Nang makarating na sila ay dumiretso agad sila sa Vip room kung saan naroon ang mga mahahalagang tao na kailangan kausapin ni Archer. Gaya ng sinabi sa kaniya ni Archer ay hindi talaga siya umalis sa tabi nito. Nakikinig lang siya sa mga pinag-uusapan kahit wala siyang naiintindihan dahil puro tungkol sa negosyo ang mga iyon.
"Maganda itong secretary mo Archer, nasaan na pala si Maggie?" tanong ng isang lalaki na tansiya niya ay kasing edad lang ng amo niya.
"Nagbakasyon muna sa probinsiya nila, personal maid ko itong kasama ko."
"Hindi bagay sa kaniya ang maging katulong mas maganda pa ito sa secretary mong si Maggie tapos ginawa mo lang katulong. Alam mo miss lipat ka nalang sa akin gagawin kitang secretary ko." gulat niyang nilingon ang lalaki
"Shut up, Escalante. Huwag mo isasali maid ko sa mga babae mo. Isa pa pamangkin iyan ni Nay Martha."
Hindi niya akalain na ipagtatanggol siya ni Archer sa hambog nitog kausap. Pero tinawanan lang nito ang amo.
"Yeah!, bakit ko nga ba aagawan ang isang Archer, sa dami ng babae mo ni isa walang pumasa sa standard mo. Maliban kay Maggie na hindi ka naman pinatulan."
"Hindi ko ginagawang babae ang mga trabahante ko, gawain mo lang iyon."
Imbes na usapang negosyo ang pag-usapan nauwi pa tuloy sa asaran dahil lang sa kaniya.
"Naku miss hayaan mo nalang mga iyan ganiyan talaga sila mag-usap magkaibigan mga siraulo kasi mga iyan pareho kasing mga fuckboy!," gusto tuloy niya matawa sa prangkang pagkakasabi ng isa sa mga kaibigan ng amo niya.
Pinakilala rin naman siya ni Archer sa mga kaibigan, iyong tinawag na Escalante ay si Ismael, may ari ng Escalante Builders. Isa sa malaking Construction Firm sa lugar nila. Ang isa naman ay si Elijah Salvatore may ari ng Salvatore Furniture, mga Modern Luxury Furnitures ang binibenta nila. Kompanya ni Escalante ang nagdesign at gumagawa ng hotel nila Archer at para sa mga furnitures syempre lalayo pa ba si Archer si Elijah na ang bahala para sa mga ilalagay na furnitures sa hotel.
Kaya rin naroon si Archer sa party na iyon dahil kailangan niyang makakuha ng bagong investors para sa Miera Grande kailangan niyang mabawi ang perang tinakbo sa kaniya ng isa niyang investor.
Habang nagsasaya ang lahat nagulat na lang si Choleen ng bigla siyang itulak ng isang babae dahilan para mapa-atras siya.
"Hi Archer, I didn't expect to see you here. I thought you're in Hawaii. The last time I call you, you said you're in Hawaii." maarte sabi ng babae
"I just came back. What are you doing here Steffany?"
"I'm with my Uncle, Nabalitaan ko nangyari sa company mo. Gusto mo ba ilakad kita kay Uncle?" malandi ang boses nito sabay haplos sa braso ni Archer, nang-aakit.
Kuhang-kuha talaga si Steffany ang kiliti ni Archer. Hindi agad ito nagdalawang-isip na pumayag sa sinabi ng babae. Sumama naman itong lumabas ng vip room at kinalimutan na lang basta ni Archer na may kasama pala siya.
Naghintay na lang si Choleen kung saan siya iniwan ni Archer, Lasing na ang mga kaibigan nito at kaniya-kaniya ng nagsi-uwian. Gusto pa sana siyang ihatid ni Elijah pero tumanggi siya dahil sabi nga ni Archer sa kaniya huwag magtitiwala kung kani-kanino. Saka hindi naman niya kilala ng lubusan ang mga kaibigan ng amo niya mahirap na.
Nakatulog na lang si Choleen kakahintay kay Archer inabot na siya ng umaga. Kung hindi pa siya ginising ng isang waiter ay hindi niya mapapansin na doon na pala siya nakatulog. Mabuti na lang at nasa labas pa ang kotse ng amo niya. Iniisip niyang baka sumama na talaga sa babaeng iyon ang amo niya.
Paglabas niya ay salubong na ang kilay ng amo niya na nakasandal sa kotse nito.
"Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa'yo huwag kang aalis sa tabi ko, paano kung napahamak ka? ano nalang sasabihin ko kay Nay Martha."
Biglang nakaramdam ng inis si Choleen sa sinabi ng amo kaya hindi na niya napigilan ang sagutin ito.
"Excuse me lang Senyorito, unang-una kayo ang nang-iwan sa akin. Nakalimutan niyo na agad? ah siguro dahil sa malanding babaeng iyon na kausap niyo kagabi na bigla-bigla na lang akong tinulak. Pangalawa, kayo na rin ang nagsabi huwag akong basta magtitiwala kahit kanino kaya nga hindi ako umalis doon kung saan niyo ako iniwan kasi wala naman akong kakilala doon, nagsi-uwian na rin mga kaibigan niya ihahatid pa nga sana ako ni Sir Elijah tumanggi ako kasi sabi niyo huwag akong magtitiwala sa hindi kakilala. Nakatulog na nga ako kakahintay sa inyo roon kung hindi pa ako ginising ng waiter ay hindi ko malalaman na umaga na pala. Saka mas mabuti na rin siguro malaman ni Tiyang anong ginawa niyo para pabalikin na niya ako sa probinsiya ayoko naman talaga pumasok bilang katulong kung hindi lang ako naawa kay tiyang ay hindi ko papatulan ang trabahong ito."
Hindi na niya hinintay na magsalita ang amo basta na lang niya itong iniwan at pumara ng masasakyan. Mabuti nalang talaga nagdala siya ng pera inipit niya lang sa bra niya. Nakasanayan na niya iyon noon pa na tuwing aalis may dala
Kaagad na pumwesto si Choleen sa gilid katabi ng upuan ni Maggie. Kapag tinawag na ang pangalan ni Maggie saka lang ito aakyat sa mini stage na ginawa ng agency para sa mga guest speaker. In behalf of Archer ay si Maggie ang mag-oorient sa mga maa-assign sa Siera Grande Hotel.Gaya ng sabi ni Maggie ay kailangan makinig ni Choleen para may idea siya kapag nag-open na ang Hotel. In less than two months ay mag-oopen na ang hotel officially. Kaya minadali nila ang paghi-hire ng mga trabahante para mapaghandaan ang nalalapit na re-opening ng Hotel. Sakto din na uuwi ang mga magulang ni Archer pati iba niyang mga kapatid. Isasabay sa opening ng Hotel ang kaawaran ng namayapa nilang kapatid na si Siera. "Maggie, kailangan ba talaga akong sumali dito pwede mo naman bigay nalang sa'kin mamaya 'yang papel para basahin ko nalang.""Bakit ba? diyan ka lang ah! binilan ka sa'kin ni Sir, saka kahit basahin mo itong nasa papel hindi mo pa rin maiintindihan kasi kailangan ko pa itong e-explain isa-
Ayaw naman talaga sumama ni Choleen mas gusto pa niya maglinis na lamang ng kubo kaysa makasama ang amo niya lalo na si Maggie na panay pang-aasar lang ginagawa sa kaniya. Kaso hindi naman siyang pwedeng humindi sino ba siya para hindian ang amo niya. "Choleen oh, chips baka mapanis 'yang laway mo diyan ang tahimik mo kasi." ani Maggie sabay abot sa kaniya ng pagkain.Kinuha nalang niya ito at di na nagsalita ba baka kapag nagsalita siya ay abutin na naman sila ng syam-syam bago matapos mag-usap. "Ah, sir tapos na po ang hiring para sa mga magiging staff at maids niyo sa hotel. Kailangan nalang po ng orientation para makakuha na sila ng requirements. Required po sa agency na makipag-usap kayo sa mga bagong hire. Para makilala din nila kayo pero if ayaw niyo naman humarap sa kanila, pwede naman po ako nalang ang kakausap kung okay lang sa inyo?" narinig niyang sabi ni Maggie kay Archer.Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa habang ngumunguya ng chips na binigay ni Maggie."Ikaw
