LOGINIsang gabing bangungot ang naganap sa buhay ni Krystal .Dahil sa kanyang trabaho napagsamantalahan siya ng isang lalaki na hindi man lang niya nakita ang mukha nito . Ang masaklap limang daang libo lang pala ang bayad ng kanyang dangal . Hindi niya lubos matanggap na ganung paraan nawala ang iniingatan niyang dangal . Kinamumuhian niya ang misteryosong lalaki na nanghagasa sa kanya at dahil sa nangyari halos gusto na niyang kitilin ang buhay na meeon siya . Paano niya mahahanap ang lalaking sumantala sa kanya gayong walang nakakaalam kung sino ito . Mabibigyan ba niya ng hustisya ang nangyari sa kanya o ililibing nalang sa limot ang lahat ? Dahil sa nangyari sa kanila ng lalaking misteryoso nagbunga ng dalawang sanggol .Sa una hindi niya matanggap ang bunga ng pagsasamantala sa kanya .Pero dahil sa tulong ng mga taong nasa paligid ay unti unti na rin niyang natanggap ang mga ito. Dahil hindi siya nakapagtapos ng pag aaral .Nagpursigi parin siyang makahanap ng magandang trabaho dahil kailangan na niyang tustusan ang pangangailangan ng mga bata .Lumalaki na ang kambal niyang anak at may pinapasahod pa siyang tao na nagaalaga sa mga anak niya ,kaya naisipan niyang mag apply sa isang sikat na kompanya . Dito nakuha siya bilang secretary ng president ng kompanya. Nakuha parin siya dahil maganda ang kanyang background pagdating sa akademya . Ang ganda at talino na meron si Krystal napaibig sa kanya ang boss nito . Matatanggap kaya ni Krystal ang pagibig na alok ng lalaking nagugustuhan niya rin pero may alinlangan dahil may babaeng nakalaan para dito !!! lalo't wala siyang laban dahil isa siyang single mom . Warning this is SPG 18+ only
View MoreTinatamad na bumangon si Krystal Samonte isang working student .Bente anyos at nagtatrabaho sa isang exclusive bar kung saan isa siyang waitress doon .Nagaaral siya ng umaga at laking pasalamat niya dahil anim na oras lang ang kanyang pasok sa paaralan .Matalino at madiskarte kaya lagi siyang nasa deans lister . Hindi niya bibiguin ang paaralan na nagbigay sa kanya ng opportunity na makakuha ng scholar pero kahit ganun kailangan niyang magtrabaho para may pang supporta siya sa kanyang sarili dahil alawans lang at tuition ang sakop ng scholar ang mga needs niya sa kanyang personal na bagay at para sa boarding house ay kulang parin kaya kailangan niyang kumayod .Kaya nagpasya siyang magtrabaho sa isang bar .Alam naman ng karamihan na isa siyang waitress sa ganung lugar kaya wala siyang kinakahiya at ayos lang naman sa iba .Pero karamihan ay hinuhusgahan siya at pilit na pinapatalsik sa paaralan .Hindi naman magawa ng mga nasa admin dahil isa siya sa nagdadala ng karangalan sa univebesidad na kanyang pinapasukan .Ang importante hindi niya napapabayaan ang kanyang pag aaral at wala naman mali sa kanyang ginagawa dahil hindi siya nagbebenta ng laman .
Nagpapakahirap siya sa mataas na sandals at maiksing damit para lang matapos ang anim na oras niyang duty sa bar ,sa sahod niyang limang daan sa isang araw ay malaki na rin kahit papaano .Di bale ng maliit ang kanyang sahod ang importante may pera siya yun ang kanyang pananaw sa buhay . ''Krystal kailangan mo ng pumasok dahil magbabayad ka pa ng boarding house '' kinakausap niya ang kanyang sarili tuwing nagigising at pinapalakas ito para sa kanyang pangarap. Hindi pa pala siya nakakabayad ng boarding house niya dahil sa susunod na araw pa ang kanilang sahuran sa bar . Kaya nagmadali itong bumangon at nagunat .Medyo madilim na pala ang paligid at nakatulog siya ng tatlong oras pagkagaling niya kanina sa paaralan . Ito ang maganda sa kanyang schedule nakakapag pahinga siya pag tapos na siyang magreview at umidlip muna ng ilang oras bago papasok sa bar. Nagmadali siyang nagtungo sa banyo at naligo . Isa sa nagustuhan niya sa boarding house nila may kanya kanya silang banyo sa kanilang kwarto .Yun ngalang maliit ang espasyo pang isang tao lang at ayos lang iyon ang importante may privacy ang bawat boarders . Pagkabihis niya nagtungo muna siya sa kusina para kumain .Hindi pa niya suot ang mga maiiksing damit para sa trabaho niya bar dahil doon sila magbibihis mamaya . May sarili silang dressing room sa bar kaya wala siyang problema sa kanyang isusuot at pag aayos ng sarili . '' nakabihis kana ba tara na at isabay na kita sa pinagtatrabahuan mo '' siya pala ang ate Arian niya ang isang manager sa fastfood restaurant kung saan malapit lang din sa kanyang pinagtarabahuan .Magkatulad sila ng schedule minsan sa pagpasok kaya napapalibre siya ng sakay . '' salamat ate Arian '' saad nito sabay bilis niyang nilagay sa lababo ang plato niya at saka hinugasan .Pero bago yan nag toothbrush muna siya para at nagmumog ng mouthwash para maging mabango ang kanyang hininga . '' wala iyon basta mag iingat ka sa pinagtatrabahuan mo '' lagi nitong pinapaalala na hindi malabong magustuhan siya ng mga lalaki na naroon dahil tulad niyang maganda at maayos na pangangatawan ay tapunin ng pansin . Dalawang buwan palang naman siya sa exclusive bar kaya impossible iyon lalo't may mga bouncer na nagpoprotekta sa kanila na waitress lang . '' hmm hindi naman delikado doon ate kasi puro mayayaman ang mga costumer doon '' pero minsan nung nasa isang linggo palang siya sa bar may nambastos sa kanya .Mabuti nalang at may isang costumer din nila na nagmalasakit at pinalalahanan ang may ari na huwag niyang hayaan madungisan ang mga waitress ng bar dahil ito ang pinasukan nilang trabaho kaya simula nun laging pinapaalala ng mga manager sa mga costumer na iba ang take out girl sa waitress nila . ''alam mo ba ang mga mayayaman Krystal kaya nilang bilhin ang dangal mo kung gugustuhin nila '' natahimik nalang siya sa narinig .Alam niyang pwede mangyari iyon pero hindi siya nagpapatinag dahil kailangan niya talaga ng pera .Madali lang naman ang trabaho nila sa bar magserve lang at wala ng iba iyon nga lang nakakangawit dahil sa suot nilang sandals . '' at saka ate isa lamang akong waitress iba yung mga talagang babae na pwede nilang take out '' pagdadahilan nalang niya para matapos na ang kanilang usapan . '' basta mag iingat ka doon '' tumango lang siya at umakbay sa tinuring niyang ate . Madali lang naman siyang pakisamahan dahil isa siyang mabait na tao at marunong makibagay .Higit sa lahat marunong siyang kumilatis ng mga taong gustong makipagkaibigan sa kanya.Pag alam niyang may mali iniiwasan na niya ang mga ito .Pero kay ate Arian lang niya naramdaman na parang may totoo siyang kapatid. Pagkapasok niya sa bar ay agad siyang nagtungo sa dressing room kung saan magpapalit siya ng damit para sa kanilang uniform ngayon .Medyo nagreklamo siya sa susuotin nila ngayon dahil napakasexy masyado .Isang maiksing palda at high waisted na sando . Kita tuloy ang kanyang cleavage . Mabuti nalang at mahaba ang kanyang buhok kaya pwede niyang takpan ngunit hanggang doon lang . Kita parin ang baywang niya at likod . ''Krystal kailangan mong pagsilbihan ang costumer sa may VIP room '' napanganga siya sa narinig .Alam niyang laging may VIP costumer sila pero hindi siya doon tinatalaga . '' bakit ako boss ?" pagrereklamo niyang saad . '' ikaw nga ang wala pang trabaho ngayon .Pagsilbihan mo lang ibigay ang dapat na gusto '' napasimangot siya dahil ito ang kaunaunahang magsilbi siya sa isang VIP room . Nakaramdam siya ng takot at baka matulad siya sa ibang nababalitaan niya na mas gusto ng mga VIP costumer ang tulad niya waitress. Nakita naman ng manager nang ang pagalingan sa mukha ni Krystal .Alam niyang bata pa ito pero lahat na ng waitress nila ay may trabaho kaya si Krystal nalang ang available sa kwartong iyon . '' at huwag kang mag aalala dahil may tatlo ng babae na napili nito .Ang kailangan mo lang gawin ibigay ang mga order nila '' '' sige po boss '' mabuti naman at may mga babae na ang mga ito . '' pakiayos mo yang sarili mo .Para kang lantang gulay ''napatingin tuloy siya sa malaking salamin .Wala pa pala siyang kulerete sa mukha at hindi siya mahilig sa ganun .Maayos lang naman na hindi sila maglagay ng ganung kolerete dahil hindi naman daw mapapansin . '' maayos naman ang sarili ko a'' saad niya sa kanyang sarili . Sakto naman pumasok ang isa sa mga take out girl kung saan nakabihis na ito ng mas maiksi pa sa kanilang suot . '' naku Krystal maglagay ka kasi ng make up sa mukha '' '' ganun !!!!'' '' oo at ito may benta akong bagong lipstick bili kana dali '' '' mapapagastos ako ng wala sa oras a '' wala pa naman siyang hilig mag lagay ng lipstick sa labi dahil lipgloss ayos na sa kanya at namumula naman na ang kanyang labi . Wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito . Namili siya ng shade at mukhang wala siyang pagpipilihan ng maayos dahil puro dark red ang mga shade na benta nito . Nang makapili na siya ay agad na niyang nilagay sa kanyang labi .Bigla siyang nanibago sa kanyang sarili dahil nag iba ang kanyang mukha dahil sa dark red na lipstick.Nagmukha siyang kontrabida sa kanyang itsura.Samahan pa ng wav hair niya . '' oh see ang ganda mo sa shade ng lipstick.Grabe ang ganda mo Krystal para ka na tutol manika sa ganda '' '' grabeng sales talk yan a Bea '' natatawa niyang sagot . '' totoo naman sinasabi ko ,tara na at magsisimula na tayo '' naptingin siya ulit sa salamin .Maglalagay pa pala siya ng mascara sa pilik mata muntik na niyang makalimutan at eyeliner para magmukhang malaki ang kanyang mga mata .Matapos siya nag ayos sa kanyang sarili ay agad na niyang lumabas sa dressing room . TInanong niya agad kung anong numero ng VIP room ang kanyang pupuntahan .Pagkakuha niya sa numero para isabit sa kanyang baywang at menu kung saan oorder ang mga costumer ay agad na siyang lumabas . Nanghinayang naman ang babaeng manager kay Krystal dahil sobrang ganda nito at madaming gustong itake out siya pero dahil studyante palang ito ay pinaka iingatan nila at bata pa.'' ikaw ba si Krystal Samonte iha ? " dahan dahan siyang tumingin sa nagsalitang tao mula sa kanyang harapan .Isang matandang lalaki na may hawak na tungkod . Segundo ang nakalipas bago niya naisipang tumayo . '' kilala niyo po ako .. ?" agad nitong tanong . Hindi pa naman pormal na nailantad ang meron sila ni Rafael dahil ang nakakaalam lang ay ang pamilya ng mga Alejandro at ibang matataas na position mula sa kompanya. '' oo naman iha kilalang kilala kita . Natatandaan mo ba ang mukha na ito ? " laking gulat niya ng makita ang larawan na nasa kamay nito. Nagtataka siya paanong napunta ang larawan na iyon sa matandang lalaki . Napatingin siya sa larawan ito lagi ang kanyang tinitigan noon nasa edad tatlo palang siya noon ay marunong na siyang kumilala . Dahil ayon sa nagbabantay sa kanila noon ay ito ang binigay ng kanyang tyahin na larawan . '' bakit nasayo ang larawan ng mommy ko ?" medyo bata bata pa ang mommy niya sa larawan na iyon . Pero may kaparehong ganun na laraw
"nanaginip ka kagabi mukha atang kakaibang panaginip iyon Krystal" Kanina pa hindi mapakali si Rafael para sabihin ang naganap kagabi .Hindi sila magkatabi sa kama ni Krystal dahil may sarili siyang tulugan mula sa hiden room na pinagawa niya sa kanyang kwarto at doon siya lagi pumupunta pag oras na ng tulugan .Hindi naman pwedeng sa guestroom siya dahil magtataka ang mga magulang niya kung iyon ang kanyang gagawin . Lalo't ang alam ng mga ito hindi na sapilitan ang meron sila ni Krystal kundi makatotohanan na dahil sa sweet nilang dalawa. "may mga nasabi ba ako?" alinlangan nitong tanong at baka mamaya kung ano ang mga pinagsasabi niya sa kanyang panaginip .Ang naalala niya kagabi ay ang naganap sa bar .Paulit ulit iyon na bumabalik tuwing pagod siya at maraming iniisip. "wala pero parang takot na takot ka at umiiyak ?" lalapitan niya sana ito para gisingin ngunit tumigil din si Krystal sa panaginip nito at tumagilid matulog na parang walang nangyari kaya hinayaan nalang niy
'' may bago kaming nalaman boss '' Nasa syudad na ngayon si mister Elbrado patungo sa nabili niyang bahay . Panigurado niyang matatagpuan na ang kanyang apo .Nanabik na siya habang nakatitig siya sa larawan na sanggol palang ang kanyang apo kasama ang anak niyang si Sunshine ''ano yan ? " seryoso nitong tanong habang nakasandal mula sa upuan ng kotse . '' buhay pala ang manager ng bar .. hindi pala ito ang namatay kundi ang kakambal niyang si Tricia . Pero ito ang nagpanggap na patay '' napatingin siya sa kanyang tauhan .Kung ganun talagang nagtago ang babaeng iyon . Kailangan niya si Lucia dahil ito ang makapagbabagsak sa mga Alejandro. Pero bago niya gawin ang bagay na iyon kailangan niya munang makausap ang kanyang apo at makilala siya nito . '' dalhin niyo siya sa akin '' '' wala na sila sa kanilang tirahan boss dahil ayon sa mga kapitbahay nila umalis ang mga ito ,,galing sa stroke ang manager at sa ibang bansa nagpagaling pero ilang taon nanatili dito sa bansa ngu
''ate nasaan ka ? " kanina pa tawag ng tawag si Maring sa kapatid nito ngunit hindi niya makita . Nadatnan niyang nakabukas ang pintuan ng kwarto ng kanyang ate kaya agad siyang pumasok ngunit wala roon .Nakita niya rin ang siwang ng kabinet at doon niya natuklasan na wala ang ibang gamit ng kanyang ate . '' bakit wala ang ibang gamit mo dito ano ba ang binabalak mo ?"nag aalala siya na baka mamaya pumunta na ito mag isa sa syudad .Hindi pa gaano malakas ang kanyang ate kaya dapat may kasama ito magtungo sa syudad . Paglabas niya ng bahay nakita nito ang kanilang kapitbahay.Nagiisip siya kung ano ang gagawin '' Maring bakit parang alalang alala yang mukha mo ? " '' nakita mo ba si ate ?" baka sakali kakaalis lang nito at pwede niyang masundan . '' nakita ko siya kanina may dalang bag tapos sumakay ng trycicle mukha atang tutungo sa syudad '' Nagtaka naman ang kapitbahay nila ng bigla siyang umalis at nagmadaling pumasok sa kanilang bahay .Nagtungo siya sa kanyang kwarto at












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews