Share

Chapter 10

Author: _Rannie_
last update Huling Na-update: 2020-10-10 13:35:38

"Sir, kapag ito ba binasag ko magagalit ka?" pabiro kong tanong kay Fergus habang hinihimas ang mamahaling vase na nakapatong sa maliit na mesa.

Tapos na ako sa pinapagawa nito. Bukod sa sanay na, tanda ko rin kung paano gamayin ni ate ang mga disenyo niya at kung ano ang mga gusto nitong gawin para mas lalo pang gumanda.

Wala na akong ibang magawa ngayon bukod sa punahin ang mga nakikita. Umupo ako sa sofa at umakmang itutulak ang vase, ang mapanuyang tingin ay nakadirekta kay Fergus.

Ibinaba nito ang telepono, saka walang gana akong binalingan. Sinuklay nito ang ngayo'y medyo mahaba nang buhok gamit ang mga daliri at marahas na bumuntong hininga.

"Try it," panghahamon niya.

I tried pushing the vase. "Sigurado ka sir?"

Humalukipkip ito, nagdidilim na ang mata. "Just make sure you're good at running Alga. Come on, try it." 

Bahagya akong tumawa, kapagkuwa'y lumayo. Kanina pa ito naiinis sa pinanggagawa ko. Kahit noong may kausap siya sa telepono ay patuloy pa rin ako sa pang iinis. Namiss ko ito e, ilang araw ko ring hindi nagawa sa kanya. 

My phone beeped. Agad ko itong dinukot sa bulsa. Mensahe mula kay Gee ang una kong nakita. 

'I hacked into the Moralde's CCTV.' 

Mabilis nawala ang ngiti ko. Umayos ako ng upo at agad nagtipa ng reply para sa kanya. 

'Then?' 

I asked her to do this for me. Gusto kong malaman kung sino kina Fergus at Spencer ang umalis noong araw na binangga si Dominic. 

'Hindi umalis si Fergus noong oras na iyon. He was just talking to his friends near the shore.'

Pasimple kong binalingan ang senyorito. Mataman itong nakatitig sa akin, nakataas pa ang isang kilay. 

'Spencer went out, kasunod si Algus, saka ang mga magulang nila. Parehong itim na SUV ang ginamit ng mga ito.'

I bit my lower lip and leaned backward. 

Parang ang hirap naman yatang alamin kung sino sa mga ito ang bumangga sa drayber ng truck noong araw na iyon. 

I tilted my head to the other side. Nagkataon lang bang pare-pareho pa sila ng sasakyan o sinadya? 

"Whom are you texting?" 

"My- Juwa ko po," muntik na akong madulas. 

"Juwa?" his brows furrowed. 

"'Yong boypren po sir."

Muli akong nagtipa ng reply para kay Gee. 

'How about the days Fergus wasn't with me? Ano ang mga ginagawa niya?' 

"May boyfriend ka?" the devil got up from his sit, then strutted towards me. 

Ano pong problema doon?" nagtataka kong tanong.

Umupo ito sa kaharap na sofa, ipinatong ang mga siko sa hita at pinagdikit ang mga daliri. 

"Who?" he eyed me grimly. 

"Po?"

My phone again beeped. Ngunit hindi ko ito magawang tingnan dahil sa presensya ni Fergus.

"Sino ang juwa mo?" he emphasized the 'Juwa', kinopya pa ang paraan ng pagsasalita ko.

My lips twisted, suppressing a laugh. Ramdam kong natatawa na rin ito sa ginawa, ngunit katulad ko'y nagpipigil lang din. 

"Si Berto po sir. Siya po ang pinakamakisig sa baryo namin. Maalaga, mapagkumbaba, maaasahan, at mabango. Madalas ko ngang amuyin ang kili-kili non," nakangiti kong usal. Sinadya pang pakinangin ang mga mata para talagang maging katotohanan ang sinabi. 

Naku, kung sino ka mang Berto ka pasensya. This is a matter of life and death, pahiram muna ng pangalan. 

"Gwapo ba?" he shifted on his position.

"Makisig po."

"Gwapo nga?"

"Maganda ang katawan."

"Gwapo?"

"Kumpleto ang mukha. May mga mata, ilong, bibig...Ang importante po ser tao," itinaas-baba ko ang aking kilay.

Ngumuso siya, saka pinatong ang mga braso sa sandalan ng sofa. He then crossed his legs and played with his lips. He looks like a proud king sitting on his throne. 

Naalerto ako nang biglang tumunog ang aking telepono. I let out a soft curse as I saw Gee's name. Maling pagkakataon naman talaga o, bakit ngayon pa? I am torn between answering the call or let it slide. Hindi ko kayang sagutin ang kaibigan ko habang kaharap ang kalaban.

"Answer it," Fergus said in hard baritone.

"Ano po sir?" 

"Sagutin mo."

Mabilis akong tumayo upang sanay lumayo ng konti sa kanya, but he growled heavily. Agad akong bumalik sa aking pwesto at umayos ng upo. This is hard!

Namatay ang tawag, ngunit hindi ako nagpakampante. Ilang sandali lang ay muli na namang tumunog ang telepono. I stared at Fergus for a moment before answering the call. 

"Bakit ka tumawag be?" bungad na tanong ko. 

"Anong be?" nagtatakang tanong ni Gee pabalik.

"Sabi ko naman sayo na nasa trabaho ako 'di- Gusto mo akong makita? Eeeeh..." umarte akong kinikilig, impit pang tumili.

"What the hell are you talking about Kiesha?!" hindi maikubli ang namumuong tensyon sa boses ng naguguluhang kaibigan. She just doesn't get it. 

Lihim akong napairap. Tangina 'to, bakit hindi niya nalang kaya gamitin ang utak niya 'diba? Mas mapapadali ang usapan kung makikisabay siya.

"Naligo ka? Ayieee...mabango na naman ang kilikili niya," humagikhik ako. Totoong natatawa na ako sa lahat ng aking pinagsasabi. Ang gago lang talaga ng pinili kong salita, hindi ko naman pwedeng bawiin.

Bahagya akong tumagilid upang iwasan ang matamang titig ni Fergus. It was too intense to ignore! 

"Bakit? Ano ba ang nangyari noong isang araw?" 

Ilang sandaling natahimik si Gee sa kabilang linya.

"Oh fuck! I got it," natatawa nitong usal matapos ang ilang sandali.

I sighed in relief. Finally!

"So as what I have seen from the CCTVs I've hacked..." she cleared her throat. "Madalas na napapadako si Fergus sa isang sikat na club diyan."

"May kasama ka?"

"May madalas siyang kausap na isang babae. She's tall, thin, pretty, and white."

Siya yata iyong babaeng pumunta sa condo ni Fergus noon. I bit my lower lip. Seryoso na siya rito? They're dating for real?!

"Tapos? Saan pa kayo pumunta?"

"Minsan ay sa opisina niya lang ito namamalagi, sandaling dadaanan si Dominic sa ospital, pagkatapos ay uuwi. Wala namang mali sa ikinikilos niya..."

"Sigurado ka be?" eksaherada kong tanong. 

Paanong wala? Maybe he hired someone to execute the crime? Matalino ito, paniguradong naisip niya nang papaimbestigahan siya. Kaya para hindi mabisto ay sinusubukang kumilos ng normal. Kagaya lang din ng ginagawa ni Spencer, hindi rin ito makitaan ni Gee ng pagkakamali. Paniguradong nakaplano na lahat ng kilos nila. 

Wala sa sarili kong pinisil-pisil ang aking mga daliri.

"I'll try to dig in further. Agad kitang tatawagan kung ano man ang makita ko."

"Huwag kapag may trabaho ako be. Baka magalit ang amo ko," I slowly turned to Fergus.

His brows shot up. Kagat-kagat na nito ngayon ang kanyang daliri.

"Sabihin mo kasi agad na kasama mo si Fergus!"

"Oo na. Babye! I lab you," I giggled.

"I lab you too bebe kho." 

Pareho kaming natawa sa sagot niya.

"Gross!" she added. Nahihinuha kong nakangiwi na ito ngayon sa pandidiri. 

"Oo nga e. Sige," ako na mismo ang pumatay sa tawag. Kapagkuwa'y muling umayos ng upo saka pasimpleng tumikhim.

"Nice," walang ganang usal ng senyorito bago tumayo at bumalik sa kanyang mesa. He then started reading the documents he have left, hindi na muli pang itinuon ang pansin sa akin. 

