Share

Ang Bangaan

Author: Rosy Vixen
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-05 11:31:23

Dumating ang tawag nang alas-nuwebe y disiotso ng Huwebes ng umaga, habang nakikipagnegosasyon ako sa isang supplier na tumigil na sa pagpapanggap na pasensiyoso.

“Ms. Santiago,” hingal na sabi ng operations manager, “kailangan n’yo pong pumunta sa arena.”

“Bakit?”

“Si Matteo po.”

Nakatayo na ako. “Ano ang nangyari?”

“May banggaan sa practice. Masama ang bagsak niya.”

20 minutes ang byahe. Sa travel, paulit-ulit kong sinabi sa sarili kong nadadapa ang mga atleta. Nabalian na ng daliri si Matteo noong college, nabiyak ang labi sa playoff, at minsan ay naglaro kahit may pasa sa tadyang dahil sabi niya, kailangan daw ng team ang guwapong mukha niya sa telebisyon.

Iba ito.

Natagpuan ko siya sa medical room, may ice pack na nakabalot sa braso.Maputla ang mukha niya at namamaga ang cheekbone.

“Andito na siya,” sabi niya. “Ang favorite kong management consultant.”

“May concussion ka?”

“Emosyonal lang.”

Tumingin sa akin ang trainer. “Posibleng bali ang braso at may mild concussion. Pinapakuha na ng scan. Hindi siya dapat mag isa ngayong gabi.”

“Ako na ang mag-uuwi sa kanya.”

“Hindi pwede,” sabi ni Matteo. “May trabaho siya.”

“May kotse rin siya.”

Tinangka niyang tumayo at napangiwi ito.

Bumukas ang p***o. Pumasok si Rafael naka dark team jacket, halatang alang alala

“How bad is it?”

“Posibleng bali ang braso,” sabi ng trainer. “Hinihintay pa ang result ng x-ray.”

Tumingin si Rafael kay Matteo, saka sa akin. “I will take you home.”

“Ako ang mag uuwi sa kanya".

“Kapatid niya ako.”

“At ako lang ang makakapagpasunod sa kanya sa mga utos ng doktor.”

Itinaas ni Matteo ang mabuting kamay. “Objection your honors! , nakakatakot kayong dalawa kapag nag-aalala.”

Sa ospital, kinumpirma ng unang scan ang bali na kailangang immobilize pero hindi kailangan ng operasyon. Mild ang concussion. Nagbigay ang doktor ng mga strict rules and warning, na agad namang sinubukang almahan ito ni Matteo.

“Walang screen time?” ulit niya. “Dok, buhay ko yun.”

“Then read some books, para naman may bago kang madiscover.”

“Pwede bang magbasa ng menu?”

“Kung may magbabasa nito para sa iyo.”

“Ako ang magbabasa,” sabi ko.

Mukhang nanalo si Matteo. Nanatili si Rafael sa tabi ng bintana, tahimik, at hindi umupo kahit minsan.

“Hindi ka dapat sumugod sa hit na iyon,” sabi ni Rafael nang umalis ang doktor.

“Laro iyon.”

“Hockey iyon.”

“Nakita mong paparating ang defender.”

“At nakita mo ang corner sa Monza pero dinaanan mo pa rin nang todo.”

“Trabaho ko iyon.”

“Trabaho ko rin iyon.”

Lumapit si Rafael. “It's not your work to destroy yourself just for a regular-season game.”

Tinitigan ni Matteo ang brace. “Hindi mo pwwedeng sabihin iyan, minsan din naman hindi ka din maingat sa sarili mo.”

Nagsalita ako bago tuluyang mag away ang dalawa. “Uuwi tayo.”

Sa estate, inayos ko si Matteo sa living room, kasama ang tubig, gamot, at sopas na tinawag niyang kaparusahan. Dumako si Rafael sa kusina at bumalik na may dalang toast.

“Ikaw ang gumawa niyan?” tanong ko.

“Toast lang naman iyan, so easy to make”

“Hindi iyon ang tanong ko.”

