MasukSa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Lihat lebih banyakSa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.
Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo. Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nakakaawang talaga. Walang araw na hindi nakatikim ng masasamang mura at insulto si Amarra, bukod dun, napagbubuhatan pa niya ng kamay ang dalaga kapag may hindi nagawa o hindi nagawa ng tama ang kanyang mga pinag-uutos. Minsan nga’y kahit hindi pa niya kasalanan, bigla na lang siya ang pag-iinitan. Ngunit isang insidente ang naganap na halos mapatay na ni Celing sa bugbog si Amarra nang wala na itong maibigay na pera dahilan ng pagkatalo nito sa sugal. Ganitong-ganito umiikot ang kapalaran ni Amarra. Masakit man para sa kanyang parte, Ni minsan ay hindi siya nagtanim ng galit kay Celing. Bagkus ay umaasa pa rin ito na balang araw, matatauhan din ang kanyang ina at mamahalin din siya nito ng tapat at totoo. Kahit pa mahirap na ang buhay ni Amarra, kuntento na siya sa lugar na kanyang kinagisnan at buhay na nakasanayan. Ngunit isang anunsyo mula sa kanang kamay ni Doña Consuelo na si Calixto ang magpapabago ng ihip ng hangin at kapalaran ni Amarra. Nangangailangan ang Mansyon ng mga kababaihan bilang dagdag na mga kasambahay. Lahat ng babae ay interesado sa anunsyo pwera kay Amarra. Pag-uwi ni Amarra sa kanilang kubo, nagtaka siya na bakit nakaimpake na ang kanyang mga gamit. Isang bag at isang tampipi na nakalapag sa hapag-kainan. Lumabas ng kwarto si Celing at sila’y nagkakatitigan. “Nay, anong ibig sabihin nito?” tanong ni Amarra na tila naguguluhan. “Amarra, sa ilang taon kong pagbuhay sa’yo, aba’y panahon na para naman suklian mo ang mga paghihirap ko sa’yo.” “Suklian? nay, wag niyo akong palayasin. Lagi naman akong nagbibigay sa inyo matapos ang araw ko sa bukirin.” “Pwe! barya-barya lang yun! At sinong may sabing pinapalayas kita? Hoy, Amarra, ipinalista ko ang pangalan mo sa mga dadalhin ni Calixto sa Mansyon para maging katulong. Panahon na para naman lumaki ang silbi mo sa akin.” “Nay, ayoko. Sapat naman ang kinikita ko para mabuhay tayo eh. “Che! Wag ka ngang tanga Amarra. Tiyak na mas malaki ang kikitain mo kung doon ka sa mansyon magtatrabaho. Ayaw mo ba nun, malapit ka sa mga taong bumubuhay sa atin sa Haciendang ito.” “Pero Nay…” Isang sampal ang natikman ni Amarra. Hindi man lang pinatapos ni Celing magsalita ang anak. “Ayoko nang makarinig ng rason o reklamo mula sa’yo. Sa ayaw mo man o hindi, magsisilbi ka sa mansyon, at huwag mo nang hintayin na kaladkarin kita papunta dun.” Wala nang nagawa si Amarra kung hindi sundin ang nais ni Celing. Kahit labag sa kalooban niya, pilit siyang nagpakatatag. Una pa man ayaw na niyang magtrabaho sa mansyon. Samu’t saring kwento kasi ang naririnig ni Amarra na bumabalot dito. Kahit papaano’y naibsan pansamantala ang takot at lungkot na kasalukuyang nararamdaman ni Amarra nang malaman niyang kasama sa ipadadala sa mansyon para magsilbing katulong ang kanyang matalik na kaibigang si Andeng. “Salamat sa Diyos at andyan ka Andeng. Akala ko, susuungin ko to nang mag-isa. Siya nga pala, bakit pati ikaw? tanong ko kay Andeng. “Kailangan Amarra eh. Pangpa-ospital. Si Inay kasi may bukol sa kaliwang suso. Eh diba delikado yun? Sinanla ko na nga yung secondhand kong cellphone, hindi pa rin sapat.” “Ikinalulungkot kong marinig iyon Andeng. Konting tiis at sakripisyo, makakaipon ka rin para sa Inay mo.” “Salamat Amarra. Nga pala, bakit ikaw din? pinilit ka lang ni Aling Celing no?” “Oo eh. Wala na akong magawa kundi ang sundin siya.” “Ay naku, mabuti na yung ganun. Eh Amarra sa totoo lang, ikaw lang naman ang nagpapaka-martir sa matandang iyon. Hinahayaan mo lang siyang alilain ka niya. Ni hindi ka nga niya trinatong anak. Kung ako ikaw, matagal ko na siyang nilayasan.” Buntong hininga na lamang ang sinukling reaksyon ni Amarra kay Andeng. Ang tatlo pang babaeng mangagatulong kasama sina Amarra at Andeng ay isinakay ni Calixto sa kanyang pick-up