Share

Chapter 11

Awkward akong tumawa at napakamot ng batok. 

Aksidenteng dumako ang aking tingin sa isang lalaking may makisig na pangangatawan. Mag isa lang ito sa kabilang gilid ng cafe. Gaya ng iilan ay nakatingin din sa akin.

"Ay sorry, tinatawag kasi ako ng juwa ko," hinging paumanhin ko. 

"Berto!" hindi na ako nag atubili pang lapitan ang lalaki. 

Kailangan kong gamitin ang pampalakasan kong arte ngayon, makisabay naman sana ito. Gulat ako nitong binalingan. 

"Ha?"

"Anong ha? Hay lab you?" I wiggled and chuckled a bit. "Ikaw naman bebe kho masyadong pinapahalatang mahal na mahal mo ako," marahan ko siyang hinampas sa balikat.

He laughed in both confusion and astonishment.

Bahagya akong nakaramdam ng ginhawa, napagtantong hindi ako ipapahamak ng lalaking ito. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang sumabay. He took a sip on his coffee and cleared his throat.

"Bebe kho, labis kitang namimiss. Araw-gabi kong hinahanap ang iyong matamis na ngiti, ang gandang walang mintis, at labing napakasarap i-kiss."

Ay makata. Umasal akong kinikilig sa narinig. Maarte pang sinapo ang bibig at muling kumislot-kislot. 

I look like a drunk worm. Diyos ko Kiesha ano ba ang ginawa mo sa sarili mo?! 

"Oh aking Berto, ikaw lang ang sinisinta ko. Pagmahahal ko sayo'y hanggang buto, atay, baga, kidney at esophagus," eksaherada kong usal. 

Tangina, ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?

"Tingnan mo nga naman at kay sarap pakinggan-" 

"Isali mo narin ang pantog at appendix Alga," puna ni Fergus sa matigas na boses. Dala nito ang in-order ko. 

He sat beside me. 

"Ito nga pala si ser Fergus bebe kho," pagpapakilala ko sa kanya. 

Nagsisimula na akong kabahan. I bit my lower lip and prayed silently. Kapag itong plano ko nasira, ewan ko nalang kung ano ang susunod na gagawin. 

"Magandang araw sir, Berto nga pala," the guy offered a hand. 

Gaya ng inaasahan, hindi ito tinanggap ni Fergus. Blankong titig lang ang ipinukol nito sa kanya. He leaned backward and crossed his arms over his chest.

"Naku, may dalaw si sir kaya walang ganang pumansin," pabiro kong usal. 

"Ayos lang bebe kho. Ganyan din naman ako minsan kapag hindi mo pinagbibigyan." 

We both laughed. Tangina, para kaming timang! 

"Ay, kailangan ko na palang bumalik sa trabaho. Kita nalang tayo ulit bebe kho," mabilis na tumayo ang lalaki at kumaway. Sandali itong nakipagtitigan kay Fergus bago umalis. 

"Mag ingat ka bebe kho!" pahabol kong sigaw at mahinang tumawa.

You are such a blessing in disguise my Berto. Hope to see you again, soon. Para naman makapagpaliwanag at makapagpasalamat ako. 

Nawala rin agad ang aking tuwa matapos mamataan ang nakakamatay na titig ni Fergus. 

"Iyon po ang juwa ko sir," nakangiwi kong sabi. 

"I see. Bebe kho huh?" he smirked. 

"Maganda po ang tawagan namin ano?" 

"Unique," tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi lang ang tawagan, pati ang mukha." 

"Gwapo sir 'no?" I laughed.

Gwapo ba 'yon? 

Well, maganda ang kanyang katawan at magaling manamit. Mabango rin ito. Kung titingnan ang mukha... Basta may mukha! 'Yon na 'yon.

"Makisig." tipid niyang sagot. 

"Gwapo nga?" 

"May ilong at mata."

Teka? Ganito rin ang pinag usapan namin kanina sa opisina niya. I bit my lower lip. Deja Vu? 

Padarag siyang tumayo. "Let's go," he put his hands inside his pants pocket and strutted outside.

"Let's go," I mocked and made faces. 

Suplado! 

-

"Maganda kayang panoorin iyang mga pelikulang binabalandra nila?" tanong ko nang mapansin ang poster ng mga bagong palabas sa cinema ng mall. 

Bigla kong naaalala ang nakasanayan namin ni ate noon. Madalas kaming magsine tuwing linggo at horror ang kadalasang pinapanood. Trip kasi talaga naming magsisigaw. Lalo na kapag stress sa klase at trabaho. 

Nagtaka ako nang biglang ihinto ni Fergus sa mismong harap ng mall ang sasakyan. He took his phone out of his pocket and type a message for someone. 