“Dalawang ingridients lang naman.”

Kumagat si Matteo. “Woo marunong ng magluto si Rafael.”

Maya-maya, habang natutulog si Matteo, umupo ako sa tabi niya at inayos ang ice pack.

“Does it hurt a lot?” bulong ko.

“Mga level 7 sa sakit.”

“Sabi mo ospital level 3 lang."

“Sinusubukan kong magmukhang matapang.”

“You don't need to pretend in front me”.

Dumilat ang isa niyang mata. “You always say that, na talagang naniniwala ka”

“Naniniwala ako.”

“Kung ganoon, bakit ka umalis?”

Tumingin ako sa mga bintana habang umuulan sa labas. “Dahil hindi ko alam kung paano manatili coz even me i don't know myself anymore".

"Pagkamatay ni Mom, naging mas cold si Eduardo, you tried to make him laugh, nagtrabaho si Rafael hanggang bumagsak, and i manage everything. Akala ko kung aalis ako, matututo kayong tumayo nang kayo kayo lang.”

“Natutunan ba namin?”

“Hindi.”

“Ikaw?”

“You were in a rush.”

“Natutunan kong tumayo sa ibang lugar.”

“Hindi iyon kapareho ng pagiging masaya.”

“Don't be sentimental you just had a concussion.”

“Sentimental naman ako lagi. Minsan nag microwave ako metal na kutsara para sa science.”

“Muntik mo nang sunugin ang bahay.”

“Mapanganib din naman kasi ang science.”

Bumalik si Rafael na may dalang kumot. Pinaupo siya ni Matteo. Isang oras kaming tatlo sa living room after ng ilang taon. Sinuri ko ang mga gamot. Nag text si Rafael sa coach. Nakatulog si Matteo while leaning on my shoulders.

Nang tumahimik ang silid, tumingin sa akin si Rafael.

“Magpahinga ka rin.”

“May trabaho ako.”

“You always have work .”

“At palagi kang may karera”

“Baka pareho tayong may iniiwasan.”

“Ikaw ba?”

Humigpit ang kapit niya sa baso.

Bago siya makasagot, gumalaw si Matteo. Bumaling ako para tingnan ang mukha niya, at nagbago ang ekspresyon ni Rafael, takot, hindi galit, at may kaunting pangamba.

Nang gabing iyon, nadatnan ko si Rafael sa garahe..

“Dapat nagpapahinga ka,” sabi ko.

“Ikaw rin dapat.”

“Hindi ako ang nagmamaneho nang dalawang daang kilometro bawat oras kapag galit.”

“Hindi na ako gaya ng dati magmaneho, at hindi mo pa ito nakikita.”

“Kilala kita.”

“Hindi,” sabi niya. “Dilo you even know who i was back then?.”

“Sinusubukan kong kilalanin kung sino ka ngayon.”

Mas mukhang takot kaysa galit ang pagmumukha niya.

“Huwag,” sabi niya.

“Bakit?”

“Dahil baka payagan kitang gawin iyon.”

Mula sa bahay, tumawag si Matteo para humingi ngtubig. Ako ang unang lumingon.

Kinabukasan, sinamahan ko si Matteo sa appointment niya sa espesyalista. Nagbiro siya sa buong physical examination hanggang sabihan siya ng doktor na maghintay sa labas habang binabasa ang x-ray.

Alam ko na agad na may masamang balita.

Naglagay ang doktor ng ikalawang report sa mesa. “This is an old MRI. Ginawa itilo after ng kaniyang old injury, 6 weeks ago".

Tinitigan ko ang date. “Bakit wala ito sa records?”

“Tumanggi ang pasyente na ibigay ito sa team.”

Itinago ni Matteo ang report.

Lumambot ang boses ng doktor. “Malaki ang damage sa ligament. Pinalala ng injurykahapon ang kawalang stability. Maaaring makatulong ang operasyon sa function, pero kahit may rehabilitation, hindi tiyak ang pagbabalik niya sa professional hockey. Maaaring magdulot ng permanenteng pinsala kapag nagpatuloy siya."