truck. Habang nasa daan, inilabas ni Amarra ang puting rosaryo mula sa kanyang bulsa. Hinalikan niya iyon at nagsimulang magdasal. Humihingi ng lakas ng loob na sana’y makayanan niya ang buhay na naghihintay sa kanya sa loob ng mansyon. “O, Diyos na mahabagin, kayo na po ang bahala sa akin. Sana po magawa ko ng tama ang mga gawain. Sana maging mabait ang mga taong nandoon sa akin.” Ilang minuto pa, unti-unting lumilitaw sa dako pa roon ang mansyon. habang papalapit sina Amarra ay siya namang unti-unting paglaki nito sa kanilang mga mata. “Diyos na mahabangin, Narito na at nalalapit na ang lugar na magsisilbing aking piitan. Gabayan niyo po ako at ang aking mga kasama na sana magampanan namin ang aming magiging tungkulin.” Habang papalapit ng papalapit sa tarangkahan ng gate, nagsalita si Calixto. malakas na animo’y laging pautos. “O, makinig kayo. Malapit na tayo sa mansyon. Isang natatanging paalala. Anumang maririnig niyo o masasaksihan sa loob o labas ng paligid ng mansyon ay mananatili sa tarangkahan ng mansyon. Ayaw ni Doña Consuelo na pati sila ay pagchi-chimisan niyo. Bawal ang mga human CCTV. Huwag na huwag kayong basta nagtatanong at uriratin ang buhay ng mga tao sa loob. Isa pa sa ayaw ni Doña Consuelo ay ang tatanga-tanga. Intindihin lahat ng kanyang sinasabi at inuutos. Ayaw din niya ng nagda-drama. Tandaan niyo, andito kayo para lang magtrabaho. Kaya hangga’t maaari, umayos kayo, matutong lumugar, at manahimik na lamang, kung ayaw niyong manahimik habambuhay” Napahawak si Amarra ng mahigpit sa kanyang bag. Tila hindi niya alam kung bakit ipinilit ng kanyang Nay Celing na ito’y kanyang pasukin. Talaga nga bang sa tindi ng galit niya sa akin ay tila siya na mismo ang naglagay sa anak niya sa kumunoy? Nag-antanda muli si Amarra at nanalangin kay Birheng Maria, ng lakas at kalinawan ng isipin sa susungin nitong madilim na pagsubok.Dumating ang araw ng pag-alis ng mag-inang Arguelles sa kanilang mansyon upang sunduin sa airport si Vanessa. At mukhang magtatagal pa sila sa Maynila dahil sa pag-aasikaso ni Doña Consuelo sa nalalapit na pag-iisang dibdib ni Claudio kay Vanessa. Isasabay na rin nila ang pag-aasikaso nila sa mga ari-arian nila doon. Kung gaano ka-excited ang Doñang kinikilalang panginoon ng Hacienda Avaristo na makita na niya ang kinikilala niyang future manugang, ay ganito rin ka-excited ang mga taong maiiwan dahil pansamantala silang makakaranas ng katahimikan at kapayapaan. Si Claudio naman, na sunud-sunuran, walang magawa kundi ang sumama at maging sunud-sunuran sa Ina dahil tulad ng mga tao sa Hacienda, maging siya na nag-iisang anak ng Hacienderang mapagmataas, ay nakagapos din ang mga palad at hindi magawang makaalpas.Ilang oras bago ang kanilang pag-alis, tinipon ni Doña Consuelo ang kanyang mga tauhang nakatoka sa loob at labas ng mansyon upang kausapin at pagbilinan. Pinahilera na tila mg
Mainit ang sikat ng araw noong mga panahong iyon. Dinig na dinig mo ang paghampas ng mga itak ng mga magsasaka na abalang-abala sa pag-aani ng tubo. Samantala sa pusod ng mansyon partikular sa hardin na puno ng iba’t-ibang bulaklak tulad ng gumamela at rosal, abala si Amarra na magwalis ng mga nalaglag na dahon. Kahit pa tuyo na ang kanyang mga kamay at ang pawis ay dumadaloy sa kanyang noo, Pansamantalang nakaramdam si Amarra na katahimikan at kapayapaan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa ang katahimikang kasalukuyan niyang nilalasap ay babasagin ng isang tinig na biglang gagambal sa kanya. “Magandang umaga.” bati ng isang lalaking bumasag sa kapayapaan ni Amarra. Agad namang nilingon ni Amarra ang kinaoonan ng tinig at tumambad sa kanya ang isang lalakeng tila mailap at ngayon lang niya nasilayan ng malapitan. “Señorito Claudio. Andito po pala kayo. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” gulat na pagbati ni Amarra kay Claudio. “Ikaw si Amarra, tama?” tugon ni Claudio. “Opo
Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka
Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan