila. "Hindi na. Sapat na ang tulong na binigay mo sa amin, Eric."

"Ang mahalaga ay ligtas kayo ng bata. Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin, Camila."

Tahimik na ngumiti si Camila. Alam niyang malaki ang utang na loob niya kay Eric, pero sa ngayon, isang bagay lang ang malinaw. Kailangang tapusin ang lahat sa pagitan nila ni Brix Monterde. At babawiin din niya ang Perez Empire. Ang laban niya ay magsisimula pa lang.

KINABUKASAN, bitbit ang lawyer, pumunta si Camila sa company ni Brix. 

"Sign this divorce paper, Mr. Monterde."

Nag-angat ng tingin si Brix mula sa pagkakayuko. 

*

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tessie Gomez
Fighr for your right.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 233

    Chapter 233Agad na umiwas si Charlotte at nagsabing, "Sandali lang, maliligo muna ako!"Itinulak niya si Morris palayo at tumakbo papunta sa banyo, binuksan ang gripo, at tinawagan si Cyfer. Tinakpan ng tunog ng malakas na tubig ang boses niya."Cyfer, bilisan mo pumunta dito, nasa kwarto ko si Morris, dali!""Ano bang nangyayari?" tanong ni Cyfer na halatang naiinis."Tinatakot ako ni Morris, bilis na!" Dahil hindi niya alam kung kanino kampi si Cyfer, hindi na siya nagbigay ng paliwanag.Gaano man kamuhian ni Cyfer si Charlotte, mahirap para sa kanya na balewalain ang panawagan ng isang babae, kaya napilitan siyang sumang-ayon at sinabing pupunta siya.Pagkabuntong-hininga ni Charlotte, biglang may kumatok sa pintuan ng banyo."Charlotte, huwag ka masyadong matagalan. Gusto mo sabay na lang tayong maligo?""Malapit na 'to, huwag kang mag-alala," sagot niya na may inis sa mukha."Sige, bibigyan kita ng sampung minuto. Pag hindi ka pa lumabas, papasok na ako."Napatingin siya sa slid

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 232

    Chapter 232Nahihiya si Cyfer at galit kay Charlotte sa pagbibigay ng masamang payo.May kasamang guilt na itsura, sinabi niya, "Pasensya na, baka hindi lang talaga ako nasa ayos. Pasensya na, Miss Perez."Tumayo si Jairus para tulungan si Camila at sinabi, "Cyfer, kung hindi ka okay, magpahinga ka muna. First time ni Camila umarte kaya sana alalayan mo siya.""Tama po kayo, Sir. Nagkamali ako," lumapit si Cyfer kay Camila at humingi ng tawad."Pasensya ka na kung ikaw pa ang naghirap dahil sa akin. Okay ka lang ba?"Umiling si Camila ng malamig, pero sa sumunod na segundo, nanginig ang katawan niya.Agad siyang inalalayan ni Cyfer, at dahil malamig ang palad ni Camila, napakunot noo siya. "Sigurado ka bang okay ka lang?"Hinawakan ni Camila ang noo niya at bahagyang ngumiti, "Okay lang ako."Maganda na talaga si Camila, pero ngayon, mas lalo siyang naging kaakit-akit dahil sa pagkahina niya. Sandaling napatulala si Cyfer.Nasa labas si Charlotte, nakatingin ng masama sa dalawa habang

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 231

    Chapter 231Pagkatapos maligo, lumabas si Camila at nagtanong nang may pagtataka:"Yuri, sino 'yung dumalaw kanina?""Si Charlotte, dumalaw para makita ka." Lumapit si Yuri habang may dalang mga skincare products. "Humiga ka na, aayusin kita.""Ah, okay."Sumunod naman si Camila at humiga sa beauty bed habang ninanamnam ang masahe ni Yuri. Sa buong araw na magkasama sila, napansin ni Camila na parang lahat ay kaya ni Yuri. Marunong siya sa lahat at parang sanay na sanay.Pagkatapos ng skincare, naghanda ng hapunan si Yuri. Puro gulay at prutas lang, walang kahit anong karne. Sabi niya, hindi pwedeng tumaba si Camila kasi hindi raw maganda sa camera.Napabuntong-hininga si Camila, kinain lahat ng hilaw na gulay, tapos natulog na.Kinabukasan, nagising si Camila dahil sa alarm clock na alas sais ng umaga. Bumangon siya at pumasok sa banyo. Pakiramdam niya, parang mas makinis ang balat niya ngayon kumpara kahapon, o baka guni-guni lang niya."Camila, gising ka na ba?" ani Yuri habang ku