Nanlamig ang mga kamay ko. “How sure is it dok?”

Nagtagpo ang mga mata namin. “Maaaring hindi na siya muling makapaglaro sa professional level.”

Sa labas, nakangiti si Matteo sa isang nurse na parang walang nagbago sa mundo.

Itinupi ko ang report at inilagay sa bag. Hindi lang niya itinago ang isang injury.

Itinago niya ang posibilidad na ang hockey,ang career niya, ang pinakamamahal niyanh bagay, ang kinabukasang binuo niya ay maaaring matapos na.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Both my Brothers Want Me   Ang Taong nagbabantay sa Akin

    Hindi kami agad nagpunta sa ospital.Kung nasa kamay ni Victor ang emergency authority, alam kong mga dokumento ang unang gagalawin niya. Nagmaneho si Rafael papunta sa lumang administrative wing. Nasa passenger seat si Matteo. Ako sa likod, may dalawang encrypted drive, ang debt agreements, at ang folder na may pangalan ko bilang “protective custodian.”Tahimik ang buong sasakyan. Ginawang mga kulay-abong guhit ng ulan ang lungsod sa labas.“Dapat sinagot mo si Victor kanina,” sabi ni Matteo.“Bakit?” tanong ni Rafael.“Dahil kapag hindi natin siya pinansin, magmumukha tayong takot.”“Takot naman tayo.”“Hindi sa kanya.”Pinanood ko ang kamay ni Rafael sa manibela. May strap pa rin ang balikat niya, pero matatag ang pagmamaneho.“Ano ang gusto niya sa inyong dalawa dalawang linggo na ang nakalipas?” tanong ko.Saglit siyang hindi nagsalita.“Management consent at proxy authorization,” sagot niya.“Pumirma ka?”“Hindi.”“Sinabi mo sa amin?”“Hindi.”Humigpit ang panga ni Matteo. “Hind

  • Both my Brothers Want Me   Ang Anak na Hindi Naman Anak

    Kinabukasan, pumayag si Celeste na magsalita sa lumang library.Pareho pa rin ang kwaro, nandoon pa rin ang mga madilim na mga istante, oil portrait ng ama ni Eduardo, at mga leather chair na parang nilululon ang sinumang umupo. Dito ako dating nagtatago para mag-aral. Noon, akala ko ang mga libro lamang ang hindi nagsisinungaling sa bahay na iyon.Ngayon, kaharap ko si Celeste. Nasa magkabilang panig ko sina Rafael at Matteo. Nasa ospital si Eduardo dahil sa chest pain. Hindi ko pinayagang pumasok si Victor.“Lahat,” sabi ko.Tumingin si Celeste sa magkakapit niyang kamay. “May tatlong daan at walumpung milyong outstanding obligations ang kumpanya. Ang ilan ay nakasangla laban sa controlling shares ng pamilya.”“Kanino?” tanong ni Rafael.“Ardent Capital.”“Sino ang may-ari ng Ardent?”“Hindi ko alam.”“Sino ang nagpakilala sa kanila?"Matagal siyang hindi nagsalita.“Victor,” sabi niya sa wakasSa isip ko nagconnect connect abg lahat, shell companies, lihim na account, pekeng bayad

  • Both my Brothers Want Me   Ang Video na Hindi Dapat Bumalik

    Tatlong araw matapos ang crash, bumalik si Matteo sa hockey rink.Pinayagan na siya ng mga doktor para sa balikat niya. Pinayagan na rin siya ng team na bumalik sa iskedyul. Pero hindi siya pinayagan ng media na makapagpahinga. Sa press conference, mas interesado silang pag-usapan ang racing division kaysa sa comeback niya. Nasa gilid ako ng silid, hawak ang folder ng sabotage report, nang bumaling sa akin ang isang reporter. “Matteo, totoo bang ginagamit ni Lia Santiago ang posisyon niya para kunin ang kontrol sa Montenegro Racing? May mga source na nagsasabing itinutulak niyang palabas ang mga executive ng pamilya.” Sabay-sabay bumaling sa akin ang mga camera.Sumandal si Matteo sa mikropono. “Sino ang mga source ninyo?”“Mga taong malapit sa pamilya.” “Hindi iyan sagot.” “Totoo ba?” “Hindi ako kasali sa pang araw araw na desisyon ng kumpanya.” “Pero kasali ang stepsister mo.” “COO siya.” “Isang outsider na dinala rito matapos ang maraming taong pagkawala.” Nag iba

