MasukA woman marries a powerful man to destroy him from inside, only to learn that the enemy she was hunting is not the man she married but the people who controlled both their pasts. Revenge turns into truth, pain turns into healing, and love grows where hatred was meant to live.
Lihat lebih banyakIsyra P.O.V
Sabi nila, ang kasal ay simula ng pagmamahalan. Sa akin, simula ito ng paghihiganti. Tahimik ang buong ballroom pero ang tenga ko parang sasabog sa lakas ng tibok ng puso ko. Bawat hakbang ko papunta sa altar ay mabigat, hindi dahil sa gown na suot ko, kundi dahil sa dahilan kung bakit ako nandito. Hawak ko ang bouquet na parang sandata. Ngiti sa labi, pero sa loob ko, galit ang bumubulong. Ito na, Isyra. Ito na ang simula. Sa harap ko, nakatayo si Caldrin Roen. Ang lalaking sinisi ko sa pagkasira ng buhay ko. Matangkad, tahimik, diretso ang tingin. Walang kaba sa mukha. Para siyang taong sanay manalo, sanay kontrolado ang lahat. Lalong kumulo ang dugo ko. Ganyan din ang itsura ng mga taong walang pakialam sa mga pamilyang giniba nila. Kung alam mo lang, bulong ko sa isip ko. Kung alam mo lang kung bakit kita pinakasalan. Habang binibigkas ng pari ang mga salita niya, bumalik sa akin ang mga alaala na pilit kong tinakpan ng bagong pangalan at bagong pagkatao. Dati, hindi ako si Isyra Valeen. Anak ako ng isang ama na marunong mangarap at isang inang marunong magmahal. Simple lang ang buhay namin noon. Walang karangyaan, pero may katahimikan. Hanggang sa isang araw, gumuho ang lahat. Isang balita. Isang kaso. Isang pangalan. Roen. Isang gabi, nakita ko ang ama ko na nakaupo sa sala, hawak ang papel, nanginginig ang kamay. Hindi ko maintindihan ang mga salita noon pero naintindihan ko ang takot sa mga mata niya. Ilang linggo lang ang lumipas, nawala siya. Walang paalam. Walang bakas. Ang ina ko naman ay unti unting naubos. Sa hiya. Sa sakit. Sa mga bulong ng tao. Hanggang sa tuluyan siyang bumigay. At ako, iniwan sa abo ng isang buhay na hindi ko ginusto. Kaya heto ako ngayon. Nakasuot ng puti. Nakangiti sa harap ng lalaking pinaniniwalaan kong may kasalanan sa lahat. Tinignan niya ako. Hindi malamig. Hindi rin mainit. Parang sinusukat ako. Parang sinusubukan basahin kung anong klaseng babae ang papasok sa buhay niya. Kung alam mo lang, Caldrin Roen, gusto kong matawa. Dahil sa lahat ng babae sa mundong ito, ako ang pinili mong pakasalan. Ako ang magiging dahilan ng pagbagsak mo. “I do.” Lumabas sa bibig ko ang dalawang salitang iyon na parang sumpa. Sa sandaling iyon, opisyal na akong asawa ng lalaking kinamumuhian ko. At sa loob ng palakpakan at pagbati, nagsimula ang plano ko. Pagkatapos ng kasal, nagkaroon ng engrandeng reception. Mga taong nakangiti pero may lihim na iniisip. Mga kamay na nakikipagkamay pero may dalang agenda. Mundo ito ni Caldrin. Mundo ng negosyo, kapangyarihan, at pekeng galang. At ngayon, bahagi na ako nito. “Are you alright?,”mahina niyang tanong habang magkatabi kaming nakaupo sa mesa. Naka smile siya sa harap ng mga bisita, pero ang boses niya ay para lang sa akin. Tumango ako “Of course. Just overwhelmed.” Hindi iyon kasinungalingan. Overwhelmed ako sa galit na kailangan kong itago. Sa plano na kailangan kong sundin ng perpekto. Dahil isang maling hakbang lang, at mawawala ang lahat. Pagdating namin sa bahay niya, mas lalong bumigat ang dibdib ko. Ang mansyon ay parang simbolo ng lahat ng nawala sa akin. Malawak. Tahimik. Malamig. “This is your home now,”sabi niya. Home. Ang salitang matagal ko nang hindi nararamdaman. Habang umaakyat kami sa