Share

Chapter 33: Chasing Car

Author: SQQ27
last update Last Updated: 2024-11-24 23:26:17

Nakagat ni Georgina ang labi at umakyat sa pasimano bago tumalon sa ibaba pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang malakas na sigaw ni Rhett. “Thief!”

Habang nasa ere ay itinaas niya ang gitnang daliri pero hindi siya lumingon dahil alam niyang nakadungaw sa bintana si Rhett. Hindi na niya kailangan si Kraven na saluhin siya dahil kaya na niya ang sarili. Pagkalapat ng katawan niya sa damuhan ay nag-front rolling siya upang ibalanse ang katawan at hindi mabalian ng buto saka mabilis na tumayo.

Dahil sa sigaw ni Rhett ay nagkagulo sa taas at hindi lang ito ang nakadungaw sa bintana kundi pati na rin ang may-ari ng bahay. Nagkakagulo pa rin sa labas dahil sa ginawa ni Tony kaya karamihan sa mga tao ay hindi alam kung ano ang nangyari sa ikalawang palapag ng bahay.

“Bene, ‘wag mong hayaan na makababa sila kaagad. Bigyan mo kami ng oras para makalabas ng gate. Tony, get the fuck out of there!” utos ni Georgina habang mabilis na tumatakbo at sinusundan si Kraven.

“G, cops are on the
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Carmena Jane Salva
bat walang 34??
goodnovel comment avatar
Luna Lameg
gud evening pa update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 413: Past

    Next:Abala si Griffin sa pagbabasa ng papeles na kailangan niyang pirmahan dahil malapit na ang katapusan ng buwan, nang muling bumukas ang pinto ng opisina na wala man lang paalam. “Hindi ba at sinabi ko na ‘wag mo muna akong istorbohin, Lucy?” tanong niya sa sekretarya pero nanatiling nakayuko at abala sa pagbabasa ng papeles. Nang walang sumagot ay napilitan siyang ilapag ang papeles at tumingala pero pero nawalan ang iritasyon sa mukha nang makita si Sheena. “Sheena, ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ba at mayroon kang interview?”Malawak na ngumiti si Sheena. “Natapos ko na kaya naman pinuntahan kita rito at dinalhan ng pagkain!” Inilapag nito ang dalang container sa mesa kung saan halos puno ng nagkalat na papeles. Griffin smiled helplessly while tapping the container. “Hindi na ako bata para dalhan mo pa ng pagkain.”Hindi nawala ang ngiti ni Sheena dahil sa sinabi niya. “Griffin, sweets make people happy. Kaya dinalhan kita ng dessert na paborito mo. Sigurado akong mawawala a

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 412: Bullied

    Next:Pagod na umuwi si YLena sa apartment na tinutuluyan. Napakalaki ng apartment na tinutuluyan niya at dahil mag-isa lang siya ay mas malawak iyong tingnan dahil sa lungkot. Hindi niya binuksan ang ilaw at gamit ang liwanag na mula sa sinag ng buwan at ang LED lights sa likod ng TV ay naglakad siya patungong kusina para kumuha ng tubig. Hindi niya maiwasang maalala ang kanyang namayapang ina habang nakasandal sa kitchen counter at umiinom ng tubig. “Ma, alam mo ba kung ano ang nangyari ngayong gabi?” napaismid siya. “My father wronged me again. Pinagbintangan na naman niya akong gumawa ng mali dahil lang sa haliparot na mag-inang iyon na hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para ipahiya ako sa harap ng mga bisita, lalo na sa mga kaibigan mo. Ang lungkot-lungkot ko ngayon, ma. I missed you so much. Would you mind visiting me in my dreams? I want to see you, ma.”Hindi pa rin nawala ang kanyang lumbay hanggang pumasok siya sa kanyang kuwarto at maligo. Kahit habang nakah

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 411: Clearing Her Name

    Next:“Hindi ba at hindi ka makasagot dahil totoo ang sinasabi ko, Ylena?” muling nang-uuyam na tanong ni Amanda kay Ylena. Napangisi ang dalaga. Ang totoo ay hindi na siya nagulat kung pararatangan man siya ng dalawa. Ang ipinagtaka niya lang ay ang video na sinasabi nito. Bagama’t alam niyang sa panahon ngayon madali nang mapeke ang mga videos, hindi pa rin siya makapaniwala sa kalakasan at kakapalan ng mukha ng mag-ina na sirain ang pagtitipon na ang kanyang ama mismo ang nag-organisa. Kaya naman, ang natitirang tao na naroon ay agad na nagpokus ang tingin sa kanya at alam ni YLena na hindi magiging maganda iyon sa reputasyon niya. “Palma, hindi ko akalain na hindi pala mapagkakatiwalaan ang anak ng asawa mo. Akala ko ba, isa na siyang propesyonal na reporter? Bakit kailangan pa rin niyang manguha ng gamit ng iba? Hindi ba niya afford?” Nagkatawanan ang iba pang naroon, lalo na ang mga taong naging kaibigan ni Palma mula nang maging asawa nito ang kanyang ama. Ngunit hindi ito

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 410: Thief

    Next:May munting ngiti na kumalas sa labi ni YLena at ang tila pagod na ekspresyon ng mukha nito ay hindi nito kayang itago na siyang nagpalambot sa puso ni Griffin. Umiwas siya ng tingin dahil tila nangangati ang kanyang puso sa malamlam na ekspresyon na iyon ng kaharap. Ngunit aaminin niya. Lalong lumilitaw ang kagandahan ng babae kapag ngumingiti ito. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay nasa kanya na ang pinakamahal na diamond sa buong mundo. It was Ylena. Kaya hindi niya rin maikakaila na sino man ang makakita sa ngiti nito ay mabibighani at hindi agad ito basta-basta makakalimutan. “Are you offended?” mahinang tanong niya. Tama lang para marinig siya ng dalaga. Nakaramdam siya ng kaunting guilt dahil sa sinabi niya kay YLena kaya hindi siya makatingin dito nang diretso kahit pa sinasabi niya lang kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Mahinang tawa ang isinagot sa kanya ni YLena. “Nah…bago ako pumunta rito ay sinabihan din ako ng ganyang eksaktong salita ng kaibiga

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 409: Burned

    Next:Nasorpresa si YLena sa sinabi ni Griffin. Hindi niya akalain na kahit hindi maganda ang naging engkwentro nilang dalawa ay nagawa pa rin nitong bigyan siya ng advice. Tumikhim siya bago sumagot. Ang totoo ay hindi niya alam kung paano makipag-usap dito. “Ahem…s-salamat. Hindi ko akalain na willing kang makipag-usap sa akin at magbigay ng advice kahit pa alam mong hindi maganda ang unang pagkikita natin.” Iniwas niya ang tingin saka tumingin sa malayo. “Nakita mo kung ano ang nangyari kanina. Ibang-iba ito sa pamilyang nakagisnan ko noong bata pa ako. Sa maraming pagkakataon ay nararamdaman ko na wala akong lakas para lumaban sa ganitong sitwasyon ngunit wala akong mapagsabihan o mapagkuhaan ng lakas ng loob. Siguro ay tama ka nga. Ang apelyidong dala ko ay maraming maidudulot na negatibo o positibo. I could even use that to make more money?” pabirong turan niya sa huling sinabi. Kumurba ang kilay ni Griffin at mahinang napatawa. “Well, you seem to be in a good mood now? You ca

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 408: Talking In The Garden

    Next:“Nasa ibaba ang banquet, bakit hindi na lang tayo doon mag-usap?” biglang saad ni Griffin at nagpatiunang maglakad. He looked away from YLena and walked towards the stairs. Ayaw nang magtagal dito ni Griffin at hindi naman siya comfortable sa pakikipaghalubilo rito lalo na at iilan lang ang kakilala niya. At ang kooperasyon na sinasabi sa kanya ni Mr. Carnegel, kahit gaano man ito kagaling at kayaman na negosyante, ay ikokonsidira niya. He doesn’t like the way he treats his daughter. Ang hindi alam ni Mr. Carnegel ay na-offend na niya si Griffin dahil sa pagtitipong ito. Basta ipinagmalaki nito sa kaibigan na naimbitahan nito ang isang katulad niya. Bago ito sumunod kay Griffin pababa ng hagdan ay kinausap nito nang masinsinan si YLena na nasa isang sulok. “Huwag ka nang gumawa ng bagay na ikakagalit ko. Sumama ka sa akin mamaya dahil marami pa akong ipapakilala sa ‘yo.”YLena could only grit her teeth. Maraming ipapakilala? Napaismid siya sa sarili. Bakit sa tingin niya ay ib

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status