Share

Chap.2: The things I've found out from my boyfriend

 

Lin POV:

 

Nagising ako dahil sa isang sinag ng araw na lumapat bigla sa mukha ko. Unti-unti kong idinilat ang itim kong mga mata. Ang ganda ng tulog ko kahit nasa so--Whattt?!!

 

Napabalikwas ako sa pagkakatulog ko ng makita kong nasa bed ako. Papaano ako napunta dito?

Nasa sofa ako kagabi at detalyado pa ng isip ko ang nangyari kagabi hanggang sa pagtulog ko!

 

Napunta ang tingin ko sa banyo na sobrang ingay dahil sa agos ng shower. Hindi kaya si Haru ang naglagay sakin dito sa bed? 

 

Lumabas naman sa pintuan si Haru na nakatopless. Kaagad akong tumayo para kunin ang towel ko na nakasabit sa cabinet, ng sa ganon, ako naman ang maliligo.

Ramdam ko ang tingin niya sakin.

 

"Hindi ka man lang ba magtatanong kung paano ka napunta sa kama at natulog katabi ko?" tanong niya na siyang ikinahinto ko sa paglalakad patungong C.R.

 

"Ikaw...." tumingin ako sa kaniya na nasa tapat ng cabinet kumukuha ng sinina.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagsalita. "Sleep walking."

 

Dalawang salita niya na siyang ikinapula ng pisnge ko sa hiya. Sleep walking? Ako? Di naman ako ganiyan ah? 

Ah! Baka dahil sa sobrang pag-iisip ko kay Bryan kahapon. 

 

"Hindi yan totoo!" saad ko at tumakbo kaagad patungong C.R. Kaagad kong binuksan ang shower at di sinadyang ang nabuksan ko at ang cold shower.

 

"Wooh! Ang lamig!" sigaw ko dahil sa lamig. Pinalitan ko naman ito ng warm ang temperature ng shower at sinimulan ang pagliligo.

 

I'll never expected my life to be like this. Yeah...I'm 25 years old and a CEO of our company. Haru was 25 years old too and he's soon to be a CEO in his mother company. 

 

Pinangarap kong makasal at maglakad patungong altar habang hawak hawak ang bulaklak at isang bello na nakatakip sa mukha. But...hindi ko pinangarap na makasal kay Haru. 

 

Isa siyang secret agent. At alam ko iyon, pero di niya alam. At tanging family lang niya ang nakakaalam na isa siyang secret agent. Nalaman kong isa siyang agent, dahil kaibigan ko ang isa sa mga naging misyon ng grupo nila na patayin. 

 

Napatay nga nila ang kaibigan kong si Daniel. Pero di ko alam kung sino sa kanilang magkagrupo ang pumatay sa kaibigan ko. At kung bakit gusto nila itong patayin.

 

Daniel was my closest boy bestfriend in my life and also my childhood sweetheart. Daniel became the first boy who makes me happy and laugh since ng naging 18 ako until I'm 20. 

My world broke down into pieces when Daniel never show up to me. At nalaman ko lang na patay na siya. Daniel told me about sa mga groups ng mga secret agent na gusto siyang patayin. Pero hindi niya sinabi sa akin kung bakit.

 

Sobrang nasaktan ako nun. Bat biglang dumating nun si Bryan. He fix my heart. We became friends at hanggang sa nanligaw siya. I had secret feelings at him kaya sinagot ko kaagad siya. 

 

We're very happy in our two years of relationship. 

 

Matapos kong maligo at mag-ayos sa sarili ay bumaba ako sa kuwarto ko-I mean us, para puntahan si Bryan sa lugar nila.

Nadatnan ko sa kitchen si Haru na naghahanda ng breakfast.

 

It was a simple meal for breakfast. Haru call me.

"Lin! Halika! Let's eat together! I cook all of this! Come on! Taste it!" masaya niyang saad at hinila ang kamay ko patungong mesa.

 

Kinain ko lahat ng niluluto ni Haru. Masarap siyang magluto at mukhang nasa gene ng side ng mother niya nakuha ang skills in cooking. 

 

Matapos kung kumain ay nagpapaalam ako sa kaniya na aalis ako. Pero di ko sinabi kong saan ako pupunta. 

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Bryan.

 

To Bryan: 

      »Babe... pwede ba tayong magkita sa park? Ngayon sana, kung pwede lang sayo.

 

Kaagad naman tumunog ang phone ko ng masend ko na ang text. 

 

From Bryan:

       »Okay. Nagpaalam kaba kay Haru? Baka hahanapin ka dun.

 

To Bryan: 

       »Yep.

 

Matapos kong isend ang text ay sumakay ako sa blue skateboard ko at pinaandar gamit ang paa ko. Itong skateboard na ito ay minsan ko ng ginagamit kapag may pupuntahan akong place like park, mall, schools at bahay ng mga friends ko.

 

Nang makarating na ako sa park ay nahagip ng mata ko si Bryan na nakaupo sa bench na may kasamang babae. Kapuwa sila nakatalikod at masayang nagtatawanan. 

 

Kahapon palang ako kinasal, may iba ka na kaagad ngayon? Ganon lang ba kadali yun sa kaniya?

 

Kaagad akong naglakad papunta sa deriksyon nila at sinabunutan kaagad ang babae kaya napahiyaw ito. Napansin kong tumayo nadin si Bryan para awatin ako.

 

"Sisiguraduhin kong matatanggal ang anit mo, malandi!" galit kong saad at patuloy sa paghila sa buhok ng babae. 

 

Tinulak naman ako ni Bryan palayo sa babae kaya nabitawan ko ang buhok nito. Tumakbo ang babae palayo sa amin kaya hahabulin ko pa sana ito ng hawakan ni Bryan ang kamay ko at pinaharap sa kaniya.

 

"Ano bang problema mo Lin at sinabunutan mo siya?!" galit niyang tanong sa akin. Ang kaniyang kamay ay unti-unting kumukuyom. 

 

"Bryan! Sino ang babaeng iyon?" tanong ko. 

 

"Wala." tipid niyang sagot at umupo sa bench. Napakagat nalang ako sa labi.

Wala? Hahaaha! Patawa!

 

"Wala? Eh bakit sobrang saya niyo? Daig pa yata nung magjowa pa tayo ah? Sino siya!? Secret girlfriend mo habang tayo pa, o may babae kang kinakalantara?" 

 

Bigla siyang tumayo."Oo! Secret girlfriend ko siya habang tayo pa! Oh ano? Masaya kana?" sarcastic niyang saad. 

 

Kaagad ko siyang sinampal na siyang ikinatabingi ng mukha niya. Unti-unti namang pumatak ang luha ko. Humarap siya sa akin kaya, sinampal ko ulit ito ng dalawang beses.

 

"Br..yan..., pilit kong pi...naglaban ang relasyon na...tin sa parents ko kahit tutol si...la! Kasi mahal kita! Sobra!" napahagulhol ako ng iyak at unti unting lumambot ang tuhod ko.

 

Tumingin ako sa kaniya. May pinapahiwatig siyang emosyon sa mata niya na di ko mabasa. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Alam mo ba na palagi kitang iniisip nung mga araw before ng kasal ko? Alam mo ba na umiiyak ako habang naglalakad patungong altar dahil ayaw kong magpakasal sa taong di ko mahal? Alam mo ba na gusto ko nung tumakbo palayo para ipagpatuloy ang relasyon natin? At alam mo bang ikaw ang iniisip ko kagabi? Iniisip ko na... baka nasaktan kita ng labis!" napaupo ako sa damo habang nakatakip ang mga palad ko sa mukha ko.

 

Sobrang sakit! 

 

"Lin....." rinig kong sambit niya. Di ko siya tiningnan. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

 

"Bakit mo nagawang magcheat sakin Bryan habang tayo pa? Di paba sapat ang lahat ng ginawa ko para lang magstay ka sakin?" tanong ko at muling humagulhol ulit.

 

"Lin....buntis siya at ako ang ama ng dinadala niya, Sorry...." napaangat ako ng tingin at nakita kong nakayuko siya habang nakakuyom ang mga kamao.

Di ako makapaniwala. Siya? Nakabuntis?

 

"Papaano?" tanong ko. Umiling nalang siya at lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at nagsalita. "Sorry Lin kung nadala ako ng tukso. Oo, nasasaktan ako dahil ang nagbibigay ng anak sa akin ay hindi ikaw. Lin....mahalin mo si Haru kagaya ng pagmamahal mo sa akin. Turuan mo ang puso mo. Makakalimutan mo din ako Lin." saad niya na siyang ikinaiyak ko ng todo.

 

Tumayo siya at tumalikod. Aalis na sana siya ng tumayo ako at niyakap siya patalikod. Isinubsub ko ang mukha ko sa likod niya.

"Please Bryan....don't leave me..."

 

"Lin, oras na natin para pakawalan ang puso natin sa isat isa. May kaniya kaniya na tayong responsibilidad. Hindi ka nadin mahihirapan sa parents mo dahil sa relasyon natin..." saad niya at tinanggal ang kamay ko na nakapulupot sa bewang niya at umalis siya.

 

Napaupo ako kakaiyak habang tinanaw ang postura niya na unti unting lumayo sa akin. Habang palayo ng palayo siya, parang feeling ko, di na kami ulit magkikita at di ko na ulit mahahawakan ang kamay niya.

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status