hagdan, naramdaman kong sinusundan ako ng mga mata ng mga tao sa bahay. Mga tauhan. Mga bantay. Mga taong tapat sa apelyido niya, hindi sa akin. Pagpasok sa kwarto, isinara ni Caldrin ang pinto. Tumahimik ang paligid. Para kaming dalawang estranghero na biglang ikinulong sa iisang espasyo. “This marriage,”simula niya, diretso ang tingin. “Is based on agreement. I will not interfere with your life. You do the same.” Gusto kong tumawa. Kung alam mo lang, gusto kong sabihing huli ka na. “I understand,”sagot ko. “I also believe in boundaries.” Kung alam mo lang kung gaano ako kahusay lumampas sa boundaries. Nang gabi ring iyon, hindi ako makatulog. Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame, habang si Caldrin ay nasa kabilang bahagi ng kwarto, tahimik ding nakahiga. Parang pader ang pagitan namin. Pader ng kasinungalingan. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang isang folder na matagal ko nang binabantayan. Mga dokumento. Mga pangalan. Mga transaksyon. Unti unti ko nang naipon ang ebidensya. Hindi pa sapat, pero sapat para simulan ang gulo. Roen Holdings. Unti unti ko kayong gigibain. Sa mga susunod na araw, sinimulan ko ang papel ko bilang perpektong asawa. Ngiti dito. Tahimik doon. Pakikisama sa mga board members. Pakikinig sa mga usapan. Pagkuha ng tiwala. Napansin ko ang mga mata ni Caldrin sa akin. Hindi mapanghusga. Hindi rin mapang kontrol. May mga sandaling parang may gusto siyang itanong pero pinipigilan niya ang sarili niya. Isang gabi, nadatnan ko siyang nag iisa sa study room. Nakaupo siya sa mesa, hawak ang isang basong hindi ko alam kung ilang oras na niyang tinititigan. “Working late?” tanong ko. Tumango siya. “Always.” May lungkot sa boses niya na hindi ko inaasahan. Saglit akong natigilan. Hindi ito kasama sa plano. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng kahit anong kakaiba. Pero agad kong pinatay ang emosyon. Hindi ako nandito para umunawa. Nandito ako para manira. Lumapit ako sa mesa at kunwari ay tiningnan ang mga papeles. Mga numero. Mga pangalan. Mga kumpanyang pamilyar sa akin. Masyadong pamilyar. May mali. Habang naglalakad ako palayo, may nakita akong logo sa isang folder. Isang pangalan na matagal ko nang hindi nakikita pero kailanman ay hindi ko nakalimutan. Kain. Nanlamig ang kamay ko. Bakit may koneksyon ang Roen Holdings sa pangalang iyon? Bakit ngayon ko lang ito nakita? At bakit parang hindi ito tugma sa lahat ng pinaniwalaan ko? Sa gabing iyon, unang beses akong nagduda. Hindi kay Caldrin. Kundi sa kwento na matagal kong kinapitan. Baka mali ang target ko. Baka hindi siya ang totoong kalaban. At kung ganoon nga, sino ang naglaro sa buhay ko mula pa noong una? Sa dilim ng kwarto, nakatitig ako sa lalaking asawa ko ngayon. Tahimik siyang natutulog. Walang ideya na ang babaeng katabi niya ay may dalang lihim na kayang sirain ang mundo nilang dalawa. Ngunit mas delikado ang tanong na bumabagabag sa akin. Kapag nalaman ko ang buong katotohanan Kaya ko pa bang ituloy ang paghihiganti O ako mismo ang masisiraIsyra P.O.VMay mga laban na hindi nagsisimula sa putok ng baril o sigawan sa mesa.May mga laban na nagsisimula sa katahimikan...sa desisyong manatili kahit may dahilan ka nang tumakas.Pagkatapos ng gabi ng paghaharap namin kay Serik, hindi na ako nakatulog nang maayos. Hindi dahil sa sugat ko...gumagaling na iyon, unti-unti. Kundi dahil sa bigat ng katotohanang ngayon ko lang piniling harapin.Hindi na ako ang babaeng pumasok sa buhay ni Caldrin dala ang malinaw na plano ng paghihiganti.Pero hindi rin ako inosente.At iyon ang pinakamahirap tanggapin.Sa mga sumunod na araw, naging tahimik ang Roen Holdings—sa ibabaw. Walang eskandalo. Walang leak. Walang galaw si Serik. Walang ingay si Mirava.Too quiet.“Silence is strategy,” sabi ni Caldrin habang nakatayo kami sa bintana ng study room niya. “Either they’re cornered… or preparing something bigger.”Nakahawak ako sa tasa ng tsaa, ramdam ang init sa palad ko. “Serik won’t strike alone.”“No,” sang-ayon niya. “And Mirava doesn’t l
