Share

Kabanata 194

Penulis: jhowrites12
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-18 11:18:21

Kasalukuyang nakabantay sina Maxine at Elias sa labas ng emergency room kung saan ginagawa ang procedure para sa transplant. Parehong nasa loob sina Craig at ang anak nilang si Rain.

Inakbayan ni Elias si Maxine nang makita kung paano nag-aalala ang kanyang kapatid. Nanlalamig ang mga kamay nito at talagang hindi mapakali.

"Everything will be okay..." aniya. "They are in good hands..."

Naniniwala doon si Maxine. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak niya at ni Craig. Everything is smooth before the procedure. They make sure na lahat ng kailangan ay ginawa nila. Rain is in the best shape para gawin ang transplant.

"Extracting must be take some time. But after that, they will be okay..."

Napayakap si Maxine sa kanyang kapatid. Napapikit siya at taimtim na dumalangin. Gusto na lang niyang mapabilis ang oras at matapos na ang lahat.

Ilang oras din ang hinintay nila bago bumukas ang pinto sa emergency room at inilabas doon si Craig. Agad na lumapit si Maxine dito. Nakatulog ang l
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Salve Santiago
tnx for the update...️
goodnovel comment avatar
Chix
Salamat sa update miss a
goodnovel comment avatar
Elvira Gesmundo
tiis lang Craig may happy ending kayo...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 194

    Kasalukuyang nakabantay sina Maxine at Elias sa labas ng emergency room kung saan ginagawa ang procedure para sa transplant. Parehong nasa loob sina Craig at ang anak nilang si Rain. Inakbayan ni Elias si Maxine nang makita kung paano nag-aalala ang kanyang kapatid. Nanlalamig ang mga kamay nito at talagang hindi mapakali. "Everything will be okay..." aniya. "They are in good hands..." Naniniwala doon si Maxine. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak niya at ni Craig. Everything is smooth before the procedure. They make sure na lahat ng kailangan ay ginawa nila. Rain is in the best shape para gawin ang transplant. "Extracting must be take some time. But after that, they will be okay..." Napayakap si Maxine sa kanyang kapatid. Napapikit siya at taimtim na dumalangin. Gusto na lang niyang mapabilis ang oras at matapos na ang lahat. Ilang oras din ang hinintay nila bago bumukas ang pinto sa emergency room at inilabas doon si Craig. Agad na lumapit si Maxine dito. Nakatulog ang l

  • Billionaire's Bed Warmer   193.2

    Ang kamay ni Craig ay pumasok sa suot niyang t-shirt. Humaplos iyon sa kanyang balat. Nang iangat nito ang damit niya ay pinigilan niya ito.Maraming stretch mark ang kanyang tiyan. Nagkaroon na rin siya ng love handle dahil sa pagbubuntis. Hindi na rin siya kasing seksi gaya ng dati. Naitago lamang iyon ng magandang kasuotan kaya hindi halata. Magaling pa rin siya magdala ng damit. Pero hindi na kasing ganda noon ang minahal at sinamba nitong katawan. Iyong katawan na inasam-asam nito noon. Binago ng pagbubuntis niya ang katawang sinamba nito noon.Naitulak niya si Craig gamit ang buo niyang lakas. Mabilis siyang umiwas dito. Palayo sa pintuan. Ang mga mata niya ay napuno ng hinanakit."Hindi na ako gaya ng dati, Craig..."Napaatras siya nang humakbang ito na hindi pa rin nagsasalita. Nakatitig lamang ito sa kanya. Titig na para bang gustong higupin ang buo niyang kaluluwa. Habang pahakbang ito palapit sa kanya ay paatras naman siyang papalayo. Napasinghap na lang siya nang tumama n

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanat 193.1

    "Elias, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Max. Napatingin lamang si Elias kay Maxine habang nagmamaneho."Elias..." untag sa kanyang muli ni Maxine. Kasalukuyan silang bumabiyahe. For Elias, it's time to end the misery of Maxine and Craig. Hindi niya alam kung anong binabalak ni Craig pero...Pinagkakatiwalaan niya ito. Gusto niyang pagkatiwalaan ito na bibigyan katuparan na maging masaya na muli si Maxine. Na mabuo muli ito."The donor wants to meet you..." ika niya. Sinulyapan niya ang kapatid. Kita niya ang gulat sa mukha ni Maxine. Hindi lang gulat. Parang may pag-aalinlangan din ito sa biglaang pagkikita nito at ng donor."Akala ko ayaw niyang magpakilala...""He changed his mind..." aniya. Muling ibinalik ang mga mata sa daan.Mas nagulat si Maxine nang marinig na lalake ang kikitain nila. Pero mas nalito at kinabahan siya nang papunta sila sa pamilyar na lugar. Hindi lang pamilyar, ang lugar na kahit gusto niyang kalimutan, pilit pa rin bumabalik sa kanyang panaginip. Sa kanya

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 192

    "Are you sick, too, Mister?" muling tanong ng batang lalake sa harapan niya. "Yeah, here!" sagot ni Craig. Itinuro ang puso niya habang matamang nakatitig sa batang lalake. Sobrang naninikip ang dibdib niya habang nakikita ito sa ganoong kalagayan. Gusto niyang yakapin ito pero hindi niya magawa. Baka matakot sa kanya ang bata. Nagulat siya nang gagapin ng bata ang kanyang kamay na nakapatong sa hawakan sa side ng inuupuang bench. Ang mumunti nitong kamay ay mahigpit na humawak sa kanyang daliri."You'll going to be okay, Mister. I'm sick, too. But I know I will be better soon. God will send an angel to heal me. So that my Mama will not going to be sad anymore..." aniya nitong sobrang positibo.Pinigilan niyang mapaiyak dahil sa narinig. May kung anong bigat na dumagan sa kanyang dibdib habang hinayaan ang batang hawakan pa lalo ang kamay niya. Pinalaki ni Maxine ang mga anak nila na matapang at palaban. Maging kung paano ang mga ito makipag-usap. Halatang matalino ang batang kahar

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 191

    Pakiramdam ni Craig ay may mga matang nakatitig sa kanya. Kaya mula sa pagkakayakap kay Althea ay naghanap ang mga mata niya. Nagpalingon-lingon.Pero wala naman siyang makita na kilala niya. Sa tingin niya'y guni-guni lamang niya iyon. Sa tuwina, pakiramdam niya ay may laging nakamasid sa kanya. "Ready?" sabi niya sa babae. Nakangiting inakbayan ito. "Ready. Thank you for—""Nah! It doesn't matter, Thea..." nakangiti niyang saad. Tinitigan na muli ang babae. Limang taon lang ang naging hatol kay Althea dahil napatunayan na ginamit lamang talaga ito sa mga krimen na iyon. Una si Althea na binalikan ni Craig na harapin when he thought he's ready. He needs to face the cause of his trauma. At isa si Althea sa mga iyon. Sa una, mahirap sa kanya iyon. Kapag nakikita niya ang dalaga, nagagalit siya. Gusto niya itong patayin. A process that both of them endured. Sa kagustuhang makatulong ni Althea kay Craig, kahit halos sakalin siya nito sa galit, hindi ito nag-give up. Dahil mahal pa ri

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 190

    "What?" Kinakabahan na bulalas ni Maxine. Tumawag si Elias sa kanya sa gabing iyon para ibalita ang nangyari sa kanyang anak."We will transport him right away. Naasikaso ko na ang sasakyan papunta riyan," ika nito. Kalmado ito sa pagsasalita pero hindi pa rin niya maiwasang mataranta. Anak na niya iyon. Si Rain na iyon!Humigpit ang pagkakahawak ni Maxine sa kanyang telepono. Sising sisi na iniwan ang anak sa panahong mas kailangan siya nito."Elias...""Don't worry, Max. Everything will be okay. Rain is okay. He is conscious. Nakakausap na siya. He just needs a better hospital to treat him..."Hindi na alam ni Maxine ang gagawin. Parang pinagsakluban na naman siya ng langit at lupa. Ang kasiyahan ng kanyang puso kanina. Napalitan na naman iyong ng lungkot. Alam niyang nagsisinungaling si Elias. Rushing Rain to a bigger hospital means he is in danger right now. Alam niyang lumalaban pa ang kanyang anak. Pero hanggang kailan?"Max...""I'll stay here then. Saang hospital siya ililip

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status