KATRINA "Kasalukuyang kumakain ng dinner si Katrina nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell. Wala sa sariling napasulyap siya sa kanyang suot na relo bago siya nagmamadaling tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng condo unit "Sino iyan?" seryosong tanong niya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may bibisita sa kanya ng ganitong oras eh. Imposible namang si Ate Amery dahil tumatawag ito sa kanya bago ito pupunta. Dahil walang sumagot, sinubukan ni Katrina na sumilip sa maliit na butas ng pintuan at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa gulat nang makita niya si Chrsitopher sa labas. Yes..walang duda! Si Christopher nga. Wala sa sariling napaatras siya. Muling tumunog ang doorbell pero hindi niya na pinansin pa iyun. Wala siyang balak na buksan ng pintuan lalo na at ayaw niya na talagang makausap si Christopher. "Kat, please....open the door. Ako ito, si Christopher." narinig niya pang wika nito mula sa labas. Hindi naman siya nakaimik. Malungkot siyan
CHRISTOPHER Pagkatapos makausap si Mr. Marquez, nagpasya si Christopher na umuwi sa bahay ng mga magulang niya. Baka kasi kung saan pa siya magpunta, baka kung ano pa ang maisip niyang gawin "Feeling niya napaka-useless niya. Feeling niya napakasama niyang tao. Sinaktan niya si Katrina at hindi niya din malaman kung saan ito hahagilapin. Siya ang nagsira sa maganda nilang relasyon! Dahil sa maling desisyon niya, hindi lang siya ang nahihirapan ngayun kundi alam niyang pati na din si Katrina. Pagdating sa bahay ng mga magulang niya, bago dumirecho ng kwarto, kumuha muha siya ng isang bote ng paboritong alak ng Daddy niya sa mismong wine bar nito at pagkatapos noon, dinala na niya sa kanyang kwarto. Gusto niyang uminom. Gusto niyang magpakalasing para naman kahit papaano, mabawasan ng kahit na kaunti ang nararamdaman niyang pighati sa puso niya. Iyun nga lang, paaktyat pa lang siya ng second floor ng bahay nang makasalubong niya si Cassandra. Ang bunso niyang kapatid na halata
Kakatapos lang ng klase at naglalakad na si Katrina patungo sa kanyang kotse nang isang hindi inaasahan na 'sundo' na naman ang kanyang nakita. Si Christopher, nakatayo ito sa mismong exit area ng School. Gusto niya sana itong iwasan kaya lang iyun lang kasi ang nag-iisang daan patungo sa parking area. Isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan niya. Akmang maglalakad na sana siya patungo doon nang maramdaman niya nang may bigla na lang umakbay sa kanya. "Alfred?" gulat niyang bigkas. Natawa naman ito at kaagad din na tinagal ang kamay nitong nakaakbay sa kanya "Ano ang nagyari? Napansin kong kanina ka pa urong sulong ah? May problema ba?" nakangiti nitong tanong sa kanya. Hindi naman siya nakasagot. Muli siyang tumingin sa may exit at nang mapansin niyang nagpapalinga-linga na si Christopher, wala sa sariling napahawak siya sa braso ni Alfred. "Papunta ka na din ba sa parking area?" tanong niya dito "Ha? Bakit? Teka lang, hindi ba't siya iyung lalaking palaging s
KATRINA ''HI, KATRINA!" nakangiting bati sa kanya ng kanyang ka-classmate na si Daisy. Hindi niya tuloy maiwasan na magulat. Kilala si Daisy sa pagiging snob sa lahat ng mga naging ka-classmate niya. Kapatid kasi ito ng isang sikat na actor/producer na si Philip Sandoval. Dito sa culinary school na pinapasukan niya, aware siya na galing sa mayayamang angkan ang mga ka-classmate niya. Hindi naman nakakapagtaka iyun lalo na at milyon ang tuition nila yearly. "Hi, Daisy." pilit ang ngiti na bati niya dito. Naglakad na siya patungo sa kanyang pwesto at naupo. Kaya lang hindi niya maiwasan na magulat dahil sumunod din pala ito sa kanya. Naupo sa tabi niya at nakangiti siyang tinitigan na labis niyang ipinagtaka. "Bakit?" tanong niya. HIndi niya tuloy malaman kung ngingiti siya or sisimangot ba dito. Basta...hindi din kasi siya sanay na kinakausap siya nito eh. Lalo na at ito nga nag kauna-unahang pagkakataon na kinausap siya nito "Well, wala lang, Gusto sana kitang imbitahan sa
CHRISTOPHER Kahit na wala naman siyang ibang ginawa sa loob ng opisina niya kundi ang tumunganga, pagod pa rin siyang umuwi ng bahay. Iyun nga lang pagkadating niya ng bahay, ganon na lang ang galit na nararamdaman niya nang salubungin siya ng isang hindi kanais-nais na balita ng isa sa mga gwardiya na on duty. Ang pinsan niya daw na si Elias ay dumating na may kasamang dalawang lalaki at hinakot nito lahat ng gamit ni Katrina. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng galit at halos takbuhin niya ang hagdan paakyat para lang makarating sa kwarto nilang dalawa ni Katrina. Direcho siya sa loob ng walk-in closet kung saan una niyang nabungaran ang halos empty na cabinet ni Katrina. Marami pa naman ang mga naiwang gamit pero marami din ang nakuha ng pinsan niyang si Elias "Fuck! Fuck!' galit niyang sigaw. Nagngingitngit sa galit na kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang pinsan niyang si Elias. HIndi naman nagtagal may sumagot din naman pero hindi ang pinsan niya kundi si A
KATRINA NAGING maayos naman ang sumunod na sandali. Kahit na nasasaktan, pinilit ni Katrina na maging matatag. Hindi siya dapat magpatalo sa sakit ng kabiguan lalo na at palaging nasa tabi niya ang kanyang Ate Amery na handa siyang alalayan. Kasama ang Ate Amery niya, sinubukan niya ngang imaneho ang bago niyang kotse. Kahit papaano, nabawasan ng kaunti ang lumbay na nararamdaman ng puso niya. Lalo na at ginagawa talaga ang lahat ng Ate Amery niya para mapangiti siya. Pagkatapos ng mahigit isang oras na pagmamaneho, muli silang bumalik ng condo. Sakto naman na dumating na si Kuya Elias galing sa bahay ni Christopher. Dala na daw nito ang mga gamit niya. "Thank you, Kuya Elias." nakangiti niyang wika dito. Hind niya din talaga akalain na mag eeffort ito na kunin ang mga gamit niya sa mismong bahay ni Christopher. Kaya naman, wala talagang dahilan para huminto siya sa paglaban sa buhay. OO, masakit na niluko siya ng taong mahal niya pero ngayung ramdam niya ang suporta ng mga