Share

Kabanata 3

last update Last Updated: 2024-12-25 11:23:14

Kabanata 3

SI BRIX ay tahimik na nakaupo nang dumating si Camila kasama ang isang abogado.

"Sit," malamig nitong sabi.

Tumingin ang abogado kay Camila na tumango naman bilang sagot.

Binuksan ng abogado ang hawak nitong mga dokumento. "Mr. Monterde, tatlong taon na po kayong hiwalay ni Miss Camila. Ayon sa batas, sapat na ito para mag-file ng divorce."

Tumaas ang kilay ni Brix. "Who told you I want divorce?"

Bago pa man makasagot ang abogado, hinila ni Brix ang isang papel mula sa ilalim ng mesa at inihagis ito sa abogado. "Atty. Hernandez, alam mo bang akin na law firm na pinapasukan mo?"

Natigilan ang abogado. Nagpatuloy si Brix, "Kung tutuloy ka sa pagkampi kay Camila, sigurado akong wala ka nang trabaho bukas."

Walang nagawa ang abogado kundi tumayo at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Miss Camila. Kailangan kong mag-back out. Paalam."

Tahimik ang buong opisina nang umalis ang abogado.

Nagpalit si Brix ng kape, naglagay ng bago para kay Camila at inilapag ito sa harapan niya.

Galit na tumingin si Camila sa lalaki. "Ano ba ang gusto mo, Brix? Matagal na tayong tapos!"

"Hindi kita idi-divorce," matigas na sabi ni Brix. "Asawa kita at hindi magbabago 'yon."

"P'wes, maghanap ka ng iba!" galit na balik ni Camila.

Tumaas ang kilay ni Brix. "Wala nang ibang babaeng pwedeng maging ina ng mga anak ko—ikaw lang."

Napatikom ang bibig ni Camila, ngunit halata ang galit at sakit sa kanyang mga mata.

Sa loob ng opisina, nanatiling tahimik ngunit punung-puno ng tensyon.

"Kung ayaw mo ng divorce, ano pa bang gusto mo? Kung gusto mo ng anak, marami namang babae diyan na handang magkaanak para sa'yo!"

Malamig na nagsalita si Brix. Wala sa kanila ang karapat-dapat magdala ng anak ko."

Natawa si Camila nang may halong galit. "Ang kapal mo talaga."

“You need to remember, dahil din sa’yo kaya nawala ang anak natin noon!" tuloy ni Brix. 

Natigilan si Camila at napuno ng lungkot ang kanyang mukha. Nang maalala si Braylee, dumaloy ang luha niya.

Napansin iyon ni Brix. Bahagya itong yumuko para punasan ang luha niya pero umiwas siya. 

"Huwag mo akong hawakan!"

Kitang-kita ang galit at inis sa kanyang boses. Nagalit lalo si Brix. Hinawakan nito ang baba ni Camila at tiningnan ito nang matalim. "Asawa kita. Ako ang may karapatan sa'yo at walang iba! Sino ang gusto mo? Ibang lalaki?"

"Oo! Kahit sino pwede, basta hindi ikaw!" Napatili sa galit si Camila. 

Naging malamig ang tingin ni Brix. Bigla itong yumuko at siniil si Camila ng hàlik kahit pilit siyang nagpupumiglas.

"Bitawan mo ako, Brix! Ano ba!"

Sa gitna ng tensyon, biglang bumukas ang pinto. Napatigil sila. Nagulat ang sekretarya at nalaglag ang mga hawak nitong papel.

Tahimik pero mabigat ang hangin sa loob ng opisina. Natigil si Brix at masamang tiningnan ang bagong dating. "Hindi ka pa aalis?"

Nagulat ang sekretarya at dali-daling pinulot ang mga nahulog na dokumento. "Pasensya na po!"

Napatakbo ito palayo. Dahil sa pagkakagulo kanina, nawala ang interes ni Brix na ipagpatuloy ang usapan.

Si Camila naman, galit na pinunasan ang kanyang labi, kinuha ang bag at tahimik na lumabas ng opisina.

"Kung libre ka sa weekend, pumunta tayo kay Lolo," sabi ni Brix.

Huminto si Camila sandali pero hindi lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang pinapanood siyang naglalakad palabas, bahagyang ngumiti si Brix.

NANG makarating si Camila sa apartment ni Eric, sinalubong siya ni Braylee na naglalaro ng puzzle sa sahig. "Mommy! Susunduin mo na ba ako?"

Ngumiti si Camila at binuhat ito. "May kailangan pa akong gawin, anak. Mag-stay ka muna kay Tito Eric, ha?"

Nalungkot si Braylee. "Mas mahalaga ba ‘yan Mommy kay Baby Bray, Mommy?"

Hinaplos ni Camila ang ulo nito. "Sandali lang ‘to. Bigyan mo si Mommy ng kaunting oras, ha?"

Napakunot-noo si Braylee nang mapansin ang labi ng ina. "Mommy, kinagat ka ba ng insekto? Look, it's swollen!"

Napatigil si Camila at pilit ngumiti. "Oo, anak. Kinagat ako ng isang malaking pesteng insekto."

Tumayo si Braylee at kinuyom ang kamao. "Huwag kang mag-alala, Mommy! Kapag nakita ko ’yon, tatapakan ko!"

Napangiti si Camila at niyakap ang anak. "Salamat, baby."

Habang naglalaro si Braylee, may natanggap na tawag si Camila. Hindi pamilyar ang numero pero alam niyang hindi galing overseas. 

"Hello?" sagot niya.

Sandaling katahimikan ang sumunod bago may nagsalita, "Camila?"

Nabigla si Camila. Kilala niya ang boses—si Daisy! Napahigpit ang hawak niya sa telepono.

"Ang tagal nating ‘di nagkita. Pwede ba kitang ilibre ng lunch?" tanong ni Daisy na kunwari masaya.

Napangisi si Camila. "Sige, pero bukas lang ng tanghali. Sa coffee shop malapit sa Perez Building. Sandali lang tayong mag-uusap."

Pagkatapos patàyin ang tawag, huminga nang malalim si Camila at tumitig sa kawalan. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mahulog siya sa lawa dahil may nag-loosen ng mga turnilyo sa railings. 

Hindi magagawa ni Brix na patayin siya kaya sino pa ang may galit sa kanya kundi si Daisy?

Ngumiti si Camila, ngunit ang mga mata niya’y malamig at puno ng galit. "Hindi ako magpapatalo. Lahat ng sumira sa akin, pagbabayarin ko."

KINABUKASAN, dumating si Camila sa opisina ng Public Relations Department kasama ang manager ng Perez Empire. 

"Okay, Camila, dito ka na magtatrabaho simula ngayon," sabi ng manager.

Napakunot-noo si Camila. "Kaninong ideya ito?"

Kalma lang ang manager. "Kulang kasi ng tao dito sa department. Kung ayaw mo, pwede kang umalis."

Napatingin nang masama si Camila. Alam niyang hindi ito sasabihin ng manager kung walang utos mula sa taas na alam niyang pakana ng magaling niyang pamilya. Ngunit kailangan niyang kumapit sa trabaho dahil sa mga gastusin ni Braylee.

Sa huli, tumango siya. "Then I'll accept it."

Ngumiti ang manager at iniwan siya. Pagbalik niya sa kanyang desk, lahat ng tao sa department ay nakatingin sa kanya pero walang lumapit para batiin siya. Mayamaya, dumating ang manager ng department dala ang tambak na dokumento.

"Ipasok mo lahat ng information dito ngayon," utos nito.

Tinignan ni Camila ang mga dokumento. "Luma na 'tong mga files. Bakit pa kailangang i-record?"

Napangisi ang manager. "Basta gawin mo ang inuutos. Kung ayaw mo, umalis ka."

Napagtanto ni Camila na sinadya talaga itong gawing mahirap para sa kanya, pero pinili niyang manahimik at sumunod.

HABANG abala sa trabaho si Camila, tumawag si Daisy. "Nandito na ako, Camila."

Pagod si Camila sa trabaho pero pumayag siyang makipagkita kaya nag-ayos siya para mapuntahan si Daisy. Pagkakita niya rito, ngumiti ito nang malambing. "Camila, narito ka nga."

Umupo si Camila at tumaas ang kilay rito. "Wag mo akong tawagin na parang close tayo dahil kahit kailan hindi mangyayari iyon."

