LOGINNang mawala ang ina ni Anie ay isa lang ang ninais niyang mangyari. Iyon ay ang makilala niya ang kanyang totoong ama at tanggapin siya nito bilang isang anak. Nag-aalangan man pero lakas-loob siyang nagpakilala sa mga ito na isa rin siyang De la Serna. She thought everything will be okay. Until she met Alvaro Savalleno, the man who has so much hatred towards her half-brother, Trace. Paano kung sa kagustuhan niyang pumasok sa mundo ng kanyang totoong ama ay sa lalaking may labis na galit sa kanyang kapatid siya mapunta? Paano kung siya ang hingin nitong kabayaran kapalit ng buhay na nawala dahil sa kanyang pamilya? Is there a chance for her to avoid Alvaro? Can she ever escape... his ruthless heart?
View MoreSeveral months ago...
Matamang pinagmamasdan ni Alvaro ang nakakuwadradong larawan ng kanyang kapatid na si Sabrina. She was wearing her school uniform on the picture and her face looked so vibrant. Napakaaliwalas ng mukha nito sa larawan habang may matamis pang ngiti sa mga labi. She looked so lively... so alive, kaibang-kaiba sa kung ano na ito ngayon.
Alvaro’s face hardened. Kailanman ay hindi na niya makikita pa ang ngiting iyon sa kanyang kapatid. Kailanman ay hindi na niya makikita ang mukha nitong laging kinababakasan ng saya sa tuwing kaharap niya. At iyon ay dahil sa iisang rason--- she died few months ago.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga kasabay ng paglapag niyang muli ng picture frame sa ibabaw ng bureau na nasa kanyang harapan. Hindi na niya hawak ang larawan ng kanyang kapatid ngunit doon pa rin nakatuon ang kanyang mga mata. Ilang buwan na mula nang mamatay ito ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin matanggap na wala na ito. Kahit ang uri ng pagkamatay nito ay hindi kayang tanggapin ng kanyang isipan.
Sabrina committed suicide inside her own room. Gabi na noon nang makauwi siya mula sa isang business meeting at bilang nakatatandang kapatid nito ay nakaugalian na niyang i-check ito araw-araw kahit na gaano pa siya kaabala sa kanyang trabaho. He went to Sabrina’s room that night to check on her but was just terrified to see her lifeless. She cut her wrist and it was too late for her to be revived.
Agad na naitukod ni Alvaro ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng bureau kasabay ng halos paglabasan ng kanyang mga ugat sa leeg dahil sa galit na umahon mula sa dibdib niya. Sa tuwing naiisip niya ang gabing iyon ay hindi niya maiwasang mabalot ng labis na pagkamuhi para sa taong dahilan ng pagkawala ng kanyang kapatid. Yes, she committed suicide but there’s someone who made her did that.
“Hindi ka na naman ba makatulog?” anang ng isang tinig na agad nagpalingon sa kanya.
He saw his fiancée, Jewel. Dahil sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya namalayan ang pagpasok nito sa study room. Agad na itong naglakad palapit sa kanya at hindi pa nga mapigilan ni Alvaro na igala ang kanyang paningin sa kabuuan nito.
Jewel was just wearing a negligee. Sa kabila ng pinatungan nito ng isang manipis na silk robe ang suot ay hindi pa rin niyon naitago ang magandang hubog ng katawan nito.
“Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa seryosong tinig.
“It’s almost eleven, Alvaro. Nakatulog na ako, actually. Naalimpungatan lang ako, and found out that you’re not beside me.”
He sighed and his eyes darted to Sabrina’s photo again. “Go back to my room. Susunod na lang ako.”
Narinig niya ang marahan nitong pagpapakawala ng malalim na buntonghininga. “It’s been months since Sabrina died. Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay hindi pa rin bumabalik ang Alvaro na kasintahan ko.”
He turned to face her. “Jewel---”
“I’ve been here for days, Alvaro. Pero mula nang dumating ako ay lagi kang ganyan,” mabilis nitong sansala sa mga sasabihin niya. “I understand your pain in losing your sister, but you should also think of me.”
Disimuladong hinamig ni Alvaro ang kanyang sarili saka humakbang palapit sa executive desk na naroon. Simula nang siya na ang namahala ng kanilang kompanya ay madalas siya sa study room na iyon. Doon niya madalas tapusin ang mga gawaing iniuuwi niya sa kanilang bahay.