  • Both my Brothers Want Me   The Second Lap

    Mabilis na dumating ang race weekend, biglaan,napa kaingay at walang paki alam kung prepared ka. Pagdating sabado ng umaga ay buhay na ang Clark circuit dahil aa ingay ng makina, tawag sa mga radyo, carts na may gulong at ang amoy ngmainit na espalto. Suot ko ang official Montenegro racing uniform habang nakatayo sa pit wall, pilit na nagpapanggap na hindi ko naiisip ang gumamit sa identity ni Rafael. Hindi ko pa iyon sinabi sa kanya. Hindi dahil wala akong tiwala. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa isang taong muntik mawasaknang buhay dahil sa isang crash na may gumamit ng pangalan niya para sa isang suspicious transaction at maaring maging kriminal. "Ang telemetry sa turn 9 ay hindi stable", sabi ni Nico, ang race engineer. Nawawalan tayo bg two-tenths sa paglabas" "Tell him na ingayan niya ang rear tires". Tinignan ako ni Rafael. "Gusto mong ikaw na ang magcoach kay Rafael sa pagmamaho?" "Gusto ko lang na sabihin mo sa kanya kung anong nangyayaribsa kotse. Siya

  • Both my Brothers Want Me   Ang Pangalan sa Likod ng Bayad

    Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Pagsapit ng alas 2 ng madaling araw, pakiramdam ko parabg naging isang maliit na isla ang finance office ng Montenegro group, cold coffee at mga spreadsheet na naglalaman ng mga kasinungalingan ang kasama ko. Tahimik anv buong building. Pulut ulit kong binalikan ang anim na transfer na nakita ko sa forenseic review. 6 transfers sa loob ng 11 months. Magkakaiba ang amount, pero parehas ang trails, sapat na para hindi ito maflag, spat na halaga kapag pinag sama sama. Northstar logistics, Meridian Performance, Vela Stratevic Holdings, mga pangalang mukhang respectable, ang mga address ay sa makakit at naayos ang mga corporate filings, ngunit walang makitang tunay nanoperasyon. At lahat ng ito ay pare parehong dumaan approval chain Montenegro group. Binuksan ko ang file slast transfer. Nakalagay doon na ito ay para sa emergency procurement ng racing parts at walang motorsport license nag supplier. Walang wrehiuse athindi matawagan ang mga numero ng

  • Both my Brothers Want Me   Ang Nawawalang Pera

    End of the 2nd week, i learned na may kahina hinalang perang biglang nawawala.Nawawala ito paonti onti, ikinubli bilang consuling fee, expedited shipment, reimbursement at night, invoice ng supplier na hinati hati sa tatlong payment para hindi mapansin ng alinmang departamento ng kabuuang halaga.Matapos kumalat ang picture, naging parang presure cooker ang estate. Inutusan ni Eduardo ang legal team na magrelease ng statement na itinatanghi ang anumang klase ng conflict of interest. I refuse to do a romantic denial tungkol sa isanh bagay na hindi naman naganap. Hindi nagsalita si Rafael, na siya namang nagpalakas ng ingay ng mga headline.Meanwhile nasa bahay si Matteo, hindi maigalaw ang braso at nanganganib ang career dahil sa tinago niyang medical report.Hindi ko pa sinabi sa kanya na alam ko na. Ayon sa doktor siya mismo ang kailangang magsabi sa team. Galit ako sa kanya, natatakit din, at masakit para sa akin na makita siyang nagkukunwaring masaya at dinadaan lang sa biro ang p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status