Share

Chapter 5

"Ang boring," bulong ni Zaira habang pagulong-gulong sa higaan.

Lahat ginawa na niya para malibang sa bahay nila pero iba talaga kapag wala si Max. Wala rin siyang kaasaran dahil sinama ni Mr. Lundberg si Asher sa opisina niya.

"Ubos na pala stick-o ko," aniya nang makita niyang wala ng mga laman ang stock niyang stick-o sa kwarto, kukuha sana siya para kumain pero wala na siyang makitang may laman.

"Makabili na nga lang."

Bumangon na siya at kumuha ng dress saka naligo. Nang makaayos na siya, kinuha niya ang wallet niya at lumabas. Tamad siya magbitbit kaya wallet lang ang dinala niya, pati cellphone niya iniwan.

"Ma, bibili lang po ako ng stick-o sa mall," paalam niya sabay halik dito.

"Sige, ingat ka."

"Opo, bye ma."

Lumabas na siya ng bahay saka sumakay ng taxi patungong mall.

"Salamat po manong, ito po bayad," aniya bago bumaba.

Pumasok siya agad sa mall at habang naglalakad siya, nailang siya bigla dahil pinagtitinginan siya. Dumiretso siya agad sa supermarket para bumili ng stick-o. Kaya ayaw niya magsuot ng dress dahil pinagtitinginan siya, pakiramdam niya hindi bagay sa kanya kaya ganun na lamang sila makatingin.

Bumili siya ng limang stick-o na may magkakaibang flavor. Nagtungo siya agad sa counter para magbayad saka lumabas ng supermarket.

Habang naglalakad siya may napansin siyang nagtitinda ng keychain. Meron kasi itong hello kitty na tinda kaya lumapit siya doon.

"Magkano po itong hello kitty na keychain?" tanong niya habang tinitignan ang nakabiting keychain.

"P50."

"Pabili po ako."

May nakita siyang doreomon at naalala niya bigla si Max. Kinuha niya ito at inabot sa nagtitinda.

"Pakisama

na din po

itong

doreomon," aniya.

Balak niya itong ibigay kay Max dahil paborito niya ito.

"Ito na po, P100 lahat."

Nagbayad si Zaira ng saktong P100 na perang papel saka kinuha ang binili niya.

Nag-ikot muna siya saglit bago lumabas ng mall at naghanap ng masasakyan.

"Wa--hmmm," sigaw ni Zaira nang biglang may humila sa kanya subalit mbilis nito tinakpan ang bibig niya.

Lalaban na sana si Zaira nang maramdaman niyang may tumutusok sa tagiliran niya na patalim, hindi naman ito bumabaon pero dahil sa takot niya na masaksak, tumigil siya.

"Hold up ito. Bigay mo sa akin pera mo kung ayaw mong masaktan," bulong ng lalaki.

Hindi agad nakakilos si Zaira dahil sa gulat. Napansin ito ng lalaki kaya siya na ang kumilos.

"Tsk! Ang bagal," aniya sabay hablot ng wallet ni Zaira bago niya ito binitawan.

Napatingin si Zaira sa kamay niya na may hawak ng hello kitty niyang wallet, doon lamang siya gumalaw nang mapagtanto niya kinuha nito nag paborito niyang hello kitty na wallet.

"Kuyang magnanakaw, ibalik mo sa akin si hello kitty!" sigaw niya sabay habol sa lalaki

Dahil sa bilis ng takbo niya, naabutan niya ito at mabilis na humarang. Kunot noo siya nitong tinignan.

Natulala naman si Zaira nang makitang gwapo ang kumuha ng wallet niya. Mas mukha pa itong mayaman kaysa magnanakaw.

"What?!" sigaw ng lalaki kaya natauhan si Zaira.

"Kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang si hello kitty," tugon ni Zaira at sinubukang agawin ang wallet niya.

Mabilis ito nilayo ng lalaki at itinaas para hindi maabot ni Zaira.

"Yung pera ko na lang yung kunin mo, wag yung wallet," sabi ni Zaira.