Naupo siya sa swivel chair habang nakamasid sa kanyang kasintahan. Aminado siyang may katotohanan ang mga sinabi ni Jewel. Ilang araw na nga mula nang makabalik ito ng Pilipinas at sa bahay nila ito ngayon namamalagi. Galing itong Italy kung saan dumalo ito ng isang fashion show. She’s been a model for years, dahilan kung bakit madalas wala ito sa bansa.
And she decided to stay with him now to make up the days that they weren’t together. Sa kabila ng katotohanang hindi pa sila kasal ay may mga pagkakataong nagsasama silang dalawa, kung hindi roon sa bahay nila ay sa condo ng dalaga naman siya natutulog.
At hindi niya itatanggi ang mga sinabi ni Jewel. Mula nang dumating ito ay alam niyang hindi sapat na atensyon at oras ang nailalaan niya para rito. And it was because of one reason--- he was still occupied by the death of Sabrina.
“Start moving on, Alvaro. Hindi gugustuhin ni Sabrina na makitang nagkakaganyan ka.”Bumalik ang pagdilim ng kanyang mukha nang mabanggit nito ang pangalan ng kanyang kapatid. “How can I move on, Jewel? Hindi ko pa napapagbayad ang lalaking bumaboy sa kapatid ko.”
Muling sumagi sa isipan niya ang natuklasan matapos magpakamatay ni Sabrina. Nailibing na ang kanyang kapatid nang makita niya ang pag-aari nitong diary sa silid nito. Doon ay nakasulat ang lahat ng pinagdaanan nito na hindi niya man lang nalaman.
Sabrina wrote on her diary how someone ruined her. Wala itong pangalang binanggit pero nakasulat doon kung paano ito pinagsamantalahan ng lalaking labis nitong minahal at nirespeto. And Alvaro only knew one man that Sabrina loved so much--- si Trace De la Serna.
Dalagita pa lang ay alam na niyang may pagtanggi si Sabrina kay Trace. Kaibigan ng pamilya nila ang mga De la Serna dahilan para maging malapit sila sa mga ito. Hindi pa nga lingid sa kanya nang magsimulang magkaroon ng pagtingin ang kapatid niya sa binata.
And Sabrina was a very vocal person. Alam niyang hindi nito itinago ang nararamdaman para kay Trace. And damn the man for taking advantage of his sister’s feelings. Nakasulat sa mismong diary ng kapatid niya kung paanong ang lalaking yumurak sa pagkababae nito ay minahal nito nang lubos, but the evil man took advantage and the worst of all, got her pregnant.
His jaws tightened. Kinumpirma ng mga doktor na buntis ang kapatid niya nang mamatay. And she wrote on her diary that she just wanted to die because she knew that her pregnancy won’t be accepted by everyone. Bakit? Dahil ba hindi ito pananagutan ni Trace? Damn him!
Jewel started walking towards him. Walang ano mang salitang naupo ito sa kandungan niya saka ipinulupot ang mga braso sa kanyang batok.
“I understand how you feel, hon,” she said in almost a whisper. Nagsimula itong laruin ang dulo ng kanyang buhok gamit ang mga daliri nito. “But I miss you too. Can’t I have my boyfriend’s time and attention even just for tonight?”
After hearing what she said, Alvaro instantly grabbed Jewel by her nape. Mariin niya itong hinalikan sa mga labi na agad nitong tinugon. Pumaloob na ang mga daliri niya sa buhok ng dalaga at halos naging marahas pa sa pag-angkin sa mga labi nito. He knew she was slightly hurt because of how he was kissing her, but he didn’t give her a chance to protest. Jewel knew very well how he performed in bed and weird it may have seemed but both of them were enjoying an intense and wild sex. Sa bagay na iyon ay hindi sila nagtatalo.
Dahil sa sinimulan nitong gawin ay saglit niyang nakalimutan ang tungkol kay Sabrina. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi na siya maniningil sa lumapastangan sa kanyang kapatid. He’ll still make sure that Trace De la Serna will pay for what he did...
Hindi na mabilang ni Alvaro kung ilang beses na siyang umusal ng panalangin habang pabalik-balik ng lakad sa tapat ng emergency room ng ospital na pinagdalhan nila kay Anie. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nasa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Iyon, sa totoo lang, ang unang pagkakataong nakadama siya ng ganoong uri ng takot.Dali-dali nga nilang dinala sa ospital si Anie matapos nitong magtamo ng tama ng baril. Maging si Archer ay siniguro rin nilang matitingnan ng doktor dahil sa mga pasang nakuha rin nito. Gusto niya ring patingnan sa eksperto ang kanyang anak para maiwasan na ring magdulot ng trauma rito ang mga nangyari.Siya at si Trace na ang nagdala sa kanyang mag-ina sa ospital. Si Lemuel naman ang sumama sa mga awtoridad para masigurong pagbabayaran nina Jewel ang ginawa nitong pagpapadukot kay Archer. Halos magmakaawa pa sa kanya ang dating kasintahan na tulungan niya itong maabsuwelto... na nagawa lamang daw ‘di umano nito ang bagay na iyon dahil sa labis na pag
Dama na ni Anie ang sakit na dulot ng ginawa ng lalaki sa kanya. Ngunit sa halip na indahin niya pa iyon ay mas pinili niyang lapitan si Archer na nang mga sandaling iyon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niyang labis nang natatakot ang kanyang anak at hindi maiwasang mabahala ni Anie na baka magdulot iyon ng trauma rito.“Stop crying, baby. Mama is here,” pagpapakalma niya rito kahit pa ang totoo, maging siya ay puno na ng kaba ang dibdib.Archer hugged her tight. Pinilit niyang tumayo at akma sanang bubuhatin ang kanyang anak nang mabilis na siyang hinablot ng lalaki. Marahas ang ginawa nitong paghila sa kanya dahilan para mabitiwan niya si Archer na mas tumindi pa ang pag-iyak. Nasisiguro niyang nasaktan ito nang hindi sinasadyang mabitiwan niya.“Ang lakas din ng loob mong manlaban kay Ma’am. Baka nakalilimutan mong nasa alanganin ka nang sitwasyon, Miss,” saad ng lalaki sa kanya.“Bitiwan mo ako,” mariin niyang sabi kasabay ng pagpupumiglas. Ngunit sa halip na pakawalan nito an
Halos maikuyom ni Anie ang kanyang mga kamay na nakahawak sa laylayan ng suot niyang t-shirt habang naglalakad siya papasok ng isang malawak na bakuran. Palinga-linga pa siya sa paligid at hindi maiwasang mapakunot-noo dahil sa nakikita sa naturang lugar.It was the address that the caller gave her. May kalayuan na iyon sa apartment na kanilang tinitirhan ngunit hindi iyon alintana ni Anie makita niya lang ulit ang kanyang anak.The place was like an abandoned warehouse. Malawak ang bakuran na walang halos nakikita kundi mga pira-pirasong bakal na ang iba ay mga kalawangin na, sanhi marahil ng tagal nang nakaimbak doon. Nagkalat din ang mga tuyong dahoon na nagmula sa matatandang punong-kahoy na nasa loob ng bakuran. Duda pa siya kung may nagmamantini pa ng lugar. Para kasing hindi nalilinisan iyon.Mula sa paggala ng kanyang paningin sa kinaroroonan niya ay biglang natigilan si Anie. Isang malakas na lagitnit ang kanyang narinig mula sa may entrada ng warehouse. Gawa sa bakal ang sli
Mula sa hindi na mabilang na pagpapabalik-balik ng lakad sa may sala ng kanilang apartment ay agad na natigilan si Anie nang makita ang pagdating ng ilang kapulisan. It was Alvaro who called the authorities and reported what happened to their son a while ago.Halos ilang oras pa nga ang inilaan nila sa parke sa pag-asam na mahanap si Archer. Naikot na nila ang buong lugar. Maging ang mga kalapit na establisyemento ay pinuntahan din nila sa pagbabaka-sakaling pumunta roon ang kanyang anak.Ngunit ilang oras na ang lumipas at nakailang beses na silang nagpabalik-balik sa paghahanap pero hindi nila nakita si Archer. And it was something that really brought worries to Anie. Kilala niya ang kanyang mga anak. Likas na may kakulitan ang mga ito, lalo na si Ava, pero hindi ugali ng dalawa na gumawa ng bagay na alam ng mga itong ikagagalit niya.And Anie knew very well that Archer won’t go anywhere. Alam nitong hindi niya gustong nagpupunta ang mga ito kung saan-saan lang. Their safety was her






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews