CHAPTER 100: SUNSET"Hello, tita?" tawag ko sa ginang na nasa kabilang linya. "Baby! What's up? I missed you already!" boses ni Felix iyon kaya nakahinga ako ng maluwag. "My phone run out of battery," pagsusumbong pa niya.Mahina tuloy akong natawa. "Nasaan kayo ni tita?""Restaurant. Pero pa-uwi na ako. Tinawagan lang kita kasi miss na kita. Good thing, I met my mom while leaving," mahabang paliwanag niya kaya tumango-tango na lang ako."I missed you too. Hihintayin kita," sinserong sagot ko."I love you!" pahabol niya kaya hindi nawala ang malawak na ngiti ko."I love you too, Felix," sagot ko at humalakhak. "Sige na, bye na! Send my regards to tita."Na-trauma na siguro ako dati kaya grabe ang pag-aalala ko kay Felix kahit isang oras lang siyang nawala sa paningin ko at hindi sinasagot ang tawag ko. But luckily, he knows when to assure me that he's fine. I'm so lucky to have a man like him."You're the most beautiful bride I've ever seen, Astrid," iyon ang namamangha at emosyonal
EPILOGUE: LEGAL"Baby..." I called her as I woke up hearing her slight moans. She's asleep and probably having a nightmare. "Hey. Baby, wake up!" Nilakasan ko ang pagtawag at tapik sa kanya and I felt relief as she opened her eyes.I smiled but she looks terrified. "What's wrong, Astrid?" Hinawakan ko pa ang kamay niya nang mapansing nanginginig iyon.I even watched her reddened face and put some strands of her blonde hair behind her ears to wipe some tears on the side of her eyes. "Napaginipan ko 'yong kasal natin, Felix! Binaril daw ako ng lola mo tapos paggising ko sa panaginip ko, bumalik sa umpisa. Hindi na tayo magkakilala!" she sounded so scared... scared that it would be real.Umiling ako. Damn, hindi ko kakayanin kung magkatotoo iyon. But I smiled knowing how she treasures me too and calm her down. "It's just a nightmare," I whispered and hugs her tight. "I will protect you from anyone, Astrid. Ako ang sasalo ng mga bala bago sila tatama sa 'yo," pangako ko."Ayaw ko naman ng
PROLOGUE: WILD AND SINFULWARNING: SPG!"Aphrodite!" Halos mapairap ako nang marinig ang malakas na tawag sa akin ni Clyde. Hindi pa rin talaga ako sanay sa bagong pangalan ko. Si mommy Daphne ang nagpangalan sa akin no'n, ang kapatid ni tito na siyang adoptive mom ko sa papel. Isinunod niya raw iyon sa pangalan ng Greek goddess of beauty dahil nagandahan daw siya sa akin. Okay naman iyon sa akin pero hindi pa rin talaga ako sanay!"Bakit nauna ka? 'Di ba, sabi ko sabay tayong uuwi?" nagtatampong tanong niya at nakanguso pa. Tinatawanan ko lang siya at itinaas iyong notes na ginagawa ko. "Busy kasi ako!" Totoo naman iyon dahil malapit na ang midterms exam namin. Sineseryoso ko kasi ang pag-aaral ko. E, siya, hindi! Busy siya sa pakikipag-girlfriend sa kung kani-kanino. "Kahit na! You should've told me para nai-hatid muna kita bago ako makipag-date kay Maddie," dahilan niya pero bumuntonghininga na lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Nang may idinagdag siya, "What if may nangyarin
CHAPTER 01: TATTOONatulala ako sa pinto ng kwarto ko kung saan siya lumabas. Si Kuya Felix ba 'yon? Napatitig ako sa katawan ko at biglang tumulo ang luha dahil sa labis na hiya at pagsisisi. Anong ginawa ko? Mabilis kong kinuha ang mga damit at underwear na nasa malamig na sahig at pumunta ng bathroom. Napaawang ang labi ko nang makita ang katawan ko mula sa malaking salamin. Namumula ang halos lahat ng parte ng katawan ko at ramdam ko pa rin ang labi at kamay ni Felix sa katawan ko. "Hindi..." Umiling ako at kaagad na pumailalim sa shower para sabunin ang katawan. Pinalitan ko pa ng cold ang warm shower para mahimasmasan at magising ako. "Ang tanga mo!" paninisi ko sa sarili at mabilis na inalis sa isip si Felix. Nag-mouth care na rin ako bago nagbihis at lumabas. Sinubukan kong matulog pero mukha ng lalake ang nakikita ko. Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya ng ginawa ko. Kuya ko 'yon tapos— Paano kung malaman ni Cloud? Nina tita at tito
