I po-promote ko pong muli ang isang story ko. Melting his Heartless Heart. Para po sa contest ito kaya sana suportahan niyo rin. Sinisigurado ko pong magugustuhan ninyo ang kwento nila Lucas at Michelle. Salamat ng marami.
Pakiramdam ni Craig ay may mga matang nakatitig sa kanya. Kaya mula sa pagkakayakap kay Althea ay naghanap ang mga mata niya. Nagpalingon-lingon.Pero wala naman siyang makita na kilala niya. Sa tingin niya'y guni-guni lamang niya iyon. Sa tuwina, pakiramdam niya ay may laging nakamasid sa kanya. "Ready?" sabi niya sa babae. Nakangiting inakbayan ito. "Ready. Thank you forâ""Nah! It doesn't matter, Thea..." nakangiti niyang saad. Tinitigan na muli ang babae. Limang taon lang ang naging hatol kay Althea dahil napatunayan na ginamit lamang talaga ito sa mga krimen na iyon. Una si Althea na binalikan ni Craig na harapin when he thought he's ready. He needs to face the cause of his trauma. At isa si Althea sa mga iyon. Sa una, mahirap sa kanya iyon. Kapag nakikita niya ang dalaga, nagagalit siya. Gusto niya itong patayin. A process that both of them endured. Sa kagustuhang makatulong ni Althea kay Craig, kahit halos sakalin siya nito sa galit, hindi ito nag-give up. Dahil mahal pa ri
"What?" Kinakabahan na bulalas ni Maxine. Tumawag si Elias sa kanya sa gabing iyon para ibalita ang nangyari sa kanyang anak."We will transport him right away. Naasikaso ko na ang sasakyan papunta riyan," ika nito. Kalmado ito sa pagsasalita pero hindi pa rin niya maiwasang mataranta. Anak na niya iyon. Si Rain na iyon!Humigpit ang pagkakahawak ni Maxine sa kanyang telepono. Sising sisi na iniwan ang anak sa panahong mas kailangan siya nito."Elias...""Don't worry, Max. Everything will be okay. Rain is okay. He is conscious. Nakakausap na siya. He just needs a better hospital to treat him..."Hindi na alam ni Maxine ang gagawin. Parang pinagsakluban na naman siya ng langit at lupa. Ang kasiyahan ng kanyang puso kanina. Napalitan na naman iyong ng lungkot. Alam niyang nagsisinungaling si Elias. Rushing Rain to a bigger hospital means he is in danger right now. Alam niyang lumalaban pa ang kanyang anak. Pero hanggang kailan?"Max...""I'll stay here then. Saang hospital siya ililip
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kinailangan natin itago kay Maxine ang nangyari kay Craig at kay Lolo Felipe." Habang nasa hapag ay bulalas ni Sharon sa kanyang asawa. Tapos na ang mga batang kumain at hinayaan niya ang mga itong manood ng TV. Si Felip naman na anak nila ay inaalagaan ng isang kasama nila sa bahay habang siya naman ay inaasikaso ang asawa. Napatingin sa kanya si Elias. "Mahal...""Elias, kahit hindi ko sabihin alam kong alam mo ang nagyayari sa kapatid mo..." sabi niya. Hindi na niya itinago ang suspetsa nang makita itong nasa telepono kahit gabing gabi na. Pinapasundan nito si Maxine at sigurado siyang alam na nitong nagkita na si Maxine at si Craig. Gusto niyang alamin kung anong binabalak nito pero paano? Kung tungkol doon ay alam niyang maglilihim ang asawa sa kanya.Bumuga ng hangin si Elias. Ginagap ang kamay ng asawa. "Nangako ako kay Papa na aalagaan ko si Maxine...""Alam ko. Pero Elias, mahal ni Craig si Maxine at mga anak nila.
When things are meant to happen. It will happen. Mahirap para kay Maxine ang bagay na matagal niyang pinag-isipang gawin. For her, she wants to keep her childs from Craig. Pero ngayon, bakit parang may nagtutulak sa kanyang ipakilala ang mga anak dito? Kahit sa tingin niya, wala naman balak na kilalanin ni Craig ang mga anak nila. Aalis na muli ito. Means, walang pakialam ang lalake sa mga anak nila."Mama, if it makes you sad. I don't want to meet our Father..." sagot ni Rain sa kanya. "We're okay. Just you and us. Dada and Mommy Sha with baby Felip. We are happy..."Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi kahit pa nga hilam pa ng luha ang mga mata niya. Umagang umaga pero heto siya, umiiyak na naman siya. Simula't sapul, kapag nariyan si Craig. It has always been a bitter sweet. Umiiyak siya dahil sa lalake. Pero alam niya, sa puso niya, ito pa rin talaga ang nilalaman. Tanga pa rin at bobĂČ ang puso niyang iyon. Dahil sa lahat ng mga nangyari, hindi iyon nagbago ng tinibok.Mahal pa
Hindi halos nakatulog si Maxine dahil sa kaiisip ng sitwasyon nila ni Craig. Hindi siya mapakali lalo na at mas malapit lang sila sa isa't isa.Sa tingin niya, hindi naman talaga nawala ang alaala nito. Kasi kung oo, bakit ganoon umasta kanina ito. Na para bang alam nito ang naging ugnayan nila noon. At ang walang hiyang puso niya, naghuumerantado na Aman kanina. Buti na lang talaga at napigilan pa niya ang sarili na ipagkanulo ng tuluyan.Napigilan? Nagpapatawa ba siya? Napahiya nga siya kanina. Naghintay siya sa halik ni Craig. Akala niya, hahalikan talaga siya nito."Ganyan ka na ba kadesparada para asamin mo ang halik niya?" Sita niya sa sarili. Pero ewan niya. Para talaga siyang baliw. Ang puso niya baliw pa rin. Hindi pa rin nakalimutan ang lalaking tanging minahal ng puso niya.Nagising si Maxine sa sunod sunod na katok. Nag-inat siya bago bumangon. Pupungas pungas pang pumunta sa may pinto. Binuksan iyon pero hinayaan na nakalagay ang chain lock.Kaya halos nakasilip lamang s
Sumunod agad si Craig pagkababa ni Maxine. Pasara pa lamang ang elevator na sinasakyan ng babae kaya naabutan pa niya ito.Hindi tuminag si Maxine nang nakasakay na siya. Nanatili itong nakatayo sa kinaroroonan. Malawak ang elevator at nasa gitna lang ito. Kahit noong lumapit siya rito at halos payungan na ng katawan niya ang katawan nito ay hindi ito tuminag. Tumingala lamang ito sa kanya. Matapang ang tingin nito. Ngunit ang tapang na iyon ay unti-unting natutunaw nang umabante na muli siya. Iyong halos wala na silang espasyo sa isa't isa. Halos banggain niya ito.Gusto man na manatili ni Maxine sa kinatatayuan ay hindi niya nagawa. Unti-unti siyang napaatras nang humakbang si Craig palapit pa sa kanya. Hanggang sa maipit siya sa katawan nito at sa dingding ng elevator..."Craig, stop!" babala niya rito pero hindi ito tumigil. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang ipatong ang mga palad sa dibdib nito. Itinulak niya ito. Pero parang walang lakas iyon. O dahil tila pader sa pagkak