Share

CHAPTER 5

Author: Lunayvaiine
last update Last Updated: 2025-03-26 23:12:42

Pagod na pagod na si Choleen pero kailangan niyang tapusin ang ginagawa para kaunti na lang ang lilinisan niya. Dalawang kubo na ang natatapos niya pasado alas singko na ng hapon kakaumpisa pa lang niya sa pangatlo. Ramdam na ramdam na niya ang pangangawit ng balikat at mga kamay. Pinili mub niyang magpahinga saglit, hilong-hilo na siya dahil sobrang maalikabok. Mabuti na lang at may mini ref. ang bawat kubo puno rin ito ng mga pagkain at inumin.

Maya maya pa ay tumunog ang radio, Walkie talkie na kadalasan ginagamit ng mga guwardiya, pulis, at iba pa para makipag-kuminikasyon kahit magkalayo kayo ng distansya ng kausap mo.

Agad niyang pinakinggan ang nasa kabilang linya.

"Choleen, itigil mo na muna ang paglilinis bumalik ka muna rito sa kubo."

"Sige po Senyorito,"

Kaagad niyang inayos ang sarili, saka nagpagpag bago bumalik sa kubo nila.

Binigyan siya ng Walkie talkie ni Archer para hindi na ito mahirapan para tawagin siya. Lalo na't tamad rin lumabas si Archer.

Kahit alam niyang ayaw lang talaga ng amo nito na mainitan at mabilad sa araw.

Pagkarating niya sa kubo ay naabutan niyang naka-upo ang amo sa sala na may hawak na isang paper bag. Kaagad na inabot ito sa kaniya. Nagtataka naman siya kung ano ito.

"Suotin mo 'yan mamaya may lalakarin tayo. May pupuntahan tayong party."

"Pa-party po?"

Nauutal niyang tanong, hindi siya sanay na dumalo sa mga party lalo na kung mayayaman ang kasama.

"Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta sa party?" medyo nainsulto siya sa tanong mg amo.

"Hindi naman po sa gan'on hindi lang po kasi ako sanay dumalo sa mga gan'ong pagtitipon lalo na kung mayayaman ang kasama."

"Well, kailangan mong masanay ngayon. Kasi ikaw ang personal maid ko, aside sa secretary ko. Ikaw muna ang makakasama ko sa mga dadaluhan kong party. Naka-leave ngayon ang secretary ko."

Gusto sana niyang umayaw na baka pwedeng hindi na lang sumama, pero naalala niya ang binigay sa kaniyang paper bag na naglalaman ng damit. Paano pa siya tatanggi gayong binilhan na siya ng damit ng amo. Nakakahiya kung tatanggihan pa niya baka ikaltas pa sa sweldo niya ang damit na binigay. E, baka nga kulang pa isang buwang sahod niya sa pinambili ng damit na iyon kaya sa huli ay wala siyang nagawa kundi tumango nalang sa sinabi ng amo.

"Maghanda kana aalis na tayo maya maya. Maliligo lang ako, saka pakiayos na rin ng table ko ayusin mo lang huwag mo gagalawin 'yong naka-folder." tumango na lang  siya

Nang makapasok na ang amo sa kwarto nito, nagmadali na rin siyang maligo ang lagkit ng katawan niya dahil sa pawis. Pagkatapos ay nagpasiya siyang gawin ang inutos ng amo bago magbihis ng pang-alis.

Kaagad naman niyang tiningnan ang paper bag na binigay ni Archer, nanlaki ang mata niya sa nakita. Masyado itong sexy, hindi niya alam kung susuotin niya ba ito o mamimili nalang sa mga damit na dala niya. Isang Sleeveless bodycon elegant halter gown ang binigay sa kaniya ni Archer.

Napaupo na lang si Choleen sa kama nagdadalawang-isip kung paano niya susuotin ang gan'ong klaseng damit.

Napapitlag siya nang biglang kumatok ang amo niya.

"Tapos ka na ba? Aalis na tayo!" ani nito sa labas ng pinto.

"Senyorito saglit lang po,"

Humugot muna siya ng malalim saka tumayo at nagbihis. Labag man sa loob niya ay wala siyang choice kundi ang isuot ang magarang damit na iyon.

Kita kasi ang likod niyon, kaya nilugay na lang niya ang buhok niya para hindi masyadong revealing, kung nandito lang sa harap niya ang tiyahin niya paniguradong mapapagalitan siya dahil sa suot niya.