CHAPTER 02: ADOPT"Happy birthday, princess!" Malaki ang ngiti ko nang makita si pappa. Finally, he's here to celebrate my birthday! Muntik na akong mawalan ng pag-asang darating siya. He's a Governor in the first place. I'll understand if he wouldn't make it here because he is serving the people of our Province. "Thank you, pappa! I love you so much!" Niyakap ko siya ng mahigpit bago tinanggap ang regalong hawak niya. "Mamaya ko na lang po bubuksan! I want to spend more time with you!" Lumapit si mamma sa amin at nakita ko ang pagngiti niya kay pappa. "I told you, darling! She wants to be with you. Pagbigyan mo na ang prinsesa natin," paglalambing niya. "Alright, I'll just greet the visitors later," dahil sa sagot niyang iyon ay napangiti kami ni mamma at niyaya na siyang umupo sa table namin para kumain at makisaya. "I saw the Saavedras, did you greet them, princess?" "Saavedra? Hindi ko po sila kilala," pag-amin ko dahil wala talaga akong kakilala sa mga kaibigan nina mamma at
CHAPTER 03: KISS"Why? Why are you crying?" ulit ni Felix habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ko pero mas lalo lang akong naiyak. "Lumayo ka sa akin!" sigaw ko sa kanya. Narinig ko ang pagmura niya bago siya sumunod sa sinabi ko. "What now? What is this, Aphrodite? Tell me what happened!" Napatakip ako ng dalawang tenga at mariing napapikit nang sumigaw siya. Iyong mga alaalang matagal ko nang kinalimutan, bigla iyong bumalik. Iyong mga putok ng baril, iyong mga dugo. "Shhh. It's okay. I'm sorry, I didn't mean to shout." Napamulat ako nang marinig ang marahang boses ni Felix at natagpuan ang sarili sa bisig niya. Kaya pala nalalanghap ko ang pabango niya. "Please, 'wag kang lumapit," pakiusap ko at iniwas ang tingin sa braso niya. "Natatakot ako, Felix!" "Why? Could you atleast tell me? I'm confused!" tila nagpipigil pa siyang sumigaw. "Ayaw ko sa tattoo! Natatakot ako! Bumabalik 'yong dati! Kaya please! Iwan mo muna ako!" Umigting ang panga niya
CHAPTER 04: PLAYKinuha niya ang laptop at iniwan ako roon. Sakto naman dahil mag-isa na lang ako roon nang makapasok si Clyde. "Hi, Aphrodite! Sorry ngayon lang. Dumating ba agad si kuya? Nabusog ka ba sa dinner?" sunod-sunod na tanong niya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi at yumakap sa akin gaya ng lagi niyang ginagawa. "Oo. Umuwi rin kami agad kaya nagre-review na ako. Mag-review ka na rin," medyo kabado kong sagot sa kanya. "Turuan mo 'ko!" masiglang sagot niya at tumatawang umupo sa pwesto kanina ni Felix. "Ang dami mo namang pagkain!" "Nabo-bored kasi ako sa pagre-review," dahilan ko at kumuha ng chips para mas kapani-paniwala. Sinabayan niya akong mag-review. Parehas lang naman kasi ang kurso at year level namin. Iyon nga lang, magkaiba kami ng section dahil ayaw nilang may magka-apilyedo kaya pinaghiwalay kami. "Grabe! Ayaw ko na! Ang sakit na ng ulo ko!" reklamo ni Clyde. Ni hindi pa nga kami nakaka-sampung minuto sa pagre-review. "Bahala na bukas! Good
CHAPTER 05: GOODNIGHT KISSKaagad na kumunot ang noo ko. "Hindi kita pinaglalaruan," mariing sambit ko. "Really?" Ngumisi siya. "You let me fucking kissed that night then you kissed and slept with my brother after? What do you call that, Aphrodite?" Napabuntong hininga ako at napailing. "Gano'n talaga si Clyde kapag naggo-goodnight. Saka nasa kwarto ka no'n, ayaw ko namang tumabi sa 'yo kaya kay Clyde na ako nakitulog. Sa sofa. Hindi sa tabi niya," paglilinaw ko para mabura ang kung ano mang masamang iniisip niya sa amin ng kapatid niya "Let's kiss before you sleep, then. I'm also your brother..." sagot niya na hindi ko inasahan kahit alam kong malandi siya. "...and a daddy in bed." "Baliw ka talaga!" Inirapan ko siya at uminom na lang ng juice. Humalakhak siya pero hindi ko na siya ulit pinansin. Ano bang meron sa para mag-react ang katawan ko ng ganito? Porque gwapo siya, matangkad at maganda ang katawan? Marami naman akong kakilala na gano'n din. May mga manliligaw pa nga ako