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 230

    Chapter 230Tumango ang assistant director. "Oo, boyfriend niya. Bakit?""Wala naman."Palihim na kumunot ang noo ni Morris at sumenyas kay Cyfer na magpatuloy sa pag-arte.Hindi magkasundo ang magkapatid na Perez at si Cyfer ay boyfriend ni Charlotte. Hindi niya alam kung magiging okay kay Camila kung siya ang magiging male lead.Pero hindi rin naman niya isusuko ang isang gwapo at sikat na aktor dahil lang dito. Habang iniisip iyon, pinanood niyang mabuti ang pagganap ni Cyfer.Sa hindi inaasahan, talagang nasiyahan siya sa acting nito.May tipikal na gwapong mukha si Cyfer - mahahabang kilay, matangos na ilong, at perpektong hugis ng mukha. Lalo na't maliit ang kanyang mukha kumpara sa iba, kaya napakaganda niya sa screen.Ang karakter ng male lead na si Lindon ay kailangang maging mas makapangyarihan at dominante sa mga huling bahagi ng kwento. Kahit hindi perpekto ang pagganap ni Cyfer, siya pa rin ang pinaka-mahusay sa lahat ng nakita niya.Tumingin siya sa assistant director, a

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 229

    Chapter 229Inayos ni Eric ang kanyang kwelyo na ginulo ni Brix at napangiti nang bahagya, "Huwag mo nang alalahanin, Young Master Monterde."Bahagyang nadismaya si Brix. "Hindi ko alam kung kailan aalis si Mr. Pimentel. Paano kung ipaghanda kita ng despedida bago ka umalis?""Huwag na, ayos lang ako." Pilit ang ngiti ni Eric, pero nanatili siyang kalmado.Tumaas nang bahagya ang kilay ni Brix. Sayang at hindi niya mismo mapapaalis ang matagal na niyang karibal.Napairap si Camila. "Sige na, tigilan niyo na ang pagpapanggap."Lumingon si Brix at kinurot ang pisngi niya. "Bakit parang kabisado mo na ako?""‘Wag mo akong hawakan!" Pinagpag ni Camila ang kamay niya."E ano naman kung hawakan kita?" Muli siyang kinurot ni Brix."Ikaw talaga!" Napalaki ang mga mata ni Camila, mukhang isang galit na maliit na puffer fish.Natakot si Brix na baka tuluyang magalit o maiyak siya, kaya agad niyang inalis ang kamay niya."Mr. Monterde, Camila—" biglang nagsalita si Eric, sabay tingin sa kanyang

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 228

    Chapter 228"Charlotte! Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ba hiwalay na tayo?" sigaw ni Cyfer sa kabilang linya ng telepono."Ano bang gusto mong gawin?"Malamig ang mukha ni Charlotte habang sinagot ito, "Sinabi ko na sa agent mo, gusto kong makipagbalikan sa’yo.""Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin, tapos ikaw rin ang gusto makipagbalikan? Ano bang ibig mong sabihin?""Hindi na mahalaga yun. Gawin mo na lang ang sinasabi ko.""Charlotte, baliw ka na ba? Bakit ako susunod sa’yo?""Oh, baliw pala ha? Kung hindi mo ako pagbibigyan, huwag mo akong sisihin kung ilabas ko ang katotohanan na tumanggap ka ng pera. Huwag mo rin akong sisihin kung bigla akong magwala sa internet. Kapag nangyari yun, masisira ang imahe mong 'prime actor' at siguradong hindi maganda ang kalalabasan niyan.""Charlotte!" galit na galit si Cyfer at napakuyom ang kamao. "Sobra na ang mga naitulong ko sa’yo!""Kung gusto mong takutin ako gamit ‘yan, sige, ilabas mo na lang!" Hindi ba’t 30 milyon lang naman ang tinanggap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status