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Choleen, binabangungot na naman siya. Hindi niya talaga malaman kung bakit may mga napapaginipan siyang mga kakaiba, na para bang nangyare na sa kaniya noon. Pero hindi niya talaga maintindihan. May napapaginipan siyang nag-sasayaw siya sa maraming tao nang nakahubad, salawal lang ang nakatakip sa katawan. Mayroon ding nakikipag-talik siya sa isang lalaki na hindi niya maaninag ang mukha. Pilit niyang inaalala kung nangyare ba talaga iyon, ginawa niya ba talaga iyon. Ang huli niya lang natatandaan ay nasa hospital siya, nagising nalang siya isang araw na madami ng nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Ang kwento ng Tiyang Martha niya ay hindi niya matanggap ang nangyare sa mga magulang niya kaya pinagtangkaan din niyang tapusin na lang ang buhay niya at sumunod sa mga magulang. Sinabi rin sa kaniya na nagkaroon siya ng PSTD kaya kailangan niyang ituloy ang pagpapagamot. Nag-overdose siya ng mga gamot kaya nahospital siya. Hanggang doon lan
"Sir ang kulet ng bago niyong katulong ah, infairness bet ko siya ang bait." narinig niyang sabi ni Maggie nang bubuksan na sana niya ang pinto. "Oh! bakit sumama bigla ang mukha niyo?" muling nagsalita si MaggieNagdesisyon siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng amo niya at ni Maggie baka mamaya ay may masamang sabihin ang amo niya laban sa kaniya."Huwag ka muna mamangha sa ugali niya hindi mo pa siya kilala, ilang minuto mo pa lang siyang nakakausap. Baka sa susunod na araw kainin mo iyang sinabi mo."Gusto ng suntukin ni Choleen ang pinto dahil sa sinabi ng amo niya. Tama nga ang hinala niya wala talagang magandang sasabihin ang amo niya patungkol sa kaniya. 'Masyado kang judgemental Senyorito, tingnan lang natin kung kaninong salita ang kakainin mo.'Habang nakikinig sa dalawa. Minumura naman niya ang amo sa isip niya. Sinarili nalang muna niya ang inis niya, nakakahiya sa bisita kung papatulan niya ang amo niya. Ayaw ng isipin ni Maggie ng tama ang mga sinasabi ni Archer pa
"Hi? Ikaw ba si Choleen?" napalingon siya nang may biglang magsalita."Ha? ah oo ako nga? Ano po kailangan nila?""I'm Maggie, secretary ni Sir Archer, ang sabi kasi ni sir ito raw ang magiging kwarto ko habang nandito ako pansamantala."Tinitigan niya ang babaeng kausap, sinuri niyang maigi ang kabuuan nito. Sinigurado niyang secretary ba talaga ito ng amo niya. Mahirap na baka nagpapanggap lang ito at baka isa ito sa mga babae ng amo niya."Ikaw talaga ang secretary ni Senyorito? Hindi ka niya babae o jowa?"Kumunot ang noo niya ng bigla itong tumawa ng malakas. Hindi niya inaasahan iyon kaya gan'on nalang ang gulat niya."Sorry hindi ko sinasadyang tumawa. Alam mo expected ko na talaga 'to! hindi na bago sa'kin ang ganiyang tanong."Napangiwi na lang siya sa naging sagot ng babae sa kaniya."Feeling ko magkakasundo tayo Choleen ang kulit ng tanong mo ah! ang witty mo d'on.""Ewan ko sa'yo, oh siya pumasok kana. Mabuti na lang at tapos na akong maglinis. Ayos ang dating mo saktong
( Present Time )Nagising si Choleen sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Pumipikit pa ang mga mata niya habang dahan-dahang bumabangon. Nang tingnan niya ang oras mag-aalas singko pa lang ng umaga.Antok na antok pa siya ng buksan niya ang pinto. Tumambad sa harap niya si Archer na nangangamoy alak at lasing na lasing."Senyorito, naka-inom po ba kayo? amoy alak kayo?""Malamang, stupid! may amoy alak ba na hindi uminom?!" Huminga ng malalim si Choleen, ayaw niya makipagtalo sa amo. "Ano po ang kailangan niyo?""Ipagluto mo ako ng sabaw, saka pakikuha ako ng damit.""Sige po, magbibihis lang po muna ako." Nakapangtulog pa kasi siya at ayaw niyang lumabas ng naka-gan'on. Masyadong manipis ang suot niyang damit mabuti at madilim hindi kita ng amo niya ang kabuuan niya wala pa naman siyang suot na bra."Huwag kana magbihis dalawa lang naman tayong nandito.""Kahit na po, saglit lang po ito."Kaagad siyang tumakbo papuntang banyo. Iniwan niya si Archer na naka-sandal sa pinto