LOGINPara kay Xian Leem, ang salitang patawad ay higit pa sa simpleng pagbibigay-laya at isa itong pangako na hinihintay niyang marinig mula sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ni Katharine Orteza. Isang matapang at pursigidong babae na walang takot humarap sa kahit anong pagsubok sa buhay. Ngunit ang kanilang unang pagkikita ay hindi naging maganda. Isang hindi inaasahang insidente ang naganap. Isang kilos na hindi napigilan, na nagbago ng takbo ng kanilang buhay. Sa gitna ng inis, hiya, at mga lihim na damdamin, sisimulan nila ang isang kwento ng pagkamuhi... na maaaring magtapos sa pag-ibig.
View MoreLAKAD AT TAKBO na ang ginawa ko para maabutan lang 'yong bus. Nakipagsiksikan na rin ako para hindi ako mapag-iwanan.
Tumunog 'yong phone ko sanhi na may tumatawag, at nang makita kong si Mama ang nasa caller ay agad kong sinagot 'yon. "Hello po, 'Ma? Papasakay pa lang po ng bus. Opo, mag-iingat po ako. I love you, too!" mabilis kong ibinulsa ang cellphone ko. Handa na ulit akong makipagsiksikan nang mapansin kong tanggal pala ang sintas ng sapatos ko. Ibinaba ko muna sandali ang mga hawak kong paper bags sa isang tabi 'tsaka lamang ako yumuko para isintas ang sapatos ko. Naisintas ko nang mabilisan ang isang sapatos ko. Isusunod ko na sana ang kabila pang sapatos para isintas nang may pumisil sa p'witan ko. Nanlaki agad ang mga mata ko dahil sa gulat. Mabilis akong bumaling sa likuran para makita ko kung sino ang g*gong pumisil sa p'wit ko. Pero nang lumingon ako ay may nakita akong dalawang babae sa tabi ko, isa sa harapan at may nag-iisang lalaking nakatayo sa may bandang likuran ko at siya ang pinang hihinalaan kong humawak sa puwit ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinugod ko agad siya ng suntok sa mukha. Halatang nagulat siya sa biglaan kong pag sugod sa kaniya. Ngayon ay nakahawak na siya sa sarili niyang pisngi kung saan ko siya sinuntok. "What's your f*cking problem, miss?!" sigaw niya dahil sa gulat. "Wala akong problema pero baka ikaw mayroon! Anong karapatan mo para pisilin ang p'witan ko?!" sigaw ko pabalik sa kaniya. "What?! I don't know what your talking about!" pagtatanggi niya. "'Wag mo akong ma-english-english diyang h*******k ka! Ipapakulong kitang manyakis ka! Ilan na ba ang nabiktima mo ngayong araw, ha?! Sigurado naman akong marami ka ng nabiktima!" lakas loob kong sigaw sa kaniya. Kahit may hitsura pa siya ay hindi ko ito-tolerate ang isang 'tulad niya. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid ay wala na rin akong pakialam basta't matiris ko lang 'tong g*go na 'to. May napapatigil din sa paglalakad para lang tingnan kami ng lalaking 'to. At mayroon namang nag vi-video sa aming dalawa habang nag babatuhan kami ng salita. Hindi na rin ako magtataka kung mag vi-viral kaming dalawa sa social media pagkatapos nito. "What a crazy woman," bulong niya. "Crazy? Ako pa itong sinabihan mong baliw?" turo ko sa sarili ko, "Eh, g*go ka pala talaga!" "That's your problem and not mine. Why don't you cover yourself well? Wearing a short isn't suitable for you. Try to wear a pants to cover you up properly." "Alam mo, ang g*go mo! Wala kang pakialam kung ano ang dapat kong isuot, kahit mag panty at mag bra lang ako rito ngayon ay wala kang karapatang hawakan ako lalo na kung sa maselang parte ng katawan ko!" "Hmm . . . ang oa mo naman, oh well. I don't f*cking care about what you—" "Don't you dare english me! Don't say f*ck because f*ck you, sagad!" Kumunot naman ang noo niya 'tsaka siya umiling, handa na siyang lumakad para siguro umalis at takasan ako pero agad kong hinarang ang dinaraanan niya. "Saan ka pupunta? Tatakas ka 'no?! Hindi ka pa umaamin na ikaw ang pumisil sa p'witan ko!" galaiti kong sigaw mula sa kaniya at dinuro pa siya para mas effective 'yong galit ko. "No. Bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit pa ako mag-aabala e maliit lang naman 'yan," pagtanggi niya sa nakaka-insultong boses. "Anong hindi?! At saka, ang kapal naman ng mukha mo para mang-insulto! Hoy, excuse me lang ha?! Ikaw lang naman 'yong malapit sa akin kanina, alangan naman siya?!" turo ko sa babaeng nasa harapan ko. "O, sila?!" turo ko naman sa dalawang babae na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa. Umiling-iling sila na parang sinasabi na hindi sila ang gumawa. Bumaling ulit ako sa h*******k na lalaki at kitang-kita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya. "Baka nga sila," nakangisi niyang sabi. "Anong sila?! Mas malayo sila kaysa sa'yo, ipapakulong talaga kita!" "Sige nga, paano naman? May ebidensiya ka ba?" panghahamon niya. "W-wala pero alam kong ikaw—" "Nakita mo ba?" "Oo!" "Oh? Bakit hindi ka umilag?" "Tarantado ka pala talaga e!" "Na ah! 'Wag ka na kasing mag sh-short ng maiksi kung ayaw mong mahipuan, kita mo 'yan oh. Nag-iiskandalo ka rito kasi na hipuan ka." "Wala akong panahon para mag-iskandalo rito kung hindi mo talaga ako hinipuan!" "So, ngayon may panahon ka na kasi nahipuan ka na?" Napahilamos ako sa sarili kong mukha at inambahan siyang susuntukin ulit pero na pigilan niya ako. "Isang suntok mo pa sa akin, ikaw ang kakasuhan ko. May ebidensiya ako, ikaw wala," tumingin pa siya sa paligid namin para ipamukha sa akin na may mga taong nakakakita sa ginagawa ko. Nagtagis ang panga ko dahil sa namumuong inis para sa lalaking kaharap ko ngayon. Napakagat pa ako sa ibabang labi dahil sa pang gigigil sa kaniya. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamao ko na gusto nang ilapat sa pagmu-mukha niya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Wala ka namang ebidensya para akusahan ako, miss. Isa pa, kung ayaw mong nababastos ka 'wag kang mag-short." "Eh, kung bigwasan ko 'yang ulo mo tapos sabihin kong kasalanan mo dahil hindi mo tinakpan?!" "Magkaiba 'yong tinutukoy—" "Magkaiba nga pero inihalimbawa ko 'yon para maintindihan mo! Pero mukhang 'di mo rin naman gets ang punto ko dahil isa kang pervert! Hindi ko problema kung bakit may mga taong manyakis na 'tulad mo at mas hindi ko problema 'yong mga taong nag-to-tolerate sa mga 'tulad niyong pervert! Kayo ang problema, hindi ako o kami! Naiintindihan mo?! Hindi ako ang nagtahi ng mga sinusuot ko kaya wala kang karapatang bastusin ako!" Parang wala siyang narinig sa mga sinabi ko dahil bigla na lang niya akong iniwan at dumiretso ng sakay sa humintong bus. Wala na rin akong choice kundi ang sumakay sa nag-iisang bus dahil kung hindi ay baka gabihin ako nang-uwi. Hindi ko na lang din pinansin 'yong mga taong nasa paligid. Humanda talaga siya sa akin dahil ipapakulong ko siya, kahit wala akong ebidensya! Basta't maipakulong ko lang siya. Bakit naman kasi wala akong ebidensya? Pero kahit na! Alam ko, kahit wala akong ebidensya maipapakulong ko pa rin siya at sisiguraduhin kong makukulong ang h*******k na 'yon. Ang pervert na 'yon! Ano'ng akala niya sa akin, maiisahan niya ako? Pagbaba namin dito sa bus siguradong sa presinto ang bagsak niya! Lalaban ako para sa kababaihan, lalaban ako! Oo tama, lalaban ako! Lalaban ako! Lalaban nga ako! --- Okay tama na, sumobra na. Pero, hindi talaga ako magpapatalo sa lalaking 'yon kahit siya pa ang pinaka mayamang tao sa mundo ay hindi ako natatakot sa kaniya, hindi ko siya uurungan! Napaka sinungaling niya para itanggi na hindi siya ang pumisil sa p'witan ko! Ang kapal ng mukha niya, matapos niya akong hipuan ay iiwan niya lang ako na parang walang nangyari?! Sige lang pervert, namnamin mo muna sa palad mo 'yong pagpisil mo sa p'wetan ko. Namnam now, presinto later. At dahil na puno agad ang bus at wala ng bakanteng upuan sa loob nito ay wala na rin akong pagpipilian pa kundi ang tumayo dahil kung mag-iinarte pa ako siguradong ga-gabihin ako sa daan. Bihira pa naman ang bus ngayon. At kamalasmalasan nga naman ay nagkatabi pa kami ng tayo ni pervert. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at itinapat ko ang dalawang daliri ko sa mata at itinutok ko 'yon sa kaniya tandan nito na babantayan ko ang bawat kilos niya. Pero imbis na matakot ay ngumisi lang siya sa akin at pangiti-ngiti sa pa siyang nag-iwas ng tingin. 'Humanda kang maniyak ka, Pagbaba natin dito, sa presinto ang bagsak mo!' Habang bumabyahe ang bus patungo sa paroroonan nito ay hindi maiwasang magkadikit ang aming mga balat lalo na sa tuwing lumiliko ang bus kaya naman mas lalo pa kaming nagkakadikit sa isa't isa pero sa tuwing nagkakadikit kami ay mabilis din akong dumidistansiya sa kaniya. At habang nasa lubak na kalsada ang bus ay hindi rin maiwasan ang pag aldag ng dibdib ko. Napansin kong patingin-tingin ang lalaki sa dibdib ko. Kaya nang magtama ang paningin namin ay pinanlakihan ko siya ng mga mata at ayon ang loko kusang nag-iwas ng tingin sa akin pero pangisi-ngisi naman na mas lalo kong ikinaasar. Sarap patikimin, patikimin ulit ng suntok. Napairap na lang ako sa hangin sa sobrang inis. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang nag preno ng malakas sa bus, nag sigawan ang mga tao sa loob, pero ang mas ikinagulat ko. Ang biglaang pagsubsob ng lalaki sa dibdib ko at ang pagpisil nyang muli sa pisngi ng puwit ko. Kaya hindi ko rin masisisi 'yong sarili ko na sumigaw. "Manyakis ka talaga e 'no! Tulong! Tulungan niya ko, may maniyakis dito! Bastos kang lalaki ka! Kanina ka pa, punong-puno na talaga ako sa'yong g*go ka!" sigaw ko at mabilis kong sinampal sa magkabilaang pisngi ang lalaki at hindi pa rin ako na kontento dahil sinuntok ko pa siya sa kanang mata at alam kong magma-marka 'yon ng black eye. Sa pangalawang pagkakataon ay pinisil na naman niya ang p'witan ko at sa iisang tao lang din ang nagparanas sa akin nito take note, dinamay na rin niya 'yong dibdib ko para sulit. "Araaayyy!" sigaw niya at hinawakan ang magkabilang pisngi habang nakapikit. "How dare you to slap and punch me?! Baliw ka bang babae ka? Hindi ako maniyakis 'tulad ng sinasabi mo, malakas ang pagpreno ng bus kaya nasubsob ako sa dibdib mo! Kaya wala akong kasalanan! Aksidente 'yon kaya inosente ako. Sh*t! My eyes!" sigaw niya ulit. "Kaya sinamantala mo ang pagpisil sa pang-upo ko?!" sigaw ko rin pabalik. Gumalaw ang panga ko nang sumagot pa ang lalaki. "Oo— este hindi 'no! Hindi ko naman pinisil 'yang maliit mong puwit! Nahawakan ko lang dahil nga ang lakas ng preno. Magkaiba ang sinadya sa hindi sinadya!" pagdadahilan pa niya. Kaya naman sinugod ko siya ng suntok at pinagpapalo sa dibdib dahil sa kasinungalingang taglay niya. "Napakasinungaling mong maniyakis ka! Anong gusto mong palabasin, ha?! Na aksidente ang lahat?! Siraulo kang pervert ka!" sigaw ko sa kaniya habang pinagpapalo at pinagsususuntok siya.Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdang mabuti ang mukha niyang. Madilim na ang kalangitan pero may isang lamparang nagbibigay liwanag sa aming dalawa. Nagulat ako nang magsalita si Xian. "Mahal na mahal ko ho siya ng sobra. Hehe!" lasing niyang sabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko ako 'yong tinutukoy niyang mahal na mahal niya. Napangiti tuloy ako ng sobra. "Xia... Miss na miss ko na rin ho siya kaso iniwan n-niya na ho a-ako. Kasalanan ko.." Mas lalong na dagdagan ang bigat sa dibdib ko nang makita ko na naman siyang umiyak. Sa pangalawang pagkakataon, parehas na pangalan na naman ang dahilan kung bakit tumulo ang luha niya. Mabilis kong pinunasan 'yon saka ko siya inalalayan tumayo para pumasok sa loob. Nang makapasok kami sa kwarto inihiga ko na siya sa papag. Inayos ko ang pagkaka-unan niya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko sa gilid ang plangganang maligamgam na dinala ni Mama dito saka ko pinunasan ang buong mukha niya.
"Bakit pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nagiging malungkot ang mga kapatid ko lalo na si Kiko? Tama bang pumayag ako sa mga gusto niya? Ayoko kaseng isipin mo na nag te-take advantage kami sa'yo at baka isip mong gold digger kami." "Shhh..." Pagtatahan niya sa akin nang tumulo na ang luha sa mata ko. Niyakap niya ako saka hinagod-hagod ang likod ko. "Kahit kailan hindi ko maiisip 'yang mga sinasabi mo at isa pa, ako ang nag offer kay Kiko kaya wala kang dapat ipag-alala." "Pero kasi--" "Shhh.. Hayaan mo naman akong magpalakas sa mga kapatid mo," at kumindat pa siya. "Siraulo! Kaya mo pala ginagawa 'yan e--" "Nagbibiro lang ako, naisip ko kase na para na rin sa emergency. You know, 'yong Papa mo gusto ko ring makatulong sa pamilya mo lalo na sa'yo." Tumango-tango na lang ako kahit hindi sigurado kung tama bang pumayag sa kagustuhan ni Xian at Kiko. Pumasok na kami sa bahay at sinalubong kami ni Papa saka niya inaya si Xian papuntang
"Tapos na po ako Ate! Sa classroom ko po ginawa 'yong assignment ko para bukas ready na!" bibong sabi ni Kathy na nginitian ko lang. "Oh, ikaw Kiko?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Hehe mamaya ko po gagawin 'yong assignment ko, inutusan lang po ako ni Papa na hanapin kayo ni Kuya Xian sabi ni Papa pauwiin ko na daw kayo kase mag kwe-kwentuhan pa raw sila ni Kuya Xian." Tumango-tango na lang ako saka kami nag-umpisa maglakad pauwi. Napabaling ako sa dalawa naabala pa ring nag-uusap habang tumatawa sa isa't-isa. 'Yong totoo? Sino ba talaga sa amin ang kapatid niya? "Ate p'wede po bang bukas ko na lang gawin 'yong assignment ko? Kokopya na lang ako sa kaklase ko. Ang hirap-hirap naman kase ng Math!" kumakamot pa sa sentidong sabi niya. Piningot ko ang tainga niya saka ko siya pinagsabihan. "Manahimik ka Kiko! Gawin mo mamaya 'yang assignment mo!" babala ko. "Eh, paano nga po? Hindi ko nga po alam 'yong mga gagamiting formula! Ang hirap-hira
Ikina-kibit balikat ko na lang ang nasa isip ko na imposibleng mangyari. Ang alam ko kase ay nasa ibang bansa na si Ian ang kababata ko noon. Kaya hindi ko na kinulit pa si Papa na bumalik sa mansyon nila. Ewan, pero minsan naiisip kong parang nandito lang siya sa Pilipinas at mukhang nagsinungaling lang sa akin si Papa para hindi ko na siya kulitin na bumalik pa sa mansyon pero alam ko namang hindi magagawa ni Papa 'yon sa akin lalo na kay Ian na laging naghihintay sa pagdating namin sa mansyon nila. Hinabol ko si Xian sa paglalakad na parang wala sa sarili kaya hindi ko na lang siya inistorbo. Habang naglalakad kami sinalubong kami ni Kiko at Kathy na may ngiti sa mga labi. "Ate! Kuya Xian!" sigaw ni Kathy habang tumatakbo palapit sa amin. Natauhan naman si Xian dahil nakita kong umiling-iling at sinalubong sina Kathy at Kiko. Binuhat niya si Kathy na may hawak na tutubi. "Kuya Xian look oh! Tutubi po, nakuha ko do'n sa gilid ng bukid," at bumungisngis pa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews