Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 61

Share

Bon Appetit CHAPTER 61

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-03-20 19:17:33

Sa likod ng mansiyon, sa dilim ng gabi, nakasandal si John sa pader. Ramdam niya ang bawat pintig ng puso niyang parang sumisigaw sa sakit. Ilang beses siyang huminga nang malalim, pinipilit kalmahin ang sarili… pero hindi na niya kaya.

"John," tawag ni Irene mula sa likod niya.

Hindi siya kumilos.

"Anak," muli niyang sambit, mas malambot ang tinig ngayon. "Hindi mo kailangang takasan lahat."

"Pero gusto kong takasan, La," garalgal ang boses ni John. "Gusto kong mawala na lang. Parang wala akong bigat na dala."

Lumapit si Irene, marahan siyang hinawakan sa balikat.

"Hindi mo pwedeng takasan ang konsensiya mo. Kahit saan ka magtago, kakainin ka niyan."

Napatingala si John. Dumaloy na ang luha sa kanyang pisngi.

"Alam ko, La… alam kong mali ako… Pero bakit parang hindi ko alam kung paano itama?"

"Anak… lahat ng sugat, may gamot. Pero hindi mo kailangang mag-isa."

"Bata pa lang ako… ang bigat-bigat na ng mundo ko," tuluyang bumigay ang boses ni John. "Palagi akong pinipilit maging perpek
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 62

    "Pero…" huminga siya nang malalim. "Fortuna, kung sa loob ng dalawang taon… kahit anong gawin ko… kahit anong subok… hindi kita kayang mahalin…"Naglakas-loob siya, kahit ramdam niyang dudurugin niya ang puso ng babaeng nasa harap niya."Sana… palayain mo ako."Napalunok si Fortuna, nanginginig ang labi, pero wala siyang maisagot."Pakawalan mo ako… kung wala na talagang pag-asa. Kaya mo bang gawin iyon, Fortuna?"Tumulo ang mga luha niya, isa-isa. "Kaya ko…" mahina niyang sagot, halos hindi marinig.Pero hindi pa doon nagtapos si John. Mas matapang pa siyang nagpatuloy."Kaya mo bang huwag akong pakialaman sa lahat ng gagawin ko? Kaya mo bang hayaan akong… maging ako, kahit hindi mo gusto? Kaya mo bang manahimik kung minsan hindi ako uuwi? Kung minsan… hindi ikaw ang pipiliin kong kasama?"Napapikit si Fortuna. Parang pinupunit ang puso niya. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanong kung bakit ganun kabigat ang hinihingi nito. Pero sa halip, tumango siya habang tumutulo ang luha."

    Last Updated : 2025-03-20
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 63

    Lumipas ang ilang minuto, bumaba si John. May dala siyang maliit na kahon."Ito… mga gamit mo. Sa kwarto sa kanan ka.""Ano naman ang kwarto mo?" mahinang tanong ni Fortuna."Sa kaliwa."Parang sinaksak ang dibdib niya. Magkaibang kwarto. Magkaibang mundo."Sige…" tangi niyang nasabi."Fortuna," tawag ni John bago siya umakyat ulit.Napalingon siya, umaasang may mabuting sasabihin."Huwag mo akong hintayin sa hapunan. Madalas akong gabi na kung umuwi. Gawin mo lang kung anong gusto mong gawin. Ayokong may umaalipin sa akin sa bahay na ‘to."Tumango siya, kahit hindi niya kaya.Pag-akyat ni John, durog na durog ang puso ni Fortuna.pakiramdam ni Fortuna ay tila sinaraduhan na siya ng mundo. Wala siyang ibang kasama sa loob ng malaking bahay na iyon kundi ang sarili niyang pangungulila at tahimik na pag-iyak.Samantala, pagpasok ni John sa kwarto, nag-ring ang telepono niya.Si Senyora.Napapikit si John, saglit na nagdalawang-isip, pero sa huli — sinagot niya ito."John," malamig na ti

    Last Updated : 2025-03-20
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 64

    Kinabukasan, mas maaga kaysa dati nagising si Fortuna. Kahit halos hindi siya nakatulog mula sa pag-aalala sa hindi pag-uwi ni John, pinilit niyang bumangon. Dumiretso siya sa kusina at nagsimulang magluto.Inihanda niya ang lahat—ang paborito nitong tapa, itlog na maalat na may kamatis, mainit na sinangag, at kape na matamis. Sinubukan niyang gawing maaliwalas ang buong bahay. Nilinis niya ang mesa, inayos ang mga bulaklak sa plorera, at inilagay pa ang paboritong tasa ni John sa tabi ng kanyang plato."Tulad ng dati," mahina niyang bulong, pilit na ngumiti sa sarili.Ngunit dumating ang umaga… tanghali… hanggang hapon… wala pa rin si John na bumaba o nagpakita.Sinilip niya ang pinto ng kwarto nito. Nakalock. Walang boses.Huminga siya nang malalim at bumalik sa kusina. Ininit niya muli ang pagkain. Naghintay.Hanggang sa dumilim na ang paligid.Pagdating ng gabi, saka pa lang niya narinig ang pagbukas ng pinto sa labas.Dumating na si John.Narinig niya ang mabigat na yapak nito, p

    Last Updated : 2025-03-21
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 65

    Maya-maya, bumukas ang pinto.Humarap si John, malamig ang mga mata."Fortuna… hanggang kailan ka magpapakatanga? Hanggang kailan ka magpapaka-martir?"Napakurap siya."Ako ang asawa mo, John.""Sa papel… oo. Pero sa puso ko… iba.""Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon kahit paano? Kahit kaunti lang na pagtingin?""Hindi ko kayang mahalin ka alam mo yan Fortuna, wala ka lugar sa puso ko yun ang totoo, ang kasal natin ay walang kahulugan."Tumulo ang luha ni Fortuna."May gusto akong sabihin.""Ano?""Alam kong hindi mo pa ako kayang mahalin maghihintay ako John."Nanahimik si John."Pero hindi ako aalis. Hindi ako susuko. Hanggat hindi mo sinasabi sa akin mismo na wala na akong karapatang magmahal sa’yo… mananatili ako dito."Hindi siya sinagot ni John.Isinara nito muli ang pinto.Kinabukasan, habang nag-aayos si John para pumasok sa opisina, dumating ang isang mensahe na nagpabigat sa dibdib niya."John, gusto na kitang angkinin ng buong-buo. Ayoko na ng tago-tago. Iwan mo na siy

    Last Updated : 2025-03-21
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 66

    Hanggang sa mapunta siya sa isang parking area ng isang kilalang condo building.Hindi… hindi pwede…Nakilala niya ang sasakyan ni John. Nandito siya.Dahan-dahan siyang pumasok sa lobby, nanginginig ang katawan.Nagtanong siya sa guard."Sir… andito ba si John Tan?""Ah ma’am… umakyat na po siya kanina sa unit 2704."Naglakad siya papunta sa elevator na parang robot.Sa bawat paghinga niya, parang naglalakad siya sa dulo ng bangin.Pagsapit sa 27th floor, ilang hakbang na lang… narinig niya ang mga tawa.Boses ni John. Boses ng isang babae.Hindi… hindi…Nanginginig ang kanyang kamay nang kumatok siya sa pinto.Tumahimik ang loob.Bumukas ang pinto. Si Senyora… nakasuot ng pang-umagang robe, kita ang marka ng halik sa leeg.Nagkatitigan sila.Si John, lumabas mula sa loob. Nanlaki ang mga mata."Fortuna…"Tinakpan niya ang bibig niya."John… ito ba ang sinasabi mong trabaho?""Fortuna… hindi mo dapat nakita ‘to.""Ako ang asawa mo John at sana nirespeto mo ang ating kasal?"Tumulo an

    Last Updated : 2025-03-21
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 67

    Alas-dos na ng madaling araw nang makauwi si Fortuna. Tahimik ang buong paligid.Umiiyak si Fortuna habang naglalakad papunta sa kusina. Kumuha siya ng alak sa mini bar, nagbukas ng bote, at umupo sa sofa. Kaharap niya ang wedding picture nilang dalawa ni John. Pinunasan niya ang mga luha, pero patuloy itong umaagos.“Bakit ganito, John...” bulong niya, habang tinititigan ang larawang mag-asawa. “Bakit kahit paulit-ulit mo akong sinasaktan... ikaw pa rin.”Bumagsak ang luha niya, at sa bawat patak, bumabalik ang nakaraan.Anim na taon na ang nakalilipas...School Sportfest, HighschoolMainit ang araw. Masigla ang buong covered court. Maingay ang bawat cheer mula sa iba’t ibang koponan.Nasa bleachers si Fortuna kasama ang mga kaklase, hawak ang banderang kulay blue — kulay ng kanilang team. Ngunit sa bawat pagtingin niya sa court, sa kalaban napupunta ang kanyang mata.Si John Tan.Tall. Dark. Handsome. Tila lumalakas ang tibok ng puso niya sa tuwing magda-drive si John papunta sa rin

    Last Updated : 2025-03-22
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 68

    Hanggang dumating ang araw na nagpasya siyang ilabas ang lahat ng nararamdaman.Huling klase ni John. Alam niyang maglalakad ito papunta sa gate.Doon siya naghintay.Kinakabahan. Nanginginig ang kamay. Tumutulo na ang malamig na pawis sa kanyang batok."Hindi na p’wedeng bukas pa… ngayon na," bulong niya sa sarili.At sa wakas, nakita niyang papalapit na si John — nakangiti, kausap ang mga kaibigan, bitbit ang backpack.Huminga siya ng malalim."John!" tawag niya, na ikinagulat pa ng kanyang sariling boses.Nilingon siya ni John. "Oh, Fortuna! Anong ginagawa mo rito? Di ba uwian na?"Lumapit siya, pinilit na hindi manginig."Pwede ba kitang makausap… saglit lang?"Tumingin si John sa mga kasama niya at ngumiti. "Sige mauna na kayo."Nang sila na lang ang natira, naramdaman ni Fortuna na parang babagsak ang kanyang mga tuhod."Kumusta?" casual na tanong ni John.Pero imbes sumagot, pumikit siya saglit at naglakas loob."John… matagal ko na itong gustong sabihin."Tinitigan siya ni Joh

    Last Updated : 2025-03-22
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 69

    Galit. Nagagalit sa kanya."Anong ginawa mo, Fortuna?! Sinamantala mo ako!" sigaw nito.Umiiyak siya, nakaluhod. "John… mahal kita! Wala akong intensyon na saktan ka!"Pero hindi na siya pinakinggan.Bumalik siya sa kasalukuyan.“Mula noon... ikaw na,” mahinang bulong niya, hinahaplos ang mukha ni John sa litrato. “Ikaw lang minahal ko ng ganito... hanggang ngayon, ikaw pa rin.”Isang lagok ng alak. Isang bulwak ng luha.Unti-unti siyang naupo sa sahig, yakap-yakap ang kanilang larawan.Tiningnan niya ang cellphone… walang text, walang tawag."John… ang sakit-sakit na… kailan mo ako pipiliin?" bulong niya.Hinaplos niya ang wedding band sa kanyang daliri."Mahal na mahal pa rin kita, John… kahit harap-harapan mo na akong sinasaktan."paulit-ulit na sinasabi habang patuloy ang pag-agos ng mga luha.Umaga na. Dumilat si Fortuna, nangingilo ang ulo sa sobrang pag-inom ng alak. Nanatili sa sahig ang wedding picture nila ni John, basang-basa sa kanyang luha. Mahigpit niya itong niyakap na p

    Last Updated : 2025-03-22

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 129

    Mabilis lumapit si Tony. Pagkakita niya kay Fortuna, natigilan siya. Napakapit siya sa dibdib, parang tinamaan ng kung anong emosyon na hindi niya agad masayod.“Diyos ko, Fortuna…” bulong ni Tony habang lumalapit.Pagkatapos ng ilang segundo, niyakap niya ang kapatid. Mahigpit. Mainit. May luhang pumatak sa balikat ni Fortuna.“Kuya…”“Dito ka na. Ligtas ka na. Hindi ka na niya mahahawakan. Nandito kami.”“Maraming salamat, anak,” bulong ni Jinky. “Maraming salamat sa pagtanggap sa amin.”“Dito kayo titira hangga’t gusto ninyo. Dito magsisimula si Fortuna. Sa lugar na ‘to. Sa buhay na hindi na niya kailangang itago ang luha niya.”Hindi nagsalita si Jack. Tahimik lang siyang nakatingin sa anak niya habang pinipigil ang pagpatak ng luha. Sa isip niya, inulit-ulit lang ang iisang pangako. Hindi na siya muling magkukulang.Sa loob ng bahay ni Tony, naroon ang amoy ng mainit na sabaw. Kumot. Katahimikan. At ang bagong simula.“Anak, uminom ka muna ng gatas,” alok ni Jinky habang isinusub

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 128

    "Walang nagbago?" Halata ang pagpipigil ng luha at hinanakit sa tinig ni Señora. "John, ilang gabi na kitang hinihintay. Pero hindi ka dumadating. Hindi ka na tumatawag. Hindi ka na naglalambing. Dati, ikaw pa ang hindi mapakali pag hindi tayo magkasama. Ngayon, parang ako na lang ang nagmamahal."“Señora…”“At ‘wag mo akong tawaging ‘Señora’ na parang estranghero ako sa’yo!” Napalakas ang boses niya. "Ako ang nobya mo, John! At kung mahal mo na si Fortuna… sabihin mo sa’kin ng direkta.Natahimik si John. Parang binasag ang puso niya sa narinig.Natahimik si John. Parang binasag ang puso niya sa narinig.“Ongoing na ang annulment niyo, hindi ba?” patuloy ni Señora, nanginginig na ang tinig. "Dapat nga mas nagkakaroon tayo ng time ngayon. Dapat tayong dalawa ang gumagawa ng plano sa future natin... pero ikaw, parang may hinahanap kang hindi ko kayang ibigay.Humugot siya ng mahabang buntong-hininga, bago tinanong ng diretso, "Don’t tell me… mahal mo pa rin siya?"Hindi agad nakasagot s

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 127

    Napayuko siya. Napakuyom sa kanyang palad. Ang bawat salita ng kanyang lola ay parang latigong dumudurog sa natitira niyang dangal.“Minsan, ang sobrang pagmamahal… napapagod din.”“Pero mahal ko siya, La…” Mahina. Umiiyak. “Mahal ko siya…”“Late na ba ako?” tanong ni John. “La, late na ba ako kung ngayon ko lang ‘to naramdaman?”“Hindi ako ang makakasagot niyan, apo. Si Fortuna lang ang may karapatang sumagot niyan.”Tumayo si John. Humakbang siya palapit sa kanyang drawer, binuksan ito at hinugot ang isang maliit na kahon. Sa loob ay naroon ang panyo ni Fortuna, ang huling bagay na naiwan nito. Mahinang halimuyak ng pabango ang tumama sa kanya. Nabalot siya ng alaala. Ng mga gabing magkatabi silang hindi nag-uusap, ng umagang naghain si Fortuna ng almusal pero hindi niya kinain, ng huling beses na lumingon si Fortuna sa kanya bago lumabas ng pinto sa law firm kung saan sila pumirma ng annulment.Doon siya tuluyang bumigay.“Gusto ko siyang hanapin, La. Gusto kong itama ang lahat. Ka

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 126

    Pero walang sagot.Pilit niyang pinindot muli ang pangalan sa contact list. "Fortuna." Wala pa rin. Palaging out of reach. Palaging tahimik ang kabilang linya.Dahan-dahang pinikit ni John ang mga mata. Umihip ang hangin sa loob ng kwarto, tila ba sinasadya siyang balutin ng lamig ng pagkakabigo. Binuksan niyang muli ang cellphone. Pinindot ang isa pang pangalan. "Lola Irene."Isang ring. Dalawa. Tatlo."Hello?" mahina pero malinaw ang tinig ng matandang babae."Lola..." basag ang boses ni John."Bakit, anak? May nangyari ba?""Si Fortuna..." Napalunok siya. Napakuyom ang palad. "May balita ka ba sa kanya?"Sandaling katahimikan sa linya."Ha? Wala, anak. Matagal ko na ring gustong itanong kung kumusta na siya. Pero simula nang magpirmahan kayo, hindi na rin siya nagparamdam sa akin.""Hindi ko na siya makontak, Lo. Lahat. Wala. Parang... parang nawawala na lang siya.""Ano'ng ibig mong sabihin, John?""Hindi na siya sumipot sa huling pirma. Akala ko darating siya. Akala ko kailangan

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 125

    Napasinghap si Fortuna. Hindi niya kailangan itanong kung paano nalaman ng kanyang ina—isang ina'y laging nakakaramdam, kahit walang salitang binibitawan.“Ma…” basag ang boses niya, “paano kung hindi ko kayanin?”Hinawakan ni Jinky ang kanyang pisngi, pinunasan ang luha. “Kakayanin mo. Hindi dahil wala kang takot, kundi dahil may dahilan ka na. Hindi na para kay John. Hindi na para sa nakaraan. Kundi para sa anak mo. At para sa sarili mo.”Pagpasok nila sa immigration, isa-isang tinapik ni Jack ang balikat ng anak. “Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo kung hindi ka niya pinili. Minsan, hindi tayo pinipili kasi... kailangan muna nating piliin ang sarili natin.”Napangiti si Fortuna kahit nangingilid pa ang luha. “Pa… salamat. Kayo ni Mama lang ang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang nawasak.”Sa loob ng gate, habang naghihintay ng boarding, sumulyap si Fortuna sa likod—sa mga glass wall ng airport. Walang kaalam-alam ang pamilya Tan. Walang pamamaalam. Walang paghawak ng kamay ni

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 124

    Umaga pa lang ay mabigat na ang hangin.Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nina Fortuna, Jinky, at Jack ang daan patungong airport. Sa labas ng bintana, dumaraan ang mga pamilyar na gusali—ang ilang alaala ng kabataan ni Fortuna, ang mga daanang ilang ulit niyang tinakbuhan habang umiiyak, at ang mga kantong minsang saksi sa mga gabing hindi niya alam kung paano pa babangon.“Anak, gusto mo bang huminto muna tayo? May isang oras pa naman bago ang check-in,” tanong ni Jack, nakatingin sa rearview mirror.“Hindi na po, Pa. Diretso na lang tayo,” mahinang sagot ni Fortuna habang yakap ang kanyang sling bag, sinisiksik sa dibdib ang kaba.Tahimik na tumango si Jack. Sa tabi niya, tahimik lang si Jinky, pero panaka-naka’y sinusulyapan si Fortuna. Ang mga mata ng ina—tila gustong magsalita, pero nagpipigil.“Ma,” simula ni Fortuna, “’wag n’yo na pong ipag-alala ‘ko. Alam ko pong mahirap ‘tong desisyon. Pero ito lang po ang paraan para makaalis ako sa lahat ng sakit dito.”“Hindi

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 123

    Tahimik ang gabi, ngunit hindi matahimik ang loob ni John.Sa terrace ng condo ni Senyora, nakatayo siya, hawak ang baso ng wine. Tumititig sa malalayong ilaw ng siyudad na parang kumikindat sa kaniya—pero walang ningning na dumampi sa puso niya. Sa loob ng unit, maririnig ang malumanay na pagtawa ni Senyora habang nanonood ng TV. Ngunit ang bawat halakhak niya ay tila pumapaimbabaw sa katahimikang sinisikap ni John buuin sa kanyang sarili.“John, dito ka nga,” tawag ni Senyora mula sa loob. “May pinapanood akong comedy, gusto mo ‘to.”Ngunit hindi siya kumilos.Pinikit niya ang mga mata, malalim na huminga. Sa bawat bugso ng hangin na dumadampi sa mukha niya, may mga alaalang pumapait—hindi niya mapigilan. Larawan ni Fortuna habang naka-apron, nakatalikod sa kusina. Ang boses nito habang tinatawag siyang kumain. Ang paalala tuwing nalalasing siya. Ang mga mata nitong punô ng hinanakit—na noon ay binalewala lang niya.“Ang tahimik mo yata, John.” Niyakap siya ni Senyora mula sa likod.

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 122

    Bumungad ang malamig na hangin ng gabi habang dahan-dahang bumababa si Fortuna sa sasakyan. Sa harap ng ancestral house ng pamilyang Han, isang tila tahimik at matatag na estruktura ang sumasalubong sa kanya—pero sa kabila ng katahimikang iyon, naroon ang mga alaala. Masasakit. Mabibigat. At ngayon, isang lihim na kailangan niyang itago.Si Jack Han ang unang lumapit sa kanya, binuksan ang pinto at marahang hinaplos ang kanyang likod. “Anak, dito ka na muna. Walang makakaabala sa’yo rito. Ligtas ka sa lahat… pati na kay Lola Irene.”Sumunod si Jinky, buhat ang ilang gamit ni Fortuna. Kita sa mga mata nito ang pagkabahala, pero mas nangingibabaw ang determinasyon.Pagpasok sa loob ng bahay, agad na naupo si Fortuna sa sofa. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Napahawak sa tiyan—hindi pa halata, pero naroon na ang bigat. Hindi lang sa katawan, kundi sa puso.“Anak,” mahinang bungad ni Jinky, habang nauupo sa tapat niya. “Napag-usapan na namin ng papa mo. Hindi natin puwedeng ipaabot ka

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 121

    Masiglang tinig ni Senyora sa kabilang linya, punong-puno ng tuwa—tila bang siya ang nagwagi sa isang laban na matagal na niyang kinikimkim.Pero si John, habang pinapakinggan iyon, ay tila nahulog sa isang balon ng katahimikan. Wala siyang masabi, kundi isang mahinang:“Hmm…”Pagkababa niya ng tawag, muling bumalik ang bigat. Ang katahimikan sa silid ay parang sumisigaw. Sumasalungat sa tinig ni Senyora na puno ng selebrasyon. Isang kalayaang hindi niya lubusang masayahan.Tumayo siya. Lumapit sa salamin. Tinitigan ang sarili—maputla, puyat, at walang ningning ang mga mata.“Kalayaan?” mahina niyang bulong sa sarili. “Kung ito ang kalayaan... bakit parang mas lalo akong nakakulong?”Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at mahinang hinga ni Fortuna ang maririnig. Nakatingin siya sa bintana habang lumilipas ang mga tanawin sa labas—mga punong tila naglalakad pabalik, mga alaalang pilit na iniiwan.Katabi niya si Jinky, habang si Jack ang nagmamaneho sa harapan. Sa gitn

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status