Hingang malalim saka niya pinihit ang pinto. 

Tiningnan naman siya ni Archer mula ulo hanggang paa sinusuri ang kabuuan niya.

"Okay na po ba ito Senyorito?"

Hindi ito sumagot at tahimik na lumabas nagmadali naman siyang sumunod. Pakiramdam  niya ay nainis sa kaniya ang amo dahil sa tagal niyang magbihis.

Nasa kaligitnaan na sila nag biglang iabot sa kaniya ang isang  jacket.

"Suotin mo, baka lamigin ka."

"Salamat po, pero ayos lang po ako." tinanggap pa rin niya iyon hindi niya lang sinuot muna.

"Nga pala, kapag nakarating na tayo doon huwag kang aalis sa tabi ko. kung sakali man may magtanong sa'yo huwag kana sumagot ako na ang bahala."

"Naiintindihan ko po."

"Mga kilalang tao ang naroon, mayayaman kaya huwag ka basta lalayo sa tabi ko ayoko maghanap ng nawawalang maid."

Kung hindi lang talaga niya ito amo gustong-gusto na sana niya itong tadyakan. Nakakarami na ito ng pang-iinsulto sa kaniya. Alam naman niyang katulong lang siya pero bakit kailangan ipamukha sa kaniya na para bang wala siyang alam. 

Hindi naman kasi siya gan'on kaignorante, oo siguro sa pagluluto at ibang gawaing bahay wala siyang alam pero hindi naman siya bobo dahil nakapag-aral naman siya. Hindi lang talaga siya nakapag-koleheyo simula ng mamatay ang mga magulang niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 21

    Kaagad na pumwesto si Choleen sa gilid katabi ng upuan ni Maggie. Kapag tinawag na ang pangalan ni Maggie saka lang ito aakyat sa mini stage na ginawa ng agency para sa mga guest speaker. In behalf of Archer ay si Maggie ang mag-oorient sa mga maa-assign sa Siera Grande Hotel.Gaya ng sabi ni Maggie ay kailangan makinig ni Choleen para may idea siya kapag nag-open na ang Hotel. In less than two months ay mag-oopen na ang hotel officially. Kaya minadali nila ang paghi-hire ng mga trabahante para mapaghandaan ang nalalapit na re-opening ng Hotel. Sakto din na uuwi ang mga magulang ni Archer pati iba niyang mga kapatid. Isasabay sa opening ng Hotel ang kaawaran ng namayapa nilang kapatid na si Siera. "Maggie, kailangan ba talaga akong sumali dito pwede mo naman bigay nalang sa'kin mamaya 'yang papel para basahin ko nalang.""Bakit ba? diyan ka lang ah! binilan ka sa'kin ni Sir, saka kahit basahin mo itong nasa papel hindi mo pa rin maiintindihan kasi kailangan ko pa itong e-explain isa-

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 20

    Ayaw naman talaga sumama ni Choleen mas gusto pa niya maglinis na lamang ng kubo kaysa makasama ang amo niya lalo na si Maggie na panay pang-aasar lang ginagawa sa kaniya. Kaso hindi naman siyang pwedeng humindi sino ba siya para hindian ang amo niya. "Choleen oh, chips baka mapanis 'yang laway mo diyan ang tahimik mo kasi." ani Maggie sabay abot sa kaniya ng pagkain.Kinuha nalang niya ito at di na nagsalita ba baka kapag nagsalita siya ay abutin na naman sila ng syam-syam bago matapos mag-usap. "Ah, sir tapos na po ang hiring para sa mga magiging staff at maids niyo sa hotel. Kailangan nalang po ng orientation para makakuha na sila ng requirements. Required po sa agency na makipag-usap kayo sa mga bagong hire. Para makilala din nila kayo pero if ayaw niyo naman humarap sa kanila, pwede naman po ako nalang ang kakausap kung okay lang sa inyo?" narinig niyang sabi ni Maggie kay Archer.Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa habang ngumunguya ng chips na binigay ni Maggie."Ikaw