Pakiramdam niya hindi naman ito masama kaya mas minabuti niyang kausapin ito.

"Tsk!"

Kinuha ng lalaki ang pera saka inabot kay Zaira ang wallet.

"Ayan na wallet mo. Tabi!" aniya sabay tulak ng mahina kay Zaira nang maibigay na niya ang wallet.

Tumabi naman si Zaira at nakakailang hakbang pa lang ito nang may maalala si Zaira.

"Kuyang magnanakaw, sandali lang!"

Huminto agad ang lalaki saka napatingin sa paligid kung may ibang tao. Nakahinga siya ng maluwag dahil walang masyadong tao sa pwesto nila.

Tinignan niya nang masama si Zaira.

"Pwede bang itigil mo yung kakatawag sa akin ng kuyang magnanakaw?" inis na sabi niya.

Paano kung may makarinig at tumawag ng pulis? Edi nahuli siya? Ayaw niya ito mangyari kaya pinagsabihan niya na si Zaira.

Kamuntik matawa si Zaira dahil sa sinabi niya. Lumapit siya dito saka nilahad ang kamay.

"Ano nanaman yan?" tanong ng lalaki habang nakatingin sa palad ni Zaira.

"Pahinging bente."

"Pinagloloko mo ba ako? Ninakawan nga kita tapos manghihingi ka ng bente sa akin?"

"Hindi kita pinagloloko. Parang ang laki ng hinihingi ko ah, 5000 ung nakuha mo sa wallet ko. Tapos bente lang? Pinagdada--"

Natahimik si Zaira nang bigyan siya ng bente nito.

"Ayan na! Ang daming sinasabi eh! May kailangan ka pa ba?" tanong nito sa kanya.

Nungitian siya ni Zaira.

"Wala na, salamat. Makakaalis ka na."

"Tsk."

Tinuloy na ng lalaki ang paglalakad at lihim na napangiti.

Samantala, hindi napansin ng dalawa na may lalaking nakakita sa kanila.

"Ito pala ang mortal world," bulong ng lalaki habang naglalakad.

"Hold up ito. Bigay mo sa akin pera mo kung ayaw mong masaktan."

Tumigil siya paglalakad nang marinig niya ang tinig. Hinanap niya ito at nakita niya sila Zaira.

'Hindi ba siya natatakot sa lalaki?' sa isip ng lalaki nang makita niyang kalmadong nakikipag-usap si Zaira.

Tinignan niya ang lalaking magnanakaw pero agad din siyang umiwas ng tingin dahil may kakaiba siyang nararamdam dito.

Pinagmasdan niya na lang si Zaira at agad niya ito nagustuhan dahil sa ganda nito. Napatingin siya makinis at maputi nitong balat. Nang suriin niya ang laki nito, natuwa siya lalo dahil matangkad ito at tama lang sa laki niya.

'Gusto ko siyang maging alipin,' sa isip niya at hindi inalis ang tingin kay Zaira.

Nang umalis na ang lalaki, pumasok muli si Zaira sa mall para tawagan ang kanyang ina gamit ang bente pesos na pera niya.

Naramdaman ni Zaira na may sumusunod sa kanya kaya lumingon siya paligid.

Agad na nagpanggap na naghihintay ng masasakyan ang lalaking sumusunod sa kay Zaira. Huminto ang tingin sa kanya ni Zaira at tinignan ang suot niyang hoody jacket.

Nang lumingin siya kay Zaira mabilis na umiwas ng tingin ang dalaga.

'Nahuli niya kaya ako na nakatingin sa kanya?' sa isip ni Zaira saka binilisan ang lakad papasok sa loob ng mall.

Dumiretso siya agad sa may telepono at tinawagan ang kanyang ina.

"Hello?" sagot ng kanyang ina.

"Mama," sambit ni Zaira.

"Athena?"-

"Opo, pakisabi naman po kila papa na sunduin nila ako dito sa mall."

"Bakit anak? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Lundberg dahil alam niyang hindi ito magpapasundo basta.

Napakamot ng ulo si Zaira.

"Mamaya ko na lang po ikukuwento."