Isyra P.O.VMay mga katotohanang kapag sinabi mo na, hindi mo na puwedeng bawiin.Pagkatapos ng gabing iyon sa ospital, nagbago ang lahat—kahit walang malinaw na kasunduan, kahit walang salitang binanggit. May pagitan pa rin sa amin ni Caldrin, pero hindi na iyon pader. Isa na itong sugat na parehong bukas, parehong masakit, at parehong kailangang gamutin.Lumipas ang ilang araw bago ako tuluyang makalabas ng ospital. Sa bawat araw na iyon, palaging nandoon si Caldrin. Tahimik. Mapagbantay. Hindi mapilit. Parang natutunan na niyang ang presensya niya lang ang kailangan ko.Hindi niya ako tinanong ulit tungkol sa plano ko. Hindi rin niya binanggit ang kasal, ang kontrata, o ang pagtataksil na dapat sana’y sumabog na parang bomba sa pagitan namin.Pero ramdam ko—iniipon niya ang lahat.At ganoon din ako.Nang makabalik kami sa mansyon, mas mabigat ang katahimikan kaysa dati. May dagdag na security sa bawat sulok. May mga matang nagmamasid. Hindi na ito bahay—isa na itong kuta.“You stay
Isyra P.O.VMay mga sandaling ang buhay ay humihinto....hindi dahil gusto nito, kundi dahil pinilit mo itong harapin ang isang katotohanang hindi ka handa.Nagising ako sa tunog ng isang makina.Beep. Beep. Beep.Sa una, akala ko panaginip. Parang tunog lang iyon na ginagamit ng utak para bumuo ng eksena. Pero nang sinubukan kong igalaw ang kamay ko at may kirot na agad na umakyat hanggang balikat ko, doon ko naintindihan.Buhay pa ako.At masakit.Dahan-dahan akong dumilat. Puting kisame. Malamig na ilaw. Amoy ng antiseptic. Ospital. Ang alaala ng putok, ng dugo, ng bigat ng katawan ko sa sahig....sabay-sabay na bumalik, parang alon na walang pakialam kung handa na ba akong lunurin.“Easy.”Isang boses. Paos. Pagod.Lumipat ang tingin ko sa kanan, at doon ko siya nakita.Si Caldrin.Nakatayo siya sa tabi ng kama ko, suot pa rin ang gusot na damit na suot niya noong araw na iyon. May eyebags siya na parang ilang gabi nang hindi natutulog. May sugat ang kamay niya....gasgas, dugo na hi
Isyra P.O.VNagising ako sa pakiramdam na may mali.Hindi iyon kaba. Hindi rin bangungot. Parang may kung anong humihila sa dibdib ko, isang babalang hindi ko maipaliwanag. Bumangon ako at tumingin sa bintana. Maliwanag ang araw. Normal ang lahat.Pero ako, hindi.Tahimik na gumagalaw si Caldrin sa kabilang bahagi ng kwarto. Suot na niya ang damit niya para sa trabaho. May kausap siya sa phone, mababa ang boses. Hindi ko narinig ang mga salita, pero nakita ko ang panga niyang kumunot. May problema.Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, napatingin siya sa akin. “May site visit ako today,” sabi niya. “Sa may lumang district.”“Roen Holdings?” tanong ko.Umiling siya. “One of the subsidiaries. Matagal nang tahimik. Too quiet.”Napansin niya ang tingin ko. “You don’t have to come.”Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ang susunod. “I want to.”Saglit siyang tumigil. Parang nagulat. Pero tumango rin siya.Hindi ko alam na iyon ang desisyon na magbabago ng lahat.Habang nasa sasakyan kami, tahim












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.