Home / Romance / Billionaire's Obsession / Chapter 2 Contract

Share

Chapter 2 Contract

Author: aaytsha
last update Last Updated: 2022-10-12 10:51:38

“Sumama ka sa akin sa office ko,” sabi sa akin ng matanda at sumunod naman na ako.

“Ano ang gusto mong ipagawa sa akin? Hindi kita ko masasabi sa’yo na mababayaran kita kaagad,” sabi ko sa kanya habang papasok kami sa office niya.

“Ano ang plano mo sa buhay?” Unang tanong niya sa akin.

Ano ba ang plano ko sa buhay ko? Syempre wala!

Dapat go with the flow sa buhay!

Ang buhay ay ine-ejoy lang iyan!

“Hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa mo. Baka ikaw pa ang sanhi ng pagkamatay ko,”

Grabe naman si tanda sa akin.

Mamamatay kaagad? Hindi ba pwedeng aatakihin muna?

“Azaria! Ikaw na bata ka! Bakit ganyan ka lumaki, huh?! Problema ang dulot mo sa pamilya na ito! Hindi ka magtatanda hangga’t hindi ka natuturuan ng leksyon!” Galit na sigaw na sa akin pero nilalabas ko lang sa kabilang tenga ang mga sinasabi niya.

Sumimangt ako sa harapan niya pero sinita niya ako.

“Umuwi na ang magaling mong apo, noh?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Matanda na ako at kapag namatay ako ay wala na mag-aaruga sa’yo,” ma-dramang sabi niya.

“Ang mga magulang mo ay ayaw na din sa’yo dahil problema ang binibigay mo sa kanila.”

Hindi ako nakikinig sa kanya.

“Kailan ka ba mag-aayos, ah? Pati ang kaibigan mo ay inutangan mo. Hindi ka na nahiya! Bigyan mo naman ng kahihiyan ang pamilya natin! Dahil sa’yo nag back out ang isa sa mga investor sa kumpanya, at mabuti na lang ay magaling si Nick,”

I rolled my eyes ng ibida na naman niya sa akin ang ampon niya.

Hampaslupang ampon!

Hmmph!

“Wala ka ng ginawang tama!”

Grabe naman siya.

“Pwede ba matulog muna? Pagod ako,” palusot ko.

Babawiin ko ang mga nawala sa akin. Sa ngayon ay kailangan ko munang makabangon.

Kawawang hampaslupa na ako.

“I want you to marry Nikolai.”

Naging seryoso ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

“Ano?!”

“Wala ka talagang respeto!”

Hinampas niya ako sa braso.

“Anong sabi mo?!” Tanong ko at hindi ko pinansin ang paninita niya sa akin.

“Marry Nikolai,” matigas na sabi niya.

Mabilis na nagbago ang expression ko.

“Ayaw ko!” Mabilis na tanggi ko.

At bakit ko papakasalan ang hampaslupang ampon na iyon?!

Kinuha niya ang lahat sa akin.

Pinalaki kasi siya ni lolo na bida-bida.

Lahat ng mga tao gusto siya.

Pinagmamalaki siya ng lahat.

Gustong-gusto sa kanya ng mga hampaslupang haciendero na kagaya niya kasi magaling daw siya at madaming alam.

Nakita lang naman siya sa tae ng kalabaw kaya inampon siya ni lolo.

Hindi ko papakasalan ang lalaking iyon.

“Bakit umuwi na ba siya?”

Hindi niya pinansin ang tanong ko.

Mabuti pa ang lalaking iyon ay pinadala sa ibang bansa para mag-aral.

Kalaro ko siya noong bata pa kami, at close kaming dalawa. Pero nu’ng napapansin ko na mas marami ang binibigay sa kanya na atensyon kesa sa akin. Mas nagalit ako sa kanya nang nalaman ko na ipapadala siya sa ibang bansa para doon mag-aral.

Masyadong favoritism ang mga tao dito.

Matalino daw kaya sa ibang siya mag-aaral.

Hindi naman ako bobo, slight lang.

Matalino nga ako dahil may na-scam ako.

“Kapag namatay ako ay wala ng magtatanggol sa’yo. Gusto ko siya ang pakasalan mo bago ako mawala.”

“Ayoko nga!” Mabilis na tanggi ko.

“Papakasalan mo siya o ibabalik kita sa kulungan?” banta niya sa akin.

“Madami ka ng atraso sa akin,” he added.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Masyado ka namin na-spoiled kaya ka ganyan umasta. Ngayon ako ang masusunod, pakasalan mo si Nikolai at wala ka ng magagwa sa bagay na iyon. Kapag may problema ka ay siya ang matatakbuhan mo. Hindi habang-buhay ay nasa tabi mo ako.”