"Sige anak, wala ka bang dalang cellphone?"

"Wala po."

"Diyan ka lang ha? Wag kang aalis diyan sa mall. Para hindi mahirapan ang papa mo sa paghahanap sayo."

"Opo ma, baba ko na po."

"Sige, mag iingat ka diyan."

"Opo, bye ma."

Binaba na ni Zaira ang telepono at lumabas ng mall para maghintay. Umupo siya doon at kumain ng stick-o habang naghihintay, mas pinili niyang sa labas maghintay para madali siya makita.

Sa gilid ng sasakyan malapit sa lugar kung saan nanakawan si Zaira, galit na binigay ni Ivan ang perang nakuha niya kay Zaira.

"Ayan na yung pera." inis na sabi niya dahil ayaw niya talaga magnakaw.

Napagtripan lang siya ng mga kaibigan niya dahil masyado raw siyang mabait kaya nautusan siyang gawin yun. Nag-aalala rin siya kay Zaira dahil bente lang ang natirang pera nito.

"Galit?" natatawang tanong ni Ben, ang pasimuno sa mga kalokohan.

Kinuha nito ang pera saka binilang.

"5000, mayaman din pala yung babae na yun," aniya dahil nakita lang nila si Zaira na nag-aabang ng taxi kanina kaya ito ang naging target nila.

"Itsura pa lang dude, mukhang anak mayaman na. Ligawan ko kaya?" sabi ni Enzo, ang playboy sa grupo nila.

Napakunot ang noo ni Ivan nang marinig niya ito.

"Bata pa yun, baka makasuhan ka pa ng child abuse," aniya bago pa nito mapagtripan si Zaira.

Nagtawanan ang magbabarkada maliban kina Enzo at Ivan.

"Ano gagawin niyo diyan sa pera?" tanong ni Ivan.

Kung wala silang pagagamitan mas mabuting bawiin na lang niya yun at ibalik sa babaeng ninanakawan niya.

"Ipang-iinom." sagot ni Dave, ang lasenggero sa grupo.

"Mag-isa ka!" sagot naman ni John sabay tingin sa mga kasamahan niya.

"Ipangpusta niyo na lang yan. May gang fight ako mamaya," aniya, siya naman ang mahilig magkipag-away o makipabasag-ulo sa grupo.

Sa kanilang magbabarkada si Ivan lang ang pinakamatino. Hindi naman niya ito gusto maging kaibigan, sila lang ang lapit nang lapit sa kaniya pagkatapos nila itong tulungan sa pakikipaglaban sa isang gang na nakaaway niya.

"Puro ganyan ang alam niyo, kaya hindi umuunlad ang bansa." sambit ni Ivan.

Sanay na naman sa kanya ang mga ito dahil alam nilang mabait ito. Kaya nila ito gusto maging kaibigan dahil hanga sila sa husay nito sa pakikipaglaban.

"KJ mo," sambit ni John

"Paghatian na lang natin. Para walang away. Tag-isang libo tayo," sabi ni Ben sabay bigay ng isang libo sa mga kaibigan niya.

"Ayan na! Bahala na kayo kung saan niyo gagamitin. Sige, alis na ako. May kailangan pa akong gawin," paalam ni Ben saka nagmadali ng umalis.

"Ano nanaman kaya gagawin nun?" tanong ni Enzo.

Naglakad na rin paalis si Ivan nang walang paalam.

"Hoy Ivan! Saan ka pupunta?"

tanong ni Dave nang mapansin niya ito.

"Uuwi na,"

sagot ni Ivan nang hindi nililingon sila Dave.

Bumili na muna siya ng makakain sa mall at nang palabas na siya napansin niya si Zaira. Nakita niyang may kinakain itong stick-o kaya naisipan niyang bumili ng maiinom para makabawi sa ginawa niya.

"Hindi ka mabubusog kung walang panulak," aniya sabay abot ng coke float.

Napaangat ng ulo si Zaira at nagulat nang makita si Ivan.

"Kuyang magna--"

Mabilis na kumuha ng tatlong stick-o si Ivan at isinaksak sa bibig ni Zaira bago niya matapos ang sasabihin niya.

"Ivan ang pangalan ko," pakilala niya pata hindi na siya tawaging magnanakaw.

Umupo siya sa tabi ni Zaira at sapilitang pinahawak ang coke float sa kamay ni Zaira.

Lumayo ng kaunti si Zaira sa takot na baka may binabalak nanaman ito sa kanya.

"Ano kailangan mo?" tanong niya kay Ivan nang hindi ito umalis.

"Sorry sa ginawa ko kanina, papalitan ko na lang ung kinuha ko."

"Papalitan?"

"1000 lang yung natira sa akin, nasa mga kaibigan ko na ung 4000 kaya papalitan ko na lang."

"Huh?"

Naguguluhan tinignan ni Zaira si Ivan. Ito lang ang kauna-unahang magnanakaw na nagsabing papalitan ang kinuha niya.

"Nagawa ko lang naman yung kanina dahil sa dare sa akin ng mga kaibigan ko."

"Ahh! Okay lang. Salamat pala dito," tugon ni Zaira sabay angat ng coke float bago ininom.

"May bayad yan."

"Ah ganun? Akin na ung 5000 ko."

Naglabas ng wallet si Ivan at kumuha ng limang libo.

Nanlaki ang mata ni Zaira nang makitang mas maraming pera sa kanya si Ivan. Nagbibiro lang naman siya sa sinabi niya kanina.

"Ayan na limang libo mo," sabi ni Ivan sabay bigay ng limang libo.

Kumuha doon ng isang libo si Zaira at ibinigay yun kay Ivan.

"Bayad ko," aniya.

Natawa bigla si Ivan

"Sayo na yan, hindi pera bayad sa iniinom mo."

"Eh? Ano?"

Nagdududang tinignan ni Zaira si Ivan.

Ngumiti naman si Ivan saka sinagot ang tanong niya.

"Tawagin mo kong Kuya Ivan."

"Yun lang?"

"Oo."

"Okay, kuya Ivan. Salamat sa coke float," nakangiting sabi ni Zaira saka muling uminom.

"Bakit nandito ka pa?"

"Hinihintay ko sila papa. Nagpasundo na lang ako kaysa maglakad ako pauwi."

"Sorry."

"Okay lang sa akin yun kuya. Alam ko naman na hindi ka masama."

Biglang sumeryoso si Ivan.

"Paano kung mali ka? Paano kung masama ako?" tanong niya kay Zaira.

Natigilan si Zaira dahil sa sinabi nito at sa itsura nito.

"Payo ko lang sayo, wag kang magtitiwala agad kaninoman. Hindi lahat ng nagpapakita sayo ng kabutihan ay mabait. Minsan nagpapanggap lang na mabuti ang masama," sambit ni Ivan habang seryoso pa rin.

Napansin ni Zaira na nag-iba ang mood nito. Para bang may naalala ito na hindi maganda.

"May pinaghuhugutan?" tanong niya sabay ngiti ng pilit.

Ayaw niya ng masyadong seryosong usapan.

"Minsan na ako naloko, ang masakit pa doon... kamag anak pa namin."

Napakuyom ng kamao si Ivan dahil sa galit. Tuwing naalala niya ang nangyari sa kanya hindi niya mapigilan ang sarili niya na magalit.

Hinawakan ni Zaira ang kamay niya para pakalmahin ito.

"Tatandaan ko yang payo mo kuya pero tandaan mo rin itong sasabihin ko, wag kang magpapadala sa galit dahil ayan minsan ang nagiging dahilan kung bakit nagiging masama ang tao," aniya saka ningitian si Ivan.

Nang makita ni Ivan ang ngiti nito, napangiti na rin siya at kumalma.

"Salamat. Alam mo naalala ko sayo yung kapatid ko."

"May kapatid ka?"

"Oo, lalaki, mga kasing edad mo siguro siya. Sana nga nasa maayos lang siya. "

"Bakit? Hindi ba kayo magkasama?"

"Hindi."

Nalungkot si Ivan dahil dalawa na lang silang magkasama tapos siya malayo sa kanyang kapatid. Dapat nasa tabi siya nito, inaalagaan siya bilang panganay.

"Nasaan siya?" tanong ni Zaira.

"Nasa malayong lugar."

"Bakit hindi mo siya puntahan? Para malaman mo kung nasa maayos lang siya."

"Gustuhin ko man... pero hindi pwede."

"Bakit?"

Nilagay ni Zaira ang lalagyan ng coke float nang maubos niya ito.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon para bumalik doon," tugon ni Ivan habang pinapanood si Zaira sa ginagawa nito.

Naguluhan lalo si Zaira sa sagot nito kaya muli siyang nagtanong at tinignan si Ivan.

"Bakit? Kai--"

"Athena!" sigaw ni Asher nang makita niya ang kapatid niya.

Natigilan si Zaira at napalingon sa kanya; nakita niya ito na palapit kasama si Mr. Lundberg.

"Ayos ko lang ba? Tumawag si mama, nagpapasundo ka daw. Ano ba nangyari?" nag-aalalang tanong ni Asher, kahit na palagi niya ito inaasar mahal na mahal niya pa rin ang kapatid niya.

Tinignan ni Zaira si Ivan dahil may itatanong pa siya pero hindi na siya nakapagsalita nang nakita niya itong gulat na nakatingin sa kanyang ama.

"Ivan," sambit ni Mr. Lundberg.

"Tito Jake, hello po," tugon ni Ivan.

Nahiya siya bigla dahil sa ginawa niya kay Zaira, hindi niya alam na anak pala ito ng tumutulong sa kanya.

"Magkakilala kayo ng anak ko?"

"Kanina lang po kami nagkakilala."

Napahawak sa batok si Ivan dahil hindi maganda ang unang pagkikita nila ni Zaira.

"Kuya Ivan," tawag sa kanya ni Zaira nang maalala niyang hindi pa siya nagpapakilala.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo, ako si Zaira," aniya saka nakipagkamay kay Ivan.

"Nice to meet you Zaira."

"Nice to meet you too."

Napangiti si Zaira dahil kanina pa sila nag-uusap pero ngayon lang siya formal na nagpakilala dito.

"Ehem."

Napatingin sila kay Mr. Lundberg at mabilis na binitawan ang kamay ng bawat isa.

"Gabi na, kailangan na natin umuwi. Ikaw Athena, may kailangan ka pang ipaliwanag sa amin. Ivan, salamat sa pagsama sa anak ko habang wala pa kami," sabi ni Mr. Lundberg nang makuha niya ang atensyon ng dalawa.

Habang papunta sila ng sasakyan, nag-isip na si Zaira ng sasabihin niya. Ayaw niya naman sabihin na ninakawan si ni Ivan dahil napagtripan siya.

"Pa, sino po yung lalaking yun? Ano mo po siya?" tanong ni Asher habang nasa biyahe sila.

Sinilip niya si Athena na nakahiga sa backseat, nakatulog ito agad dahil kanina pa niya gustong humiga.

"Si Ivan, tinutulungan namin siya ng mama mo. Wala na kasi siyang magulang."

"Kailan pa?"

"Simula nung 16 years old siya, mas matanda siya sayo ng dalawang taon."

"Nag aaral?"

"Graduate na siya, kabatch niya kuya mo."

"Kilala siya ni kuya?" tanong ni Asher.

Simula nung nakitaaman doon sa Ivan na un.

"Oo."

"Katulad ba natin siya?"

Napangiti si Mr. Lundberg habang nagmamaneho saka sumagot.

"Oo."

"Ano siya?"

Gusto malaman ni Asher kung ano nilalang ito at kung malakas ba ito.

"Ano sa tingin mo?"

Napakunot ang ni Asher dahil alam niyang walang balak magsabi ang kanyang ama. Hindi naman niya alam kung ano ito dahil hindi niya kita ang kulay ng mata nito dahil sa contact lens na suot ni Ivan.

"Werewolf?"

Lumawak ang ngiti ni Mr. Lundberg ngunit hindi nito sinabi kung tama ba siya o mali.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status