Share

Chap.1: Painful ceremony

 

Lin POV:

Naglalakad ako dito sa loob ng simbahan. May mga taong nakaupo sa mga upuan habang nakatingin sa akin. Sobrang saya nila dahil kinasal kami. Bakas iyon sa mga ngiting nakapaskil sa labi nila. Lalong lalo na ang ama ko at ang mga magulang niya. 

 

Suot ko ang isang bonggang puting gown, may bitbit din akong bulaklak at isang bello na tumakip sa mukha ko na unti unting linalandasan ng luhang hindi niya naman deserve.

 

Unti unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Kaya hinayaan kong pumatak ang luha ko sa bulaklak na bitbit ko. Nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakaupo katabi ang mga kasamahan nito. Lahat sila ay imbitado sa kasal namin.

 

May luha ang kaniyang pisnge at ang mugto niyang mga mata. Ngumiti siya sakin ng pilit na siyang ikinirot ng puso ko. Napapikit nalang ako dahil sa sakit na naramdaman.

 

Siya ang mahal ko. Hindi ang walang kwentang lalaking nakatayo malapit sa altar habang naghihintay sa akin. May ngiti ang labi din nito. Siguro masaya na siya dahil kinasal na siya sa akin.

 

Hinawakan naman ni papa ang kamay ko para ihatid sa mapapangasawa ko.

 

"Matutunan mo din siyang mahalin, Lin..." mahinang saad ni papa sa akin. Tumingin ako kay Haru--ang lalaking naging hindrance ko para maging masaya together with Bryan.

 

Sana nga...matutunan ko siyang mahalin. Pero, paano itong feelings ko kay Bryan? Ang two years naming relationship? Paano? Ibabasura lang ng ganun ganun lang?!

 

Tumingin ako sa likuran ko ng hawakan ni Haru ang kamay ko para sabay sabay na pumunta sa harap ng pari.

 

Gusto kong tumakbo para ipagpatuloy ang relationship namin ni Bryan! Gustong gusto ko! Pero pag-ginawa ko iyon, papatayin nila si Bryan. At alam ni Bryan iyon. Kaya pilit niya akong pakawalan sa bisig niya kahit masakit... sobra...

 

Bryan.....

 

Front of the father~

 

"Mr. Haru Stanley, and Ms. Lin Gu. Pwede niyo bang isaysay kung saan kayo nagkikita nung first meet niyo habang dahan dahan niyong isinusuot sa isat isa ang singsing niyo." utos ng pari.

 

Kinuha ni Haru ang microphone at nagsalita. Kinuha niya ang kamay ko.

"Naalala mo ba nung elementary tayo? Palagi kitang inaaway nun dahil pandak ka diba? Nung naghigh school tayo, inaaway parin kita dahil sa trip ko lang. But until, nung magcocollege na tayo, our paths got separated away and it hurt me most." 

 

Nang sabihin niya ang mga katagang iyon ay nagulat ako. Bakit naman siya masasaktan? Eh wala ngang kami?

 

Dahan dahan niyang isinuot sa akin ang singsing.

"It hurt me most because...mahal na kita noon pa. In first place, it's just a simple admire and crush. But I didn't expected that, mamahalin kita higit pa sa salitang crush, Lin."

 

Hanggang sa napasok na talaga ang singsing sa pang-apat kung daliri. Napatingin ako sa singsing na isinuot niya sa akin. This isn't my dream ring and my dream boy. Hindi ito ang singsing na pinangarap ko. 

 

Kinuha ko ang kamay ni Haru para suotan din ng singsing kahit ayaw kong hawakan ang kamay niya. 

 

"Just what you've said, palagi mo akong inaaway. At yun nga...same feelings din." tinapos

ko kaagad sa pagsuot ng singsing ko sa daliri niya. 

 

Hanggang sa inayunsiyo na ng pari na.

"You may now kiss the bride!"

 

Dahan dahan niyang itinaas ang bello ko at inilapit ang mukha sa akin. 

Napapikit nalang ako.

 

Hanggang sa lumapat ang labi niya sa akin at bumitaw din. Ngumiti si Haru sakin at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Bryan, pero wala na siya dun.

 

Nasaktan ko ang taong mahal ko sa mismong harap niya pa talaga! 

 

At Stanley's Residence»

 

Pinasayaw kami ng mga magulang namin dito sa center ng dance floor ng ballroom dance. Dati kasi kaming team ni Haru sa ballroom dance nung high school kami, but di kami partners. 

Sobrang hirap magballroom dance pagnakagown! Di ko masyadong maigalaw ang bewang ko.

 

While we dance, Haru asked me. "You can teach your heart in loving me Lin. Forget Bryan, and we will start and build a new love relationship. Can you do that?"

 

Tumingin ako sa kaniya.

"I will." for the sake of Bryan. 

 

But I hope na sana, tama din ang magiging effect pagnaturuan ko na ang puso kong mahalin siya.

But for now...my heart still belong for Bryan. Siya parin ang pinili nito at hinahanap.

 

~~~~~

After ng wedding night namin ay nandito kami ni Haru sa mansion niya. Ito daw ang magiging bahay namin. Malaki siya. Second floor. At ang sukat nito ay mukhang nasa 52--64. Parang ganon nga.

 

Haru was in the C.R.. Maliligo daw muna siya. While me, nandito sa balcony sa second floor. Tinanaw ang bituin sa langit. Mga lanterns na nakasabit sa bawat daan ng kalsada. Mga nagtataasang gusali na pinagmamay-arian ng ibat ibang CEO, at ganon din kami as well as Haru's family.

 

Their last name 'Stanley', was famous from 19s until now in 20s. Yeah. Sobrang yaman nila. They had so many companies and branches. They also help those person who don't have a shelter and anything in life. His grandpa in 19s are known as a famous soldier while his grandma was a doctor at that time. His father too was an architect, his mother was an engineer. May sariling company ang mom niya at dahil dun ay nagpatayo ang parents niya ng ibang branches ng pastries at iba pa dahil mahilig daw itong magluto.

 

They are my parents partners in business. But we're different. My parents are in a gang. Father was a mafia lord while mother was a Queen. After my grandpa and grandma die, ipinasa ito kay dad. But, kahit nasa gang sila, they had their own business to manage.

 

At heto ako, bilang kapalit sa pagiging Queen ni mom. At dahil close ang Stanley family sa parents ko, napagsunduan nila na gawing king si Haru sa gang. Matagal din naman daw itong gusto ni Haru na maging king ng underworld gang. 

 

Pwede namang si Bryan nalang ang gawing king nila sa underworld. Pero dahil hindi mayaman sila Bryan, ay di sila sumang-ayon sa sinabi ko na si Bryan nalang. Oo! Bryan's background was low and not that rich. They had their farms. Malaki ito. They had their machines sa pagtanim ng mga seeds and procedure sa pag-ani na. At isa iyan sa nagustuhan ko kay Bryan. Dahil palagi din siyang tumulong sa pagtatanim at paghaharvest pag sakaling nagkaaberya ang machines nila. Di siya maarte. I love him kung ano siya. His true colors.

 

"Still remember him, Lin?" tanong ni Haru sa likod ko. Hindi ko siya sinagot dahil totoo naman.

 

"Lin! We are now already married! So, stop thinking about Bryan! Just think about our future to be..." 

 

Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya.

Tumingin ako sa mga bituin.

"Talaga bang minahal mo ako noon, Haru?"

 

I just want to make sure. 

 

"I don't know..." napatingin ako sa kaniya dahil sa sagot niya.

 

"Anong klaseng sagot yan, Haru? You said earlier at the church na.... you had a simple crush for me at naging higit pa sa crush ang pagtingin mo sa akin. Lahat lang ba na iyon ay pakitang tao lang?" 

 

"Stop Lin. Let's stop arguing each other. Let's just sleep. Pagod na ako. And maybe... you too kaya singhal ka ng singhal." saad niya at tumalon sa bed.

 

"You found a reason right away huh. Para lang di masagot ang mga tanong ko." saad ko pero tinakpan lang niya ang kaniyang dalawang tenga gamit ang kaniyang mga palad.

 

Tumingin ulit ako sa langit. Sigurado akong nasaktan ko si Bryan kanina. I need to woke up early tomorrow para makausap siya. At if kung bukas nalang ang last met namin.... I will do my best to hug him tightly.

 

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad patungo sa bed.

Do I need to sleep beside him?

Asap! Hindi ako matutulog sa tabi niya! Never! Hmp.

 

Kinuha ko ng dahan dahan ang unan ko at inilagay sa sofa. Medyo mahaba naman tong sofa, kaya kasya ang sukat ng height ko na 5'6.

 

For now, ang gagawin ko ay magpapahinga para bukas. Sa isang pangyayaring nagpapasigurado na susugat sa puso ko...

 

 

 

 

 

 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
noowege
Interesting! unang sabak pa lang! My gosh! excited here!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status