Ano ba ang pinagsasabi ng matandang ito?

Ayaw ko tumakbo sa lalaking iyon dahil para ko na din tinaggap na mas lamang siya sa akin.

“Iba na lang ang ipagawa mo at huwag ang bagay na iyon! Twenty-five pa lang ako!” Inis na sagot ko sa kanya.

Gusto ko lang sa buhay ay magpakasaya. Magparty, gumala, at manlalaki.

Wala akong plano magpakasal.

Madami akong ex-fling.

Muli niya akong hinampas sa braso gamit ang stick niya.

“Wether you like it or not ay ikakasal kayo sa madaling panahon,” pinal na sabi niya.

“Tangina! Ayoko!” Mura ko at sinamaan ko siya ng tingin.

“Wala ka na magagawa sa disisyon ko Azaria. Para sa’yo itong ginagawa ko, para sa kinabukasan mo. Gusto ko mapunta ka sa lalaking aalagaan ka at hindi pababayaan. I want to secure your future,”

“At, iyung ampon mo ang naisipan mo na ipakasal sa akin?!”

Inis na ako.

Galit ako sa lalaking iyon dahil kinuha niya ang lahat sa akin.

Kumpanya namin ay nasa kanya.

Mga business ni lolo ay siya din ang humahawak. Simula ng may ibenta akong hacienda ay ibinigay na sa kanya ang lahat, at simula nu’n ay wala na akong maibenta, o magalaw sa mga properties namin.

Hindi ko makakalimutan ang galit ng mga tao sa akin nang malaman nila na nabenta ko ang isang hacienda. Hinahanap nila sa akin ang pera, pero wala na. Nagastos ko ang mga milyones sa apat na buwan.

Iyung mga pera ay napalitan na na ng mga resibo.

Madamot ang lalaking iyon.

Ang last na pag-uusap namin ay ang paghingi ko sa kanya ng mga papel sa isang resort namin sa Davao. Nasa ibang bansa siya noong tinawagan ko siya.

Nagising pa nga siya sa tawag ko.

“Nasaan ba ang ampon mo?! Alam ko nakauwi na ang lalaking iyon!” Matapang na tanong ko sa kanya.

“Azaria!” Tawag sa akin na matanda nang lumabas ako ng office niya.

Susugurin ko ang lalaking iyon.

Baka nga sa kanya unang sinabi ni lolo na magpakasal kami.

Alam ko nauna pa niyang nalaman ang bagay na ito. Palagi naman siya ang nauuna sa lahat.

“Manang! Pumunta na ba dito si Nikolai?! Alam ko nakauwi na iyon,”

Madami akong naririnig sa lalaking iyon noong umuwi siya. Hindi ko na din maalala kung kailan siya umuwi dahil wala naman akong pake.

“Ay oo ma’am, nandito po siya kahapon at umalis din po kanina,” sagot niya sa akin.

“Alam mo ba kung saan siya nagpunta?” Usisa ko.

“Alam ko lang po na pinupuntahan ni sir ay iyung hacienda at ang kumpanya. Nakapag work outfit po siya kanina. Baka po pumasok sa work ma’am,”

Hindi na ako sumagot sa kanya at iniwan ko na siya.

Bastos talaga ako kausap. Ganoon ako pinalaki.

“Good afternoon, ma’am,” bati sa akin ng mga tao sa kumpanya pero hindi ko sila pinansin.

Nagpahatid lang din ako sa driver ni matanda dahil ayaw niya ako pahiramin ng kotse niya.

Kilala ako sa kumpanya.

Sino ang hindi makakakilala sa akin sa dami ng issue ko. Lahat ng mga ginawa ko ay alam ng lahat.

Sanay na din akong pag-usapan ng mga tao. Nakukumpara na din ako sa kapatid ko.

“Nasaan ang boss mo?!” Matapang na tanong ko sa secretary ni Nikolai.

“Good afternoon po, ma’am. Inform ko lang po si sir na may bisita siya,” magalang na sabi niya sa akin.

Hindi ako nakinig sa kanya at pabalang ko na binuksan ang pinto ng office ni Nikolai.

Nadatnan ko siya na may pinipirmahan.

My world suddenly stopped when I saw him.

He is wearing a black corporate attire at ang buhok niya ay bagsak.

His broad chest and sharp jaw make me weak.

Nag tama ang tingin namin at mukha pa siyang nabigla pero mabilis din nakabawi.

May kung anong expression ang dumaan sa mukha niya.

Mas naging pogi siya.

For how many years ay ngayon ko lang siya nakita.

“Alam mo na ba ang plano ni lolo?!” 

Tinaasan niya ako ng kilay.

Itinabi niya ang kanyang pinipirmihan at hinarap niya ako.

I like his necktie, may kung anong clip ang nakaipit sa necktie niya.

“Why are you here?”

Ang lalim ng boses niya.

“Tangina, ah!” Mura ko.

“Alam ko may kinalaman ka sa plano ni lolo! Gusto niya na pakasalan kita! Ano ka sinuswerte?!” Asik ko sa kanya.

“It’s his decision, not mine,”

Aba!

“Eh! Bakit ka pumapayag?! Sabihin mo sa kanya na ayaw mo akong pakasalan! At saka, wala ka bang girlfriend, huh?! Sabihin mo kay lolo na huwag niya akong ipakasal sa’yo. Pilitin mo siya ngayon din!” Parang boss na utos ko sa kanya.

“I don’t have time for that. If you want, do it,” balewalang sabi niya sa akin.

“Akala mo ba hindi ko alam na kaya pumayag ka din na pakasalan ako ay para mas maka-access ka sa kayamanan namin!? Para mapunta sa’yo lahat ng mga kayamanan?!”

Hindi siya sumagot at tumingin lang siya sa akin.

“Pati kumpanya namin kinuha mo! Akin yan, eh!” I added.

“I know your plans. Sige! Papayag ako makasal ako sa’yo pero sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo!” I smirked.

Hindi ako kilala ng lalaking ito.

Parents ko nga hindi ako kinaya, siya pa kaya?

“I need money kaya ako pumayag! Gipit lang ako! Hmmhp!” Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

“It’s not what you think,” sabi niya sa mababang boses niya.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na ako.

Alam ko hindi naman business ang kinukuha niyang course. Huling dinig ko ay nag shift siya ng business management.

Chismosa kasi ang mga tao sa mansion kaya na-uupdate ako sa mga nangyayari.

Sisiguraduhin ko na ibabalik niya ako kung saan ako nanggaling. Siraulo pa naman ko.

“Alam mo na ba ang chismis, teh? Nakulong ang apo ni Don.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire's Obsession   END

    Revenge won’t do good to everyone. There are love turn into hatred, and that’s okay. This is a reminder na hindi natin makakatuluyan iyung taong mahal natin, o iyung taong minahal natin ng sobra. Okay lang iyan, bawi ka na lang sa next life - chariz! May mga pagmamahal na napapalitan ng galit, siguro dahil hindi natin pinili na mag work? Pero okay lang iyan, ang mahalaga may natutunan ka na malaking lesson na magagamit mo sa hinaharap, mas magiging matatag ka at wais. Naniniwala ako na darating iyung tamang tao para sa’yo, kapag dumating siya ay sana ay piliin mo siya at huwag kang maniwala sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid mo. Maging masaya ka at mabuhay kayo ng payapa. At alam ko na hindi ka niya pababayaan, at hahayaan na mawala sa kanya. A true man who’s in love will make your relationship work. Lahat tayo merong soulmate at nasa atin na lang iyon kung pipiliin natin sila. Mahirap piliin ang tamang tao kung hindi mo kayang i-break ang pattern na ma-inlove at makilala

  • Billionaire's Obsession   Chapter 67 Flashback

    Tinignan ko ang libro na hawak niya at kinuha ko iyon.“Sinong lolo naman namin? Wala na akong grandfather dahil patay na sila. Ano iyon bubuhayin ko ang namatay na?” Pilosopoang sabi ko sa kanya.“Problema mo na iyon,” pambara naman niya sa akin.“Heidi naman. Ang gulo ng sinasabi mo. Hindi ko maintindiha. Paano natin iyan gagawin kung ayaw na niya ako. Ayaw nga niya akong kausapin.”“Problema mo iyan at hindi sa akin.” Sumimangot ako. Kailangan ko makumbinsi si Nikolai na sumama sa akin. Kahit magmakaawa ako sa kanya ay ayaw na niya talaga.“It’s a great thing na hindi ka pa nakikilala ng pamilya niya. Ilalagay ko sa memorya na may isa kayong grandfather, at isang mansyon kung saan kayo nagkilala.”Tumango na lang ako sa kanya habang nag-iisip ng paraan kung paano mapapasa’kin si Nikolai.Hindi kaagad namin nasimulan ni Heidi ang plano namin dahil nag pe-prapare kami sa sarili ko. And I made a reserch na din para hindi ako pumalkpak.“Babayaran na lang kita dahil sa pagtulo

  • Billionaire's Obsession   Chapter 66 Flashback

    “Kailangan mong tulungan ang sarili mo Azaria. Kahit na anong tulong ang gawin ko ay walang effect kasi ikaw mismo mo ay nire-reject mo ang tulong na binibigay ko,”mahinahon na sabi niya sa akin.“Heidi huwag mo akong iiwan,” iyak ko sa kanya in a pleaading way. Alam ko na naawa na din siya sa akin.“Galit ako sa kanya! Ayaw ko na ng ganito. Pagod na akong iwan lang ako basta-basta,” sabi ko habang nabubuo ang galit sa puso ko, “gusto ko maghiganti. Heidi ayaw ko na ng ginagamit lang ako! Gusto ko ako naman iyung mang-iwan, ang manakit, at mag manipulate!” Desperadang sabi ko, sobrang sakit kasi, eh.“Please tulungan mo ako. Gusto kong maghiganti kay Nikolai, gusto kong ipamukha at iparamdam sa kanya na sinayang niya ako,” puno ng hate na sabi ko habang nakatingin kay Heidi.Umiling lang siya, “walang magagawa ang galit mo. Kailangan mong tanggapin ang nangyari, ivalidate mo ang sarili mong emosyon. At tulungan mo ang sarili mo. it’s okay to cry becuase it cleansing. You have

  • Billionaire's Obsession   Chapter 65 Flashback

    I saw Nikolai heading to his range rover black car. I had been waiting for him in the parking lot. I feel pity for myself because I need to wait for him in the parking to talk - which is I’m the woman. I don’t deserve this kind of treatment. He never made me wait.When will someone love me? I’m so desperate someone is going to love me and stay with me. My father left us, and my mother left me too because she couldn’t take the pain my father caused her. My relatives hate me. And I just want someone to love me, and stay with me - and that's what Nikolai did to me. He made me feel loved, and everything but he decided to leave me too. He cheated on me, and I wasn’t aware that he was playing me.I look terrible, and I haven’t taken a bath or brushed my hair. I have been wearing my clothes since yesterday. As you can see I’m still wearing my bedclothes in the afternoon.“Nikolai,” I called his name weakly. I’m teary-eyed looking at him. Nagmamakaawa ang aking mukha na parang tuta.

  • Billionaire's Obsession   Chapter 64 Glimpse

    What’s the best relationship advice that you have gotten?I woke up in a dark room with one light open.What happened?Why am I here? Wala akong maalala. Masyado yata akong nalasing kasama ang mga pinsan ko kaya wala akong maalala.“Azaria?” I called her name. Is that Azaria or am I hallucinating? Tangina! Wala na ako maalala kung bakit ako nandito sa lugar na ito.Nakaupo siya sa sofa habang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo. I open the lights at nakatulala siya sa akin.Damn! Why she’s here? My heart throbbed so fast. She’s fucking beautiful as ever.“Hey, staring is bad,” I snap but she just gave me a blank expression.“Nikolai do you remember me?” Tanong niya sa mahinang boses. I lick my lips.“Of course! Why would I forget about you? I just came from my meeting overseas last week. Why would I forget you? Azaria are you drunk?” I asked worriedly. I heard that she’s always drinking. And she have amnesia.Namumula ang mukha niya, and he looks sad? I can’t name

  • Billionaire's Obsession   Chapter 63 Validity

    “Tangina! Azaria! I lost my license,” hagulgol na iyak sa akin ni Heidi mula sa telepono.Nasa kulungan siya at sinampahan siya ng kaso ni Keith sa paglabag sa maling paggamit sa profession niya.I feel so stressed.“I lost my license,” iyak niya.“Heidi, listen. Gagawan ko ng paraan para makaalis ka diyan,” assure ko sa kanya.“I’m inside the jail, Azaria! Merong pera ang kalaban mo! Saan ka kukuha ng pera, huh!” Tanong niya sa akin habang umiiyak.Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa inis.Hindi ko mabibili ang batas dahil mas makapangyarihan sa akin si Keith.“Arrrg!” Frustarted na react ko.It’s fine kung ako lang ang napuruhan. Double ang stress at frustration ko dahil nasali si Heidi sa mga kagaguhan ko.I couldn’t convince Nick anymore dahil alam na niya ang totoo but he love me, ang problema wala na siya sa tamang katinuan.Lanvin is with Keith at hindi ko alam kung nasaan sila.“Heidi…” umiiyak na tawag ko sa kanya. My voice is hopeless.Hindi ko naman alam na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status