Nagkibit-balikat si Daisy, halatang naiilang.

"Ano’ng kailangan mo?" tanong ni Camila diretso.

"Matagal na kitang di nakita. Akala ko hindi ka na babalik," sagot ni Daisy na may pilit na ngiti sa labi. 

Ngumisi si Camila. "Bakit, nadismaya ka bang bumalik ako?"

Nagsimulang magpakitang gilas si Daisy. "Hindi naman sa ganoon. Pero nasira ang mga kamay ko dahil sa’yo, Camila. Hindi na ako makakapag-piano. Pero alam mo, hindi naman kita sinisisi kasi alam kong hindi mo ako sinadyang saktan. Galit ka lang dahil malapit ako kay Billy—"

Tinitigan siya ni Camila nang diretso. "Alam natin pareho ang totoong nangyari, Daisy."

Namutla si Daisy sa sinabi niya. 

*

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tessie Gomez
Good job camilla
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 228

    Chapter 228"Charlotte! Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ba hiwalay na tayo?" sigaw ni Cyfer sa kabilang linya ng telepono."Ano bang gusto mong gawin?"Malamig ang mukha ni Charlotte habang sinagot ito, "Sinabi ko na sa agent mo, gusto kong makipagbalikan sa’yo.""Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin, tapos ikaw rin ang gusto makipagbalikan? Ano bang ibig mong sabihin?""Hindi na mahalaga yun. Gawin mo na lang ang sinasabi ko.""Charlotte, baliw ka na ba? Bakit ako susunod sa’yo?""Oh, baliw pala ha? Kung hindi mo ako pagbibigyan, huwag mo akong sisihin kung ilabas ko ang katotohanan na tumanggap ka ng pera. Huwag mo rin akong sisihin kung bigla akong magwala sa internet. Kapag nangyari yun, masisira ang imahe mong 'prime actor' at siguradong hindi maganda ang kalalabasan niyan.""Charlotte!" galit na galit si Cyfer at napakuyom ang kamao. "Sobra na ang mga naitulong ko sa’yo!""Kung gusto mong takutin ako gamit ‘yan, sige, ilabas mo na lang!" Hindi ba’t 30 milyon lang naman ang tinanggap

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 227

    Chapter 227Matapos isara ang kahon, itinaas ni Camila ang tingin at tinitigan siya."Hindi ako interesado.""Ah, eh, ito..."Hindi pinansin ni Camila ang mukhang kunot na noo ni Morris at handa na sanang paalisin ito nang biglang tumakbo si Ruby papunta sa kanya na halatang kinakabahan."Ma’am! Ang kapatid niyo po, ang kapatid niyo...""Camila!"Isang pigura na nakasuot ng itim at puti ang mabilis na lumapit at matalim na tinitigan siya.Dahan-dahang lumakad si Camila papunta kay Ruby at iniabot ang kahon. "Dalhin mo 'yan sa taas."Pagkatapos, humarap siya kay Charlotte at may panunuksong sinabi, "Bakit? Bakit ang bilis mong tumakbo? Hinahabol ka ba ng aso o baka naman naaksidente na si Vivian kaya ka nagmamadali?""Manahimik ka! Huwag mong isumpa ang nanay ko!"Masamang tumingin si Charlotte sa kanilang dalawa bago mapait na ngumiti.Matapos siyang tanggihan ni Morris kahapon, nagpagawa siya ng paraan para alamin kung nasaan ito. At hindi niya inaasahan na maaga pa lang ay pumunta n

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 226

    Chapter 226Pagbalik ni Camila sa pamilya Monterde at makita ang pamilyar na paligid, pakiramdam niya ay parang matagal siyang nawala.Pagkatapos maghapunan, umakyat siya sa itaas. Pareho pa rin ang ayos ng kwarto niya gaya noong umalis siya. Matapos magmasid saglit, humiga siya sa sofa."Mommy!" Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip ang maliit na ulo ni Braylee.Kinawayan siya ni Camila, "Halika rito."Masayang tumakbo papasok ang bata, humiga sa tabi niya sa sofa, parang isang maamong kuting.Hinaplos ni Camila ang malambot niyang buhok. Habang tahimik at mainit ang atmospera, biglang bumukas ulit ang pinto.Sabay na itinaas ng mag-ina ang kanilang ulo at nakita si Brix na nakasuot ng mahabang kulay abong pantulog na papasok sa kwarto."Brix, may kailangan ka ba?" Halata sa boses ni Camila na hindi niya ito gustong makita."Wala naman."Lumapit siya sa sofa, tumayo sa harap ni Braylee, at itinuro ang pinto gamit ang baba. "Gabi na, matulog ka na."Hinawakan ni Braylee nang mahi

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 225

    Chapter 225"Direktor Morris? Anong nangyayari sa'yo?"Nang makita siyang tulala, hindi napigilan ni Charlotte na tawagin siya."Ayos lang ako."Tumayo si Morris at nag-ayos para umalis."Direktor Morris, sandali lang!"Nagmamadali si Charlotte, hindi pa nga niya nasasabi ang totoong pakay niya. Huminto si Morris at kalmadong tumingin sa kanya. Para bang kaya niyang basahin ang iniisip ng tao."Anong role ang gusto mo sa pelikula ko?"Nabuking ang plano niya, kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Charlotte at deretsong sinabi:"Nabalitaan ko na naghahanap ka ng bidang babae para sa pelikula mong 'Smoke and Willow Heartbreak'. Pwede mo bang tingnan kung bagay ako sa role?"Sinukat siya ni Morris mula ulo hanggang paa, saka umiling. "Hindi tugma ang aura mo sa karakter ng bida ko. Pasensya na, Miss Perez. Salamat sa pagsundo sa akin ngayon."Ang babaeng bida sa "Smoke and Willows" ay dapat isang pambihirang ganda—pero ang kagandahang dalisay at inosente. Wala sa alinman sa dalawang kat

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 224

    Chapter 224Maagang-maaga, binuksan ni Camila ang bintana, huminga ng sariwang hangin, at nagulat nang mapansin niyang lumamig na ang panahon.Dumating na kaya ang unang bahagi ng tag-ulan?Kinusot niya ang kanyang mga braso nang tumayo ang kanyang balahibo dahil sa lamig. Pagkatapos, lumapit siya sa aparador, kinuha ang isang kulay dilaw na woolen jacket na hanggang balakang, at isinuot ito."Miss, handa na ang almusal!" sigaw ng kasambahay mula sa labas ng pinto."Sige, pababa na ako!"Isa lang ang dining room ng Perez family. Simula nang bumalik si Camila, parang nahati na ito sa dalawa. Hindi sila halos nag-uusap ni Vivian at hindi rin sila nakikialam sa isa’t isa.Habang abala si Camila sa trabaho araw-araw, si Vivian naman ay madalas mag-imbita ng mga mayayamang kaibigan para maglaro ng baraha, magpaganda, at mamili. Palagi rin siyang nagyayabang tungkol sa anak niyang artista.Pagkatapos mag-almusal, nagpalit si Camila ng asul na Chanel-style na suit at lumabas ng bahay.Papunt

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 223

    Chapter 223Pansamantalang binitawan ni Brix si Camila, kinuha ang manipis na papel, at seryosong binasa ang unang linya:"Mahal ko... mahal kong asawa, ikaw ang pinaka..."Bago pa niya matapos ang pangalawang pangungusap, biglang dumilim ang mukha niya na parang itim na tinta. Agad niyang ginulo ang papel at itinapon sa basurahan.Nakakainis! Ang taas ng sweldo ng taong ito, tapos ganito lang ang ginawa niya?Samantala, sa opisina, biglang napabahing ang assistant ni Brix. “Hahahaha…” Biglang natawa nang malakas si Camila.Sa isang tingin pa lang, alam na niyang hindi si Brix ang sumulat ng napaka-corny na apology letter. Sa tahimik niyang ugali, imposibleng makapagsulat siya ng ganito kahit tutukan pa siya ng baril."Hindi nakakatawa," seryosong sabi ni Brix."Hindi nga."Agad namang nagbago si Camila ng ekspresyon at seryosong tumingin sa kanya. Pero ilang segundo lang—“Hahahaha…”Napatingin sa kanya si Brix, kumibot ang noo at bigla na lang siyang hinila at isinandal sa dibdib ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status