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 19

    Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Choleen, binabangungot na naman siya. Hindi niya talaga malaman kung bakit may mga napapaginipan siyang mga kakaiba, na para bang nangyare na sa kaniya noon. Pero hindi niya talaga maintindihan. May napapaginipan siyang nag-sasayaw siya sa maraming tao nang nakahubad, salawal lang ang nakatakip sa katawan. Mayroon ding nakikipag-talik siya sa isang lalaki na hindi niya maaninag ang mukha. Pilit niyang inaalala kung nangyare ba talaga iyon, ginawa niya ba talaga iyon. Ang huli niya lang natatandaan ay nasa hospital siya, nagising nalang siya isang araw na madami ng nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Ang kwento ng Tiyang Martha niya ay hindi niya matanggap ang nangyare sa mga magulang niya kaya pinagtangkaan din niyang tapusin na lang ang buhay niya at sumunod sa mga magulang. Sinabi rin sa kaniya na nagkaroon siya ng PSTD kaya kailangan niyang ituloy ang pagpapagamot. Nag-overdose siya ng mga gamot kaya nahospital siya. Hanggang doon lan

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 18

    "Sir ang kulet ng bago niyong katulong ah, infairness bet ko siya ang bait." narinig niyang sabi ni Maggie nang bubuksan na sana niya ang pinto. "Oh! bakit sumama bigla ang mukha niyo?" muling nagsalita si MaggieNagdesisyon siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng amo niya at ni Maggie baka mamaya ay may masamang sabihin ang amo niya laban sa kaniya."Huwag ka muna mamangha sa ugali niya hindi mo pa siya kilala, ilang minuto mo pa lang siyang nakakausap. Baka sa susunod na araw kainin mo iyang sinabi mo."Gusto ng suntukin ni Choleen ang pinto dahil sa sinabi ng amo niya. Tama nga ang hinala niya wala talagang magandang sasabihin ang amo niya patungkol sa kaniya. 'Masyado kang judgemental Senyorito, tingnan lang natin kung kaninong salita ang kakainin mo.'Habang nakikinig sa dalawa. Minumura naman niya ang amo sa isip niya. Sinarili nalang muna niya ang inis niya, nakakahiya sa bisita kung papatulan niya ang amo niya. Ayaw ng isipin ni Maggie ng tama ang mga sinasabi ni Archer pa

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 17

    "Hi? Ikaw ba si Choleen?" napalingon siya nang may biglang magsalita."Ha? ah oo ako nga? Ano po kailangan nila?""I'm Maggie, secretary ni Sir Archer, ang sabi kasi ni sir ito raw ang magiging kwarto ko habang nandito ako pansamantala."Tinitigan niya ang babaeng kausap, sinuri niyang maigi ang kabuuan nito. Sinigurado niyang secretary ba talaga ito ng amo niya. Mahirap na baka nagpapanggap lang ito at baka isa ito sa mga babae ng amo niya."Ikaw talaga ang secretary ni Senyorito? Hindi ka niya babae o jowa?"Kumunot ang noo niya ng bigla itong tumawa ng malakas. Hindi niya inaasahan iyon kaya gan'on nalang ang gulat niya."Sorry hindi ko sinasadyang tumawa. Alam mo expected ko na talaga 'to! hindi na bago sa'kin ang ganiyang tanong."Napangiwi na lang siya sa naging sagot ng babae sa kaniya."Feeling ko magkakasundo tayo Choleen ang kulit ng tanong mo ah! ang witty mo d'on.""Ewan ko sa'yo, oh siya pumasok kana. Mabuti na lang at tapos na akong maglinis. Ayos ang dating mo saktong

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 16

    ( Present Time )Nagising si Choleen sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Pumipikit pa ang mga mata niya habang dahan-dahang bumabangon. Nang tingnan niya ang oras mag-aalas singko pa lang ng umaga.Antok na antok pa siya ng buksan niya ang pinto. Tumambad sa harap niya si Archer na nangangamoy alak at lasing na lasing."Senyorito, naka-inom po ba kayo? amoy alak kayo?""Malamang, stupid! may amoy alak ba na hindi uminom?!" Huminga ng malalim si Choleen, ayaw niya makipagtalo sa amo. "Ano po ang kailangan niyo?""Ipagluto mo ako ng sabaw, saka pakikuha ako ng damit.""Sige po, magbibihis lang po muna ako." Nakapangtulog pa kasi siya at ayaw niyang lumabas ng naka-gan'on. Masyadong manipis ang suot niyang damit mabuti at madilim hindi kita ng amo niya ang kabuuan niya wala pa naman siyang suot na bra."Huwag kana magbihis dalawa lang naman tayong nandito.""Kahit na po, saglit lang po ito."Kaagad siyang tumakbo papuntang banyo. Iniwan niya si Archer na naka-sandal sa pinto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status