Mabuti at nairaos ko iyon. I took a deep breath and closed my eyes. 

Who among you is the real culprit? Damn! ang galing niyo rin talagang magkunwari.

-

"Sir, pwede po bang bumili ng kape sandali?" nagdadalawang isip kong tanong. 

Wala na talaga akong ibang magawa. Kung hindi aalis ay paniguradong guguluhin ko na naman si Fergus. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung makikisabay pa ba siya. 

Ibinaba nito ang kanyang hawak na panulat, saka pinindot ang buton na konektado lang sa mesa ng sekretarya. Seconds after, his secretary went in. Una akong binalingan nito, kapagkuwa'y ang amo. 

"Yes sir?" tanong nito sa mahinahong boses. 

"She wants coffee. Buy her one-" 

"Ako na po sir," putol ko sa sasabihin ni Fergus. 

His cold eyes darted on me. Pabalya itong tumayo, dinukot ang susi ng kanyang sasakyan, pagkatapos ay naglakad patungo sa pinto. 

"Aalis kami," he said in monotone. 

"Babalik pa kayo sir?" nag aalalang tanong ng sekretarya. 

"Hindi na. Ikaw na ang bahala rito," una siyang umalis.

Nagdadalawang isip ako kung susunod ba rito o ano? Bakit ba ayaw niya akong hayaang mag isa? Wala naman akong ibang gagawin. Gusto ko lang lumabas dahil nauumay ako rito sa opisina niya.

"Alga," he bawled.

Mabilis akong tumayo at lumabas na rin. Naabutan siyang nakasandal sa pader, ang mga kamay ay nasa bulsa ng suot na pantalon. Nakanguso at diretso lang ang tingin sa mga abalang empleyado.

He looks like a model, in coat and tie. Tila nasa isang photoshoot ito, currently striking a better pose for the best shot.

Itinaas ko ang aking telepono at binuksan ang kamera. Pasimple ko itong kinunan ng litrato. Bahagya pang natawa ang sekretarya niya nang maabutan ang aking ginagawa. 

"Gwapo ma'am 'no?" pabulong nitong tanong. 

"Bet mo?" 

"Hindi. I'm married," she confidently showed me her wedding ring. Kumikinang ito sa ganda. Silver at pinapalibutan ng maliliit na dyamante. Elegante ang asawa nito panigurado, halatang mamahalin ang singsing e.

Ibinaba ko ang aking telepono. 

"Bakit dito mo naisipang magtrabaho, hindi ka ba napapagod sa utos at ugali niyan?" tinuro ko ang senyorito. 

"Hindi naman palautos si sir. Sobrang bait niya nga e," she smiled sweetly.

"Sure ka?" I tilted my head to the other side. 

"Ni minsan ay hindi niya ako pinagalitan, kaya nahihirapan akong iwan ito," she took a deep breath. "Ang plano ko sana ay umalis na sa trabaho para ituon ang pansin sa asawa ko at sa magiging anak namin. Kaso wala akong mahanap na tamang kandidata para pumalit sa aking puwesto." 

"You must be doing a very great job. Iba ang Fergus na kilala ko sa sinasabi mo," inayos ko ang aking medyo nagulong buhok. Bukod kay Gee, ngayon lang ako naging kumportableng makipag usap sa iba. 

"Mukha lang siyang suplado at walang pakealam but believe me, he was a good man-"

"Sinabi ko bang magkwentuhan kayong dalawa?" 

Pareho kaming napalingon sa senyorito. Masamang titig ang ipinupukol nito sa akin, nakaigting ang panga, nakataas pa ang isang kilay. 

Hindi ko talaga mahanap ang mabait na Fergus na ibinibida ng sekretarya niya. Pinakain niya yata ito ng gayuma. 

"Ano nga pala ang pangalan mo?" isinawalang bahala ko ang kanyang nakamamatay na awra. Sanay na ako e.

"Alga," may halong pagbabanta na ngayon sa boses nito. 

Lihim akong umirap, saka marahas na napabuntong hininga. 

"Opo. Pasensya na po sir," tumungo ako, bagsak ang dalawang balikat na lumapit sa kanya. 

Ramdam ko na naman ang tinginan ng mga nagtatakang empleyado. May isang pang lantaran akong pinasadahan ng tingin. 

I am wearing the balenciaga shirt he gave, acid washed skirt and brown peep toe sandals. Hinayaan kong nakalugay ang aking wig, hinawi ito at unang pumasok sa elevator. 

Tahimik naman siyang nakasunod. Sa loob ay wala kaming imikan. Halos marinig ko na nga ang pintig ng puso naming dalawa. Hanggang makababa sa basement ay ganoon pa rin. Natigil lang nang mapansin nitong sa ibang direksyon ako papatungo.

"Saan ka pupunta?" he eyed me annoyingly. 

"Sa labas. Mata-taxi ako," walang gana kong sagot. 

"Get in the car," maawtoridad nitong utos. 

"You don't fuckin let your fucking slave hop inside your car po 'diba?" matapang kong sabi, inaalala ang ibinulyaw niya noon. 

Bahagya itong nagulat sa narinig, umawang ang bibig at hindi ako makapaniwalang tinitigan. 

"Tinandaan ko lang po iyong sinabi mo noon sir," pagdadahilan ko. "Pero hindi ko po maintindihan 'Yong fucking-fucking," hinimas ko ang aking panga at nagkunwaring nag iisip. 

He bit his lower lip, with eyes filled with menace and lined with indefinable emotion. 

"Pumasok ka na rito Alga," he opened the car's door for me. Bagay na hindi naman nito ginagawa. 

Ngumuso ako at nakabusangot na bumalik para sundin ang gusto niya. I am actually trying to act pissed. Kahit ang totoo'y napapangiti na ako sa simpleng ginagawa nito. 

"That's Jeah," sabi nito nang makapasok na rin sa sasakyan. 

"Po?" 

"My secretary. You wanna know her name right?" 

Hindi ako sumagot, bagkos ay umiwas ng tingin. 

Jeah... 

I really like her! 

Dumiretso kami sa isang cafe, malapit lang sa mall. 

"One cappuccino please."

Nasa malayong dako nakapwesto ang senyorito, tahimik na pinapasadahan ng tingin ang mga sasakyang dumadaan. I am safe being me. Nakakasura rin talagang umarteng si Alga minsan. Sobrang taliwas sa ugali nito ang totoong ako. 

"Can I have your name ma'am?" nakangiting tugon ng isang lalaki. 

"Keish- I mean Alga,"I smiled at him back. 

"Okay ma'am, make yourself comfortable first. I'll just get your order." 

Tumango ako, saka pumwesto sa gilid lang ng counter. Hindi na nag abala pang lumapit kay Fergus, tatayo rin naman ulit para kunin ang in-order. 

"Kiesha!" biglang tawag ng isang crew.

"Yes," sabay naming sagot ng babaeng may maigsing buhok.

Nagkatitigan kaming dalawa, parehong gulat. Ngunit mas lalo na ako matapos mapagtantong hindi nga pala Kiesha ang ibinigay kong pangalan sa crew.

Nasapo ko ang aking bibig at dahang-dahang napalingon kay Fergus. Ganoon nalang ang malakas na pagtibok ng aking puso at pagsilay ng kaba sa sistema nang mamataan ang nagdududang titig nito. Lihim akong napamura saka tumungo. 

This might be my end. Shit! 

***

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Body In Exchange    Epilogue

    "A single lie discovered is enough to create doubt in every truth expressed, "-Life Hacks.Today is the day we are finally closing ties...For the business, of course!Aaminin kong lubos na naaapektuhan sa pakiusap nito. I used to love him, I actually still do. Hindi naman talaga siya nawala sa puso ko. Palagi siyang nandito, nag-iisang nakaupo sa trono.I once consider giving him my trust again, kahit imposibleng mabuo pa ang basag na parte. Pero naalala kong may desisyong nakaukit na pala sa isipan. At hindi na ito magbabago."You are finally getting married," bulong ni dad, habang naglalakad kami papunta kay Fergus."For the business," pagtatama ko rito.I silently scanned every details of my groom's face. I saw love and pain on his eyes as his gaze travelled down to my body. Tipid siyang ngumiti, maging ang mapangahas na

  • Body In Exchange    Chapter 50

    "Nasaan ka na?""Nasa aiport pa, kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko," mabilis na sagot ni Gee sa kabilang linya.I parked my lambo right in front of AF Enterprise's entrance. Isang valet ang agad dumalo. He opened the door for me and bowed a little."Good morning ma'am," he said in baritone.I shamelessly checked him out. Hair in clean cut, handsome face, masculine, tall and formal. He can be a model.Siguro ay bago pa lang siya sa kompanya, hindi ko ito napansin noong huling beses na naparito."Hey, are you still there?"Oh, I almost forgot my bestfriend."Yes, I am. Magkita nalang tayo sa club mamaya. May meeting pa kasi akong dapat daluhan. But don't worry, I sent someone there to fetch you.""Just make sure he's as handsome as my Zi."

  • Body In Exchange    Chapter 49

    "I want you to investigate on someone.""Wala man lang hi, how are you? Diretso utos agad? Tauhan mo ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Lorie sa kabilang linya.I met her at a club last week. Aksidente nitong nasabing isa siyang secret agent. Now, I am taking advantage of her skills."I'll pay you, don't worry.""Game! What I can do for you master?""Imbestigahan mo ang bagong tagasilbi namin. Ipapasa ko ang ibang detalye tungkol sa kanya," wala sa sarili kong kinagat ang aking hintuturo. I parted my legs wider and leaned backward."Ano ba ang napapansin mo sa kanya?""I saw her searching something on my room last time..."Muling bumalik sa aking alaala ang ginawa nito noong unang beses na tumapak sa kwarto ko. She saw me making out with Bella, pero hindi man lang natakot nang sigawan

  • Body In Exchange    Chapter 48

    *Fergus Da Silva*"Mabuti naman at nandito ka na. Palagi ka nalang late."Everyone's eyes darted on me. I licked on my lips and stared at Spencer coldly as I racked my fingers in my hair.Dumiretso ako sa tabi nito."It's better late than never.""As expected, may bago pa ba sa isang Fergus Da Silva?" si Kianna.Nagkatitigan kaming dalawa."Wala na," nagkibit balikat ako."Tutal, nandito na naman siya. Magsimula na tayo," anunsyo ni Ayesha, a common friend.Nagkasundo ang lahat na mag usap tungkol sa gagawing bakasyon. We are going to Isla Carmella this time. I don't know some details about the place, wala naman din akong pakialam. As long as I can have fun and can at least let my frustrations out, it's all that matters. Works and business has been stressing me out lately, I badly needed a t

  • Body In Exchange    Chapter 47

    "Nakasunod na po sila.""As expected, si Fergus 'yan e. Maghanda kayong lahat, huwag niyong hahayaang makatapak sila rito."Nagmamadaling nagsilabasan ang mga tauhan. Iniwan kaming dalawa ni Argus sa cabin ng kanyang yate. Nakatutok sa akin ang baril nito. Isang maling galaw, siguradong diretso sa ulo ko ang bala."Ang kalmado mo naman yata?" puna niya."Alangan namang magsisigaw ako rito, para saan pa't hindi mo rin naman pakikinggan," I rolled my eyes.Nandito na ako nang magising kanina. Nakatali ang mga kamay at paa, pinapalibutan pa ng mga pangit na alagad niya.Narinig kong nagkabarilan pa bago tuluyang makatakas ang grupo ng kalaban kasama ako. Gaya nga ng aking nahihinuha, walang kaming sapat na lakas kumpara sa kanila."No wonder why my brother chose to fight for you. Kakaiba ka naman pala," he smiled evilly."You're

  • Body In Exchange    Chapter 46

    "Bakit ang tahimik mo?" pabalya kong itinumba ang katawan sa lounger."Tanga, ikaw nga itong kanina pa tahimik diyan.""Ako ba?""May ginawa siguro kayo ni Fergus sa dark room kaya ka nagkakaganyan," itinaas baba niya ang kanyang kilay. "Nabitin ba?"Now I'm convinced, my bestfriend is back! Ganyan na ganyan siya kadiretsahan magsalita. Katulad ko lang.Hindi siya tulala, gaya ng kwento ni Zi at mas lalong hindi nanghihina.The Geline in front of me now, was the same woman I've known for years.Nagpapahinga lang pala ito sa gilid ng pool. Kaya hindi ko nakita sa kahit saang kwarto. Kung hindi pa dumako rito'y siguradong hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako."Walang nangyari 'no!" singhal ko."Narinig ko sa mga tagasilbi na may kinabukasang natamaan ka raw sa labas," s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status