"Let's go inside," seryosong sabi nito matapos ang ilang sandali. 

"Bakit po sir?" 

Hindi siya sumagot. Bagkos ay lumabas at mabilis umikot sa aking banda. He opened the door for me. 

Ay, maginoo.

Ngumuso ako, saka lumabas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito. Baka may kikitain siya? 

I shrugged at my own thought. 

Una akong pumasok sa entrance. Tinginan agad ng iilang kakabaihan ang aking namataan. Nakatuon ang mata ng mga ito sa likod ko. May lantarang nagbubulungan, nagtutulakan sa gilid at may mapangahas pa talagang lumapit. 

"Hi Fergus!" panimulang bati nito. 

"Hi," walang ganang bati ng senyorito pabalik. 

"We're classmates before," the woman's voice became sensual. 

"Yeah, I remember."

"Kamusta ka na?" ramdam ko ang papalapit na yapak ng dalawa sa akin. 

"Perfectly fine." 

"Kita ko nga," she laughed. 

Kita mo ring walang gana makipag usap sayo ang tao, didikit-dikit ka parin. Classmates kayo noon, kaya paniguradong alam mo kung gaano kagaspang ang ugali niyan. Pero ito ka, nanlalandi. Naku, kurutin ko iyang singit mo e! 

If only I could say that.

Binilisan ko ang aking paglalakad. Ayokong makasabayan sila. Bahala nang mawala sa malaking mall na ito, alam ko naman ang daan pabalik sa tahanan ng mga Da Silva. Keysa makinig sa usapan nila at sa boses ng babae. 

"Excuse me?" 

Mabilis akong napalingon sa babaeng kilalang-kilala ko. Tingnan mo nga naman, sa lahat ng lugar, dito ko pa pala talaga siya makikita ulit. Pinagtirik ko na ito ng kandila noong nakaraang taon ha? Masamang damo nga naman, matagal mamatay. 

Pasimple akong umiling at humalukipkip. 

"Bakit?" 

"You look like someone I know. Minus the hair and eyes," maarte nitong sabi, saka pinasadahan ako ng tingin. "You had the same built and aura. Hmmm..." hinimas nito ang kanyang baba. 

Nagsisimula na naman akong kabahan. Tumindi pa nang maramdaman ang presensya ng senyorito sa aking likod. Akala ko ba tapos na ang problema ko ngayong araw? Kailan ba ako tatantanan nito. 

"You must be Kiesha Amira...In disguise, perhaps?" walang pakundangang sabi nito. 

Marahas akong napasinghap. Noon pa lang ay panira na talaga siya ng plano ko! 

Masaya na sana ako noong magtapos kami ng pag-aaral dahil hindi ko na siya muling makikita. Ngunit pinahinga lang pala ako sandali ng tadhana. I fisted and let out a soft curse. Damn you! Mukhang siya ang unang mapapatay ko.

"Ay, baka nagkakamali ka po ma'am. Ako po si Alga Putangina," mahinahon kong sabi. Taliwas sa totoo kong nararamdaman, kating-kati na akong kalbuhin ito. 

Tangina ka talaga!

"You're cursing me?" eksaherada itong napasinghap at maarteng sinapo ang dibdib.

"Hindi po ma'am. Apilyedo ko po iyan...Putangina," bahagya akong yumuko.

Wala na akong ibang maisip na apilyedo e. Galit na galit ako noong ilagay iyan sa application letter at bio-data na ipinasa kay ate Maria. Nailagay ko na, mahirap nang bawiin. Pati sa pinagawa kong fake na birth certificate ay 'yan na rin ang ginamit ko. 'Diba, apilyedo pa lang nagmumura na. Pati si Fergus napapa-putangina. 

"Really? Ngayon ko lang 'yan narinig," napalitan ng gulat ang inis sa mukha nito.

"Kakaiba po talaga ang pangalan ko ma'am," bahagya akong tumawa. 

Mula sa akin, lumipat ang kanyang tingin sa aking likod. Ganoon nalang ang pagngiti nito at pagkislap ng mga mata. 

Ipinihit ko ang aking katawan paharap kay Fergus. His serious eyes went through me, nakanguso ito pasimple ang pagtagis ng bagang. 

Hinanap ko ang babaeng kausap niya. Nasa malayo na ito ngayon, kasama ang mga kaibigang iniwan kanina.

"Who is this-" 

Mabilis kong hinarang ang aking katawan nang akmang lalapitan ni Eden ang senyorito. Hindi ko siya hahayaang mapalapit sa demonyo, paniguradong aakitin niya na naman ito. Bagay na minsan niyang ginawa sa dating boyfriend ko. Not my evil boss!

"Ma'am bawal po siyang hawakan ng ahas."

Pinandilatan niya akong ng mata. "Anong ahas?!"

My eyes travelled down to her shirt. A snake was imprinted on it. Well, bagay na bagay lang sa nagsusuot.

"Allergic po si sir sa ahas," I added.

Eksaherada na naman itong napasinghap at masama akong tinitigan.

"Well, hindi nga talaga ikaw 'yong kilala ko. Maarte kasi 'yon si Kiesha at pabebe," hinawi niya ang kanyang ngayo'y mahaba nang buhok.

Ako naman ngayon ang nagulat. 

How dare you?! Hindi ako maarte, at mas lalong hindi pabebe!

Kung wala lang talaga si Fergus kanina ko pa siya sininghalan. Pasalamat siya't may ikinukubli ako. Swerteng araw niya ngayon.

"Ibigay mo nalang ang number-"

"Ma'am hindi rin po basta-bastang nagbibigay ng numero si sir," I cut her off. 

Bahagya akong napaigting nang maramdaman ang kamay ni Fergus sa aking baywang. 

"I am so sorry miss, but we have to go," he said coldly. "Excuse us," marahan niya akong hinila palayo sa bruha. 

Pasimple ko itong nilingon at inirapan. Hinding-hindi ka mananalo sa akin gurl!

"You know her?" nagdududang tanong ng senyorito nang tuluyan kaming makalayo. 

"Hindi," mabilis kong sagot.

Eden Ignacio, my greatest rival in high school and college. Unang kita ko palang sa kanya noon alam kong hindi na kami magkakasundo. She has this bitchy aura everyone would hate to see. Kilala siyang mang-aagaw ng boyfriends ko at gaya-gaya sa halos lahat ng aking ginagawa. Kahit anong gawin nito, hinding-hindi niya ako malalamangan. Sa ganda palang talong-talo na siya. 

"Saan po tayo?" pag iiba ko sa usapan.

"Sa sinehan," prente niyang sagot. 

I couldn't help, but to think about what happened earlier. Alam kong narinig niya ang sinabi ni Eden. Mabuti lang at hindi niya na ibinigkas pa pati ang totoong apilyedo ko, paniguradong mabibisto na talaga ako. My surname once became a trend, naging usap-usapan ito ng karamihan noon dahil sa nangyari kay ate, imposibleng hindi ito natatandaan ni Fergus, lalong-lalo na't kasali pa sila sa balita.

"Tayo lang dalawa sir?" painosente kong tanong.

"Bakit, may iba pa ba tayong kasama? May nakikita kang hindi ko nakikita Alga?" he sarcastically asked. Kasunod ang lantarang pag ismid. 

"Wala po. Ano po ang meron sa sinehan sir?" muli kong tanong.

"General meeting. Kaya tinawag na sinehan dahil may meeting na gaganapin doon. Isali na rin natin ang seminar, prayer meeting at bible study, " iritadong sagot nito. 

Iba ang naiisip ko sa sinabi niya. General meeting of bodies. Alam ng ibang magkasintahan ang bagay na iyan, lalo na 'yong madalas pumwesto sa madilim na parte. Seminar...siyempre mag-uusap muna 'yan sila sa mga bagay-bagay. You know, the best position. Prayer meeting and bible study. May ibang basta-basta nalang mapapatawag sa mga kilalang santo dahil sa sarap for sure. 

Natawa ako sa sariling naisip at lihim na napailing. Ang lala ko na, pati ang ganyang bagay ay binibigyan ko ng ibang kahulugan. 

"Ganoon po ba?" pagmamaang-maangan ko at ngumuso. 

Natatawa niya akong binalingan. He bit his lower lip and shook his head.

"My God Alga, hindi ko na alam kung ano ang gagawin sayo."

"May gagawin ko pa sir?" sinapo ko ang aking dibdib at marahas na lumayo rito. Kunwari natatakot sa kanya.

Marahas siyang napabuntong hininga, nagkibit balikat, saka tumalikod.

"Damn this woman!" I hear him said. 

Lihim akong natawa sa reaksyon nito. Ngumisi ako at pasuray-suray na naglakad palapit sa kanya. Agad itong umiwas, mabilis na naglakad palayo. Hindi naman ako tumigil sa kakasunod. 

Ngayo'y naghahabulan na kami sa gitna ng mall.

Mamaya ko na iisipin ang maaaring pagdududa nito sa narinig kanina. Mambibwisit muna ako ngayon. 

"Dude!" isang maputing lalaki ang biglang sumalubong kay Fergus. Mabilis na pinagsangka ng mga ito ang kanilang kamao. 

"Haven't seen you for a while man."

"You know business, I'm glad you finally got here." 

Tahimik kong pinasadahan ng tingin ang lalaki. 

He looks masculine in his high fade pompadour hairstyle. He was wearing contrast stripes long sleeve, grey check joggers, and white lace-up sneakers. His feature was a bit soft compared to Fergus. Magkasing-laki lang ang katawan nila, ngunit matangkad ng konti ang senyorito. They look like a model in one frame. 

Ngayon ay kumbinsido na akong gwapo lang ang kinakaibigan ni Fergus. Kaya pala hindi pumasa sa kanya kanina si Berto ko. Hindi naman sa sinasabi kong pangit iyon, at least maganda ang katawan. Papasa parin siya sa taste ko. Mas gusto ko nga iyong ganoong klaseng mukha, exotic hindi basta-bastang inaagaw. 

"Manonood ka talaga ng sine?" biglang napatingin sa akin ang lalaki. "Who's this-"

"Alga po," mabilis kong inilahad ang aking kamay sa kanya. 

He was the exact definition of my taste. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa na kilalanin siya. Minsan lang mangyari ang ganitong oportunidad. Marupok na kung marupok. Normal lang naman ito. Humans are marupok in nature. 

"Damien," pormal nitong sabi sabay abot sa kamay ko.

I found my match! Papakasalan ko ang taong ito pagkatapos ng lahat. Kung saan-saan pa ako naghanap, nandito lang naman pala siya. My gaze went to Fergus. Nandito lang...

Humalukipkip ang senyorito at tinaasan na naman ako ng kilay. 

I smiled sweetly at him, ayaw bitawan ang kamay ng kaibigan. 

"May girlfriend ka po sir?" 

"Wala. Pero asawa meron."

Mabilis kong nabitawan ang kamay nito at dismayadong napangiwi. Akala ko pa naman tamang tao na. 

"Sorry po," mabilis akong yumuko saka tumalikod. Nakakahiya...

"Where are you going Alga?" natatawang tanong ni Fergus.

"Sa sinehan po," walang lingon kong tugon.

"Hindi diyan ang daan."

Nakayuko akong bumalik, saka nilampasan ang dalawa.

-

"I'll go for action movie."

"Seconded," si Damien. Sasabay siya sa aming manood ngayon. Nauumay daw kasi ito sa opisina niya na nasa huling palapag lang ng mall na ito.

"Romance comedy ang gusto ko," ngumuso ako. 

"Majority ang action movie," nakapamaywang akong hinarap ni Fergus. 

I bit my lips and looked around. Baka may pwede kaming gawin ukol sa bagay na ito. Eksaktong huminto ang aking mata sa palaruan. Mabilis akong napaayos ng tayo, isang ideya ang biglang sumagi sa isipan. 

"Hinahamon ko kayong dalawa ng tetris," matapang kong sabi sa kanila. Nakapamaywang ko ring hinarap si Fergus. 

"Kung isa sa inyo ang mananalo, sa action movie tayo. Pero kung ako ang mananalo, sa romance comedy naman tayo," I added.

"Game," mabilis na sagot ni Damien. Bahagya pang napangiti.

"Para kang bata!" singhal ni Fergus, kapagkuwa'y padabog na tinungo ang palaruan. 

Nahiya naman ako. Siya nga itong inunahan kami. Kunwari pang hindi nagustuhan ang ideya ko. 

-

"Sinabi ko naman sayong galingan mo," nanlulumong sabi ni Damien.

"I did. Ikaw nga itong mababa ang score sa atin," mabilis na sagot ni Fergus habang inaabutan ako ng tissue. 

Kasalukuyan silang nagbabangayan sa kasagsagan ng palabas. Parehong hindi makapaniwala sa pagkatalo. Naaalala kong napuna ng malulutong na mura nila ang laro. Pinagtinginan na nga kami kanina. Sino naman kasi ang mag-aakalang sa laki ng katawan ng mga ito, tetris lang pala ang katapat. Parehong nakanguso ang dalawa na lumabas sa palaruan. Ayaw pa nga sanang tumigil. Parang bata pala ha...

My phone beeped. Kahit hindi tingnan alam kong may bagong mensahe na naman si Gee. Pasimple kong kinuha ang telepono sa aking bulsa at binasa ang text niya.

'Kasama mo si Fergus?'

Mabilis akong nagtipa ng mensahe.

'Yeah' 

'I got news for you'

"Who's that?" 

Muntik ko nang matapon ang aking telepono sa gulat. The devil's blood shot eyes bore on me, then to my phone.

"I saw my name. Whom are you texting?" mas dumilim pa lalo ang tingin nito. 

"A friend," mahina kong sagot.

"A friend..." ulit niya, kasunod ang malokong ngiti. "I know," dugtong pa nito. 

Alam niya? Ano ang alam niya? No way! 

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status